Share

Chapter 23

Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Kennedy alas dies ng umaga. Aniya ay mas maaga raw siyang darating. Hindi kasi pumayag ang mga ka-grupo namin na dumating nang mas maaga sa ala una. Malamang ay tinatamad pa ang mga iyon. 

"Nariyan na iyong isang kaklase mo, Ma'am. Kennedy daw ang pangalan," si Manang Josefa nang katukin ako sa aking kwarto. I nodded and asked her to offer Kennedy a snack.

Katatapos ko lang maligo at pumili na lamang ako ng isang puting oversized shirt at athletic shorts. Pagbaba ko ay naabutan ko si Kennedy na nakaupo sa couch. Hindi niya pinakialaman ang sandwich na nasa kaniyang harapan ngunit ang orange juice ay nangalahati na. 

"Uhm, simulan na ba natin, Talianna? Dala ko na ang laptop ko," salubong niya sa akin at tumayo. 

Ngumuso ako at tumango na lamang. 

"Sige. Akyat lang ulit ako. I forgot to bring my laptop. Paki-text mo sila at ipaalam na sisimulan na natin iyong ibang part," bilin ko bago siya tinalikuran. 

Sa lanai kami pumwesto ni Kennedy. Humingi ako kina Manang ng bite sized pakwan at strawberries bilang snacks ko. 

Nakapangalumbaba ako habang naghahanap ng sources sa internet. Sa totoo lang ay nahihirapan akong maghanap dahil medyo komplikado ang napili naming topic. Mabilis kong pinapasadahan ng tingin ang bawat article na nakikita ko ngunit bumabagsak lang ang aking balikat sa tuwing wala akong nakikitang angkop para sa aming presentation. 

Napa-angat ko ng tingin kay Kennedy at nakitang may tinitignan siya sa kung saan. Sinundan ko iyon ng tingin at natanaw si Nabrel na nilalakad ang kahabaan ng patio. 

Kumunot ang noo ko. 

Hindi ba may trabaho ito ngayon kahit Linggo? 

He was wearing a plain black t-shirt and white shorts. His shirt fits him perfectly and you could tell that he was an athletic man. His defined arms, muscles and legs looked so firm and powerful. His body was statuesque, tall... and beautiful. Having that well-developed physique, sexually attractive body and face seemed to be so illegal. 

Seryoso lamang ang kaniyang mukha habang magarbong naglalakad at sinasalubong ang aking titig.

Uminit ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin. Shit! Bakit ang gwapo niya sa casual na pananamit? At sa uniporme niya? Ang gwapo niya lang kahit anong suot! I can't believe pinupuri ko siya ngayon sa isip ko. Hindi ko yata matatanggap kung sakaling marinig niya man ang mga iniisip ko ngayon tungkol sakaniya! 

Tinukod ko ang aking siko sa mesa at sinapo ang gilid ng ulo ko. Tumutok na lang ako sa aking laptop. Nagkunwari akong nagbabasa ngunit ni hindi ko maintindihan ni isang salita na nakasulat doon. Ang utak ko ay nasa lalaking naka-itim na t-shirt! Bigla akong hindi naging kumportable. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang magtagal sa kinauupuan ko ngayon...

"Talianna," dinig ko ang malamig niyang boses sa aking likuran. 

Pumikit ako nang mariin bago siya hinarap. Pinilit kong ngumiti sakaniya ngunit ni hindi man lang umangat ang kaniyang labi. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Kennedy. 

"Nabrel? You need anything?" 

Kumunot ang noo niya at nag-iwas ng tingin. 

"May... ibibilin lang sana ako kay Tita Josefa," marahan niyang sinabi bago ako nilingon. He smiled a bit. 

"Oh. Nasa loob siya. Pumasok ka na lang. Uhm..." Kinagat ko ang aking labi at pasimpleng sinapo ang aking noo. 

Okay? What the hell is happening, Talianna? 

"Puntahan ko lang. Maiiwan ko na kayo," aniya sa malamig na boses bago nagtuloy sa loob. 

Sumunod ang mga mata ko sakaniyang papalayong likod. Even his back looked so tempting and erotic!

Damn, Nabrel! Ang laki mong kasalanan! Makasalanan ang tumingin sa'yo! 

"Uhm, madalas ba rito si Trenuver sa mansiyon ninyo?" Kennedy asked all of a sudden. 

"Hindi naman," tugon ko nang hindi siya tinitignan. 

Tuluy-tuloy ang pagtusok ko gamit ang tinidor sa prutas na nasa bowl habang tutok na tutok ang mga mata sa binabasa. Tahimik na kaming dalawa ni Kennedy at seryoso na siya sa ginagawa. May mga nililista siya sakaniyang notebook. 

Mayamaya lang ay narinig ko siyang pumalatak. 

"What?" I asked him. 

He shook his head. Kinamot niya ang kaniyang noo na tila ba problemado na. "Pa-lowbatt na ang laptop ko. Hindi ko kasi na-charge sa amin. Nagmamadali... i-ibig kong sabihin nakalimutan ko." Napakurap siya at nag-iwas ng tingin. 

"Uhm, may laptop pa ako sa taas. Iyon na muna ang gamitin mo habang chi-na-charge ang sa'yo." 

"Ayos lang ba?" 

"Oo naman! Akin na ang laptop mo at ako na ang mag-cha-charge. May dala ka naman sigurong charger?" I laughed a bit. 

"Mayroon naman. S-Samahan na kita." 

I nodded and stood up from my seat. Sumunod siya sa akin at nanatili sa aking gilid habang tinatahak ang living room, bitbit ang kaniyang laptop. 

Palapit na kami sa hagdan nang matanaw ko si Nabrel. Kumunot kaagad ang noo niya nang makita kami. Bumagsak ang tingin niya pababa sa aking suot. Umigting ang kaniyang panga nang suriin iyon bago bumalik sa aking mukha ang kaniyang mga mata. 

"Saan ang punta niyo?" Dinig ko ang tigas sakaniyang tono. Madilim ang kaniyang titig sa akin na tila ba may nagawa akong malaking pagkakamali! He pursed his lips and looked at Kennedy who was just silent. Kitang-kita ko ang iritasyon sa kaniyang mukha na sa hindi malamang dahilan, ay nagpanginig sa aking tuhod. 

"Sa kwarto ko?" Napakurap ako at tinikom ang aking bibig. 

Nanliit ang mga mata niya sa akin. 

"Ano?" bulyaw niya at mas lalong nagdilim ang kaniyang mukha. 

"Uhm, sa kwarto ko?" ulit ko at kinagat ang aking labi. Sinulyapan ko si Kennedy. He looked really oblivious about what is happening. 

"At anong gagawin niyo roon, Talianna?" Tumaas ang tono ni Nabrel. Punung-puno iyon ng diin at dilim. 

"W-What?" Nalaglag ang panga ko. 

Seriously?! What the hell was he thinking? 

"Anong gagawin niyo sa kwarto? Nang kayong dalawa?" 

"N-Naku! Hindi!" Sumagot na si Kennedy at umiling pa habang itinataas ang dalawang kamay. Mukhang natunugan niya na rin ang tinutumbok nito.

Umangat ang kilay ni Nabrel sa akin, naghihintay ng aking sasabihin. 

Those green eyes! Nakakatangang titigan!

Nag-iwas ako ng tingin sakaniya at nilingon na lamang si Kennedy. 

"Kukunin ko lang iyong laptop, Nabrel. Na-lowbatt iyong sakaniya." Humugot ako ng malalim na hininga bago siya muling tignan. 

"So please? Hayaan mo na kaming maka-akyat? Tsaka ano bang pakialam mo kung ano man ang gawin namin sa kwarto ko," pagtataray ko upang pagtakpan ang marahas na pagkalabog ng aking puso. 

Matalim na tingin lamang ang tugon niya sa akin. 

"Ikaw," tinuro niya si Kennedy. "Hindi ka sasama sa kwarto niya. Lumabas ka na ulit." His voice cannot be described as anything but disgruntled. 

Nanlaki ang mga mata ko. 

"S-Sige. Walang p-problema. Talianna..." Kennedy looked at me and smiled awkwardly. He handed me his laptop. "Hintayin na lang kita sa labas." 

Tinanggap ko na lamang iyon. He didn't even wait for my answer. Nagtuloy na siya sa paglalakad palayo. I lazily rolled my eyes at Nabrel. 

Nakasimangot pa rin siya na para bang iritadong-iritado sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at humakbang na sa hagdan. 

Dala-dala ko na ang aking laptop pagbaba ko. Wala nang Nabrel ang sumalubong sa akin. I even checked if he was just in the garden or anywhere outside the mansion but he was not there. Pinuntahan ko si Manang Josefa and asked her about Nabrel ngunit sinabi niyang nagpaalam na raw itong umalis. 

He didn't even say goodbye to me! That was rude! Boss niya ako! Hindi ako kung sino lang! 

Pinilit kong burahin sa aking isipan ang lalaking iyon. Iritado ako habang nagbabasa ng mga artikulo sa internet. 

Ngunit hindi ako matahimik! 

I grabbed my phone and typed a message. Bawat pagpindot ko sa letra ay mariin at padabog. Wala akong pakialam kung mabasag man ang screen nito. 

I don't tolerate rude behavior! Mas lalo na sa driver ko! Simpleng pagpapaalam, hindi niya pa magawa! Wala ba siyang manners? That is a traditional and widely accepted way of behaving na hindi dapat nawawala sa atin! 

Courteousness! Veneration! Urbanity!

Ang tanda-tanda niya na hindi pa alam ang mabuting asal! 

- Umalis ka na?! And yet, you didn't even bother to tell me! Sana hinintay mo ako! That's so rude of you, Nabrel! 

Buong puso kong pinindot ang send button. Wala akong maramdamang pagsisisi. Naiirita talaga ako! 

Hindi ko ibinaba ang aking telepono. Matalim ang tingin ko roon habang nag-aabang ng reply niya. 

At hindi iyon nagtagal! 

Mabilis kong binuksan ang kaniyang mensahe at nanliit pa ang mga mata ko sa nabasa. 

Nabrel: 

- I'm sorry, Talianna. Dumaan lang talaga ako para sana imbitahan ka sa kaarawan ng kapatid ko pero mukhang abala ka pala ngayon. 

Mabilis ang galaw ng aking daliri habang nagtitipa. Akala ko ba dumaan lang siya dahil may ibibilin daw kay Manang Josefa? 

- You should have told me! 

Nabrel:

- Abala ka nga. 

I rolled my eyes at his reply. 

- I'm not. Kailan ba ang birthday? 

Nabrel:

- Sa susunod na Linggo pa. 

I didn't reply but I've already decided.

Bakit tila sa isang iglap ay nawala ang iritasyon ko? 

Nilapag ko na ang aking cellphone at tumutok na sa dapat gawin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status