"Hindi ka naniniwala sa 'kin?" tanong nito."Ang tanong ko ang sagutin mo," sambit ko naman sa kaniya."M-Mama. P-Papa, stop this, please," pakiusap naman ng anak namin."Madrid, pumasok na tayo sa loob. Paparating na ang lola. Tara na," pagyayaya ko sa anak ko.Tumalikod na ako kay Draken dahil mukhang hindi naman niya kayang sagutin ang tanong ko. Nagbitiw ako ng isang matalim na tingin sa kaniya bago ko siya tuluyang talikuran."If you don't want me anymore, fine. I will never bother you again," rinig kong sambit ni Draken. "But I will get my son."Sinara ko na ang pinto at hindi ko na siya hinayaan pang magsalita. Sumandal ako sa pinto at dinig ko ang pagbukas, pagsara at pag-alis ng sasakyan ni Draken.May bigat na biglang kumurot sa puso ko matapos ang sagutan naming dalawa. Umaakyat ang emosyon ko at gusto ko ng maluha pero hindi ko hinayaan."M-Mama, si papa po..." sambit ng anak ko pero wala ako sa sariling napatitig sa mukha niya. Punong puno na ito ng luha at panay rin ang
Huminga ako nang malalim nang madinig ang hinanaing ng anak ko. Lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. Unti-unti ko rin'g pinatong sa balikat niya ang kamay ko."I-I'm sorry, anak, if you feel that way," sambit ko. I don't want to see him suffering dahil sa 'min ng papa niya. Siya ang kalakasan ko at ayokong makita siyang nagkakaganito."N-No, mama, I should be the one to apologize. I-I thought, everything will be on my side: my dream of having a complete family and seeing you both at the same time. Akala ko po na ito na ang magandang simula po natin. Nagkamali po pala ako," sambit ng bata."Sshhh..." pagpapatigil ko at saka ko siya niyakap. "Anak, don't blame yourself."Hindi na nagsalita pa si Madrid habang patuloy siya sa pag-iyak. Hinahaplos ko ang buhok niya habang hinahayaan siyang ilabas ang bugso ng damdamin niya.Sa punto rin'g ito, nakaramdam ako ng inis kay Draken. Kung hindi niya sana ginawa yung panggagago niya, hindi na sana umiiyak ang anak namin.ABALA ako sa pag
Nagpunta kami ni Richard sa isang coffee shop at nag-order. Matapos nito ay saka na kami pumwesto sa isang bakante."Wow, you look still the same. Para kang hindi tumatanda," pagmamanghang sabi ni Richard."Thank you. Actually, medyo tumaba ako dahil sa panganganak."Pagtataka at gulat ang namuo sa expression ng mukha niya."Do you already have a child?" paninigurado niya."Yes. He's now a 10 year-old boy. He's Madrid.""Sino ang ama?" sa tanong na 'yon, hindi ko siya sinagot, sa halip ay ngumiti ako at tila nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Oh, si Draken."Tumango ako sa kaniya bilang sagot."Hindi ko aakalain na magkakaanak kayo ng pinsan ko. Sa pagkakaalam ko when he was in States, he's about to marry Vanessa Harriet, but I found out to tito na nagkabalikan pala kayo. That's great.""Hmm... not anymore," sambit ko. "I ended our relationship, Richard. Hindi naman ako gusto ng mommy niya—dati pa nama
Agad akong umakyat patungo sa kwarto at nagkulong. Hinayaan ko na sina mama at Matthew ang humarap sa lalaking 'yon."P-Please, Mathia, show yourself. W-We need to talk!" sigaw niya. Nakakabulabog na siya sa buong lugar namin."Draken, hijo, pasensya na. Umuwi ka na sa inyo. T-Tulog na si Mathia," dinig kong pakiusap ni mama."P-Pakiusap po, tita! Let me talk to her! Please! Mathia! Talk to me! Ayusin natin 'to! Mathia!"Dama ko ang bigat sa dibdib ko sa magkahalong galit at awa kay Draken. Nakahawak ako sa anak kong si Madrid na umiiyak."M-Mama..." humihikbing sambit ng anak ko. Gusto kong maiyak dahil nakikita ko ang lungkot ni Madrid.Huminga ako nang malalim. Iniwan ko ang anak ko para bumaba at harapin si Draken."Nandito ako. May kailangan ka?" seryoso at wala kong emosyong tanong sa kaniya nang puntahan ko ang pintuan.Kita ko ang pamumula ng balat at mata niya sa kalasingan. Basang basa siya ng pawis sa
"M-Mathia. Mathia, don't leave me. Mathia," pakiusap ni Draken pero hindi na ako nagpapigil pa. Hawak-hawak ko si Madrid at dire-diretso kaming lumabas ng bahay.Alam kong masakit para sa anak ko ang makitang lumuluha ang papa niya, pero sa pagkakataong 'to, mas masakit ang nararamdaman ko."Get inside," sambit ko kay Madrid matapos kong magpara ng taxi. Mabilis kong nilagay ang maleta sa backseat at saka ako naupo sa passenger's seat bago kami umalis ng tuluyan.Habang nasa kalagitnaan ng kalsada, dinig ko ang paghikbi ng anak ko. Gusto ko siyang patigilin. Gusto ko siyang kausapin pero kahit ako, gusto na rin'g maiyak.Ang sakit. Mas masakit pa ito sa ginawa niyang pag-iwan noon. Kung iyon, napalampas ko, ito, mukhang hindi na.Bumaba na kami matapos ang ilang minuto naming pagbyahe. Agad akong kumatok sa pinto ng bahay at laking-gulat ni mama nang makita kaming dalawa ng apo niya, dala ang mga bagahe."M-Mathia. M-Madrid, b-ba
"Ano? Hindi ka makapaniwala ngayon? Akala mo ba, mahal ka ni Draken? Hindi! Si Vanessa ang gusto niya at hindi ikaw!" sigaw pa ni witch sa 'kin habang nanlalaki ang mga mata niya. Mabigat din ang kaniyang paghinga sa sobrang sama ng loob."A-Alam niyo rin ito?" tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nananatili pa rin ang postura niya. "Alam niyo rin ba 'to?!""Oo!" sigaw niya. "Bago pa lang ang party, pinlano na namin 'to ni Vanessa para umalis ka sa buhay ng anak ko!"May kung anong kirot sa puso ko nang sabihin 'yon ni witch. Bukod sa nakita ko, mas nasaktan ako lalo sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na darating pa sa ganitong punto ang pwede niyang gawin para mapaalis ako sa buhay nilang pamilya.Ganito ang gusto nila?Sige."M-Mama..." dinig kong sambit ng anak ko habang nakayakap sa 'kin."Sana, hindi na lang ako nagsayang ng pagod at oras para lang magkabuti tayo. Despite all of your depravity, I still respect you b