"Anak, ubusin mo po 'yang food, ha? H'wag ka pong magsasayang," bilin ko sa anak kong si Madrid nang makaupo na siya sa bakanteng silya. Tignan mo nga naman... Handang handa ang anak kong pumasok sa school. Sampung taong gulang na ang anak ko. Matalino, pogi at higit sa lahat, mahal na mahal ako.
"Opo, mommy. Kakain po ako nang marami," sagot ng anak ko habang nakangiti nang malapad. Napapangiti na lang ako kapag nakikita ko ang cuteness ni Madrid sa tuwing tinitignan ko siya. Kahit kailan talaga, manang mana sa 'kin. Pinapainom ko ng gatas si Madrid para lumakas ang resistensya niya. Ayoko siyang magkasakit habang wala ako sa tabi niya. Hindi naman sa pinababayaan ko siya pero kung hindi ako magtatrabaho, sinong magpo-provide ng lahat ng pangangailangan niya? Ako lang naman ang meron siya at ang tito at lola niya. Habang abala kami sa pagkain ni Madrid ay narinig ko na lang din na may nag-park sa harapan ng bahay. Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at binuksan ito. "Good morning," pagbati ni Charlie sa 'min. "Tito Charlie!" tuwang tuwa na naman si Madrid dahil nakita na naman niya si Charlie. "Kain, Charlie," pagyayaya ko rito pero umiling ito at marahang kumaway. "Hindi na. Busog ako. Kakakain ko lang din e. Napadaan ako rito para ihatid kayo sa school at sa work. Gusto mo ba 'yon, Madrid?" sabi nito sabay tanong sa anak ko. Sa sobrang tuwa ng bata ay tumango ito habang nakangiti. "Huh? E baka naman ma-late ka sa pagpasok mo? Kumakain pa kami e," tanong ko. "Hindi. Kaya pa naman. Maya-maya pa ang pasok ko." Naupo siya sa isa sa mga bakanteng silya at sandaling hinaplos ang buhok ni Madrid. Nangiti siya nang malapad habang tinitignan ang anak ko. "Ang laki mo na, Madrid. Ilang taon ka na?" tanong ni Charlie at sumenyas naman ng nine ang anak ko. "Parang kailan lang no'ng baby ka pa. Ang cute-cute mo pa rin hanggang ngayon. Kanino ka nagmana?" tanong pa nito at tinuro siya ni Madrid bilang sagot. Aba! "Anak, ako ang umire sa 'yo kaya dapat na ako ang ituro mo," pagbibiro ko. Nag-peace sign naman si Madrid ngunit tinawanan lang namin siya ni Charlie. Bukod kina mama at Matthew, si Charlie rin ang nakakita kay Madrid noong baby pa ito. Suki ko pa lang siya sa online selling ko. After that, madalas na niya akong dalaw-dalawin at dinadalhan ng foods na minsan ko rin'g na-crave-an. Para akong may guardian angel sa tuwing nangangailangan din ako ng tulong. Gaya nga noon--hanggang ngayon--gusto ni Charlie na tumayong ama kay Madrid. Nililigawan niya ako hanggang ngayon pero hindi ko pa rin maibigay ang salitang oo sa kaniya. Minsan nga, nahihiya na ako dahil para ko na siyang pinapaasa. Yes, wala akong nararamdaman sa kaniya pero nagbabakasakali ako na baka pagdating ng tamang panahon, mahalin ko na siya pabalik. "Madrid, sabihin mo na kaya kay mama mo na sagutin na niya ako? Para magkaroon ka na ng papa." Aba! Nagpaparinig pa! "Madrid, why did I tell you?" tanong ko naman sa anak ko. "H'wag pong sasali sa usapin ng matatanda," magalang na sagot ng anak ko. Binigyan ko ng tingin si Charlie upang ipagmalaki ang matalino kong anak. "Oh? Okay... Okay..." saad ni Charlie. "Let mama tell you what her decision is. M-Madrid doesn't want to make decision. I'm--I'm young," sagot naman ng anak ko kay Charlie. "Oh, tignan mo. Ang galing ng anak ko, 'di ba? Mana 'yan sa mama e, 'no? 'Di ba anak?" tanong ko. Tumango si Madrid sa 'kin bago niya tinuloy ang pagkain niya. "Mathia, oo nga pala, naalala ko na kukuha pala ako ng order, ha? Marami kasing nagtatanong kung kailan daw ako magre-restock. Nai-send ko na sa messenger yung lists. Paki-check na lang," paalala ni Charlie kaya tumango ako sa kaniya. Matapos naming kumain ni Madrid, tinanggal ko na ang mga saksakan at ni-lock ang pinto ng bahay. Sumakay na kami sa sasakyan ni Charlie at ihahatid muna namin ang bata sa eskwelahan. Malapit-lapit lang naman yung eskwelahan ni Madrid dito. Madalas kaming nagji-jeep at inaabot lang kami ng ten minutes. Baka ngayon, mga five minutes na lang. Depende sa daloy ng trapiko. Sa pagdating namin sa tapat ng gate ng school ay bumaba na si Madrid. Hinalikan niya kami sa pisngi ni Charlie at niyakap bago pumasok. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ang anak ko. Yung nararamdaman ko, para akong kinikilig na natutuwa na nae-excite. Hindi ko alam. "Tears of joy?" tanong bigla ni Charlie. Napansin ko na lang sa sarili ko na naluha na pala ako. 'Di ko man lang napigilan. Pinaandar na niya ang sasakyan upang ihatid na ako sa mall kung saan ako nagtatrabaho. "Natutuwa lang ako. Parang nag-reminisce bigla yung mga nangyari sa 'kin simula no'ng dumating si Madrid sa buhay ko. Alam mo yung pakiramdam na para kang ni-refill-an ng lakas? Gano'n. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin 'yon," paliwanag ko rito. "Bilib nga ako sa 'yo e. Imagine-in mo, mula sa pagbubuntis hanggang sa mag-ten na si Madrid, kinayanan mo. Ang galing mo ro'n," pagmamangha ni Charlie sa 'kin. "Salamat, pero syempre dahil din sa tulong niyo nina mama at Matthew. Kung wala akong kasangga sa pagpapalaki sa anak ko, hindi ko rin kakayanin," paliwanag ko naman dito. Nagbitiw siya ng malapad na pagkakangiti sa 'kin at tinuon ang sarili sa daan.While I'm unpacking my things, iniisip ko kung ano ang una kong gagawin to get closer to Richard? I mean, I heard from my close friend, Sydney, na ayaw ni Richard sa mga rich girls because only want is his money.I feel pressured, to be honest. Ang hirap naman na hindi ko ipakikilala mismo ang sarili ko sa kaniya. What if... ibahin ko na lang muna ang name ko?From Canada Samson to... ano kaya ang maganda?Nag-isip ako for almost ten minutes nang may pumasok na idea sa brain ko."Nadia. Nadia Rovales," sabi ko sa sarili ko.I will use 'Nadia' from my name 'Canada' and 'Rovales' because that's my aunt's last name sa late husband niya.After kong ayusin ang mga things ko, I started to make a fake resume dahil alam ko ang business ni Richard dito sa Philippines. I stalked his identity already noong nasa States pa lang ako. Now, what I need to do is mag-apply at maging employee niya to get closer to him.While I'm making my fake resume, narinig ko ang pagkatok ni tita Rama sa pinto ng roo
"OMG!"I feel so much excitement as I arrive here in Philippines. Like OMG! Nakarating ako and finally! Magagawa ko na rin ang lahat ng plans ko!Sa sobrang kilig, gusto kong tumalon-talon pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. I know na maraming judgmental dito at baka isipin nila na babaliw ako.Na-contact ko na rin si Manong Tadeo to fetch me. Biglaan lang talaga ang uwi ko dahil unexpectedly, may new opportunity na naghihintay sa 'kin dito so I used it para makapunta lang dito sa Philippines."Ma'am Nad? Kayo po ba 'yan?" tanong ni Manong Tadeo nang lapitan niya ako."Hi, Manong Tadeo! Yes, I'm Canada. Canada Samson," I introduced myself to Manong. Mukhang hindi na niya ako natatandaan."Ikaw? You now malaki na, ah? Isasakay ko na ang mga gamit mo," sabi ni Manong bago niya ito gawin."Nasa bahay po ba si tita Rama?" tanong ko."Yes. Yes, Nad."Napapalakpak ako in so much excitement. Makikituloy muna ako kay tita Rama while making my other plans to do. Mahirap na.Sumakay na ako
A day after our wedding, nagbigay ng suggestion si Draken kung saan kami magha-honeymoon. Kung ano-ano na ang bansang sinabi niya kaya nahirapan ako sa pag-iisip, pero nang mabanggit niya ang Hawaii, may biglang pumasok sa isip ko.At iyon ay magha-honeymoon na lang kami sa isla kung saan niya kami dinala ni Madrid noon.Dahil sa regalo nina Dianne at Aileen, ginamit ko 'yon para sa unang gabi namin ni Draken bilang mag-asawa. Niregaluhan ako ng thong and bra ni Aileen habang si Dianne naman ay lingerie. Si Karen, nagregalo ng pabango para daw kumapit ang amoy sa damit at balat ko. Siguradong hindi raw aalis si Draken sa 'kin kapag naamoy niya 'yon.Napaisip na lang ako na siguradong nag-usap ang mga 'yon para dito. Tsk!Nang makalabas ako ng banyo, nakita ko si Draken na nakaupo na sa ibabaw ng kama habang nakasandal sa headboard nito. Kita ko ang laki ng dibdib niya dahil naka-bathrobe siya.Agad niyang napukaw ang ayos ko at napangiti siya habang tinitignan ako mula paa hanggang ul
Sa kabila ng pagsubok na naranasan ng pamilya namin, napalitan iyon ng kagalakan sa mga puso namin matapos ang dalawang araw.Sa wakas, tuloy na tuloy na ang kasal namin ni Draken.Suot ang aking wedding gown, ngayon ay nasa tapat na ako ng pintuan ng simbahan. Naluluha ako. Nasa tabi ko si Mama na siyang maghahatid sa akin papunta sa altar."Anak, ito na," sambit ni Mama.Ilang sandali pa nang magbukas ang pinto ng simbahan, tumambad sa 'kin ang mga imbitado. Mula sa pamilya, kamag-anak, kaibigan, katrabaho at mga malalapit sa buhay namin ay nandito upang saksihan ang espesyal na araw na ito.Nang tignan ko si Draken, nagsalubong ang tingin namin sa isa't isa. Simple ang ayos niya pero napakagwapo. Hawak niya ang panyo habang nakatingin sa direksyon ko, pinupunasan niya ang luhang namumuo sa mga mata niya.Sa paglalakad namin nang dahan-dahan ni Mama patungo kay Draken, naluluha na rin ako. Pinipigilan ko pero kusa itong tumutulo. Natutuwa ang puso ko."Ikaw na ang bahala sa anak ko,
Ilang segundo na ang nakakaraan ngunit walang lumalabas na bala mula sa baril na hawak ni Vanessa. Nagtataka siya kung bakit walang nangyayari.Sinubukan pa ulit ni Vanessa na pindutin ang gatilyo ng baril ngunit wala pa rin'g lumalabas."Bwiset!" sambit niya sa inis dahil walang laman ang magazine ng baril niya.Dahil dito, agad ng kinuha ni Draken ang anak naming si Madrid. Akma pang manlalaban si Vanessa ngunit agad siyang nilapitan ng mga pulis at pinosasan."Anak. M-Madrid, n-nasaktan ka ba? Anak," agad kong pangungumusta sa anak kong si Madrid. Umiiyak siya at dama ko ang bilis ng tibok ng puso niya sa nerbyos.Ngayon ko lang naramdaman ang tindi ng panghihina ko."Babe," sambit ni Draken nang mapaupo ako sa sahig. Inalalayan naman nila akong mag-ama."M-Mama.""Mathia? Draken? Madrid?"Rinig ko ang boses ni Mama na nag-aalala ngunit dumidilim na ang paningin ko. Nanghihina na ako. Hindi ko na kaya ang katawan ko.Hindi ko na alam ang nangyari nang dumilim na ang buong paligid k
Nakasakay ako sa sasakyan ni Draken habang siya ay abalang nagmamaneho. Nakasunod kami sa mga police mobile para habulin ang kinaroroonan ni Vanessa."M-Maaabutan pa kaya natin sila?" buong pag-aalala kong tanong kay Draken."I'm sure na mahahabol pa natin si Vanessa. Carlos is with us. He will lead kung saan pwedeng magtungo si Vanessa now that he has a tracking device," sagot ni Draken.Magkahawak ang kamay ko habang taimtim na nananalangin na sana ay walang mangyaring masama sa anak ko. Ayokong mapahamak siya.Sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan namin at ng police mobile. Ilang sandali pa habang nasa gitna ng kalsada, tumunog ang radyo na nakapatong sa tabi ni Draken."Nabakuran ng mga police si Ms. Vanessa Harriet. Hawak niya ang batang lalaki and at may hawak din siyang baril," sabi ng boses lalaki mula sa kabilang linya."Shit!""J-Jusko!"Halos sabay naming sambit ni Draken. Ang puso ko, bumibilis sa tindi ng kaba at takot. Hawak na ni Vanessa ang anak ko!Hindi ko na ala