Share

Playing With My Servant
Playing With My Servant
Author: Author T

CHAPTER 1

"Good news, Ms Pacheco dahil may nahanap na po tayong donor para sa father ninyo," balita ng oncologist kay Luisa nang makalabas siya sa kwarto ng kanyang ama.

She's very happy with the oncologist remarks it was an answered prayer to her but her problem is money. A very big problem one to be exact. Isang kahig isang tuka lang naman kasi ang buhay na meron sila mas lumala pa nga ngayon dahil nagkasakit pa ang ama niya. Her father was diagnosed with chronic kidney disease since last month, kaya naging bahay na nila ang ospital dahilan para malubog na sila sa mga bill at gamot ng kanyang ama.

"Salamat naman sa Diyos at meron na doktora pero ang problema na lang po namin ngayon ay pera," pasalamat niya sa doktora ngunit bakas sa boses niya ang lungkot.

She really wanted her father to get better from his disease, para hindi na ito mahirapan pa maging sila ay ganoon din lalo na't siya lang ang kumakayod sa pamilya nila. Their mother was dead already so only the three of them was left in the family, she, her father- Fredo and her younger brother Chito. Chito was still a minor, kaya ito na lang muna ang bumabantay sa ama nila habang siya naman ay raket doon at raket dito ang ginagawa kahit anong trabaho basta marangal ay pinapatos niya alang-alang sa pamilya nila.

"I'm sorry to hear that, Ms. Pacheco," paumanhin na wika ng doktora sa kanya. 

"But, Ms. Pacheco hindi naman sa pi-ni-pressure kita o minamadali ha? But your father's case is getting worse and worse everyday at kung patatagalin pa natin ang operation malaki ang chance na hindi na maging successful ang transplant," paliwanag pa ng doktra. 

Kung may pera lang talaga sila kahit ngayon na operahan ang Tatay niya ang kaso mailap sa katulad nila ang pera.

"Anyways, Ms. Pacheco if meron na kayong pera you know how to contact me, okay?" Kapagkuwan ay ani ng doktora at tinapik pa nito ang kanyang kaliwang braso saka tuluyang umalis. 

Nang mapag-isa na lang si Luisa ay napahilamos na lamang ito ng kanyang mukha at walang lakas na umupo sa upuan na nasa labas ng kwarto ng kanyang ama. Hindi niya na alam ang gagawin niya araw-araw nang sumasakit ang ulo niya dahil sa problema nila. Pakiramdam niya ay ang sobrang malas na ng buhay nila dahil kung sino pa ang mahirap at walang sapat na pera magpagamot ay sila pa talaga ang binigyan ng hindi birong sakit. 

"Mareng!" untag sa kanya ng kanyang kaibigan na si Tessa sa lumilipad niyang isip.

"O, Tessa nandiyan ka na pala pasensiya hindi kita napansin," paumanhin naman agad ni Luisa sa kaibigan.

"Ayos lang sanay na ako, hindi na rin ako magtataka kung isang araw makikita na lang kitang nagsasalita mag-isa," pabirong sagot naman sa kaniya ni Tessa na ikinatawa naman agad niya.

"Biro lang, pinapatawa lang kita mukhang hindi ka na kasi dinadalaw ng saya," ani pa ulit ni Tessa. 

She blew a loud air before she say a word again. 

"Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, Tessa," malungkot at mabigat niyang wika sa kaibigan.

"Ikaw lang ba ngayon dito?" Sa halip ay tanong ni Tessa sa kanya.

"Oo, si Chito kasi pinauwi ko kaninang madaling araw para naman makapagpahinga siya," tugon naman agad niya.

Tinignan naman agad ni Tessa ang oras sa relos niya alas dos na nang hapon at sa tingin niya ay sapat na rin ang pahinga na ginawa ni Chito kung kaya't inutusan niya si Luisa na tawagan si Chito at pabalikin na ng ospital dahil may plano siya para sa kaibigan para kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam nito. As Luisa's best friend Tessa witnessed how hard the life for her best friend's family even Luisa's sacrifices and she knew how sad at tired Luisa is already. Kaya bilang kaibigan ay tutulungan niya ulit ito. Yes ulit. Dahil bilang kaibigan ni Luisa at siya ang mas nakakagaan sa buhay ay tinutulungan niya ang kaibigan sa abot ng kanyang makakaya kahit pa sabihing galing naman sa maruming trabaho ang kinikita niya. 

"Pabalikin mo na si Chito ngayon, para makahanap ka na ng pera," wika niya na ikinanuot naman agad ng noo ni Luisa. 

"Paano?" nagtatakang tanong ni Luisa.

"Bibigyan kita ng pera," sagot ni Tessa sa kanya.

"Tessa, huwag na sobra-sobra na ang naitulong mo sa amin," kaagad na tanggi naman ni Luisa.

"Narinig ko ang sinabi ng oncologist sa'yo, Mareng kaya hayaan mo na lang muna akong makatulong sa inyo," pahayag ni Tessa.

Sa totoo lang kasi ay hindi na mabilang-bilang ni Luisa kung ilang beses na silang tinulungan ni Tessa kaya sobrang nahihiya na ito.

"Patayin mo na muna iyang hiya mo alang-alang kay Tatay Fredo," wika pa ni Tessa sa kanya at nasa mga mata nito ang labis na pag-uunawa. 

Luisa is still lucky despite of what happened into her life because she found a very kind and generous friend like Tessa.

"Sige na, Mareng alang-alang kay Tatay Fredo," Tessa insisted. 

Pumakawala muna ng isang malalim na buntong hininga si Luisa sabay tayo mula sa kinauupuan niya. Tama si Tessa sa mga oras na ito ay kailangan muna niyang patayin ang kahit anumang hiya sa kanyang katawan upang madugtungan ang buhay ng kanyang ama. Pero ang tanong, sigurado nga bang madudugtungan ang buhay ng kanyang? Bahala na. 

"Sige sandali tawagan ko lang si Chito," pagkuwa'y ani ni Luisa sabay kuha ng kanyang lumang cellphone mula sa bulsa niya.

Tinawagan niya si Chito upang pabalikin na sa ospital dahil aalis sila ni Tessa agad din siyang sinunod ng kapatid kung kaya't ilang minuto pa muna nilang hinintay si Chito.

"Ate Luisa!" tawag ni Chito sa kapatid.

"Mabuti naman at nandito ka na, ikaw na muna ang bahala kay Tatay ha?" mahigpit na bilin na bilin agad ni Luisa sa nakababatang kapatid.

May mga pagkakataon kasi minsang nalilibang ito kakalaro sa cellphone dahilan para doon na lamang ang buong atensyon niya at wala na sa ama.

"Opo, Ate, mag-iingat po kayo ni Ate Tessa," turan naman ni Chito at pinagbilinan din sila ng mga ito na mag-ingat.

"Chito, huwag shunga-shunga sa pagbabantay kay Tatay Fredo ha?" may halong pambabantang bilin naman ni Tessa kay Chito.

"Huwag kayong mag-alala mga, Ate," paniniyak naman ng binata sa kanila. 

Pagkuwa'y pumasok na si Chito sa loob ng kwarto ng kanilang ama samantalang sina Tessa at Luisa ay lumabas na ng ospital.

"Mareng, may dadaanan muna tayo saglit ha?" wika ni Tessa kay Luisa at saktong nakalabas na sila ng ospital at nagbabantay ng tricycle.

"Sige," turan ni Luisa at sakto namang may humintong tricycle sa harapan nila kaya agad na silang nakasakay. 

Habang nasa biyahe ay ibinulalas ni Tessa ang pangalan ng bar kung saan siya nagtatrabaho gabi-gabi dahil doon sila dadaan upang kunin ang sahod niya bilang isang dancer, minuto ang lumipas ay nakarating na rin sila sa bar.

"Hindi tayo magtatagal dito, Mareng may kukunin lang ako sa manager namin," ani ni Tessa kay Luisa. 

Nakita kasi nito ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan malamang hindi niya sinabi kanina kung saan talaga sila pupunta. 

"Ayos lang," sagot ni Luisa nang makabawi na ito mula sa pagkagulat. 

Nang makapasok sila sa loob ng bar ay tinungo nila ang isang kwarto at nadatnan nila roon ang isang matabang babae na nagbibilang ng pera.

"Hi, Mamang!" masiglang bati agad ni Tessa rito. 

"O, Tessa mabuti naman at nandito ka na," wika naman ng babae. 

"Pasensiya na, Mamang medyo na late dinaanan ko pa kasi itong kaibigan ko sa ospital," pahayag pa ni Tessa sabay akbay kay Luisa.

Nabaling naman agad ang tingin ng babae kay Luisa mangha niyang tinignan si Luisa mula ulo hanggang paa tila ba sinusuri nito ang buong katawan ng dalaga. Alumpihit tuloy si Luisa sa kanyang kinatatayuan dahil hindi siya sanay na pinagkatitigan. 

"Ehem!" agaw pansin ni Tessa sa kanyang manager.

"Mamang," nakikiusap nitong tawag sa babae.

"Mareng, mabuti pa sa labas mo na lang muna ako hintayin promise hindi ako magtatagal," wika naman niya kay Luisa.

Luisa followed her, naasiwa na rin kasi ito sa boss niyang babae pero bago pa man tuluyang maisara ni Luisa ang pinto ng kwarto ay may narinig itong sinabi ng boss ni Tessa tungkol sa kanya.

"Tessa, palong-palo iyong kaibigan mo, baka naman pwed—" Dinig niyang komento ng manager ni Tessa ngunit naputol ito dahil biglang sumabat si Tessa.

"Mamang!" gilalas ni Tessa. 

Then she finally closed the door, pero hindi na mawala-wala sa isip niya ang sinabi ng boss ni Tessa.

Tessa's Manager is right Luisa has this feature of a woman that every man would die. Pretty face and alluring body, kaya nga ganoon na lang ang impresyon sa kanya ng boss ni Tessa.

Sandali pa ay lumabas na rin si Tessa mula sa kwarto at agad na siya nitong niyaya lumabas ng bar.

"Tessa, ano ba 'yong ibig sabihin kanina ng boss mo?" wala sa sarilli niyang tanong at saktong nakalabas na sila ng bar.

"Naku huwag mo nang isipin 'yon, Mareng sadyang mabiro lang talaga si Mamang," sagot ni Tessa at patawa-tawa pa ito para hindi siya mahalata ni Luisa.

Pero alam na alam niya ang nais ipabatid kanina ng manager niya tungkol kay Luisa iyon ay ang ibenta ang kaibigan nito sa mayamang customer.

"Tessa, seryoso ako."

Hinawakan pa ni Luisa ang kaliwang siko ni Tessa dahilan para mahinto sila sa paglalakad at napakaseryoso ng mukha nito.

"Mareng, wala nga lang 'yon," giit ni Tessa sa kaibigan sa natatawa nitong boses. 

"Magkano ba? Kapag ba sinuko ko madudugtungan ang buhay ni Tatay?" sunod-sunod na tanong ni Luisa sa kanya at nasa bose ang kaseryosohan.

She's too desperate just to save her father's life and she no longer cares of what might she'll lose, kahit na ni sa hinagap ay niya lubos maisip na magagawa niya ito but life was full of surprises and she had no other choice, kundi ang kumapit na sa patalim.

"Luisa!" saway ni Tessa, hindi kasi ito makapaniwala na masasabi iyon ni Luisa sa kanya.

Of all people ay ang best friend pa talaga niya na kilalang-kilala niya mula anit hanggang talampakan? 

"Isang gabi lang naman ang kailangan 'di ba?" desperadong tanong ni Luisa kay Tessa at mas humigpit na rin ang pagkakahawak niya sa siko ni Tessa.

Sumusukong buntong hininga muna ang pinakawalan ni Tessa bago tumango bilang sagot. Kung may magagawa lang sana siya para matulungan ng buong-buo ay ginawa na niya ngunit kailangan din ng pamilya niya sa probinsiya ng pera dahil siya lang naman ngayon ang tumutustus sa pamilya niya.

"Gusto mo akong tulungan 'di ba? Ito na, Tess matutulungan mo na ako nang walang kahirap-hirap," giit pa ni Luisa.

"Pero, Luisa hindi ganitong tulong ang gusto ko para sa'yo," giit din ni Tessa pero bakas sa boses nito ang awa. 

Dahilan para mainis na si Luisa sa kanya desperadong-desperado na kasi ito at lahat ay hahamakin na niya alang-alang sa pinakamamahal niyang ama. Handa na siyang kalimutan ang lahat nang kung anong meron siya ibababa niya na lahat-lahat matapos lang ang kahirarapan nila. 

"Pwes ito ang gusto kong itulong mo sa akin, Tessa isang gabi lang kapalit ang magiging buhay ng ama ko! Alin ba roon ang hindi mo ma gets ha?!" naiinis ng wika ni Luisa kaibigan, hindi na rin niya napapansin ang pagtaas ng kanyang boses.

Sa mga oras na ito ay kinalimutan na niya lahat ng hiya at kabaitan sa sarilli niya. Hindi niya na kasi kaya ang bigat ng problema na dala-dala niya baka mabaliw na siya nito kapag hindi pa niya nailabas lahat ng hinanakit niya sa buhay.

"Luisa!" sigaw ni Tessa sa kaibigan nang walang paalam siya nitong tinalikuran at dire-diretsong pumasok ulit sa loob ng bar. 

Napapalatak na lamang si Tessa sa ginawa ni Luisa at saka niya ito sinundan sa loob ng bar nang hindi niya na ito makita sa front area ay dumiretso siya sa kwarto ng kanyang manager, and there she saw Luisa talking with her Manager. 

"Luisa." Agad namang napatingin ang dalawang babae sa kinaroroonan niya.

Agad namang nagpalipat-lipat ang tingin ng ginang sa kanilang dalawa at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"Anong meron? Ayos lang ba kayo?" magkakasunod at nagtatakang tanong ng ginang sa kanila.

Pero imbes na sagutin ang ginang ay nagkakaunawang nagtinginan ang dalawa.

"Mamang, pwede po si Luisa," kapagkuwan ay sabi ni Tessa sa kanyang boss na ikinangiti naman agad ng ginang. 

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong naman agad ng ginang kay Tessa.

"Sakto at mayaman pa sa mayaman mamaya ang customer kong bachelor," dugtong pa ng ginang at banaag sa kanyang mukha ang kagalakan.

"Magkano po ba?" dire-diretsong tanong ni Luisa sa ginang sa seryoso nitong boses. 

Ang tanging mahalaga lang kasi ngayon kay Luisa ay pera at buhay ng kanyang ama. 

"Ikaw ang bahala," sagot sa kanya ng ginang.

"Kahit magkano ba kaya niyang ibigay?" paniniyak pa ni Luisa sa ginang.

"Kayang bilhin buong pagkatao mo, bakit magkano ba gusto mo?"

"Isang milyon," seryosong sagot ni Luisa at hindi iyon napaghandaan ng ginang dahil bigla itong napaubo.

"Kaya ho ba o hindi?" 

"Kayang-kaya, Ineng sadyang nagulantang lang ako sa presyo," turan ng ginang. 

"Pasensiya na ho kayo kailangan na kailangan ko kasi talaga ang ganoong kalaking halaga upang madugtungan ang buhay ng aking ama," litanya naman niya.

Nag-iba naman agad ang mukha ng ginang tila ba nauunawan nito ang pinagdadaanan ni Luisa, alam niyang kapit sa patalim na ang ginagawa ng dalaga alang-alang sa pamilya.

Isang nakakaunawang ngiti lamang ang tinugon nito kay Luisa, then she explains everything to her on where and what time will Luisa do her job.

Agad namang tumango si Luisa at nagpasalamat sa kanya pagkatapos ay umalis na rin ang mga ito.

"Luisa, sure na sure ka na ba talaga?" nag-aalalang tanong ni Tessa sa kaibigan habang naglalakad na sila palabas ng bar.

"Oo, Tessa kung ang magiging kapalit naman nito ay makasama ulit namin ni Chito si Tatay sa mahabang panahon, tsaka pagkatapos naman ng isang gabi ay babalik din naman ulit sa dati ang buhay ko, e. Ang kaibahan na nga lang matatapos na ang paghihirap ko," mahabang sagot ni Luisa.

Pursigido na talaga siyang gawin ang isang bagay na ni minsan ay hindi niya lubos maisip na magagawa niya pero sadyang mapagbiro ang tadhana sa tulad niya kaya kahit mahirap at kahit hindi pa man siya handa ay isusuko niya na ang pinakainiingatan niyang puri. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mila Cañete
mukang magugustuhan ko ang story na ito...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status