LOGINNapahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. Nagpakilala siya at mabait naman itong nagbigay ng instruction sa kanya.
Tatlong palapag lamang ang factory ng JNQ Motors, pero napakalawak pa rin nito. Punuan na ang parking lot at nang may makita siyang bakante malapit sa tapat ng main building, doon na niya ipinarada ang kanyang 4th generation KE70. Isang malakas na busina ang pumukaw sa atensyon ng mga dumarating na empleyado.
Pinatay niya ang makina ng kanyang sasakyan at halos mapalundag siya nang may pumalo sa compartment sa likod. Sinilip muna niya sa rearview mirror kung sino iyon, at tatlong kalalakihan na nasa edad trenta pataas ang nagtatawanan, habang ang isa ay masama ang mukha.
“Ang lakas ng loob ng may-ari ng bulok na sasakyan na ito para agawin ang parking slot ko!” sigaw ng lalaki.
Napabuntong-hininga si Cielo. Malinaw na sinabi sa kanya ng guwardiya kanina na kahit saan ay maaari siyang pumarada.
Nang bumaba siya ng sasakyan, bahagyang huminto ang tatlong lalaki sa pagtawa at nangingiting tiningnan ang nagagalit na lalaki. Marahil hindi nila inaakala na isang babae ang bababa mula sa tinawag na bulok na sasakyan.
“Babae pala ang driver ng lumang auto na ito,” komento ng isa.
“Miss may may-ari kasi ng parking na iyan. Ilipat mo na lang ang kotse mo roon sa kabilang side tutal hindi iyan bagay tumabi sa mga sasakyan naming mga engineer,” may panlalait na sabi naman ng isa.
Pinigil niyang tumaas ang isang kilay niya. “Wala namang nakalagay na karatula na may may-ari ang parking space na ito.”
Napahilamos sa kanyang mukha ang lalaking naunahan niya sa parking at tila kagat-kagat na ang mga ipin. Halatang nagpipigil ng inis sa pagsagot niya. “Bago ka sigurong empleyado rito, ano? Kaya hindi mo ako kilala!”
“First day ko rito sa JNQ. Saang department po ba kayo?” sinadya niyang magbigay-galang kahit naiinis na siya.
Nagtawanan ang tatlo habang inis pa rin ang isa.
“Lumipat ka na lang doon sa malayo, baka mahawaan pa ng kalawang ng kotse mong bulok ang mga sasakyan namin,” sabi ng pinakapayat sa kanila.
Nilingon ni Cielo ang tinuturong parking sa kanya, masyado iyong malayo. Kung lilipat siya, sigurado siyang sasakit ang legs niya sa paglalakad dahil naka-high heels at light blue dress siya ngayon. Hindi kasi niya nakaharap ang CEO noong pumirma siya ng kontrata dahil nagka-emergency raw. Eksaktong din ang kanyang Nanay Criselda at sinabing nasaktan ang kanyang anak sa mall, kaya nagpaalam na rin siya agad.
Ang sabi sa kanya ni Nora kahapon nang tumawag ang babae ay darating ang CEO ngayon para personal siyang makilala, kaya minabuti niyang magsuot ng presentable.
“Masyadong malayo, naka-high heels ako ngayon. Bukas mag-boots or sneakers na lang ako para puwede akong mag-park sa dulo. Pasensiya na po, Sir!” Iyon lang at tinalikuran na niya ang mga lalaki.
Pikon na sinipa ng lalaki ang gulong ng sasakyan ni Cielo, nilingon lang ito ng babae at saka umiling, dahilan para magtawanan ang ibang kalalakihan.
Samantala, hindi alam ng lola ni Sky na naabot niya ang lock ng gate ng bahay at lumabas ang bata. Nagtungo ang bata sa playground na malapit sa kanilang bahay. Nakita niyang maraming bata ang naglalaro, kaya napangiti siya at patakbong lumapit sa slide.
Nakita niya kung paano umaakyat ang mga bata sa steel ladder at saka magpapadulas sa may kataasan na slide, kaya nais din niyang subukang umakyat.
Pero nasa ikalawang hakbang pa lamang siya nang may nanguna na sa kanya na umakyat.
“Ang bagal!” yamot na sabi ng batang lalaki na mukhang mas matanda sa kanya.
Muli siyang bumaba at hinayaang makaakyat ang bata. May isang bata na umuna ulit sa kanya at matagumpay na nakaakyat. Nagpalinga-linga siya at nakita ang isang bench. Naglakad siya roon at tahimik na naupo para manood na lamang.
“You want to try the slide?” anang isang lalaki na naupo sa tabi ni Sky.
Nang i-angat ni Sky ang kanyang ulo para tingnan kung sino ang nagsalita, mabilis na gumuhit ang saya sa kanyang maliit at maputing mukha.
“Hello po!”
“Hi, Buddy!”
“Dito ka rin po nakatira?” nakangiting tanong ni Sky sa lalaki.
“Hindi. May pinuntahan lang akong friend,” sagot nito.
Napalingon si Sky sa slide ng may mga batang naghiyawan at tawanan. Muling lumungkot ang mukha ng bata na hindi nakaligtas sa lalaki.
“Gusto mo bang mag-slide?”
“Opo pero natatakot akong umakyat,” tapat nitong paliwanag.
Agad na tumayo ang lalaki. Inialok ang kanyang kamay sa harap ng bata at saka ikiniling ang kanyang ulo. “Let’s go! I’ll guide you!”
Lumiwanag ang mukha ni Sky at agad na tinanggap ang kamay ng lalaki. Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa slide.
Tinuruan ng lalaki kung saan dapat humawak si Sky at paano hahakbang habang paakyat nang paakyat. Nang marating ang itaas ay nagtatatalon sa tuwa ang bata. Pagkuwan ay tinuruan naman niya kung paano uupo sa pinakataas na bahagi ng slide bago sinabayan ang pagdulas ng bata pababa. Nasalo rin niya ito sa dulo bago pa malaglag ang puwit sa lupa.
Umulit pa ng tatlong beses ang bata bago nagyaya naman sa swing.
“Sky, you’re alone. Where is your lola?” seryosong tanong ng lalaki.
“Nasa bahay po,” seryoso ring sagot nito.
“Nagpaalam ka ba?” malumanay niyang tanong kahit sigurado na siya sa isasagot ng bata.
Umiling ang bata. “Sorry po.”
“After a minute, I’ll take you home. Baka hinahanap ka na ng lola mo,” seryoso niyang sabi.
Pumayag naman si Sky. Hindi nagtagal ay niyaya na niya ang bata na umuwi. Isinakay niya sa kanyang sasakyan ang bata at inihatid sa bahay na hindi naman kalayuan sa playground. Itinulak ng bata ang gate at sinenyasan ito ni Nathan na i-lock.
“Don’t go out alone again, okay?” malumanay niyang bilin sa bata.
Tumango naman si Sky bago nakangiting kumaway sa kanya at nagtatatakbong pumasok sa loob ng bahay. Nang marinig na kausap na ni Sky sa loob ang matanda, roon lamang umalis ang lalaki.
Isinuot muna ni Cielo sa kanyang mga balikat ang kanyang backpack bago bumaba ng taxi sa lobby ng hotel. Dalawang pares ng underwear, pantulog at pamasok sa eskwela lamang ang kanyang dala at hindi gaya ng sinabi ni Nathan na dalhin na lahat ng gamit ng babae sa penthouse.Nakayuko siyang pumasok sa loob at dumiretso sa kung nasaan ang mga elevator. Pumasok siya sa isa sa kanan ngunit hindi umiilaw ang button P kahit ilang ulit niyang pinindot. Napakamot siya sa kanyang ulo nang lumabas. May ilang dumating na guests at naisip na lamang niyang makisabay.Pagpasok ng isang grupo sa elevator, pumasok din siya. Nakita niyang idinikit ng lalaki ang kanyang card sa isang square box at umilaw ang 23 sa mga button, habang ang isang babae ay ginawa rin iyon at umilaw naman ang 16.“I’ll le
Masiglang pumasok si Nathan sa kaliwang silid. Napapangiti niyang hinubad ang mga damit sa loob ng walk-in closet at saka muling nag-shower sa banyo. Mabilis siyang nagbihis at tinungo ang kabilang silid para magpaalam kay Cielo.Bukas pa rin ang pinto ng silid tulad ng kung paano niya ito iniwan kanina. Pagpasok niya, wala ang babae sa kama. Magulo pa rin ang kama at nahulog pa sa sahig ang isang unan. Dinampot niya iyon at muling nakita ang dugong natuyo sa bedsheet. Naisip niyang baka naliligo na si Cielo kaya kinatok niya ang pinto ng banyo, ngunit walang sumagot. Idinikit niya sa pinto ang kanyang tainga at nang walang marinig ay mabilis niyang pinihit ang seradura ng pinto na hindi naman pala naka-lock.Walang Cielo. Umigting ang kanyang panga at saka malalaki ang mga hakbang na lumabas ng penthouse para umal
Pakiramdam ni Cielo ay nasagasaan ng truck ang kanyang katawan at halos hindi siya makagalaw. Marahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Tanging ilaw mula sa pinlight sa bawat sulok ng silid ang nagsisilbing ilaw. Kumunot ang kanyang noo at saka naalala ang pinasok niyang sitwasyon kagabi.Nang lingunin niya ang kabilang side ng kama, bakante iyon at tila wala namang nahiga. Bigla siyang napaupo at kahit napangiwi siya sa sakit ng kanyang pagkababae, mabilis siyang tumayo. Dinampot niya ang tuwalya sa sahig at saka sinilip ang living room ng suite. Wala ang lalaki sa couch, kaya may kung anong parang sumuntok sa kanyang dibdib.Agad rumagasa ang mga luha sa kanyang mga pisngi at nangangatog ang kanyang mga tuhod na napaluhod sa sahig. Gusto niyang sumigaw sa katangahan niya kagabi. Nawala na nga ang kanyang virginity at wala rin siyang perang pambayad
“B-Bakit mo kasi…h-hinahawakan?” nauutal na pangunguwestiyon ni Cielo habang ipit-ipit ang kamay ng lalaki na nasa kanyang pagkababae. Sakop na sakop ng malapad na palad nito ang kanyang gitna.Sinubukan niyang abutin ang kamay ng lalaki para pigilan, ngunit agad hinuli ni Nathan ang kanyang mga kamay at inilagay ang mga ito sa kanyang ulunan.Naisip ni Cielo na buong buhay niya ay siya lang ang nakahahawak ng kanyang iniingatang perlas sa tuwing lilinisin iyon, pero ngayon ay sinasalat ito ng lalaking ngayon lamang niya nakilala at sinusubukan pang ipasok ang daliri sa kanya.Nahigit niya ang kanyang hininga at bahagya pa siyang napaupo nang maramdaman ang mahabang daliri ng lalaki sa loob niya. “Ahhh!”Madilim ang mukha ng lalaki na
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa ground floor na sila. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, mabilis na lumabas si Cielo. Hindi na niya nilingon ang lalaki. “Cielo, okay ka lang ba girl? Bakit ang putla mo?” nag-aalalang tanong ni Queenie ng nakasalubong niya. Isang tipid na ngiti ang isinagot niya sa kaibigan bago nagtungo sa cashier para iabot ang terminal at printed receipt. May pinapirmahan sa kanya upang mai-record ang kanyang komisyon. Pagkuwan ay pumasok siya sa locker room. Pakiramdam niya ay nakalutang ang kanyang mga paa. Binuksan niya ang kanyang locker at saka isinilid sa kanyang bag ang kanyang mga ID. Sandali siyang natigilan. Umilaw ang kanyang cellphone, 10:15 pm. “I’ll wait in the basement. Black Audi. Kapag hindi ka dumating in 30 minutes, aalis na ako.” Muling umalingawngaw sa kanyang isipan ang sinabi ng lalaki. Hindi siya pinipilit nito, bagkus binigyan siya ng oras para mag-isip. Lalo pang lumakas ang tibok ng kanyang puso at para siyang
Paglabas ni Cielo sa silid, tinawag ng nakababatang lalaki si Queenie at saka inabutan ng ilang libo bago inutusang tawagin ang waiter para sa kanila. Nang sila na lamang ang nasa VIP Room, napasipol ang nakababatang lalaki. “Nagkamali ka? First time iyan, Kuya Nathan!”“Mukha talaga siyang 16,” seryosong komento ni Nathan.“Baka baby face lang at maganda siya ha?” nakangiting sabi ng tumawag ng kuya.Nakagat ni Nathan ang kanyang bagang bago napasandal muli sa couch. Sandali siyang napapikit, tila iniintindi ang naging asal kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naging interesado sa babae.Nang makabalik si Cielo, naroon na ang waiter at kinukuha ang order ng mga VIP guest. Wala roon si Queenie na sa tingin niya ay umalis na dahil tanging Master’s Cut lang ang nasa mesa.“Sir, pwede ko bang mahiram ang card ninyo?” magalang na tanong ni Cielo. Kinunutan siya ng noo ng lalaki. Pagkuwan, tumaas ang kamay nito na parang sinasabing maghintay siya bago dinukot ang cellp







