ANMELDENPinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.
Sabay pang gumala ang kanilang mga mata sa mukha ng bawat isa na para bang iinaalam kung may nagbago sa kani-kanilang hitsura.
Ayos na ayos ang itim na itim na buhok ng lalaki. Ang mukha ay parang nililok ng Bathala na Kanyang kawangis. Apat na taon na ang nakararaan mula nang huli niyang nakita ito, pero halos hindi man lamang ito tumanda at hindi niya mapagkakaila na sobrang guwapo pa rin ang lalaki.
“Engineer San Juan,” pagtawag ni Nora sa kanyang atensyon, kaya mabilis niyang inilipat ang tingin sa babae upang makabawi rin mula sa pagkakabigla. Tipid itong ngumiti sa kanya bago muling nagsalita. “This is Engineer Jamie Nathaniel Quinn, Chairman and CEO of JNQ Group of Companies.”
Narinig ang magkakaibang reaksiyon ng mga tauhan sa paligid. Ngayon lamang nakita ng karamihan sa kanila ang mukha ng Chairman at CEO dahil hindi naman niya gawaing magtungo sa production site, at kung darating man ay sa opisina lamang siya naglalagi.
Napilitan si Cielo na ibalik ang tingin sa lalaki. Hindi naman binawi ni Nathan ang titig sa kanya at tila handa siyang makipagtitigan kahit abutin pa sila ng magdamag.
“Finally, we met,” malalim ang boses na sabi ni Nathan. Tila pinalalabas sa lahat na ngayon lamang sila nagkakilala.
Pagkarinig niya sa malalim na boses ng lalaki agad nagtayuan ang maliliit na buhok sa katawan ni Cielo. Pakiramdam na kailanman ay hindi niya nakalimutan sa tuwing magsasalita noon ang lalaki gamit ang malalim na boses nito.
Seryoso ang mukha ng CEO, ngunit hindi nakalagpas kay Cielo ang bahagyang pagsingkit ng mga mata ng lalaki na tila nang-aasar na para bang sinasabing nakita niya na may epekto pa rin siya sa kanya.
Pero hindi na siya ang dating Cielo, kaya tinuwid niya ang kanyang pagkakatayo at bahagya siyang humakbang ng isa sa kanyang likod para lagyan ng mas malaking espasyo ang pagitan nila. Wala siyang planong magpatalo sa lalaking ito sa harap niya.
Bahagyang dumilim ang mukha ni Nathan sa ginawang paghakbang ni Cielo palayo sa kanya.
Umangat ang dalawang kilay ni Cielo, napagtanto niya na ilang buwan silang nagkasama pero ngayon lamang niya nalaman ang buong pangalan ng lalaki. Hindi niya napigilang lihim na hamakin ang sarili sa pagiging sunud-sunuran noon. Kung alam lamang niya ay proposal ng ibang kumpanya ang kanyang tinanggap.
Tumikhim ang lalaki at bumalik ang atensyon ni Cielo rito. Nakalahad pala sa harap niya ang kamay ng CEO para sa isang handshake. Naalangan ang babae na tanggapin iyon para makipagkamay.
Naisip niya na hindi na dapat niyang hawakan ang kamay na iyon at kailangan na niyang mag-alsa balutan muli dahil iyon ang pinakamabuti niyang gawin upang talikuran ang nakaraan.
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga nasa pantry. Ang iba ay naghahagikgikan na dahil iniisip nila na natulala na ang babaeng engineer sa mala-greek god na nakatayo sa kanyang harapan, habang ang ilan ay sinasabing nagiging bastos siya.
Napilitan siyang makipagkamay sa CEO para ipakita na isa siyang propesyunal. Tumahimik muli ang buong pantry.
Kumunot nang bahagya ang kanyang noo nang maramdamang mahigpit na pinisil ng lalaki ang kanyang kamay at saka bahagyang yumuko para ilapit ang mukha sa kanya.
“I sincerely apologize for my absence during the contract signing. Nonetheless, I trust that the terms and contents of the contract meet your expectations and satisfaction,” seryoso pa ring sabi ni Nathan.
“I… I understand,” kinakabahang sagot ni Cielo na iniiwas pa nang bahagya ang kanyang tingin bago mabilis na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki.
Nanatili namang seryoso ang mukha ng CEO na parang walang ginawang kakaiba.
Agad niyang naintindihan na ipinapaalala ni Nathan na hindi siya basta-basta makakaalis ngayon dahil pumirma siya ng kontrata. Na iba na ang sitwasyon ngayon.
Patago niyang kinurot ang tagiliran upang paalalahanan ang sarili na kailangan niyang maging matatag at magkunwaring hindi apektado. “There is no need to apologize, Mr. Quinn.”
Umigting ang panga ni Nathan sa narinig na pagtawag sa kanya ng babae. Ipinaling niya ang kanyang ulo at saka sinenyasan si Enzo nang hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Cielo. “The prototype was delivered yesterday. Can you give us a short briefing about the project?”
“Of course, Sir,” mabilis na sagot ng babae kahit pa nagsimula na siyang mainis dahil ang akala niya ay aalis na ang CEO pagkatapos nitong makipagkamay sa kanya.
Agad nagpauna maglakad si Enzo upang ituro kung saan nakatago ang prototype. Muntik pang magkabangga ang katawan nina Nathan at Cielo nang pareho silang humakbang para sana sumunod sa lalaki.
Iminwestra ni Nathan ang kamay sa kanyang harapan upang paunahin maglakad si Cielo. Sandaling natigalgal ang babae sa ginawa ng lalaki. Naisip niya na kaya naman pala maging gentleman ng lalaki.
Pagpasok nila sa isang malaking warehouse, nakaparada roon ang isang prototype na sasakyan. Ito ang mismong model na ginamit ni Cielo upang ipakita na kayang paandarin ng renewable energy ang isang pinagsamang off-road at amphibian vehicle. Mas maliit ito kumpara sa dapat na sukat sa kanyang thesis, pero nagpapasalamat siya na kinilala pa rin sa World Auto Expo ang kanyang imbensyon.
Sandali niyang ipinaliwanag ang kakayahan ng sasakyan at habang nagsasalita siya ay taas-noong nakikinig si Nathan sa babae. Noon lamang niya nakitang magpaliwanag ng pormal si Cielo tungkol sa kanyang proyekto nang harap-harapan at hindi niya naiwasang humanga pa lalo sa kakayahan nito.
Nang matapos magsalita si Cielo ay sabay na pumalakpak sina Nathan at Nora, kaya sumunod na ring nagpalakpakan ang lahat ng naroon.
“You may now all go back to work,” biglang sigaw ni Nora, kaya agad tumalikod ang lahat at sabay-sabay na lumabas ng silid.
Akmang hahakbang si Cielo papalabas para sumunod sa mga tauhan nang marinig niya ang boses ni Nathan.
“Engineer San Juan…”
Napahinto siya sa paghakbang at agad itinuwid ang tayo. Nagsimulang sumibol ang munting kaba sa kanyang dibdib habang tinitingnan ang lahat na lumalabas ng warehouse na iyon. Pero boss na niya ulit si Nathan, kaya pumihit siya nang dahan-dahan para harapin ang lalaki.
“Can you show me the interior of the car?” seryosong sabi ng lalaki, kaya napilitan siyang humakbang pabalik sa sasakyan.
Binuksan ni Nathan ang pinto sa driver’s seat at saka pinaupo roon si Cielo. Sumunod naman ang babae. Inayos niya ang kanyang pagkakaupo at nahigit niya ang kanyang hininga nang bigla na lamang dumukwang si Nathan sa loob at ngayon ay magkalapit na magkalapit na ang kanilang mga mukha.
Malapit nang magtanghalian nang marating nila ang Nagoya. Nagtatatalon sa tuwa si Sky pagkakita sa paborito niyang laruan bilang isang napakalaking theme park. Sa hotel sa loob ng theme park sila tumuloy at nanlalaki ang mga mata ng bata sa pirate design ng kanilang silid. “You’re the best daddy ever!” sigaw ni Sky pabalik sa ama para yakapin.“Am I?” nakangiting tanong ni Nathan na yumuko para damputin ang anak at buhatin.“Super!” ani Sky bago nilingon ang ina. “And mommy is the best mommy in the whole world!”Tawang-tawa ang mag-asawa sa sinabi ng bata. Iniwan lang nila ang kanilang bagahe sa kanilang hotel room at nagpasya na silang mamasyal. Lahat ng rides na puwedeng sakyan ay hindi pinalagpas ni Sky at nagsalitan na lamang ang mag-asawa sa pagsama sa kanya sa bawat ride kapag pandalawahan lang ang upuan. Wala ring hinto ang bata sa pagpapa-picture sa mga nakikita nitong giant lego. “Are you sure bibilhin natin lahat iyan?” aburidong tanong ni Cielo kay Nathan sa loob ng shop
Mula sa pagkakaharap sa floor-to-ceiling glass wall, umikot si Cielo at iniyakap ang braso sa puwesto ni Nathan sa pag-aakalang natutulog pa ang mister. Ngunit bakante na ang tabi niya. Bahagya pa siyang inaantok, pero idinilat na niya ang kanyang mga mata. Natanaw niya ang anak sa kabilang kama na natutulog pa rin.Naupo siya at hindi na siya nagtaka na maayos niyang suot ang kanyang ternong pajama, na isa-isang hinubad sa kanya ng mister niya kagabi. Natigilan siya nang maalala niyang nakatulugan niya si Nathan habang humihirit ito ng ikalawa. Ang tangi na lamang niyang natatandaan ay pinipisil-pisil ng lalaki ang kanyang korona habang gumagapang ang mga labi nito sa kanyang balikat. Nanlaki ang kanyang mga mata at napatakip sa kanyang bibig gamit ang isang palad. “Ang bastos ko sa asawa ko!” Napatayo siya at marahang binuksan ang pinto ng silid. Napakunot ang noo niya nang makita sa living room ang nakatalikod niyang mister at abalang nag-eempake.“Nate?” mahina ang boses at nagt
“I love you, Daddy!”Tatlong ulit na iyong sinasabi ni Sky sa ama habang sakay sila ng inupahang service ni Nathan pabalik sa hotel. At sa tuwing sinasabi iyon ng anak, kitang-kita ang ligaya sa mukha ng lalaki.“Are you happy, Bubba?” tanong ni Cielo sa anak na nagsisimula nang bumaba ang energy.Tumango ito. “Thank you po sa surprise, Daddy!”Lumawak ang ngiti sa labi ni Nathan. “May surprise ba bukas.”Nanlaki ang mga mata ni Sky. Mula sa kandungan ng ina ay lumipat ito sa ama at saka bumulong. “Ano pong surprise bukas?”Napahalakhak si Nathan. “Kapag sasabihin ko sa iyo ngayon, hindi na iyon surprise.”“Babalik po tayo sa Disney?” namimilog ang mga matang tanong ng bata.“Not this year, son. Unless may business trip ako dito at libre si Mommy. Babalik tayo doon,” alanganing paliwanag ni Nathan, sa pag-aakalang magmamaktol ang anak.“Promise po?” excited na agad na tanong ni Sky.“Promise is a promise, son,” seryosong sabi ni Nathan. “Tutuparin ko lahat ng pangako ko sa iyo.”Nakang
Pasado alas-dose na ng madaling-araw sa Tokyo nang matapos ni Nathan i-review ang dalawang proposal at inaprubahan sa pamamagitan ng email. Pagpasok niya sa kanilang silid, nakatulog na ang kanyang mag-ina habang magkayap. Napasandal siya sa hamba ng pintuan at ilang minutong pinaglunoy ang mga mata sa perpektong eksenang nakikita. Ito ang pangarap niya: makasama ang dalawang pinakaimportanteng tao ngayon sa buhay niya—ang sarili niyang pamilya.Ang kanyang orihinal na plano na ilipat ang anak sa double bed ay hindi na niya itinuloy. Maingat siyang nahiga sa kabilang panig ng anak at iniyakap ang kanyang mahaba at matipunong braso sa kanyang mag-ina. Agad niyang naramdaman ang pagkalma ng kanyang isipan, at hindi nagtagal, iginupo na rin siya ng antok at pagod.Nang magising si Nathan, nag-iisa na lamang siya sa kama. Sumisilip na ang liwanag ng araw sa siwang sa gilid ng makapal na kurtina sa hotel room nila. Narinig niya ang mahinang tunog ng cartoons sa TV sa living room. Napating
Nagyaya na si Cielo na bumalik sa hotel nang mapansing pagod at inaantok na ang anak. Hirap na rin sila sa pagbitbit ng mga napamili. Mabuti na lamang, madali lang ang pag-commute sa Tokyo gamit ang subway. Hindi rin nahirapan ang mag-asawa dahil pareho silang nakakaintindi at kahit paano ay nakapagsasalita ng Japanese Language. Si Cielo ay nag-aral ng lengguwahe bilang paghahanda sa kanyang pagsali sa expo noon, habang si Nathan naman ay natuto dahil may mga kliyenteng Hapon.Pagkasayad ng likod ni Sky sa kama, mabilis na nakatulog ang bata. Pinatakan pa ni Nathan ng halik ang noo ng anak bago tinanggal ang suot na rubber shoes ng bata. Pinunasan muna ni Cielo ng wipes ang mukha ng anak, pati ang mga braso at kamay, bago binihisan ng pantulog para maginhawaan ang katawan. Lumabas naman si Nathan sa living room, nagbukas ng TV, at tiningnan kung may magandang movie. Nang may makitang magandang palabas, bumalik siya sa silid para yayain manood ang misis.“May magandang movie sa ClickF
“Nate, ang sabi mo magbabakasyon tayo,” malumanay na saway ni Cielo sa kanyang mister na nasa katabing upuan dahil mula nang makalipad ang private plane ng JNQ Group of Companies ay hindi na rin tumigil sa pagbabasa sa kanyang laptop ang lalaki.Inakbayan siya ng lalaki at saka pinatakan ng halik ang kanyang sentido. “Tapusin ko lang basahin itong mga contract and proposal.”“Sana tinapos mo muna ang mga iyan,” mahinang sabi ni Cielo.“I’m sorry, Darling. Kapag hindi ko kasi ni-review ang mga ito, hindi na ako papayagan ni Nora sa susunod na magbakasyon nang biglaan,” paliwanag ni Nathan. “At ayaw ko rin namang natatambakan ng trabaho.”Tiningnan ni Nathan ang natutulog na anak na kalong-kalong ng kanyang misis. “Nangangawit ka na ba?”Umiling si Cielo. “Okay lang.” “May room sa likod. Puwede kayong mahiga doon.”“Dito lang kami sa tabi mo,” ani Cielo na pumikit na rin lang. Komportable naman ang upuan nila dahil kasinglaki iyon ng reclining chair, kaya hindi nakakangawit kahit na
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







