Share

Chapter 2

Author: Rocel
last update Last Updated: 2026-02-19 22:56:55

Lalaine POV

Katatapos ko lang maglinis ng banyo at ng lahat ng opisina ng mga opisyales. Amoy kemikal pa ang mga kamay ko at nanunuot sa ilong ko ang halong bleach at amag na tila ba nakadikit na sa balat ko.

Kahit anong kuskos ko, pakiramdam ko hindi na mawawala ang amoy ng kulungan sa akin—parang marka na ng pagkatao ko.

Pagkatapos ko rito, kailangan ko namang labhan ang mga damit ng ibang preso. Hindi ko naman obligasyon, pero sino ba ako para tumanggi?

“Lai, pakisabay naman ’to,” sabi ng kanang kamay ni Mayora sabay lapag ng isang tambak na maruruming damit sa tabi ko. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Para lang akong parte ng sahig na maaari nilang tapakan.

Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa utos nilang lahat. Dito sa loob, ang may kapangyarihan ang nasusunod. At ako? Isa lang akong bilang.

Pero kahit sundin ko sila o hindi, masasaktan pa rin naman ako.

Napatingin ako sa salamin na nakakabit sa dingding ng banyo. Saglit akong napatigil. Ang laki na talaga ng pinagbago ng mukha ko. Sobrang payat ko na—halos umumbok na ang mga buto sa pisngi ko. Ang mga mata ko, dati’y may buhay, ngayo’y parang laging pagod. At ang mga pasa—kulay ube at dilaw—tila ba permanente nang nakapinta sa balat ko.

Tuwing Biyernes nila ako pinabubogbog ni Mayora. Utos daw iyon ng byenan ko. Syempre, sa mundong ’to, kapag may pera ka, kaya mong bumili ng katahimikan ng iba—kahit ng konsensya ng mga pulis.

Sabunot. Sipa. Sampal. Suntok. Kung anu-ano pang paraan para iparamdam sa akin na wala akong halaga. At ang pinakamasakit? Hindi ang mga sugat. Kundi ang katotohanang walang pakialam ang mga pulis. Nakatingin lang sila. Minsan pa nga, sila mismo ang sumasali.

Kaya pagdating ng Huwebes, pinapahinga ko ang katawan ko. Iniipon ko ang lakas ko. Hindi para lumaban—kundi para mabuhay.

Bakit pa ba ako nabubuhay?

Diyos ko… kung puro ganito lang ang mangyayari sa akin, mabuti pang kunin N’yo na lamang po ako. Nagmamakaawa po ako sa Inyo. Pagod na pagod na ako.

Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit sa dingding. Dalawang buwan na lang—anibersaryo na ng pagkamatay ni Louie.

At alam ko.

Alam kong doon nila ulit itotodo ang pagbugbog sa akin.

Para bang bawat taon, kailangan kong magbayad sa kasalanang hindi ko ginawa.

Sa tuwing ginagawa nila iyon, para akong nasa impiyerno. Lahat ng nakapaligid sa akin—walang awa. Walang puso. Para akong hayop na pinagpapasa-pasahan ng galit nila.

Minsan, iniisip ko… sana sa pagkakataong iyon, mamatay na ako. Para hindi na ako mahirapan nang ganito.

“Ama… please. Kunin Mo na po ako. Pero huwag Mo pong pababayaan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko.”

“Lalaine, mag-ingat ka dito ah. Sabagay, ito ang gusto mo. Sana makayanan mo pa. May pag-asa pa.”

Napalingon ako kay Elsa. Naka-ismid siya, pero kilala ko ang kaibigan ko. Alam kong naaawa siya. Hindi lang niya ipinapakita.

Isang linggo na lang, lalabas na siya ng kulungan.

Sa loob ng limang taon, siya ang naging katuwang ko rito. Siya ang nagtatakip sa akin kapag may sugat ako. Siya ang sumasalo sa akin kapag hindi na ako makatayo. Para ko na siyang kapatid.

Niyakap ko siya.

“Salamat sa lahat, Els. Sa pag-aalaga mo sa tuwing may sakit ako… sa tuwing nasasaktan ako. Sobrang mamimiss kita.”

“Asus! Nagdrama pa ang kaibigan ko!” natatawa niyang sabi. “Ano ka ba? Lagi kitang dadalawin dito. Gusto mo, magnakaw ulit ako ng pera para makasama mo ulit ako rito?”

Napatawa ako. Ilang sandali, nakalimutan ko ang sakit.

Niyakap niya ako nang mahigpit—at napadaing ako.

“May pilay ka na naman? At may bago ka na namang pasa…” bulong niya.

Ngumiti lang ako. Sanay na ako.

May kinuha ako sa bag ko—isang kwintas na ginto na may pusong hating pendant. Kalahati nasa akin. Kalahati… nasa kanya.

“May pakiusap ako sa ’yo. Pakisoli ’tong kwintas kung sakaling magkita kayo. Huwag mong sasabihin kung nasaan ako. Kung ano ang kalagayan ko. Mangako ka.”

Napayuko siya, pero tumango.

Ayoko nang malaman pa nila ang totoo. Ayokong madamay pa sila. Sapat nang ako ang nagdurusa.

Isang linggo na lang. Malapit na ang anibersaryo ng pagkamatay ni Louie.

At alam ko na ang kakahinatnan ko.

“Monticillo! May bisita ka!”

Napabalik ako sa reyalidad. Tumayo agad ako.

“Oh, ang aga naman ata ng byenan mo! Magkakapera na naman kami!” biro ng isang preso.

Humugot ako ng malalim na hininga at naglakad palabas.

Pero hindi ang byenan ko ang nakita ko.

“Kumusta, Iha?”

Napangiti ako nang makita ko sina Tyong at Tyang. Agad akong nagmano.

Sila ang kapatid ng nanay ko. Simula nang maulila ako, sila na ang naging magulang ko.

“Ikaw ang kumusta?” sabi ni Tyang, hawak ang kamay ko. “May mga sariwa ka na namang sugat…”

Napangiti ako nang mapait.

“Malapit na naman ang delubyo mo, Iha,” sabi ni Tyong.

“Tyang… Tyong… kamusta na po sila?” nanginginig kong tanong.

May inilabas silang larawan.

Dalawang batang lalaki. Naka-uniform. Nakangiti.

Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang litrato.

“Nag-aaral na po sila?”

Tumango si Tyang.

“Oo, Iha. Ang gagaling nila. At palagi kang hinahanap.”

Parang may pumutok sa dibdib ko.

Dito ko sila ipinanganak. Dito ko sila huling nahawakan—mga sanggol pa lang sila noon.

Sila ang dahilan kung bakit hindi ako nagsasalita. Kung bakit hindi ko ipinagtatanggol ang sarili ko.

Dahil kapag ginawa ko iyon, baka sa kanila ibaling ang galit ng pamilya ni Louie.

Ayokong masaktan sila.

Mas gugustuhin kong ako na lang ang masaktan.

“Iha… gusto ka nilang makita,” mahina ni Tyang.

Napapikit ako.

Gusto ko rin silang makita. Gusto ko silang yakapin. Amuyin ang buhok nila. Sabihing mahal ko sila.

Pero alam kong hindi na mangyayari iyon.

Ramdam ko na ang nalalapit kong katapusan.

“Iha…” nanginginig ang boses ni Tyong. “Kung sakaling may mangyari…”

Ngumiti ako.

“Alagaan n’yo po sila.”

Tumango sila, umiiyak.

Pagbalik ko sa selda, yakap ko pa rin ang larawan ng kambal ko.

Mga anak ko… patawarin n’yo si Mama.

Hindi ko kayo kayang iligtas nang hindi kayo inilalagay sa panganib.

Kung sakaling ito na ang huling taon ko… sana balang araw maintindihan ninyo.

Humiga ako sa malamig na semento.

Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, hindi ako natatakot para sa sarili ko.

Natatakot ako para sa mga anak ko.

Kung may natitira man akong lakas, iyon ay para sa kanila.

At kung may natitira man akong dasal—

Ito ay para sa kaligtasan nila.

Kahit kapalit pa ang buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Playful Destiny    Chapter 7

    Jeric POVAraw ng kasal ko.Nakasuot ako ng itim na tuxedo, maayos ang ayos ng buhok, at perpekto ang pagkakatali ng kurbata ko. Sa salamin, mukha akong handa—handa sa bagong yugto ng buhay. Handa sa panghabambuhay na pangako.Pero bakit parang hindi handa ang puso ko?Nakatayo ako sa harap ng bintana ng bridal suite ng simbahan. Mula roon, tanaw ko ang malinis na bakuran, ang mga bisitang dumarating, ang mga sasakyang sunod-sunod ang pagparada. Lahat abala. Lahat masaya.Malalim ang iniisip ko..Bakit ako naguguluhan sa nararamdaman ko ngayon? Hindi ba’t mahal ko na si Arianne? Siya ang pinili ko. Siya ang pakakasalan ko. Siya ang babaeng makakasama ko habang buhay.Pero bakit simula nang muli kong makita si Lai… hindi na siya maalis sa isipan ko?Kahit sa panaginip, dinadalaw pa rin ako ng mga alaala namin. Mga panahong kami pa. Mga panahong buo ako.Palagi ko siyang naiisip.At sa tuwing nakikita ko siya—kahit saglit lang—parang buo na ulit ang araw ko. Parang may kulay ang paligi

  • Playful Destiny    Chapter 6

    Lalaine POV“Anong nasa isip mo, Lai?” tanong sa akin ni Elsa kaya napatingin ako sa kanya.Umiling lang ako, pero ang totoo, ang nangyari kahapon ang laman ng isip ko.Nasasaktan ako sa nalaman ko tungkol kay Jeric. May mapapangasawa na pala siyang iba, at kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano niya kamahal ang fiancée niya.Kilala ko si Jeric. Alam ko kung paano siya tumingin kapag nagmamahal, at iyon mismo ang nakita ko sa kanya kahapon habang kasama niya si Arianne.Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Mahigit limang taon na kaming hiwalay, at sobra-sobra ko siyang nasaktan noon.Mas dapat pa nga akong magpasalamat dahil tinutulungan niya ako sa kaso ko, kahit wala na siyang obligasyong gawin iyon.Siguro mas nararapat na maging masaya na lang ako para sa kanya. Napakasakim ko naman kung ipagkakait ko pa ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.Tama siya—Attorney at akusado na lamang ang relasyon namin. Iyon na lang. Kaya niya siguro ako tinutulungan dahil naaawa siya sa akin… o dah

  • Playful Destiny    Chapter 5

    Jeric POVIsang linggo na ang nakalipas mula nang ilabas ko si Lalaine sa kulungan at dalhin sa ospital.Na-comatose siya dahil sa matinding pagpapahirap sa kanya. Pero ayon sa doktor, nagising na raw siya dalawang araw na ang nakakalipas.Minsan lang akong dumalaw. Busy ako sa paghahanda ng engagement party namin ni Arianne. Hindi ko muna pinaalam sa mga barkada ko ang nangyari. Ayokong madamay sila sa kasong haharapin ko para kay Lalaine.After ng party, babalik muna si Arianne sa America. Kailangan ko siyang ilayo sa gulo. Protektahan.Dahil alam ko ang sarili ko.Kapag siya ang nasaktan… baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Baka hindi lang kaso ang kaharapin ko—baka dugo na.At ubusin ko ang lahat ng Monticillo.Papunta ako ngayon sa hospital.Kailangan kong kausapin si Lalaine. Kailangan ko ng buong detalye. Kailangan ko ng ebidensya para tuluyan siyang makalaya.Pagdating ko sa ICU floor, sinalubong agad ako ni Elsa.“Pinatulog po siya, Atty. Jeric,” mahina niyang sabi.“Kapag

  • Playful Destiny    Chapter 4

    Jeric POVI’m finally back in the Philippines—for good.Matagal ko ring inisip kung babalik pa ba ako dito.Too many memories. Too many ghosts. Pero ngayon, iba na ang dahilan ko. Nandito ako hindi para balikan ang nakaraan, kundi para simulan ang bagong buhay ko kasama ang fiancé ko.Bibisitahin namin ang pamilya ko. Gusto naming magkaroon ng formal engagement party bago ang kasal. Hindi lang simpleng salu-salo—kundi isang engrandeng pagtitipon para ipakilala ko si Arianne sa lahat. Sa mga kaibigan ko. Sa mga kamag-anak. Sa mundo ko.Nasa loob kami ng kotse papunta sa hotel. Doon muna kami magpapahinga ngayong gabi, pero bukas lilipad kami papuntang Cebu. Doon ko gustong magpakasal. Sa simbahan. Simple pero solemn. Ayoko ng civil wedding lang. Gusto ko may basbas ng Diyos.“Babe, ano iniisip mo?” malambing na tanong ni Arianne habang hawak ang kamay ko.Napangiti ako at mabilis ko siyang hinalikan sa labi. She smiled back at me, her eyes soft and full of warmth.She’s so beautiful. H

  • Playful Destiny    Chapter 3

    Lalaine POV Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin, sinusuklay ang buhok ko habang pinagmamasdan ang sarili. Suot ko ang bestidang kulay pula, mula sa baba ng tuhod hanggang sa balikat, mabigat ang tela at nakakapit sa katawan ko. Pinagpaguran ko ang bawat galaw ko, pero ramdam ko pa rin ang sakit sa bawat bahagi ng katawan ko. May mga pasa at galos na nagtatago sa ilalim ng tela, at halos hindi ko na maalis sa isip ko ang mga nangyari sa akin kahapon.May pabango rin akong isinunod sa akin, mabango pero kakaiba ang pakiramdam. Parang sinasabi nito sa lahat: “Narito siya, handa na para sa kasiyahan nila.” Ngunit alam kong ang kasiyahan na iyon ay kapalit ng aking katawan at dignidad. Sa limang taon ng pagdurusa at pagkakakulong, sanay na ako sa sakit, pero hindi ibig sabihin na masaya ako rito. Pagod na ako.“Monticillo! Andayan na ang byenan mo, namimiss ka na!” sigaw ng isang pulis, sabay tawa ng iba.“Naku! Mamaya fiesta na naman to! Hoooh!” dagdag pa ng isa.Ang mga tawa ni

  • Playful Destiny    Chapter 2

    Lalaine POV Katatapos ko lang maglinis ng banyo at ng lahat ng opisina ng mga opisyales. Amoy kemikal pa ang mga kamay ko at nanunuot sa ilong ko ang halong bleach at amag na tila ba nakadikit na sa balat ko. Kahit anong kuskos ko, pakiramdam ko hindi na mawawala ang amoy ng kulungan sa akin—parang marka na ng pagkatao ko.Pagkatapos ko rito, kailangan ko namang labhan ang mga damit ng ibang preso. Hindi ko naman obligasyon, pero sino ba ako para tumanggi?“Lai, pakisabay naman ’to,” sabi ng kanang kamay ni Mayora sabay lapag ng isang tambak na maruruming damit sa tabi ko. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Para lang akong parte ng sahig na maaari nilang tapakan.Tumango na lang ako. Wala naman akong magagawa kundi sumunod sa utos nilang lahat. Dito sa loob, ang may kapangyarihan ang nasusunod. At ako? Isa lang akong bilang.Pero kahit sundin ko sila o hindi, masasaktan pa rin naman ako.Napatingin ako sa salamin na nakakabit sa dingding ng banyo. Saglit akong napatigil. Ang la

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status