Sa pagdating namin sa mansion ng mga magulang ni Draken, agad akong kumapit sa braso niya. Sa bawat pagtingin ko sa paligid ay naaalala ko ang nangyari dati. Lahat-lahat."Good evening po, sir. Good evening po, ma'am," pagbati sa 'min ng dumating na maid habang nakangiti nang malapad."Where's mom and dad?" tanong naman dito ni Draken."Nasa—""We're here."Nagpantig ang mga tainga ko sa babaeng nagsalita habang naglalakad palapit sa 'min. Sa presensya at tindig pa lang niya, damang dama ko na ang takot ko."Hi, mom. Where's dad?" tanong muli ni Draken matapos niyang halikan sa pisngi ang mommy niya."Nasa dining area. We're waiting for you," sagot nito. Binaling niya ang tingin sa 'kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa."H-Hello po—"Hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko nang tumalikod siya at naglakad patungo sa dining area. Marahan kong diniinan ang pagpipisil ko sa kamay ko sa pagkapahiya."Babe, let her be. Come with me," sabi ni Draken."E si Madrid?" tanong ko naman."I g
Kinabukasan ng umaga, tinutulungan ako ni mama na mamili ng damit na pwede kong isuot para mamaya. Sinabi ko sa kanila ni Matthew na pupunta kami mamaya ni Draken sa mga magulang nito para sabihin ang lahat—lalo na ang tungkol kay Madrid."Ito, anak. Mas mainam na isuot mo ito. Maganda, simple at bagay sa balat mo ang kulay," sabi ni mama nang habang pinapakita sa 'kin ang hawak niyang old rose maxi dress.Kinuha ko naman ang dress at sinukat 'yon. Sakto pa ito sa 'kin. Mukhang akong binibini sa suot kong 'to."Sige po, 'ma. Maganda siya. Ito na lang po ang gagamitin kong sandals," sabi ko naman kay mama.Ilang sandali lang matapos naming mamili ng isusuot ko, sabay kaming napatingin ni mama nang makarinig kami ng pagtawag mula sa labas."Sino 'yon?" tanong ni mama. Dahil dito ay agad akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa pintuan ng bahay.Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad sa 'kin si Charlie. Nabigla pa siya nang makita ako."M-Mathia?" tanong pa niya."Bakit, Charlie?" tanong ko rin
Sa pagtatapos ng pag-uusap namin, nag-ring bigla ang phone ni Draken kaya kinuha niya ito."Excuse me, sasagutin ko lang ito," paalam nito. Um-agree naman kami kaya agad siyang tumayo at lumabas ng bahay para sagutin ang tawag."Anak, alam mo? Magluto na lang tayo para sa lunch. Dito na kumain si Draken para naman sabay-sabay tayo," sabi naman ni mama."Sige po," pagsang-ayon ko bago kami tumayo at nagtungo sa kusina.Nagsimula kami ni mama na magluto para sa lunch namin. Abala ako sa paghihiwa ng mga gulay para sa lulutuin naming Sinigang nang bigla namang pumunta sa gawi namin si Draken."Babe," tawag nito sa 'kin. "Pupunta lang ako saglit sa opisina. May meeting akong dapat gawin. Babalik din ako kaagad," paalam niya."Sige. Walang problema. Balik ka para sa lunch. Mag-ingat ka," sabi ko naman. Hinalikan niya ako sa pisngi at nagpaalam na rin kay mama bago siya umalis.Sa ilang minutong nagdaan, bigla namang dumating ang anak kong si Madrid at panay ang tawag sa 'kin."Mama. Mama.
Pabalik na kami sa bahay at kasama namin ni Madrid si Draken. He's ready to face them and tell to my family how he loves me and our son.Pasado alas dies ng umaga, nakarating kami sa tapat ng bahay. Excited na excited ang anak ko na muling makita ang tito at lola niya. Kumatok ako nang tatlong beses dala ang kaba sa maaaring mangyari.Ilang sandali lang ay nagbukas ang pinto. Nanlalaki ang mga mata ni mama nang kami ang bumungad sa kaniya."Anak! Apo!" maluha-luha niyang sambit at saka kami sinalubong ng yakap. Dama ko ang kirot sa dibdib sa mga sandaling hindi namin nakita si mama. "Saan ba kayo nang—Draken?"Nagtataka si mama dahil ngayon ay magkakasama na kami."Ma, sino 'yang—BAKIT NANDITO ANG GAGONG 'YAN?!" halos mamula naman si Matthew nang bumungad siya sa 'min at nakita si Draken. Kaagad siyang sumugod pero agad naman kaming pumagitna ni mama, habang si Draken ay lumayo."Matthew, anak! Tama na!" sambit ni mama."Ang kapal ng mukha mong bumalik dito! Ano?! Dapat sa 'yo, ipakul
"P-Pero may fiancée ka," sambit ko. Ngumiti siya sa 'kin. Dinapo niya sa pisngi ko ang kaniyang palad at hinaplos ito."I told you, I don't like her. I don't want to marry that woman. I want to spend my life with you and with our son," paliwanag niya.Nababagabag pa rin ako kahit na nagtapat na ako sa kaniya. Sa sandaling hindi ko pag-imik, napatingin na lang ako nang makita ang kamay niyang may hawak na maganda at nagniningning na singsing."D-Draken?""Mathia Tierro, my love, I want to be with you until the last. Will you marry me?"Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang 'yon. Dama ko ang malakas na tibok ng puso ko sa tuwa at saya... pati pangamba."P-Paano naman ang gusto ng mga magulang mo? S-Siguradong magagalit sila sa 'yo lalo na't binalikan mo ako," tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya."Babe, don't worry about them. I can manage all the mess they made. Ang importante ay ang matanggap mo ang alok ko para sa anak natin at sa mga magiging anak pa natin. So, again, will
Hindi ako sinagot ni Draken, sa halip ay tinitigan lang ako ng malamig na expression ng kaniyang mukha."Bahala ka. Kung ayaw mong kumain, e 'di h'wag," pagtataray ko bago tumalikod. Hahakbang pa lang ako paalis nang magsalita siyang bigla."Ipasok mo 'yan dito," sabi niya at saka pa binuksan nang mas malaki ang pinto. Inis ko siyang tinignan at ginawang ipasok ang tray ng pagkain. Sinara naman niya ang pinto pagtapos."Oh, dito ko na ilalagay para makakain ka na," saad ko nang ilapag sa isang center table ang pagkain. Hindi siya umimik, sa halip ay tinignan niya lang ako. "H'wag mo na akong titigan. Hindi ka mabubusog.""Can you do me a favor?" tanong niya."Huh? Favor? H'wag mo sabihing kailangan pa kitang subuan?" tanong ko rin."Pwede bang tignan mo ang ilalim ng office table ko? May hindi ako makuha ro'n e," pakisuyo niya sa seryosong pananalita."Tsk! Kailangan ko ng umalis. Sige na," wala kong ganang sabi at saka naglakad patungo sa pinto. Sa pagpihit ko sa doorknob, nagtataka