MasukSa di kalayuan, nakaupo si Wild sa loob ng kanyang sasakyan, tahimik na pinagmamasdan ang pangyayari. Nakita niya kung paano maingat at maayos ihinahatid ng kanyang pamangkin, si Jasper, sina Kattie at Asia sa school. Halata ang kagalingan at pagiging protective ni Jasper sa dalawa. Ngunit sa puso ni Wild, may halong kaba at inggit. Alam niyang may galit pa rin sa kanya si Asia—dahil kay Abby. Ang babaeng malandi at umaaligid sa kanya nang may halong pang-aakit. Ngunit alam niya rin kung paano pangalagaan ang damdamin ni Asia. Hindi ko muna siya gagambalain, bulong niya sa sarili. Hayaan muna natin siyang mag-focus sa pag-aaral niya. Walang dapat makagulo sa kanya ngayon. Ngunit sa isip niya, hindi maalis ang pakiramdam ng pagka-alerto at pagka-protective. Tumingin siya kay Jasper sa likod ng wheel—ang pamangkin niya. May binabalak ka, ‘di ba? tanong ni Wild sa sarili, halatang galit ang tindi ng damdamin. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Jasper kay Asia, pero ramdam niya
THIRD POV. Paglabas nila ng apartment, handa na sana silang mag-abang ng masasakyan papuntang school. Biglang may isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan nila. Napatingin si Kattie. “Ito na siguro yung sundo natin—” sabi niya, pero hindi pa siya sigurado. Bago pa sila makalapit, dahan-dahang bumukas ang bintana ng sasakyan. At doon— Nanlaki ang mata ni Asia. Si Jasper. Naka-black shades ito, relaxed ang aura, at may pilyong ngiti sa labi. “Hop in,” sabi niya. “Let’s go.” Napatigil si Asia. Napatingin siya kay Kattie. Umiling si Kattie, halatang naguguluhan din. “Wala akong alam diyan,” bulong niya kay Asia. “Promise.” Napabuntong-hininga si Asia. Ayaw niya sana. Pero wala rin naman silang ibang sasakyan, at mukhang wala ring balak umalis si Jasper. “Fine,” maikling sagot niya. Naunang sumakay si Kattie sa likod. Sumunod si Asia sa passenger seat sa harap. Pagpasok niya, naamoy niya agad ang malinis at mamahaling pabango sa loob ng sasakyan. Tahimik siya. H
Kinabukasan, maaga silang nagising.Abala sina Asia at Kattie sa paghahanda ng mga gamit nila para sa school. Nakakalat sa kama ang mga notebooks, ballpen, at kung anu-ano pang kailangan nila.Tahimik si Asia habang maingat na inaayos ang mga gamit niya sa bag. Halatang seryoso at focus siya—parang ayaw niyang may makalimutan kahit isa.Sa kabilang banda, si Kattie naman ay may kausap sa cellphone. Nakatalikod ito habang mahina ang boses, pero halatang seryoso ang usapan.Paminsan-minsan ay napapasilip si Asia sa kanya.Importante siguro ‘yon, isip niya.Kaya lalo niyang pinagbutihan ang pag-aayos. Hindi na siya nakialam—hinayaan niya si Kattie sa kausap nito.Habang inaayos niya ang huling notebook, napangiti siya nang bahagya.Excited siya.Excited siyang pumasok sa magarang eskwelahan na papasukan nila. Bagong simula. Bagong environment. At baka… bagong buhay na rin.Pero kahit anong pilit niyang mag-focus…May isang pangalan pa rin ang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya.Si Wil
Nakahiga si Asia sa sarili niyang kama, nakatitig sa kisame.Tahimik ang buong apartment. Tanging mahina at pantay na paghinga ni Kattie mula sa kabilang kwarto ang maririnig—palatandaan na mahimbing na itong natutulog sa sobrang pagod.Pero si Asia… dilat na dilat pa rin ang mga mata.Hindi niya alam kung bakit kanina pa niya hawak ang phone niya. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang screen—parang may hinihintay.Isang text.Isang tawag.Mula sa iisang tao.Napabuntong-hininga siya.“Ang tanga mo, Asia…” bulong niya sa sarili.Pero kahit anong pilit niyang i-deny… may namimiss siya.At iyon ay si Wild.Unti-unting bumalik sa isip niya ang mga alaala—ang mga salita nito, ang mga pangako.“Papakasalan kita.”Napapikit si Asia.Kung totoo ang lahat ng iyon… bakit wala man lang siyang natatanggap na kahit simpleng “kumusta ka?”Napahigpit ang hawak niya sa phone.“Busy lang siguro…” pilit niyang kinumbinsi ang sarili.Pero bago pa siya tuluyang maniwala—may isa pang imahe ang pumasok sa is
Nagpaalam si Kattie kay Asia na magbabanyo muna siya. Tumango si Asia at naunang lumabas ng restaurant para doon na lang hintayin ang kaibigan.Paglabas niya, sinalubong siya ng malamig na hangin ng gabi. Tahimik siyang nakatayo sa gilid, nakatingin sa kalsada habang hinihintay si Kattie.Hindi niya napansin na may taong nakatayo na pala sa harap niya.“Hi, Asia.”Nagulat siya at napalingon.Nanlamig ang pakiramdam niya nang makita kung sino iyon.Si Jasper.Ang ex niya.Ngumisi si Jasper, parang matagal na siyang nakatingin sa kanya.“Long time no see,” sabi nito.Agad umiwas ng tingin si Asia. Gusto niyang umalis, pero bago pa siya makalakad, hinawakan ni Jasper ang kamay niya.“Mag-usap tayo,” seryoso nitong sabi.Tinanggal ni Asia ang kamay niya. “Wala na tayong dapat pag-usapan.”“Asia—”“Busy ako,” putol niya. “May kasama ako.”Saglit siyang tinitigan ni Jasper, saka nagsalita—“Kasama mo ba si Uncle Wild?”Natigilan si Asia.Hindi siya agad nakasagot. Saglit siyang nag-isip… ha
Alas-diyes ng umaga nang makarating sina Asia at Katie sa Maynila. Pagod ang kanilang katawan matapos ang biyahe, ngunit kasabay nito’y may dalang kakaibang saya at pananabik si Asia. Sa kabila ng bigat ng puso niya dahil sa naiwan sa probinsya, dama niya ang bagong simula. Pagkababa nila sa terminal, diretso silang nagtungo sa apartment na nahanap ni Asia sa Quezon City, malapit lang sa Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City kung saan siya mag-aaral bilang flight attendant trainee. Malaki ang unit—isang two-bedroom apartment na may sariling veranda, kusina, at sala. Bagamat simple lang ang disenyo, malinis at maaliwalas. Tamang-tama para sa estudyanteng tulad niya na gustong magsimula muli. Pagkapasok nila sa loob, agad na nahiga si Katie sa sofa, habol-habol ang hininga. “Grabe, Asia… ang init at ang traffic dito sa Maynila. Pero ang ganda ng napili mong apartment, ha.” Ngumiti si Asia, bagamat bakas pa rin ang pagod sa mukha niya. “Oo nga eh, at least dito ma
Asia POV “Wow,” napabulalas ako, hindi mapigilan ang excitement nang makita ko ang malaking bahay sa harapan namin. “Ang ganda naman dito. Parang mansion sa lumang pelikula… pero may kurot ng kababalaghan.” Huminto ang kabayo sa harap ng malawak na bakuran na may matataas na halamang ornament
THIRD POV Pagkatapos ng tatlong taon. Lumipas ang mahabang tatlong taon mula nang mangyari ang eskandalo sa eskwelahan. Sa wakas, nakatapos din si Asia ng pag-aaral. Bagamat hindi naging madali ang lahat, unti-unti niyang natanggap at binitawan ang sakit ng nakaraan. Kasabay ng pag-usad ng bu
Asia’s POV Maaga pa lang pero parang fiesta na sa loob ng Divine Divas Parlor — tambayan ng mga sikat na parloristas sa bayan. Amoy hairspray, sunod-sunod ang tunog ng blow dryer, at naroon ang masasabing regal transformation ng mga kababaihan para sa gabing iyon. “Reyna ka ng prom, Trista! Aba
Third Person POV Ang event hall ay nababalutan ng ilaw, ingay, at engrandeng dekorasyon. Kumukutitap ang bawat kanto ng lugar, tila ba bawat chandelier ay kumakanta ng mga pangarap at ilusyon ng bawat estudyanteng naroroon. Isa itong gabing hindi basta makakalimutan—lalo na para kay Asia. Dumat







