Compartilhar

Chapter 06 

last update Data de publicação: 2026-06-05 00:07:16

Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon.

Nagtama ang kanilang paningin at hindi mapigilan ni Nathan na titigan ang mukha ng babae na para bang may makakatakas sa kanyang paningin sakaling kumurap siya. Sa apat na taong nagdaan, ngayon lamang niya muling naramdaman ang isang pamilyar na pakiramdam. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ni Cielo na laging nanunukso sa kanya noon na angkinin.

Idiniin ni Cielo ang kanyang ulo sa headrest ng upuan para dagdagan ang espasyo sa pagitan ng bawat mukha nila ni Nathan. Naisip niya na sakaling siilin siya ng halik ng lalaki sa loob ng sasakyan, siguradong sukol siya dahil masikip at wala siyang matatakbuhan, kaya napapikit na lamang siya.

Hindi nagtagal, napansin ni Cielo na hindi na niya maamoy ang pabango ng lalaki. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata. Napauwang ang mga labi niya nang makita ang papalayong bulto ni Nathan habang papalabas ng malaking silid na iyon. Napakunot ang noo niya sa ginawang pag-iwan sa kanya ng lalaki nang mag-isa.

Pagkuwan ay napakibit-balikat siya at saka pinaalalahanan ang sarili, “Parang hindi mo kilala ang ugali niya.”

Bumaba siya ng sasakyan at saka isinara ang pinto bago sinigurong naka-lock ang prototype. Tahimik siyang naglakad palabas at nagpasyang bumalik na lamang muna sa kanyang opisina.

Naglalakad siya sa pasilyo nang mag-ring ang kanyang cellphone. Nang silipin niya kung sino ang tumatawag, mabilis na puminta ang isang ngiti nang makita ang pangalan ng anak sa screen.

Pinihit muna niya ang half dummy ng pinto ng kanyang opisina bago sinagot ang tawag.

“Hello, my love!” malambing niyang bati na sinabayan pa ng napakatamis na ngiti.

“Mommy! Puwede po ba kami magpunta ni Lala sa mall?” malambing na tanong ni Sky.

“May kailangan ka bang bilhin sa Mall?” balik-tanong niya sa bata.

Umiling muna si Sky sa kabilang linya. “Wala po pero I want to go to the Toy Store!”

“Sige na po, Mommy. Please!”

Pumasok si Cielo at saka isinara muli ang pinto. Pagpihit niya para pumunta sa kanyang mesa, halos mapalundag siya sa gulat nang makitang prenteng nakaupo sa couch si Nathan at madilim ang tingin sa kanya.

“Can I call you back later?” bulong niya sa kanyang kausap habang nakikipaglaban siya ng tinginan kay Nathan.

“Mommy?”

Inilapit pa niya lalo ang kanyang bibig sa phone. “I love you! I’ll call you back, promise!”

Mahina man ang boses ng babae ay narinig lahat iyon ni Nathan at parang gusto niyang manapak ngayon sa inis. Napatayo siya mula sa couch at inilang hakbang lamang si Cielo na napako na sa kinatatayuan niya.

Napaatras si Cielo ngunit sumagi na ang kanyang likod sa kahoy na pinto. Umiigting naman ang panga ni Nathan na nilapitan ang babae at saka itinukod ang dalawang kamay sa bawat gilid ng ulo ng babae.

Sa tangkad na 6 feet and two inches at sa laki ng kanyang katawan, kulong na kulong ni Nathan ang balingkinitang katawan ni Cielo.

“Hindi ako gumastos ng sampung milyon sa iyo para makipaglandian ka sa lalaki mo habang narito ka sa kumpanya ko,” mariing sabi ni Nathan.

Hindi sumisigaw ang lalaki pero ramdam ni Cielo na parang galit ito at hindi niya iyon papayagan.

“Tss,” hindi napigilan ni Cielo na pikon na mapangiti. “Alam ko kung ano ang pinirmahan kong kontrata, Mr. Quinn. Ang sampung milyon ay paunang bayad lamang para sa karapatang ibinigay ko sa iyo upang i-produce ang imbensyon ko.”

Lalong umigting ang panga ni Nathan sa pagsagot ng babae sa kanya. Kahit kailan ay hindi siya sinagot ni Cielo nang ganito.

“Ipapaalala ko rin sa iyo na hindi mo ako empleyado,” halos paos na sabi ni Cielo. Takot na mapalakas ang boses at may makarinig na ibang tao sa labas ng opisinang iyon.

Yumuko si Nathan para abutin ang tainga ni Cielo. Sinadya niyang ilapit nang husto ang kanyang mga labi bago bumulong. “But you’re still working for my company and me.”

May kung anong kuryente ang nabuhay sa katawan ni Cielo at pakiramdam niya ay nanlambot ang kanyang mga tuhod. Napalunok siya at saka huminga nang malalim.

“But you don’t own me, Mr. Quinn. Wala kang karapatang kontrolin kung sino ang gusto kong kausapin.” Tahimik niyang pinuri ang sarili nang masabi ang buong iyon nang hindi pumipiyok.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang maramdaman ang marahang pagdampi ng labi ng lalaki sa ibaba ng kanyang tainga.

“W-What are you doing?” nagpa-panic niyang tanong.

Muling umangat ang labi nito sa kanyang tainga. Ramdam na ramdam ni Cielo nang samyuin ni Nathan ang kanyang balat. “Bolann tú fós mo chuidse, a spéir.”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ng CEO at saka mabilis na itinulak palayo sa kanya ang lalaki, kahit pa alam niyang balewala iyon sa matipunong katawang nasa harap niya.

“Layuan mo ako, Nathan!”

Lilian Alexxis

Hello, readers! Heto na ang hinihintay ninyong story ni Nathan. Enjoy!

| 5
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Comentários (3)
goodnovel comment avatar
Louise
Thank hou, Ms. A may story na si Nathan!
goodnovel comment avatar
rosselleela
Yay paminsan minsan masasama din ba sila Abe at Isla,,gusto ko din itong si Nathan eh..
goodnovel comment avatar
Gabbine Wozniacki
Wow Congrats
VER TODOS OS COMENTÁRIOS

Último capítulo

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 15

    Isinuot muna ni Cielo sa kanyang mga balikat ang kanyang backpack bago bumaba ng taxi sa lobby ng hotel. Dalawang pares ng underwear, pantulog at pamasok sa eskwela lamang ang kanyang dala at hindi gaya ng sinabi ni Nathan na dalhin na lahat ng gamit ng babae sa penthouse.Nakayuko siyang pumasok sa loob at dumiretso sa kung nasaan ang mga elevator. Pumasok siya sa isa sa kanan ngunit hindi umiilaw ang button P kahit ilang ulit niyang pinindot. Napakamot siya sa kanyang ulo nang lumabas. May ilang dumating na guests at naisip na lamang niyang makisabay.Pagpasok ng isang grupo sa elevator, pumasok din siya. Nakita niyang idinikit ng lalaki ang kanyang card sa isang square box at umilaw ang 23 sa mga button, habang ang isang babae ay ginawa rin iyon at umilaw naman ang 16.“I’ll le

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 14

    Masiglang pumasok si Nathan sa kaliwang silid. Napapangiti niyang hinubad ang mga damit sa loob ng walk-in closet at saka muling nag-shower sa banyo. Mabilis siyang nagbihis at tinungo ang kabilang silid para magpaalam kay Cielo.Bukas pa rin ang pinto ng silid tulad ng kung paano niya ito iniwan kanina. Pagpasok niya, wala ang babae sa kama. Magulo pa rin ang kama at nahulog pa sa sahig ang isang unan. Dinampot niya iyon at muling nakita ang dugong natuyo sa bedsheet. Naisip niyang baka naliligo na si Cielo kaya kinatok niya ang pinto ng banyo, ngunit walang sumagot. Idinikit niya sa pinto ang kanyang tainga at nang walang marinig ay mabilis niyang pinihit ang seradura ng pinto na hindi naman pala naka-lock.Walang Cielo. Umigting ang kanyang panga at saka malalaki ang mga hakbang na lumabas ng penthouse para umal

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 13

    Pakiramdam ni Cielo ay nasagasaan ng truck ang kanyang katawan at halos hindi siya makagalaw. Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tanging ilaw mula sa pinlight sa bawat sulok ng silid ang nagsisilbing ilaw. Kumunot ang kanyang noo at saka naalala ang pinasok niyang sitwasyon kagabi.Nang lingunin niya ang kabilang side ng kama, bakante iyon at tila wala namang nahiga. Bigla siyang napaupo at kahit napangiwi siya sa sakit ng kanyang pagkababae, mabilis siyang tumayo. Dinampot niya ang tuwalya sa sahig at saka sinilip ang living room ng suite. Wala ang lalaki sa couch, kaya may kung anong parang sumuntok sa kanyang dibdib.Agad rumagasa ang mga luha sa kanyang mga pisngi at nangangatog ang kanyang mga tuhod na napaluhod sa sahig. Gusto niyang sumigaw sa katangahan niya kagabi. Nawala na nga ang kanyang virginity at wala rin siyang perang pambayad

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 12

    “B-Bakit mo kasi…h-hinahawakan?” nauutal na pangunguwestiyon ni Cielo habang ipit-ipit ang kamay ng lalaki na nasa kanyang pagkababae. Sakop na sakop ng malapad na palad nito ang kanyang gitna.Sinubukan niyang abutin ang kamay ng lalaki para pigilan, ngunit agad hinuli ni Nathan ang kanyang mga kamay at inilagay ang mga ito sa kanyang ulunan.Naisip ni Cielo na buong buhay niya ay siya lang ang nakahahawak ng kanyang iniingatang perlas sa tuwing lilinisin iyon, pero ngayon ay sinasalat ito ng lalaking ngayon lamang niya nakilala at sinusubukan pang ipasok ang daliri sa kanya.Nahigit niya ang kanyang hininga at bahagya pa siyang napaupo nang maramdaman ang mahabang daliri ng lalaki sa loob niya. “Ahhh!”Madilim ang mukha ng lalaki na

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 11

    Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na sila. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, mabilis na lumabas si Cielo. Hindi na niya nilingon ang lalaki. “Cielo, okay ka lang ba girl? Bakit ang putla mo?” nag-aalalang tanong ni Queenie ng nakasalubong niya. Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa kaibigan bago nagtungo sa cashier para iabot ang terminal at printed receipt. May pinapirmahan sa kanya upang mai-record ang kanyang komisyon. Pagkuwan ay pumasok siya sa locker room. Pakiramdam niya ay nakalutang ang kanyang mga paa. Binuksan niya ang kanyang locker at saka isinilid sa kanyang bag ang kanyang mga ID. Sandali siyang natigilan. Umilaw ang kanyang cellphone, 10:15 pm. “I’ll wait in the basement. Black Audi. Kapag hindi ka dumating in 30 minutes, aalis na ako.” Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng lalaki. Hindi siya pinipilit nito, bagkus binigyan siya ng oras para mag-isip. Lalo pang lumakas ang tibok ng kanyang puso at para siyang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 10

    Paglabas ni Cielo sa silid, tinawag ng nakababatang lalaki si Queenie at saka inabutan ng ilang libo bago inutusang tawagin ang waiter para sa kanila. Nang sila na lamang ang nasa VIP Room, napasipol ang nakababatang lalaki. “Nagkamali ka? First time iyan, Kuya Nathan!”“Mukha talaga siyang 16,” seryosong komento ni Nathan.“Baka baby face lang at maganda siya ha?” nakangiting sabi ng tumawag ng kuya.Nakagat ni Nathan ang kanyang bagang bago napasandal muli sa couch. Sandali siyang napapikit, tila iniintindi ang naging asal kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging interesado sa babae.Nang makabalik si Cielo, naroon na ang waiter at kinukuha ang order ng mga VIP guest. Wala roon si Queenie na sa tingin niya ay umalis na dahil tanging Master’s Cut lang ang nasa mesa.“Sir, pwede ko bang mahiram ang card ninyo?” magalang na tanong ni Cielo. Kinunutan siya ng noo ng lalaki. Pagkuwan, tumaas ang kamay nito na parang sinasabing maghintay siya bago dinukot ang cellp

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status