分享

Chapter 04

last update publish date: 2026-05-31 14:47:13

Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window na tanaw na tanaw ang garden ng factory. 

Napansin din ni Cielo ang mamahaling brand ng laptop sa ibabaw ng mesa. May sarili siyang coffee machine at lagayan ng tsaa, cookies, at candies. 

“This will be your office here in the factory,” ani Nora na seryosong nagsasalita ngunit may tipid na ngiti sa labi. “Let me know if okay sa iyo ang pagkakaayos o kung may gusto kang ipabago…”

Nakaramdam siya ng hiya dahil sobra-sobra iyon sa inaasahan niya. Agad niyang pinutol ang sasabihin pa ng babae. “This is already too much, Ms. Nora. Everything is super okay.”

Alanganing napatango ang executive assistant ng CEO. “Sure ka ba, Ms. San Juan?”

“Please call me, Cielo. Masyadong pormal ang pagtawag mo sa akin sa apelyido,” nakangiting sabi ni Cielo sa babaeng sobra siyang nababaitan at nagagandahan dahil bagay na bagay sa maliit nitong mukha ang pixie haircut na style ng buhok.

Puminta ang malawak na ngiti sa manipis na labi ng babae. May sasabihin pa sana ito nang biglang tumunog ang hawak na cellphone. 

“Maiwan kita sandali, susunduin ko lang ang CEO sa lobby,” anito na agad sinagot ang phone at lumabas na ng pinto ng opisina ni Cielo.

Nang wala na sa silid ang executive assistant ng CEO ay hindi niya napigil ang mapangiti kahit pa may mumunting kabang sumisibol sa kanyang dibdib. Naupo siya sa swivel chair at inikot pa iyon na parang bata. 

Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari na ang lahat ng pinangarap niya. 

May kumatok sa pinto, kaya agad siyang napatayo sa pag-aakalang ang CEO na iyon. Bumukas ang pintong gawa sa hardwood at sumilip si Mr. Panlilio.

“Engineer, gusto ka raw makilala ng mga boys, mga co-engineers mo, mechanics at iba pang laborers na kabilang sa team mo. Hinihintay ka nila sa pantry,” pakunwaring friendly na sabi ni Mr. Panlilio.

“Ganun po ba?” alanganin na sagot ni Cielo. Pakiramdam kasi niya ay may kakaiba sa pakikiharap kanina sa kanya ng mga tao, tapos ngayon ay niyayaya siya sa pantry?

“Oo. Mabuti pang pakiharapan mo sila para mas makilala mo ang members ng team mo,” pangungmbinsi ni Mr. Panlilio.

Gusto sana niyang itanong kung may conference room doon, pero ayaw naman niyang masabihang maarte o ‘di kaya ay mapagmataas kaya tumango na lamang si Cielo. Naisip niya na mabuti na rin na maipakita niya sa staff na cowboy siya.

“Show me the way, Sir.”

Napangiti si Mr. Panlilio at agad na tumalikod. Nakaramdam ng excitement ang HR Manager na ilang sandali na lang at maisasagawa na nila ang planong tapunan ng kape ang bestida ng babae at kumbinsihin itong magpalit sa restroom kung saan puwede siyang bosohan at makuhanan ng video habang nagbibihis. Ito ang kanyang ganti sa pamamahiyang natanggap niya kanina. 

Namutawi ang isang devil smile mula sa kanyang labi. Hindi na siya makapaghintay na makitang talunan ang babae at hihintayin na lamang niya ang pagre-resign nito. Sigurado naman siya na kayang i-execute ng mga mechanical engineers nila ang project ni Cielo.

Isang malaking pantry ang pinasok nila. Nagpalakpakan at sumipol pa ang ilan nang pumasok siya, bagay na nagpa-alerto kay Cielo. 

“Muli kong ipinakikilala sa inyo si Engineer Cielo San Juan,” pakilala ni Mr. Panlilio sa kanya sa kanila. 

Iniabot ng isang lalaki ang isang tray na may dalawang tasa kay Mr. Panlilio. 

“Para po sa magandang boss namin,” tila nahihiya pang sabi ng nag-abot ng tray.

“Naku, pinagtimpla ka pa agad ng mga boys, Engineer. Ano ba ang iniinom mo, kape o hot chocolate?” ngiting-ngiti na tanong ni Mr. Panlilio.

“Kape po,” alanganing sagot ni Cielo. Nag-alala siya na baka may inilagay ang mga ito sa inumin at kung ano ang gawin sa kanya. 

Inilapit ni Mr. Panlilio ang tray at bahagyang itinagilid ito, dahilan para mag-slide ang dalawang tasa patungo kay Cielo.

“Ooooyy!” sabay-sabay na sigaw ng mga tauhan.

Napauwang ang bibig ni Cielo sa mainit na likidong tumagos sa kanyang damit at sa mismong dibdib pa niya. Gusto niyang humiyaw sa init pero pinigil niya ang sarili. Wala siyang planong magpakita ng kahinaan sa harap ng mga lalaki.

“Engineer, sorry! Magpapakuha ako ng malinis na damit sa uniform section, sa restroom ka muna para matingnan mo kung napaso ka!” tila natatarantang sabi ni Mr. Panlilio.

Hinigit ni Cielo ang hininga para tiisin ang hapding nararamdaman dahil sa napasong balat. Napayuko siya para tingnan ang kanyang dibdib na nabasa at hinila ang tela palayo sa kanyang balat upang hindi maramdaman ang lagkit ng pinaghalong kape at tsokolate. 

Narinig niyang may tinawagan si Mr. Panlilio para kumuha ng malinis na damit.

Napailing siya nang makita ang sinapit ng kanyang bestida. Hindi na niya napansin ang pananahimik sa loob ng malaking pantry.

Isang mabalbon na maputing kamay ng lalaki ang nag-abot ng panyo sa kanyang harapan. Hindi na siya nahiya at tinanggap iyon. Sandali niyang pinunasan ang kanyang damit. Napapailing siya dahil sigurado siyang magiging mantsa na iyon. Mahal pa naman ang pagkakabili niya sa dress at ngayon lamang niya iyon isinuot. 

Naisip niya na wala na siyang magagawa. Iniangat niya ang ulo para magpasalamat sa nag-abot ng panyo at nanigas siya nang makita ang seryosong mukha ng lalaking iniwan at pinagtaguan niya, apat na taon na ang nakararaan.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 204

    Humakbang siya papalapit sa dalawang lalaki at ipininta sa mukha ang pag-aalala.Hinarap siya ni Nikko para sana magpaalam. “Aalis muna–”“Sasama ako,” mabilis niyang sabi. Kumunot ang noo ng lalaki. “Delikado. Maiwan ka na lang.”Lumapit pa si Helga sa tabi ni Nikko. “Then, mas lalong ayaw kong malayo sa iyo.”Lumambot ang mukha ni Nikko. Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ni Helga at saka tumango. “Let’s go.”Sa bilis ng takbo ng sinasakyan nila. Napakapit na lamang sa hawakan sa may p!nto ang babae habang abala si Nikko sa kausap sa telepono. Sampung minuto lang ay narating na nila ang port terminal kung nasaan mismo ang tatlong container vans na naglalaman ng steel raw products ng JNQ mula Guangzhou. Sa Sta. Ana, Cagayan nila ito ipinapababa dahil mas malapit iyon sa kanilang planta. Paghintong-paghinto ng sinasakyan nilang off-road vehicle, nilingon ni Nikko si Helga. “Wait here.”Hindi kumibo si Helga at pinanood lang sina Nikko at Banjo na lumapit sa mga lalaking naka-unip

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 203

    Nanigas ang katawan ni Helga at unti-unting nilingon ang katabi na nagmamay-ari ng kamay na nakapatong sa tiyan niya. Nakahinga siya nang maluwag nang masigurong si Nikko iyon. Maingat niyang hinawakan ang pulsuhan ng lalaki para iangat sana ang kamay nito, ngunit mas lalo pang hinigit ng lalaki ang kanyang baywang. “Don’t fall for someone else, princess,” halos bulong na sabi ni Nikko, ngunit tulog pa rin.Nagsalubong ang mga kilay ni Helga at saka muling nilingon ang katabing lalaki. Naka-side view ito ng higa at nakaharap sa kanya. Tinitigan niya ang guwapong mukha ng lalaki. Malaki ang pagkakahawig nito kay Nathan, ngunit kung siya ang tatanungin ay mas guwapo nang malayo si Nikko.Wala sa sariling tumagilid na rin siya ng higa at umangat ang kanang kamay niya. Idinikit niya ang dulo ng kanyang hintuturo sa gitna ng noo ng lalaki, bumaba iyon nang bahagya sa pagitan ng makakapal na kilay ni Nikko at saka magaang na binakat ng kanyang hintuturo ang isang kilay nito.Natigilan si He

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 202

    “G-Gusto mo ring supsupin?” alanganing tanong ni Nikko at nagsimulang sumibol ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib.Tumango si Helga. “Gusto kong matutunan.”Iniabot ni Nikko ang hawak na mangga. Napangiti si Helga na tiningnan lang ang prutas sa kamay ng lalaki. Natawa siya at saka iniangat ang hawak na manggang ibinigay kanina sa kanya.“Turuan mo akong lamugin ito,” ani ng babae.Natigilan si Nikko. “S-Sure.”“Ganito muna, ‘di ba?” tanong ni Helga habang hinihimas ang mangga. Napalunok si Nikko.“Tapos ganito?”Natutulalang napatango si Nikko habang sakal-sakal ni Helga ang katawan ng mangga hanggang sa masigurong lamog na ang prutas. Kinurot niya ang dulo ng mangga at saka isinubo iyon sa kanyang bibig para s!psipin.Muling napalunok si Nikko. Umangat ang tingin ni Helga sa lalaki na nakatayo sa kanyang harapan habang s!psip-sips!p pa rin ang mangga. Hindi na nakatiis si Nikko dahil iba ang tumakbo sa kanyang isipan. Napatalikod siya at lihim na napamura. Pasimple niyang nilaland

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 201

    Pasado alas siyete na nagising si Helga. Agad niyang nilingon ang couch at napakunot ang noo niya nang mapansing walang nakahiga roon. Wala ring unan at kumot. Umikot siya para tingnan kung may katabi siya sa malaking kama, pero nag-iisa lang siya.Sinuklay lang niya ang mahaba niyang buhok at saka lumabas ng silid upang hanapin si Nikko. Naamoy niya na may nilulutong sinangag sa kusina, kaya nagdesisyon siyang bumaba kahit naka-pajama pa siya.Napasinghap siya ng madaanan ang dining hall at makitang napakaraming prutas doon. Pagdating niya sa Kusina, si Macel ang inabutan niyang nagluluto. “Manang, si Nikko po?” Lumiwanag ang mukha ng babae. “Good morning, Ma’am. Nasa manggahan po sina Sir at Bert. Baka pabalik na rin po ang mga iyon para mag-almusal.”“Bakit po kayo narito ngayon? Sinong nagbabantay sa anak ninyo?” nag-aalalang tanong ni Helga.“‘Yung panganay ko po. Kapag Lunes ay hapon pa ang klase niya, kaya siya muna ang nagbantay sa kapatid niya,” paliwanag ni Macel.“Ilang ta

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 200

    Napangiti si Nikko ngunit hindi pa rin inalis ang kanyang mga kamay sa mga mata ni Helga. Yumuko siya para bumulong sa tainga ng babae. “Sure ka bang ako si Nikko?”“Kilala ko ang boses mo,” katwiran niya habang alanganin kung ngingiti sa kakulitan ng lalaki.“Malay mo ginaya ko lang ang boses niya,” malambing ang boses na bulong ulit ng lalaki.Pakiramdam ni Helga ay may kuryenteng dumaloy sa kanyang kalamnan. Nagtayuan ang kanyang maliliit na buhok sa katawan, kaya naikiling niya ang kanyang ulo upang harangin ang muling pagsasalita ng lalaki sa kanyang tainga.“Nikko, nakikiliti ako,” ani Helga na hindi na napigilang mapangiti habang pilit na tinatanggal ang mga kamay ng lalaki sa kanyang mata.Iniangat ni Nikko ang dalawang kamay na sinamantala ni Helga para umikot at harapin ang lalaki na ngayon ay napakatamis ng ngiti sa kanya. Nagtama ang kanilang mga tingin at sa pagkakataong iyon parang walang kakayahan si Helga na umiwas. Inayos ni Nikko ang buhok ni Helga na bahagyang humar

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 199

    “Kumakain ka ba ng longanisa? Specialty ito rito sa Cagayan, kaya ito ang niluto ko. Siyempre, dapat may sunny-side-up at garlic fried rice,” puno ng enerhiyang daldal ni Nikko habang inilalagay sa harap ni Helga ang plato na naglalaman ng lahat ng nabanggit ng lalaki.Pagkuwan ay humakbang ito patungo sa coffee maker at gumawa ng dalawang kape. Inilapag niya sa harap ni Helga ang isang tasa ng flat coffee bago umikot para kuhanin ang sariling plato at naupo sa isang stool sa tabi ng babae.Mangha namang nakatingin sa kanya ang dalaga. Nilingon ni Nikko ang katabi na nahuli niyang nakatingin ngunit agad ding umiwas at nagkunwaring hinihiwa ang longanisa. Sandaling tinitigan ni Nikko ang magandang mukha ni Helga. Walang anumang kolorete sa mukha, ngunit napakaganda pa rin.“Akala ko ba may hinahabol kang meeting?” kalmadong tanong ni Helga habang sumusubo ng pagkain.Tumango si Nikko. “May oras pa namang kumain.”Hindi na kumibo si Helga at nagpatuloy na lang sa pagkain ng kanyang almus

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 01

    Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 06 

    Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 02

    Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status