Naggugupit-gupit ako ng mga colored papers habang si Mathew naman ang nagdidikit-dikit ng mga disenyo. Hinahanda ko na ang mga ito para sa preparation ko sa 4th anniversary namin ni Draken. Gumawa ako ng napakahabang message for Draken sa mga napagdaanan namin through ups and downs. Then yung mga pictures namin, balak kong i-design 'yon sa taas sakali para makita niya 'yon kapag paparating na siya sa place.
Napapangiti ako dahil ini-imagine ko na kung ano ang magiging reaction niya sa surprise ko. Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate naming dalawa ang tagal ng relasyon namin. "Ate, halos tatlong buwan na nating pinaghahandaan 'to, ah? Grabe ka naman mag-prepare," sabi sa 'kin ng kapatid kong si Matthew. "Gano'n talaga. Oo nga pala, h'wag mo nang sabihin kay papa, ha? Alam mo naman 'yon, napaka-KJ. Kahit kay mama. Basta ating dalawa na lang 'to. Hayaan mo, may malaking tip ka sa 'kin after." "Naku, ate! Ako pa ba? Don't worry. Maaasahan ako r'yan." Napangiti na lang ako sa kapatid ko. Kahit kailan, maaasahan. Lalo na kapag may gusto akong ilihim sa mga magulang namin. "Ay ate, wait lang. Tignan ko muna gc namin baka may new assignment or project kami e. Ise-save ko lang muna sakali," paalam ni Mathew kaya tumango ako bilang tugon. Lumabas siya ng kwarto para i-check ang laptop niya. Nagpapatuloy pa rin ako sa paggugupit para sa design at pagdikit sa mga pictures. Kaunti na lang at matatapos na kami sa part na 'to. May mga kailangan pa akong gawin. Two weeks and more days pa bago ang 4th anniversary. Habang abala ako sa ginagawa ko, bigla na lang akong nahinto nang maramdaman ko ang tila kakaiba at 'di ko maipaliwanag. Para akong nahihilo. Umaakyat din ang sikmura ko. Nasusuka ako. Sinigurado ko muna kung ano 'tong nararamdaman ko pero parang gusto ko ng masuka. Kaagad akong tumayo at tumakbo patungo sa banyo dahil sa nararamdaman ko. Napahawak na lang din ako sa ulo dahil din sa pagkahilo. Ano 'tong nangyayari sa 'kin? Teka... "Ate?" Napalingon na lang ako sa gawing pintuan kung saan nakatayo si Mathew habang tila alalang nakatingin sa 'kin. Tinignan niya ako sa mga mata ko bago niya ilipat ang tingin niya sa kamay ko kung saan ay nakadapo ito mismo sa tiyan ko. "D-Dapat din ba nating ilihim 'to kina mama at papa?" tanong sa 'kin ng kapatid ko pero hindi ako nakasagot. Mas pinangungunahan ako ng kaba at takot. T-Totoo ba 'to? DALAWANG LINGGO at tatlong araw ang lumipas at kasalukuyan naming inihahanda ni Mathew ang place para sa special occasion namin ni Drake. Sa loob ng apat na buwang paghahanda, malimit ko lang siyang kinakausap. "Ayan, ate. Okay na lahat," sabi ni Mathew sa 'kin nang matapos na namin ang lahat. Naluto ko na ang mga pagkaing paborito namin ni Draken, mga pictures na naka-design, pailaw, at kung ano-ano pa. "I'm so excited," sabi ko sa sarili ko. Excited na akong ipakita ang mga PT ko kay Draken na katunayang buntis ako at magiging ama na siya. Anim na beses akong nag-PT at anim na beses ding lumalabas ang positive results. "E, ate. Dalawang linggo mo nang inililihim kina mama at papa 'yang nasa sinapupunan mo, ah? Kailan mo ba balak sabihin sa kanila?" pag-aalalang tanong ni Mathew. "Natatakot ako e. Pero... Pero susubukan ko mamaya pagtapos nito. Kumukuha lang ako ng tyempo." Hindi na sumagot si Mathew kundi nginitian lang niya ako. "Sige, hintayin na lang natin si kuya Draken. Mga ilang minuto na lang, darating na rin siya. Doon muna ako, ate." Ngumiti ako kay Mathew at pumwesto sa dapat kong pwestuhan para sa salubungin ang pagdating ni Draken. Handa na akong iregalo sa kaniya ang magiging anak namin. Hinintay ko ang pagdating niya at excite na excite ako pero parang napapalitan ng pagod at inip ang ilang mga sandali sa kahihintay sa kaniya habang tumatakbo ang oras. Panay ang tingin namin ni Mathew sa mga wrist watch namin. Halos magdadalawang oras na, hindi pa rin dumarating si Draken. "Ate, mukhang hindi darating si kuya Draken, ah? Dalawang oras at mahigit na tayong nandito e," sabi ni Mathew sa 'kin. "Nag-aalala na nga ako e. Kani-kanina nag-text kami at sabi niya na pupunta siya." "Baka naman nakalimutan niya, ate? Gabi na oh." "Pero imposible. Binati pa nga niya ako e," tugon ko habang pabalik-balik akong naglalakad sa inip. "Puntahan kaya natin siya, Math?" "Ate, baka mapaano pa tayo. Kumukulog at mukhang uulan pa. Baka magkasakit ka n'yan." "Sige na. Samahan mo 'ko. Hindi ako mapakali e." "Hay! O sige. Tara na." Sumakay kami ng kapatid ko sa sasakyan at siya na ang nagmaneho. Tinuro ko na lang ang daan dahil hindi naman niya kabisado ang daan papunta sa mansion nila. Mga ilang sandali pa, bumaba kami ni Mathew at pumunta sa gate. "Draken? Draken?" tawag ko sa kaniya. Nagtatawag din si Mathew pero walang sumasagot. Kaya, naisipan kong tawagan siya. Hindi sumasagot. Paulit-ulit kong sinubukan na tawagan ang number niya pero wala talaga. Naisipan ko na ring tawagin ang mga kaibigan namin. Pero ang mga isinasagot nila, hindi nila alam. "Ate, mukhang walang tao rito e. Baka naman umalis sila?" tanong ni Mathew sa 'kin. "Imposible. Ang sabi niya sa text, pupunta siya para sa date namin e," buong kaba at pag-aalala kong tanong. Nasaan na ba si Draken? "Ate, magtanong tayo sa guard. Baka alam nila kung saan nagpunta sina kuya Draken," suhestyon ni Mathew kaya sumakay ulit kami ng sasakyan at pumunta sa gawi ng guard na nasa main gate. Bumaba kami ni Mathew para magtanong. "Ahmm... Kuyang guard, magtatanong lang sana kami kung may idea kayo kung saan nagpunta si Draken Luzevia?" tanong ko sa guard. "Ahh... Ang mga Luzevia, ma'am? Umalis po sila kagabi pa. Sa USA na raw po titira. 'Yon po yung sinabi ng mga kasambahay sa mansion na 'yan bago sila umalis." Halos manlaki ang mga mata ko sa narinig ko kay manong guard. Nagtinginan pa kami ni Mathew at maging siya ay hindi makapaniwala. "H-Ho?" "Iyon po ang sabi, ma'am." "Salamat po, kuya," sabi ng kapatid ko at inalalayan kaagad ako. "Ate." "P-Pero... Pero imposible. B-Bakit hindi siya nagpaalam sa 'kin? T-Tsaka nag-text pa kami kanina na ano e.... 'Di ba, Mathew? Nakita mo yung text niya, hindi ba?" sabi ko sa kapatid ko pero inalalayan niya lang ako na isinakay sa passenger seat bago siya pumunta sa driver seat. "Why did he do this to you, ate?" tanong ni Mathew sa 'kin pero hindi ako nakaimik. "H-Hindi. Baka ano... Male-late lang siya sa---" "Ate, ano ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi nung guard kanina? Sa USA na sila titira. Ang tanong ko lang, bakit ka niya ginago? Pinaghintay niya tayo sa wala." Hindi ako makaimik sa sinabi ni Mathew. Naramdaman ko na lang sa dibdib ko ang bigat at kasabay no'n ay ang pagbagsak nang sunod-sunod ng mga luha ko. "Mabuti pa, ate, umuwi na tayo." "H-Hindi. Baka late lang si Draken sa---" "Ate, umuwi na tayo." "M-Mathew..." Hindi ko na kinaya pa ang sarili ko't tuluyan ko nang naibuhos ang luha ko. Hindi. Baka namali lang ng impormasyon si kuyang guard. Magpapaaalam sa 'kin si Draken kapag umaalis siya kaya imposible! Im... Posible. Dahil sa pagkatulala, pag-iisip at kasabay ng pag-iyak ko, hindi ko napansin na bumuhos na pala ang napakalakas na ulan. Halos hindi ko maaninag nang malinaw ang paligid dahil sa mga luhang umiipon sa bawat sulok ng mga mata ko. Ilang sandali lang, naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Para akong wala sa sarili na bumaba ng sasakyan kahit na umuulan nang napakalakas. Nandito na pala kami sa.... Bahay. "Ate!" dinig kong sigaw ni Mathew pero parang balewala lang siya sa 'kin. Naglalakad ako habang nababasa na ang buong katawan ko sa lakas ng ulan. Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na bumilis ang paglakad ko at nakapasok na sa bahay nang alalayan ako ni Mathew. "Mathia? Mathew? Where the hell have you both been?!" dinig kong tanong ni papa at mukhang galit na galit pero hindi ko na siya napansin pa dahil sa pagkatulala at pag-iiyak ko. "Mathia? Why are you crying? Mathew, anong nangyari sa ate mo?" tanong naman ni mama at naramdaman ko ang pag-alalay niya sa 'kin. "Ikuha mo ang ate mo ng damit. Bilis. Yung bag, akin na rito." Maya-maya'y nakita ko na lang na inabot ni Mathew ang bag ko kay mama pero hindi kaagad ito naabot dahilan at nalaglag sa sahig. "Mathew naman. Pulutin mo nga 'yang...." Tila tumahimik ang buong paligid na siyang ikinabuhay kahit papaano ng diwa ko. "Anong---Anong ibig sabihin nito?" takang tanong ni mama nang pulutin niya ang anim na PT na nakakalat sa sahig. "Oh--Oh my g0d!" Nakita ko ang paglapit ni papa at kinuha ang mga PT. "Anong---Mathia." Naluha na lang ako sa sarili ko kasabay ng pag-amin sa kanila, "B-Buntis po ako." "Anong---P*****a!" at mabilis kong naramdaman ang masakit na kamay na dumapo sa pisngi ko. "Put---Sino ang ama ng dinadala mo?! Sino?! Sino?!" tanong ni papa na nananalisik na sa galit at nakatanggap ulit ako nang sunod-sunod na sampal. "H'wag mong saktan ang anak mo!" "Papa!" "Kayong dalawa! Manahimik kayo!" Naramdaman ko na lang ang paghablot ni papa sa braso ko at mabilis niya akong ipinunta sa isang silid. Kaagad namang sumunod sina Mathew at Mama. "Sino ang ama n'yan?! Akala ko ba matalino ka?! Bakit ka nagpabuntis, ha?! Sino ba yung nakabuntis sa---Yung nobyo mo?! Ano, Mathia?! Yung nobyo mo ba?! Ha?!" Hindi ako nakasagot kundi ay naiyak ako. Muli, nakatanggap ako ng sunod-sunod na malalakad na sampal mula kay papa. Dinig ko ang pagdaing nina mama at Mathew para patigilin si papa. Pero ako, parang balewala lang sa 'kin lahat. "Ano ba?! Nagdadalang-tao ang anak mo!" "Wala akong pakialam!" "Papa! Tama na 'yan!" "H'wag kang mangingialam dito, Mathew! Hayop na lalaking 'yon! Pwes! Ipalalaglag natin 'yang lintek na batang 'yan!" "Ano ka ba?! H'wag mong saktan ang anak mo!" Dinig na dinig ko ang pagpipigil nila kay papa. Bawat sigawan at iyakan nila. Alam ko na hahantong sa ganito kaya ayaw kong sabihin. Pero mabuti na rin 'to. "Sa ayaw at sa gusto nitong babaeng 'to! Ipalalaglag natin 'yang batang 'yan!" PAGKARAAN ng siyam na buwan, halos naibuhos ko ang buong lakas ko para maipanganak ang nasa sinapupunan ko. Hindi ako pumayag na ipalaglag ang anak ko. Nawala si Draken sa 'kin, pero hindi na ang anak ko. Pinalayas ako ni papa sa bahay kaya nagsimula na akong mabuhay na mag-isa. Sinamahan ako nina mama at Mathew no'ng manganak ako. Dinadalaw-dalaw nila akong madalas sa tinutuluyan kong apartment para makita ang baby boy ko. Si Madrid Tierro. Isinunod ko siya sa apelyido ko at hindi sa ama niya. Naghahatid-hatid sila mama at Mathew ng mga pangangailangan namin sa pang-araw-araw at inaalagaan din nila ang anak ko. "Kailangan ko nang umalis, mama. Ikaw na po munang bahala kay Madrid," pagpapaalam ko kay mama. "Ako na ang bahala sa apo ko. Mag-iingat ka," sabi naman ni mama. Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako umalis. Nagtatrabaho ako sa mall as a saleslady. Simula kasi nung magbukod na kami ng anak ko, kailangan ko na ring maghanap ng mapagkakakitaan para sa pangangailangan naming mag-ina. Twenty three years-old na ako. Kaya ko na ang mga ganitong bagay. HALOS panay ang iyak ni Madrid tuwing madaling araw kaya napupuyat din ako. Hindi naman pwedeng dito sina mama at Mathew lagi dahil may mga kani-kaniya rin silang ginagawa. Kaunting tiis at tyaga pa para sa 'kin. Para mapalaki ko nang maayos ang anak ko. Sa tuwing pagsapit ng day off ko, sideline ko ang pag-o-online selling. Mga damit, perfume, at kung ano-ano pang bagay ang ibinebenta ko para kumita. Mahirap, oo. Pero kailangan. Naging ganito ang buhay naming mag-ina. At ako bilang isang ina, kailangan kong dumoble ng kayod para sa pangangailangan ng anak ko. Bagaman binibigyan ako nina Mathew at mama ng mga pangangailangan, hindi ko naman pwedeng iasa sa kanila lahat. At isa pa, sasapit din ang anak ko sa taong mag-aaral na siya. Kailangan kong pag-ipunan ang bagay na 'yon. Kailangan kong maghanda para doon. Hindi na ako umasa at aasa pa na tutulungan ako ni Draken. Simula nang ipagbuntis ko si Madrid at hanggang sa maipanganak ko, wala na akong balita sa kaniya. At hindi ko na kailangan pang makibalita para sa kaniya. Sapat na ang nasaksihan ng buhay ko, hindi siya karapat-dapat sa 'kin o kahit na sa anak ko. Isa siyang irresponsableng lalaki. ABALA ako sa pagsasaayos ng mga in-order nang bigla, sumulpot sa unahan ko si Charlie. Ang suki ko sa pag-o-online selling ko. Palagi siyang bumibili ng mga T-shirt at short sa 'kin. Magaganda naman kasi ang quality e. "Ano? Kukuha ka ba ulit ng T-shirt?" tanong ko sa kaniya pero inilingan niya ako. "Ano? Porque ba nandito ako e o-order lang ako?" tanong niya sa 'kin. "E ano nga bang ginagawa mo rito?" tanong ko naman sa kaniya. "Jusko naman! Ang tagal ko nang bumibili sa 'yo tapos hindi mo man lang napapansin? Tsk! Syempre binibisita ka," sabi niya sa 'kin. "E bakit mo naman ako binibisita? May sakit ba 'ko? Wala naman, ah? Tsaka, wala ka bang ginagawa?" sunod-sunod kong tanong. "Ito naman. Tss. Yayain sana kitang mag-lunch. Kung pwede?" "Ay? For the first time, ah? Treat mo?" "Malamang! Itong babaeng 'to. Tanghali na oh. Tara na." "Tsk! Teka, ito na." Simula nung nag-online selling ako, si Charlie na ang palagi kong nakikitang umo-order sa 'kin. Naging suki ko siya. At nung makausap ko siya, napagtanto kong palabiro pala siyang tao. Kwela. Nakakawala ng stress kapag gumugulat siya sa 'kin. Inaamin ko, magaan ang loob ko sa kaniya. At simula nitong niyaya niya akong mag-lunch, napapadalas na rin ang paglabas-labas namin. Kung hindi lunch, minsan dinner o kaya kahit sa breakfast. Sinasama-sama rin namin si Madrid na palagi niyang binubuhat-buhat. ILANG BUWAN na ni Madrid at ilang buwan na ring nanliligaw si Charlie sa 'kin. Hindi ko pa rin siya sinasagot dahil natatakot ako. Natatakot akong magmahal ulit. Kahit nung makilala ni Mathew si Charlie, ang tanong niya sa 'kin, "Ate, talaga bang papasok ka ulit sa isang relasyon?" "Bakit? May masama ba?" tanong ko naman pabalik. "Wala naman. Pero bilang kapatid mo, nag-aalala lang ako sa 'yo. Ayokong mangyari ulit ang nangyari sa buhay mo noon nang dahil sa lalaki. Unti-unti ka nang bumabangon ngayon at sana, wala na uling lalaking magpapabagsak ng lahat ng pinaghirapan mo." Naiintindihan ko si Mathew. Concern siya sa 'kin. At 'yon din naman ang iniisip ko e kaya nag-aalangan akong sagutin si Charlie. Pero hindi ko naman sa sinasabing masamang tao si Charlie. Siguro, hindi pa ako handang bumalik sa pakikipagrelasyon. At nang sabihin ko naman ang bagay na 'to kay Charlie, naiintindihan naman daw niya ako. Hinding-hindi siya titigil at ipo-prove niya sa lahat ng tao, sa pamilya ko at sa 'kin na karapat-dapat siya sa 'kin. Para sa 'min ni Madrid.Naggugupit-gupit ako ng mga colored papers habang si Mathew naman ang nagdidikit-dikit ng mga disenyo. Hinahanda ko na ang mga ito para sa preparation ko sa 4th anniversary namin ni Draken. Gumawa ako ng napakahabang message for Draken sa mga napagdaanan namin through ups and downs. Then yung mga pictures namin, balak kong i-design 'yon sa taas sakali para makita niya 'yon kapag paparating na siya sa place.Napapangiti ako dahil ini-imagine ko na kung ano ang magiging reaction niya sa surprise ko. Hindi na ako makapaghintay na i-celebrate naming dalawa ang tagal ng relasyon namin."Ate, halos tatlong buwan na nating pinaghahandaan 'to, ah? Grabe ka naman mag-prepare," sabi sa 'kin ng kapatid kong si Matthew."Gano'n talaga. Oo nga pala, h'wag mo nang sabihin kay papa, ha? Alam mo naman 'yon, napaka-KJ. Kahit kay mama. Basta ating dalawa na lang 'to. Hayaan mo, may malaking tip ka sa 'kin after.""Naku, ate! Ako pa ba? Don't worry. Maaasahan ako r'yan."Napangiti na lang ako sa kapatid
"Cheers!" "Cheers!" "Happy Birthday, Dianne!" "Happy Birthday!" "Woah!" "Let's get party!" We're celebrating our best friend, Dianne on her 19th birthday. She rented a private resort at enjoy na enjoy kaming magkakaibigan sa party niyang 'to. "Babe, I'm sorry. Na-late ako," Napalingon na lang ako nang marinig ko ang boses ng boyfriend ko, si Draken. Pagkasabi niya no'n, hinalikan niya ako sa pisngi pagtapos. "Where have you been? Gabi ka na dumating, ah?" takang tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam pero more than thirty minutes na akong nandito sa party. "Ahmm... May importante lang akong pinuntahan. By the way, nasa sa'n si Dianne? Oh, wait. Babatiin ko lang siya," sabi ni babe saka niya pinuntahan si Dianne. Malapit na malapit kami ni babe sa kaniya. We spent our night for this birthday celebration. We're having wines and beers. Panay rin ang sigawan at sayawan namin sa pool. "So, Dianne, 19 ka na. And I heard that you will study sa America? Legit ba?" tanong ng isa naming