Paki-skip na lang po kung ayaw nyong mabasa ang pagmamarites ko :)
Kung nabasa nyo na ang iba ko pang mga stories, malamang ay pamilyar sa inyo ang linyang...
“Kapag lumabas ka sa pintuang ‘yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.”
Hindi po yan nagkataon at hindi rin ako basta nag-uulit ng mga linyahan sa aking mga akda.
Nagkataon po na isa sa mga readers ko ay nagbahagi sa akin na may pangyayari sa buhay niya na kung saan ay nag-iwan sa kanya ng mapait na ala-ala dahil sa kaparehong linya.
Kung paano ko siya nakilala ay ibabahagi ko sa inyo nang pahapyaw– kagaya ng naipangako ko sa mga readers na ka-Marites ko sa chat.
***********************
Username_143 POV
After nang mahabang araw sa trabaho ay libangan ko na ang manood ng telenovela at magbasa ng mga sinusubaybayan kong mga nobela. Isa-isa kong tiningnan kung may mga authors na nag-update ng story nila.
“Uy, apat yung nag-update ah.” nangingiti kong bulong sa sarili.
Isa-isa kong binasa ang mga updated stories. Tatayo na sana ako ng makita kong kaa-update lang ni Kara Nobela. Isa sa mga sinusubaybayan ko ay ang story niya
Nakakatuwa yung mga bida, puro pakilig na lang simula Chapter 1, ngunit habang tumatagal ay parang nag-iiba yata ang takbo ng storya. Bakit parang nagkakaroon ng change of heart si guy? Kahit alam kong kathang-isip lang ito ay naiinis ako, pero parang nanuyo bigla ang aking lalamunan nang mabasa ang sumunod na linyang binitawan ng bidang babae
“Kapag lumabas ka sa pintuang yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan.”
Isang pamilyar na pakiramdam ang biglang nanumbalik sa aking dibdib. Unti-unting namuo ang luha sa loob ng aking mga mata, hindi lang dahil sa nabasa ko, kundi isang alaala ang bigla na lang nanumbalik sa aking isipan– ang aking masakit na nakaraan. Hindi ko na napigilan nang pumatak ang aking mga luha.
Matapos kong basahin ang chapter na yun ay hindi ko mapigilang magcomment.
Username_143: Yung umiiyak ako. Yang linya mo Ms. A na "Kapag lumabas ka sa pintuan na yan, hindi mo na ako makikita kahit kailan", naranasan ko yan.
Maya maya pa ay nakita kong nagreply si Miss A.
Kara Nobela: Sorry to hear that. Sana po ay okay ka na!
Napangiti naman ako.
Username_143: Been 10 years Ms. A. I am totally healed living with the happiness I deserved.
Ilang saglit lang ay nagreply muli si Miss A.
Kara Nobela: Dapat po pala ikaw ang pinagkakausap ko, baka marami akong ideyang makuha sayo :)
Muli na naman akong napangiti. Teka, check ko na lang ang F**** account niya. Mas maganda siguro kung dun kami magchat. Hinanap ko ang kanyang account at mabilis ko namang nakita. Nagmessage agad ako sa kanya.
Ella: Hi Miss Kara, I was the one who commented on that last update sa story mo regarding the line "Kapag lumabas ka sa pintuan na yan, hindi mo na ako makikita kahit kailan."
Ibinaba ko ang aking cellphone at muling itinuloy ang iba ko pang gagawin. Bago matulog ay sinilip ko muna ang aking messenger. Nakita kong nagreply si Miss A.
Kara Nobela: Ah.. Nice meeting you po.
Ella: Same here Ms. A. Keep writing ang gaganda ng stories mo.
Kara Nobela: Salamat po! :)
Ella: Anyway, thanks, dahil sa last update mo, nalinisan ang mata ko :)
Kara Nobela: Karamihan po kasi sa mga pinagsususulat ko ay galing sa totoong linyahan sa buhay.... Kaya share naman dyan lahat ng mga pighati nyo. Joke lang po.
Ella: Ahahaha! Pighati talaga?
Kara Nobela: Pag galit yung bidang babae, iisipin ko lang yung ex ko para mas maganda ang bitaw ng mga linya.
Ella: Yun talaga pinaka effective na hugutan Ms. A. One of these days Ms.A, I'll share my story, yung pighati ko 10 years ago :)
Kara Nobela: Sige po. Maraming salamat sa tiwala. Ikaw na ang next victim ko. I mean, next na female lead character.
Kahit kanina pa kami tapos mag-usap ni author ay nakatingin pa rin ako sa kawalan. Masaya na ang buhay ko ngayon ngunit sa tuwing maaalala ko ang nakaraan ay muling nanunumbalik ang mapapait at mga masasayang ala-ala.
**************
KARA NOBELA: Ang buong kabuuan ng libro ay hindi ang eksaktong nangyari sa totoong buhay pero ito ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat ng PLANNING HIS WEDDING (although ang health condition ni Ella at kung paano sila nagkakilala ay totoo pong nangyari) Wag po kayong mag-alala, happy ending po lahat ng isinusulat ko.
Challenge po para sa akin ito dahil medyo drama ito, at alam ninyong pangcomedy po ako. Isa pang challenge ay ang “Girl na iniwan si Guy dahil nagkasakit siya” – ay sobrang gasgas na sa mga nobela, pero na-touch talaga ako sa story ni Ella kaya ko ito gustong isulat. Hindi ko kasi akalain na nangyayari nga talaga ito sa totoong buhay. Kahit po marami itong katulad ay pipilitin kong gawan ng paraan para magkaroon ito ng sarili niyang identity.
Pasensya na po kung 2 chapters a day lang ang update ko. May kontrata na po kasi akong sinusunod ngayon. Promise may ending po ito :) Kung hindi po kayo fan ng putol putol na update, paki-hintay na lang po na ma-complete ito para mas ma-enjoy ninyo ang story.
My Books:
1. YOUR HERO YOUR LOVER (Completed)
2. CHASING DR. BILLIONAIRE (On-Going)
3. BOOK 3 (after kong matapos ang Planning His Wedding)
.
1. MY CEO’S REGRETS (Completed)
2. BOOK 2 (Soon!)
My books are rated 18+ which means hindi siya appropriate for younger audiences dahil mayroon itong nilalaman na sekswal o karahasan, kaya ito ay para sa may edad 18+. I also expect readers to be matured enough to understand that the themes and situations presented are intended for an audience capable of handling mature subjects. Hinihingi lang po ito ng sitwasyon. Para may options lahat ng readers. Natry ko na rin pong magsulat ng walang SPG, kaso marami pong nagalit, lol. So, paki-skip na lang kung di nyo bet ang chapters na may SPG.
Sa mga hindi naman nagustuhan ang ending ng mga stories ko at takbo ng mga kwento, pasensya na po, I'll do better next time. Baguhan pa lang ako at ilang months pa lang na nag-susulat, but I'm taking notes from all your feedback. I fully understand that readers invested their time and money in my stories.., and you have the right to express your thoughts. Whether your comments are positive or negative, I'm taking them as constructive critism to learn and improve for my future stories. Thank you for understanding and patience as I grow as a writer.
---KARA NOBELA---