แชร์

Chapter 48

ผู้เขียน: Lilian Alexxis
last update วันที่เผยแพร่: 2026-06-27 22:50:37

Napilitang pumasok si Cielo sa JNQ Motors matapos siyang makatanggap kahapon ng text message mula kay Engr. Enzo, nagloloko raw ang transmission ng prototype at ayaw nilang pakialaman ang makina nang walang approval niya. Sinabihan niya ang lalaki na ngayong araw na lamang nila tingnan ang problema ng makina dahil darating siya.

Dahil hindi pa tapos ang pagpipintura niya sa kanyang sasakyan, napilitan siyang mag-commute mula sa kanilang subdivision. Tatlong sakay iyon, pero ang pinaka-challengi
Lilian Alexxis

Ano pong masasabi ninyo sa takbo ng story?

| 5
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 50

    “In your dreams!” inis na inis na sagot ni Cielo habang itinutulak ang mukha ng lalaki palayo sa kanyang tainga.Pikon na hinawakan ni Nathan ang mga kamay ng babae at mas inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha nito. “Yes, for fucking four years since you left, I always have wet dreams with you,” nakatiimbagang na sagot nito.“Yuck!” Umangat ang isang sulok ng labi ni Nathan. “Yuck? Maybe you want to try it again tonight. Just make sure na pangalan ko lang ang lalabas sa bibig mong iyan!”“A-Ano?” Tumaas na ang boses ni Cielo. “Hindi pa ba sapat na sinampal mo ako sa harap ng asawa mo, kaya ngayon naman ay binabastos mo pa ako?”Kumunot ang noo ni Nathan. “Sinampal kita noon dahil alam kong sinadya mong itulak si Isla at nagkukunwari kang inosente. Paano kung may nangyaring masama sa kambal?”Iniiwas ni Cielo ang tingin sa lalaki. Totoo namang sinadya niyang itulak ang babae. “H-Hindi ko naman alam na buntis siya.”Napahawak si Nathan sa kanyang ulo sa sobrang frustration. “You coul

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 49

    “Sky, ingat sa pagtakbo, anak, baka madapa ka!” habol ni Cielo sa anak na excited na tinakbo ang open field ng parke ng isang mall sa Sta. Rosa. “Habol mo po ako, Mommy!” sigaw ni Sky na tuwang-tuwa.“Sige, maghabulan kayong mag-ina. Dito lang ako uupo,” natatawang sabi ni Criselda na nakahanap ng bakanteng bench.Napapikit si Cielo para makapagtimpi sa anak. Pumayag na nga siyang makipagkita sa kaibigan ng anak na tinatawag nitong Daddy, tapos paghahabulin pa siya nito dito sa park. Ano kayang amoy niya kapag humarap sa lalaki?Tumakbo pabalik sa kanya si Sky nang makitang nakapameywang na lang siya. “Mommy, bakit ayaw mo akong habulin?”“Ayaw kong mabasa ng pawis, anak,” katwiran niya.“Bakit po, Mommy?” tanong ulit ng bata.“Kasi ime-meet pa natin ang friend mo ng lunch, eh ‘di nakakahiya naman kung basa ako sa pawis,” paliwanag niya.“Mabango ka naman po kahit basa ng pawis, Mommy, kaya okay lang po iyon,” nakangiting pangangatwiran ni Sky.Napangiwi naman si Cielo sa sinabi ng a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 48

    Napilitang pumasok si Cielo sa JNQ Motors matapos siyang makatanggap kahapon ng text message mula kay Engr. Enzo, nagloloko raw ang transmission ng prototype at ayaw nilang pakialaman ang makina nang walang approval niya. Sinabihan niya ang lalaki na ngayong araw na lamang nila tingnan ang problema ng makina dahil darating siya.Dahil hindi pa tapos ang pagpipintura niya sa kanyang sasakyan, napilitan siyang mag-commute mula sa kanilang subdivision. Tatlong sakay iyon, pero ang pinaka-challenging ay ang paglalakad mula sa gate ng JNQ hanggang sa main building. Mabuti na lamang, nagmaong at rubber shoes siya noong araw na iyon. Naisip tuloy niyang kapag binigyan siya ulit ng karagdagang 10% sa kabuuang halaga ng proyekto, bibili siya ng bagong SUV para may pamalit sa kanyang sasakyan sa ibang araw.Pagpasok niya sa kanyang opisina, bumungad sa kanya ang amoy ng kape sa buong silid. Napatingin siya sa coffee nook area kung saan may isang brown bag at mainit na kape na binili sa isang si

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 47

    Nagdesisyon si Cielo na hindi muna pumunta sa JNQ Motors noong sumunod na araw upang maiwasan ang CEO. Kailangan niyang matutunang huwag pansinin at huwag nang madala sa mga pakulo ng lalaki. Pinaalalahanan niyang muli ang sarili na partners na lamang sila sa project at wala nang dapat lumampas doon. “Mommy, hindi ka po magwo-work today?” nagtatakang tanong ni Sky sa ina habang binabantayan si Cielo sa loob ng workshop garage niya.Nakahiga sa ilalim ng sasakyan si Cielo at may sinisilip sa makina. Napilitan siyang mag-slide palabas para sagutin ang anak.“May sira kasi itong car natin, kaya aayusin ko muna,” paliwanag niya. "Ano pong sira?" curious na tanong nito, habang yumuyuko pa para makita ang ilalim."May kalampag eh," sagot naman ng ina. “Mamaya hindi ka na puwede rito kasi maalikabok na.”Humaba ang nguso ni Sky. “But I want to help you, Mommy!”“You can help me kapag makina ang inaayos ko by giving the tools that I need, pero mamaya baby, sisimulan ko na ang repainting ng

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 46

    Nanigas ang katawan ni Cielo. Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi mula sa pagkakabigla. Buong lakas niyang itinulak ang lalaki, pero hindi man lamang natinag sa pagkakayakap sa kanya. “Mr. Quinn, let go of me, or I will file a harassment case against you,” buong tapang niyang babala.Napapikit si Nathan. Kinalma ang sarili. Pagkuwan, nanlulumo niyang binitawan si Cielo. “I’m very very sorry, Darling,” bulong niya.Bago pa makalayo si Cielo, tumayo na ang lalaki at lumabas ng opisina niya. Napabuntong-hininga ang babae, sinusubukang mawala ang mabigat na tila nakadagan sa dibdib niya.Napalingon siya sa pagkaing nakahain sa mesa at parang nag-replay sa kanya ang masasayang araw nilang magkasama ni Nathan. Ang mga pagkaing kanilang pinagsaluhan, marangya man o kahit cup noodles lang. Bumuhos ang luha mula sa kanyang mga mata at hindi na niya mapigil ang patuloy nitong pagbagsak. Pumasok siya sa banyo para maghilamos, pero patuloy pa rin ang pag-iyak ng kanyang mga mata. Nagb

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 45

    Bago pa tumulo ang kanyang laway sa nakikita, inilipat niya ang kanyang paningin sa hilera ng pagkain sa counter ng canteen. Nagkunwari siyang hindi naapektuhan sa patuloy na pagsasayaw ng grupo sa kanyang likuran kahit pa parang nanatili na sa kanyang isipan ang paggiling ni Nathan na walang pang-itaas na damit.Napalunok siya. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya dapat magpaapekto sa muling pagku-krus ng landas nila ng lalaki dahil purely business na lamang iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo at pinaalalahanan ang sarili. Kahit hindi lumilingon sa mga nagsasayaw, sa tingin niya ay tuloy pa rin ang mga iyon, kaya nag-take out na lamang siya ng lomi para hindi na mapanood ang mga lalaki, lalo na si Nathan na hindi niya alam kung bakit nakikigaya sa kalokohan ng ibang engineer sa planta.Nagkunwari siyang busy sa binabasa sa cellphone upang hindi makita ang mga lalaking nagkakatuwaan pa rin sa pagsasayaw.Palabas na siya ng pinto nang tawagin ni Felix ang kanyang pangalan.“San

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 04

    Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 03

    “Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 02

    Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status