LOGIN“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.
“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo papasok ng main building.
Hindi niya pinansin ang mayayabang na engineer at lumapit na lamang sa receptionist na ngayon ay ngiting-ngiti sa apat na lalaking kapapasok sa double glass door.
“Good morning, engineers!” matamis ang ngiting bati ng receptionist na hinawi pa ang mahabang buhok patungo sa likod ng kanyang tainga.
“Good morning, Pretty!” malawak ang ngiti ng payat na lalaki.
Kinilig naman ang receptionist sa papuring natanggap at umaktong parang nahihiya. “Precious po ang pangalan ko, Engineer Enzo.”
“Precious…” singit ng isang lalaki na kanina ay sinabihan siyang may may-ari ng parking lot. “Pangalan pa lang tunog mamahalin na hindi tulad ng bagong salta.”
Naghagikgikan ang mga lalaki na nakapaligid sa kanya. Napailing na lamang si Cielo sa inaasal ng mga ito.
Dahil halatang iniinis ng apat na lalaki ang babaeng bagong dating, doon lamang ito binalingan ni Precious. Nawala ang ngiti sa labi ng receptionist nang makita na maganda ang babae sa kanyang harapan. Naisip niya na may kaagaw na siya sa atensyon ng mga engineer, kaya inismiran niya ang babae.
Eksaktong dumating ang isang babae na pareho ang unipormeng suot ng sa receptionist. “Precious, kapag dumating si Engineer San Juan, asikasuhin daw maige. Utos galing sa headquarters.”
“Silang apat pa lang ang narito,” sagot ng babae.
Nagtinginan ang mga lalaki sa narinig. Wala silang alam na madaragdagan ang engineer sa factory.
“May bagong engineer? Para saang department?” tanong ng kanina ay galit na engineer.
Sasagot sana ang bagong dating na receptionist, pero naunang nagsalita si Cielo. “I am Engineer Cielo San Juan.”
Sabay-sabay na napalingon sa kanya ang anim. Gulat na nagtinginan muli ang apat na engineer.
Ngumiti naman ang bagong dating na receptionist at agad siyang iginiya sa loob. “Welcome to JNQ Motors, Engineer! Dito po tayo!”
Hinatid ng receptionist na nagpakilalang Michelle si Cielo sa opisina ng HR Manager.
“Mr. Panlilio, nandito na po si Engineer San Juan,” anunsiyo ni Michelle bago pinapasok si Cielo sa opisina ng HR Manager.
Bahagyang gumalaw ang kilay ni Mr. Panlilio nang makitang isang payat at batang babae na nakasuot pa ng dress na pang-opisina at high heels. Pakiramdam niya ay masyadong bata at maganda ang babae na parang hindi makabasag-pinggan ang engineer sa kanyang harapan. Naisip niya na baka ang babae ay iha-hire lang nila bilang engineer dahil hindi naman sila kinukulang sa mga magagaling na mechanical engineers.
Tumayo pa rin siya at propesyunal na inilahad ang kanyang kamay. “Welcome to JNQ Motors, Ms. San Juan. I am Mr. Panlilio, the HR Manager. While waiting for the CEO's assistant, let’s start with the onboarding process.”
Naisip ni Mr. Panlilio na matutuwa sa kanya ang CEO kapag ayos na ang lahat ng onboarding papers ng bagong engineer.
Gusto sanang ipaliwanag ni Cielo sa HR Manager ang kanyang kontrata sa JNQ, pero naisip niya na sumunod muna sa agos dahil baka kailangan ang prosesong iyon para magkaroon siya ng access sa factory tulad ng pagkakaroon ng ID.
Tinawag ng HR Manager ang isa niyang empleyado at agad ipinasa si Cielo. Niyaya siya ng babae sa work station nito para roon mag-fill-out ng mga form.
Eksaktong binibigyan ng instructions ng HR Staff si Cielo nang dumating ang executive assistant ng CEO na si Nora. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang binibilinan ng requirements para sa ordinaryong empleyado si Cielo.
“Ms. Mahusay, who told you that Engineer San Juan needs those onboarding requirements?” hindi napigilan ni Nora na uminit ang ulo. Maganda ang mood ng CEO ngayon at ayaw niyang bigyan ito ng rason na magsungit na naman dahil siya ang nahihirapang mamagitan para sa mga empleyado.
Narinig ni Mr. Panlilio ang boses ni Nora, kaya nagmamadali siyang lumabas. “Those were my instructions, Ms. Quinn.”
Tumaas ang dalawang kilay ni Nora. “Am I not clear yesterday that Engineer San Juan is the project owner and she should be treated as one of the executives?”
Namula ang mukha ni Mr. Panlilio at hindi niya inaasahang sisigawan siya ni Nora sa harap ng staff niya at ng bagong saltang engineer na wala pang karanasan.
“Parating na ang CEO, umayos kayong lahat!” nagpipigil na sabi ni Nora bago nginitian si Cielo. “Halika ipapakita ko sa iyo ang production site at ang magiging opisina mo rito.”
Tahimik na tumayo si Cielo at sumunod kay Nora. Inis na inis naman si Mr. Panlilio na sumunod sa dalawang babae.
Unang dinala ni Nora si Cielo sa tinawag nitong War Room dahil doon bubuuin ang parts ng unang unit ng bago nilang project. Ipinakilala rin niya si Cielo sa mga makakatrabaho nito. Lihim na nagtaasan ang kilay ng mga naroon dahil puro sila lalaki at ang magsu-supervise sa project ay isang bata, sexy at magandang babae.
Nakita ni Mr. Panlilio ang reaksiyon ng mga tauhan, kaya naisip niya na samantalahin ang naramdamang pag-apak sa ego ng mga ito upang makaganti kay Cielo sa pamamahiyang naranasan kanina mula sa Executive Assistant ng CEO. Nang lumabas ang dalawang babae ay nagpaiwan na siya.
“Sir, babae at bata talaga ang magiging boss namin sa bagong project?” angal ng engineer na siyang naunahan ni Cielo kanina sa parking slot. “Wala pang experience ang fresh graduate na iyan!”
“Eh ‘di bigyan natin ng experience!” pilyong suhestiyon naman ni Enzo.
“Tama! Tingnan natin kung makapagyabang pa siya sa atin,” umangat ang isang sulok ng labi ng isa pang engineer na nanlait sa lumang sasakyan ng babae.
Nagsipagtawanan ang mga lalaki at nabuo ang isang plano laban kay Cielo.
Naglakad na ang farm manager kasama si Vincent habang ang ilang bodyguard ay nauuna at ang iba ay nasa likuran nila na mahigit tatlong metro ang layo. May nadaanan silang mga damo na halos umabot sa tuhod ni Helga, ngunit walang pakialam ang babae. Hindi maiwasan ni Nikko na mapangiti dahil walang arte ang dalaga.Nilapitan nila ang unang mababang puno na may mga pulang beans na nakadikit. “Ang ganda talaga tingnan ng bungkos ng mga kape,” halos pabulong na sabi ni Helga na hindi nakaligtas pandinig ng lalaki.Kumunot ang noo ni Nikko. “Nakakita ka na dati ng coffee plant?”Tumango si Helga. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Nikko. “Saan?”Natigilan ang babae. Hindi niya maaaring sabihin na nakakita na siya noon sa Zamboanga habang nagte-training siya. Mabilis siyang napaisip ng dahilan. “Sa Cavite. May nakita ako dati malapit sa Tagaytay.”Napatango si Nikko. Naisip niyang itanong kung sino ang kasama nito dahil baka may nobyo pala ang babae at laging nagde-date sa Tagaytay. “Mahili
Dalawang sasakyan ang mga bodyguard na kasama nila sa convoy patungo sa sikretong lugar na nais puntahan ni Nikko. Kung normal lang na boss ni Helga ang lalaki at hindi isang misyon para sa kanyang tungkulin sa bayan, hindi siya papayag na umalis sa hotel nang hindi alam kung saan sila magtutungo, lalo na alam niyang NPA-infested ang bulubunduking kanilang dinaraanan. Hindi siya puwedeng mamatay dahil may anak siyang umaasa sa kanya.Bigla niyang na-miss ang malambing niyang anak. Sa mga ganitong panahon na wala siyang iniisip at nakaupo lang, mas gugustuhin niyang kasama ang anak upang makabawi sa pagkukulang niya rito. Habang nakatingin sa labas si Helga at iniisip ang kanyang anak, palingon-lingon naman sa kanya si Nikko na nakaupo sa kabilang side ng sasakyan. Kung nagkita sila muli ni Helga nang mas maaga, sigurado siyang maaangkin niya muli ang babae. Ngunit nangyari ang lahat ng ito sa panahong nakapirma na siya sa isang kasunduan.Kung tutuusin, madali lang naman sa kanya na
“Good morning, Sir,” nakangiting bati ni Helga kay Nikko nang dumating ang lalaki sa hangar ng JNQ sa Terminal 4.Kunot ang noo ng lalaki na tumango kay Helga. Dumiretso ang boss sa lounge habang kakamot-kamot ng ulo si Vincent na sumunod sa lalaki. Nagkibit-balikat na lamang ang babae at bumalik sa ginagawa kanina.Nakatanggap ng text message si Helga, kaya binasa niya iyon.Vincent Sa akin siya galit. Hindi sa iyoDumating na si Capt. Ilagan at ang dalawang flight attendant na kapwa bagong hire, kaya hindi na nasagot ni Helga ang assistant ng boss . Agad na nagsagawa ng inspection si Sandro upang siguraduhing maayos na na-check ang eroplano.“Capt. Marcelo, ikaw na tumawag kina Sir sa lounge. Sabihin mo puwede na tayo umalis, anytime,” utos sa kanya ng piloto.Agad siyang tumalima. Itutulak na sana niya ang p***o ng lounge nang marinig niya ang sigaw ni Nikko.“Paanong nagkaproblema sa shipment, Vincent?” Natigilan si Helga. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata at naisip niyang
Masama ang loob ni Cindy na sumakay sa sasakyang na-book na papunta sa airport. Ilang ulit niyang sinubukang tawagan si Nikko para bawiin ang nasabi niya kanina, ngunit nalilipat lang ang tawag kay Vincent.Napatitig siya sa mga sasakyang kasabay nila sa biyahe sa EDSA. Nagpanggap siyang galit kanina sa lalaki para puntahan siya sa kanyang unit. Plano sana niyang akitin ito para may mangyari sa kanila bago siya umalis. Dalawang araw na kasi siyang delayed at ngayon lamang ito nangyari sa kanya. Nag-aalala siya na baka buntis siya at ang estrangherong naka-sex niya sa BGC ang ama, dahil laging may suot na condom si Nikko tuwing may mangyayari sa kanila. Napahawak siya sa kanyang ulo. Sakaling buntis siya, tiyak na malaking kahihiyan iyon at siguradong pagagalitan siya ng kanyang ama.Nagtipa siya muli ng text message sa lalaki.Cindy to Nikko:I’m sorry, Babe. Mag-usap tayo pagbalik ko.Ilang ulit niyang tinitigan ang kanyang mensahe, pero hindi man lamang iyon basahin ng kanyang fianc
“Dalawang buwan kang mawawala, tapos ngayon mo lang sinasabi sa akin at sa call pa?” hindi makapaniwalang sabi ni Nikko kay Cindy.“Nagkasakit kasi ang road manager na may hawak sa US Tour Concert ng mga Filipino singers na ito. Malaking project ito para sa event company ko at hindi ko basta puwedeng pabayaan,” paliwanag ni Cindy sa kanya sa telepono.“At paano ang kasal nina Kuya at Cielo? That’s three months from now!” aburidong sabi ng lalaki. “My team is on it. At kaya ko naman i-monitor ang progress ng suppliers thru emails and calls,” paniniguro sa kanya ni Cindy.“Bahala ka!” inis na sabi ni Nikko. Napatingin siya sa suot niyang relo. Nagjo-jogging siya kanina nang maramdaman niya ang vibration ng kanyang cellphone. Kung alam lang niya na sisirain lang ni Cindy ang araw niya, hindi na sana niya sinagot ang tawag ng babae. Ibababa na sana niya ang tawag nang muling magsalita ang babae. “Baka puwede mo akong ihatid ngayong umaga sa airport. Bati na tayo, please?”Napauwang ang
Naging abala ang pamilyang Quinn sa mga sumunod na araw. Lahat ng naka-schedule na meeting ng magkapatid na sina Nathan at Nikko sa labas ng Quezon City ay kinansela. Siniguro nilang natututukan nila ang pagpapagamot at pagbuti ng kalagayan ng matandang nag-alaga sa kanila, na parang tunay nilang ina, mula nang mawala na ang kanilang Mommy.“Nikko, ikaapat na araw ko na rito sa ospital, hindi man lang bumisita ang fiancée mo,” puna ni Nanay Andeng habang kumakain ng tanghalian.Si Cielo ang nagsusubo sa kanya ng lugaw at tinolang isda. Mas magana ngayon ang matanda kumain dahil sa wakas may isda na sa kanyang rasyon. Umay na umay kasi siya sa lugaw ng ilang araw pero walang magawa.Nagkatinginan sina Nikko at Cielo. Hindi nakakibo agad ang lalaki dahil ngayon din lang niya naalala si Cindy mula nang iwan niya ito sa Nexus Hotel. Napakibit-balikat siya. “Busy siguro.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andeng. “Si Capt. Marcelo, nga tatlong beses na akong dinalaw, tapos siya na mapapang
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N







