ログインThank you po sa pagdaan!
Humakbang siya papalapit sa dalawang lalaki at ipininta sa mukha ang pag-aalala.Hinarap siya ni Nikko para sana magpaalam. “Aalis muna–”“Sasama ako,” mabilis niyang sabi. Kumunot ang noo ng lalaki. “Delikado. Maiwan ka na lang.”Lumapit pa si Helga sa tabi ni Nikko. “Then, mas lalong ayaw kong malayo sa iyo.”Lumambot ang mukha ni Nikko. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Helga at saka tumango. “Let’s go.”Sa bilis ng takbo ng sinasakyan nila. Napakapit na lamang sa hawakan sa may p!nto ang babae habang abala si Nikko sa kausap sa telepono. Sampung minuto lang ay narating na nila ang port terminal kung nasaan mismo ang tatlong container vans na naglalaman ng steel raw products ng JNQ mula Guangzhou. Sa Sta. Ana, Cagayan nila ito ipinapababa dahil mas malapit iyon sa kanilang planta. Paghintong-paghinto ng sinasakyan nilang off-road vehicle, nilingon ni Nikko si Helga. “Wait here.”Hindi kumibo si Helga at pinanood lang sina Nikko at Banjo na lumapit sa mga lalaking naka-uni
Nanigas ang katawan ni Helga at unti-unting nilingon ang katabi na nagmamay-ari ng kamay na nakapatong sa tiyan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong si Nikko iyon. Maingat niyang hinawakan ang pulsuhan ng lalaki para iangat sana ang kamay nito, ngunit mas lalo pang hinigit ng lalaki ang kanyang baywang. “Don’t fall for someone else, princess,” halos bulong na sabi ni Nikko, ngunit tulog pa rin.Nagsalubong ang mga kilay ni Helga at saka muling nilingon ang katabing lalaki. Naka-side view ito ng higa at nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ang guwapong mukha ng lalaki. Malaki ang pagkakahawig nito kay Nathan, ngunit kung siya ang tatanungin ay mas guwapo nang malayo si Nikko.Wala sa sariling tumagilid na rin siya ng higa at umangat ang kanang kamay niya. Idinikit niya ang dulo ng kanyang hintuturo sa gitna ng noo ng lalaki, bumaba iyon nang bahagya sa pagitan ng makakapal na kilay ni Nikko at saka magaang na binakat ng kanyang hintuturo ang isang kilay nito.Natigilan si H
“G-Gusto mo ring supsupin?” alanganing tanong ni Nikko at nagsimulang sumibol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.Tumango si Helga. “Gusto kong matutunan.”Iniabot ni Nikko ang hawak na mangga. Napangiti si Helga na tiningnan lang ang prutas sa kamay ng lalaki. Natawa siya at saka iniangat ang hawak na manggang ibinigay kanina sa kanya.“Turuan mo akong lamugin ito,” ani ng babae.Natigilan si Nikko. “S-Sure.”“Ganito muna, ‘di ba?” tanong ni Helga habang hinihimas ang mangga. Napalunok si Nikko.“Tapos ganito?”Natutulalang napatango si Nikko habang sakal-sakal ni Helga ang katawan ng mangga hanggang sa masigurong lamog na ang prutas. Kinurot niya ang dulo ng mangga at saka isinubo iyon sa kanyang bibig para s!psipin.Muling napalunok si Nikko. Umangat ang tingin ni Helga sa lalaki na nakatayo sa kanyang harapan habang s!psip-sips!p pa rin ang mangga. Hindi na nakatiis si Nikko dahil iba ang tumakbo sa kanyang isipan. Napatalikod siya at lihim na napamura. Pasimple niyang nilaland
Pasado alas siyete na nagising si Helga. Agad niyang nilingon ang couch at napakunot ang noo niya nang mapansing walang nakahiga roon. Wala ring unan at kumot. Umikot siya para tingnan kung may katabi siya sa malaking kama, pero nag-iisa lang siya.Sinuklay lang niya ang mahaba niyang buhok at saka lumabas ng silid upang hanapin si Nikko. Naamoy niya na may nilulutong sinangag sa kusina, kaya nagdesisyon siyang bumaba kahit naka-pajama pa siya.Napasinghap siya ng madaanan ang dining hall at makitang napakaraming prutas doon. Pagdating niya sa Kusina, si Macel ang inabutan niyang nagluluto. “Manang, si Nikko po?” Lumiwanag ang mukha ng babae. “Good morning, Ma’am. Nasa manggahan po sina Sir at Bert. Baka pabalik na rin po ang mga iyon para mag-almusal.”“Bakit po kayo narito ngayon? Sinong nagbabantay sa anak ninyo?” nag-aalalang tanong ni Helga.“‘Yung panganay ko po. Kapag Lunes ay hapon pa ang klase niya, kaya siya muna ang nagbantay sa kapatid niya,” paliwanag ni Macel.“Ilang ta
Napangiti si Nikko ngunit hindi pa rin inalis ang kanyang mga kamay sa mga mata ni Helga. Yumuko siya para bumulong sa tainga ng babae. “Sure ka bang ako si Nikko?”“Kilala ko ang boses mo,” katwiran niya habang alanganin kung ngingiti sa kakulitan ng lalaki.“Malay mo ginaya ko lang ang boses niya,” malambing ang boses na bulong ulit ng lalaki.Pakiramdam ni Helga ay may kuryenteng dumaloy sa kanyang kalamnan. Nagtayuan ang kanyang maliliit na buhok sa katawan, kaya naikiling niya ang kanyang ulo upang harangin ang muling pagsasalita ng lalaki sa kanyang tainga.“Nikko, nakikiliti ako,” ani Helga na hindi na napigilang mapangiti habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ng lalaki sa kanyang mata.Iniangat ni Nikko ang dalawang kamay na sinamantala ni Helga para umikot at harapin ang lalaki na ngayon ay napakatamis ng ngiti sa kanya. Nagtama ang kanilang mga tingin at sa pagkakataong iyon parang walang kakayahan si Helga na umiwas. Inayos ni Nikko ang buhok ni Helga na bahagyang humar
“Kumakain ka ba ng longanisa? Specialty ito rito sa Cagayan, kaya ito ang niluto ko. Siyempre, dapat may sunny-side-up at garlic fried rice,” puno ng enerhiyang daldal ni Nikko habang inilalagay sa harap ni Helga ang plato na naglalaman ng lahat ng nabanggit ng lalaki.Pagkuwan ay humakbang ito patungo sa coffee maker at gumawa ng dalawang kape. Inilapag niya sa harap ni Helga ang isang tasa ng flat coffee bago umikot para kuhanin ang sariling plato at naupo sa isang stool sa tabi ng babae.Mangha namang nakatingin sa kanya ang dalaga. Nilingon ni Nikko ang katabi na nahuli niyang nakatingin ngunit agad ding umiwas at nagkunwaring hinihiwa ang longanisa. Sandaling tinitigan ni Nikko ang magandang mukha ni Helga. Walang anumang kolorete sa mukha, ngunit napakaganda pa rin.“Akala ko ba may hinahabol kang meeting?” kalmadong tanong ni Helga habang sumusubo ng pagkain.Tumango si Nikko. “May oras pa namang kumain.”Hindi na kumibo si Helga at nagpatuloy na lang sa pagkain ng kanyang almus
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N
Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga







