เข้าสู่ระบบ"R-Richard!" sambit ni tita Rama sa bigla habang kami ni Janice ay napasigaw sa gulat. Bakas sa mukha ng boyfriend ko ang galit habang nakatitig sa mga mata ni Clinton. "Don't you dare touching my girlfriend!" sigaw ni Richard kay Clinton habang nakaduro dito. "What the fuck is wrong with you?!" tanong din naman ni Daddy na gustong patulan si Richard pero agad akong pumagitna."Don't hurt him!" sigaw ko para pigilan si Daddy. "I love him, Dad. He's the one I wanna be with and not Clinton. Why don't you let me to love someone I truly care about? Huh?""Canada, stop saying nonsense! You are going to marry Clinton! That is what we had talked about when we were in States!" sagot ni Daddy."You are mistaken, sir," singit naman ni Richard. "She's not Canada. She's Nadia. Nadia Rovales," pagtatama pa ni Richard kay Daddy.Natawa naman si Daddy matapos niyang sandaling mapaisip sa sinabi ni Richard."Nadia who? My daughter's name is Canada. Canada Samson. Who the hell is Nadia Rovales?" sar
Umabot kami hanggang hapon sa pagkukwentuhan hanggang sa biglang mag-ring ang phone ko. Nang tignan ko ang screen ay nakita ko ang number at name ni Richard. "Hello, love," bungad ko nang sagutin ko ang tawag. "Hello, love. How are you?" tanong niya sa 'kin mula sa kabilang linya. "I'm good. Ikaw?" "Fine. Love, I will fetch you later, okay? I wanna have dinner date with you," sabi niya sa 'kin. Tinignan ko sina tita Rama at Janice na ngayon ay nagtataka kung anong dahilan bakit tumawag si Richard. "Okay, love. No problem. Mga anong oras ba?" tanong ko pa sa kaniya. "7:00 PM. Susunduin kita ng 6:45 para maaga tayong makarating sa b-in-ook kong restaurant," sabi niya. "Okay, love.""Okay, bye. I love you.""I love you too," sagot ko bago ko binaba ang tawag. "Canada, bakit tumawag si Richard?" tanong agad ni tita Rama na hindi na makapaghintay. "Inaaya po akong mag-dinner date ni Richard, tita," sagot ko sa kaniya. "Oh, e 'di ito na yung tamang time para sabihin mo sa kaniya y
"Uhmm... may gusto sana akong ipagtapat and it's all about my—" Hindi ko na natuloy pa ang sinasabi ko nang businahan ni Richard ang sasakyang muntikan na kaming masagasaan. "What the hell? Bakit ba ang daming hindi marunong tumingin sa kalsada while driving? Tsk!" naiinis na tanong ni Richard. Ito na naman ako at parang nawawalan ng lakas ng loob na magsabi sa kaniya. Oh gosh... "Love, may mga pending emails pa bang natitira?" tanong niya sa 'king bigla. "W-Wala naman. Bakit mo naman natanong?" tanong ko naman sa kaniya. "Let's go somewhere we can be happy. Napansin ko kasi na para tayong inaambunan ng problema, e. Okay ba?" tanong niya. Ngumiti naman ako bilang tugon sa kaniya. Tinahak pa namin ang daan at nagtungo kami sa isang amusement park. Masaya ang paligid at medyo hindi rin karamihan ang taong nandoon dahil weekdays. Pumasok kami ni Richard at saka kami bumili ng dalawang ticket para sakyan ang ilang rides na nandito. "Shall we?" pagyayaya ni Richard at saka kami uma
Inaayos ko ang gamit ko dahil out na namin sa work. Sa pagtayo ko, sakto namang papunta sa direksyon ko si Richard na nakangiti nang malapad."Shall we?" tanong niya. Ngumiti naman ako at tumango bilang sagot sa kaniya.He held my hand and we walked together palabas ng building. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto sa passenger's seat upang pasakayin. Sa pagpirme ko, panay ang paghinga ko nang malalim habang iniisip kung paano ko maipapasok ang topic about sa confession ko sa kaniya about everything.Para akong napipi dahil hanggang sa makaalis kami ay hindi ko pa rin masabi ang gusto kong sabihin. Parehas lang kaming tahimik ngunit siya ay sinasabayan ng hum ang music sa radio."Uhmm... how are you?" tanong kong bigla sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang conversation namin kaya kung ano na lang ang lumabas mula sa bibig ko.Sandaling natawa si Richard sa tanong kong 'yon."Love? Magkasama tayo buong araw. Hindi mo ba ako napapansin?" pabiro niyang tanong. Pinilit ko ang
Nasa kwarto kami ni Richard. Habang abala siya sa pagsasara ng butones ng suot niyang polo ay abala rin naman ako sa pag-aayos ng damit niya. Namili kasi ako ng babagay sa kaniyang outfit."I need a belt, love. Anong bagay ba rito sa suot ko?" tanong niya.Agad ko namang nakita ang mga belt niya then naghanap ako roon ng babagay sa pinili kong outfit for him."Ay, ito. For sure, bagay 'to sa suot mo," sabi ko. Bago ko pa man ibigay sa kaniya ang belt ay napansin ko na ang isang box sa pinakailalim. Medyo nakaawang ito dahil puno na yata ang laman nito sa loob."Thanks, love," sambit ng boyfriend ko nang kunin niya ang inaabot kong belt.Muli kong tinuunan ng pansin ang box. Dahil sa curious ay unti-unti ko 'yong kinuha at nilabas."What's this?" bulong kong tanong sa sarili ko.Binuksan ko ang box na 'yon. Medyo nanlaki ang mga mata ko dahil pamilyar na pamilyar ang mga nakalagay rito. Puro colored paper na hugis puso.Isa-isa ko 'yong kinuha at tinignan. Dama ko ang pagpintig ng puso
Biglang nag-iba ang expression ni Julian. Matalim niya akong tinignan at walang ano-ano niya akong nilapitan."J-Julian! Ano ba?!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mga kamay niyang nakahawak sa magkabilang braso ko.Sa lakas ni Julian ay hindi ko alam kung paano ako makakakalas mula sa kaniya.Halos mangiyak-ngiyak na akong nagmamakaawa para tigilan niya ako nang bigla naman kaming nakarinig ng isang malakas na pagbalagbag ng pinto. Napahinto si Julian at sabay kaming napatingin sa may gawa nito."R-Richard!" may pag-asa kong sambit sa pangalan ng boyfriend ko nang makita siya. Kitang kita ko ang panlilisik ng mga mata niya habang nakatingin sa kapatid niyang si Julian."How dare you?!" sigaw ni Richard at walang ano-anong sinuntok si Julian, dahilan para bumagsak ito sa sahig. Nilapitan pa niya ito at kinuwelyuhan para umangat."Richard!" banggit kong muli sa pangalan niya bago niya muling suntukin sa mukha si Julian. Nang mapaupo itong muli ay dali-dali na akong lumapit sa boy







