Bigla akong napa-angat ng tingin kay Kennedy at nahuling nakatutok sa aking banda ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong binaba. Napakurap siya at tumikhim. Inayos niya ang kaniyang salamin at muling hinarap ang kaniyang laptop. Kumunot ang noo ko.
"Are you taking a picture of me?" Umangat ang kilay ko at ngumiti.
Nanlaki ang mga mata niya nang nag-angat ng tingin sa akin. Kitang-kita ko pa ang pamumula niya. Naging dahilan iyon ng aking marahang pagtawa.
"H-Hindi! May nag-text kasi. S-Si Erus." Halos hindi niya ako matignan at paulit-ulit na inayos ang kaniyang salamin.
Nagkibit na lamang ako ng balikat at muling hinarap ang laptop. Gusto ko na itong matapos kahit halos wala pa akong nasisimulan.
Seryoso akong nagbabasa nang mapansin ko na namang nakatutok sa akin ang cellphone ni Kennedy. Hindi ko iyon pinansin at palihim na lamang na natawa. Kinukuhanan niya ba ako ng video o pictures? Masyado siyang halata, ah! Hindi ito papasa sa pagiging pribadong imbestigador kung sakali.
"Stop filming me, Kennedy. Obvious ka naman masyado," kantyaw ko sakaniya nang hindi siya nililingon.
"Ano lang... uhm, f-for documentary. Smile ka, Talianna."
Nilingon ko siya at matamis na ngumiti sakaniyang cellphone habang nakapangalumbaba.
"Kailangan bang nakangiti sa documentary picture?" I laughed.
"Pwede naman." He smiled gently.
"Weh? Pang-wallpaper mo lang iyan, 'no?"
"H-Hindi, ah! For documentary lang," mariing pagtatanggi niya at nag-iwas ng tingin.
"Okay. Baka isipin mo masyado akong feeling kahit totoong pang-wallpaper mo naman talaga. Crush mo ako, 'no? Uyy." Tumawa ako at nauwi iyon sa halakhak nang makita ko kung gaano siya nahiya at namula sa aking sinabi.
"Nag-chat si Camille. Papunta na raw sila ni Leigh," pag-iiba niya ng usapan.
"Okay. Ingat sila kamo."
Dumaan ang kalahating oras kasabay ng pagdating nina Leigh at Camille. May kanya-kanya silang dalang laptop.
"Grabe! Sobrang laki ng mansiyon. Anong pakiramdam ng palaging ganito ang nakikita mo, Talianna?" si Camille bago sumisimsim sakaniyang orange juice.
I just smiled a bit. "I don't know. Normal lang. Siguro dahil nakasanayan ko na."
"Ang sarap sigurong maging mayaman, 'no? Kailan ko kaya ito mararanasan? Iyong may katulong. Iyong may sarili kang kwarto. Iyong naka-aircon. Iyong hindi ka naglalaba at naghuhugas ng plato. Ginagawa mo ba iyon, Talianna? Mga gawaing-bahay?" Ngumuso si Camille habang nakatitig sa akin.
I awkwardly shook my head.
"I don't. But I'm trying to cook! Promise. Hindi lang ako puro hilata rito, 'no. Sinisikap kong matutong magluto kahit papaano. So far, na-perfect ko na ang pagluluto ng sunny side up egg!" Pumalakpak pa ako because I'm so proud of myself.
Kitang-kita ko naman ang pagngiti ni Kennedy at pag-iling. Si Camille naman ay kinunotan ako ng noo.
"Huh? Lahat naman yata marunong magprito ng itlog, Talianna!"
Ngumuso ako at natawa na lamang.
"Ang dali-dali lang magprito ng itlog, e! Pero ako talaga, gusto ko nang maging mayaman. Iyong hindi namro-mroblema sa mga bayarin. Iyong shopping shopping lang! Iyong bibisita ka sa iba't ibang bansa bawat linggo." Humagikgik si Camille at natulala pa na tila ba nangangarap.
"Mag-aral ka nang mabuti, Camille. Iyon lang ang solusyon para sa ating mahihirap," seryosong tono ni Kennedy.
Umangat ang kilay ni Camille at ngumiwi, halatang hindi sang-ayon kay Kennedy.
"Ano? Puro aral lang? Hindi ganoon iyon! Sa mundo, hindi mahalagang maging matalino para umangat. Kailangan mo lang diskarte. Mautak ka dapat. Tignan niyo ang mga vloggers! Vi-video-han lang nila ang mga sarili nila tapos sheblem! Sikat ka na, may pera ka pa!" Humahampas pa ang kamay ni Camille sa ere habang inilalabas ang kaniyang saloobin.
Sumimangot si Kennedy at umiling.
"Gusto mo bang umangat sa paraang ganoon? Iba pa rin iyong nagsisikap ka. Iba pa rin iyong alam mong pinaghirapan mo talaga."
"E, bakit? Hindi ba nagsisikap ang mga vloggers? Nagsisikap din naman sila, ah!" Humalakhak si Camille.
Napasulyap ako kay Leigh nang bigla siyang nagsalita.
"Mag-asawa ka ng mayaman para maging mayaman ka! Ganoon lang iyon! Tama na iyan! Tapusin na natin ito." Umirap siya bago kinagatan ang clubhouse sandwich.
Ilang minuto lang din nang dumating si Erus. Umupo siya sa tabi ko at binuksan na kaagad ang kaniyang laptop. Nagseryoso na kami sa aming ginagawa.
"Malamang na itatanong diyan ay kung anong core concepts ang nakapaloob sa presentation natin," si Kennedy.
"Kailangan nating ilagay ang lahat ng detalye, Kennedy, para kung sakali, mas maging handa tayo. Mas magandang ilagay natin ang lahat ng drawings. Pati ito! Kahit pangit, basta marami, pwede na." Kunot ang noo ni Camille habang sinusuri ang mga papel.
"I think it doesn't have to be super detailed. In fact, the simpler the better, 'di ba? Idi-display lang natin ang kaunting drawings na sumusuporta sa ating designs rather than displaying irrelevant, or worse, bad work dahil mas makakakuha lang iyon ng negative attention," tugon ko at sinubo ang pakwan.
"Tama si Talianna. Hindi na natin kailangan ang mga ganito, Leigh," tukoy ni Erus sa ibang designs.
"Tss. Ako ang leader, 'di ba? Ako ang pakinggan niyo," iritadong sambit ni Leigh at matalim akong tinignan.
I just shrugged about that and looked at the other designs.
"Leader ka pero hindi mo man lang naisip ang tungkol doon?" May panunuya sa tono ni Camille na tila mas lalong nagpasiklab sa iritasyon ni Leigh. Napakurap ako nang maramdaman ang namumuong tensiyon.
"Ano ba, Camille? Manahimik ka, ah. Kanina pa ako naiirita sa'yo."
"Ano ba kayong dalawa! Tama na iyan. Ang dami pa nating kailangang tapusin, oh!" Iritadong komento ni Erus sa dalawa.
"Ano pa ba sa tingin niyo ang mga posibleng itanong? Talianna?" Bumaling sa akin si Kennedy at nag-angat ng kilay, binabewala ang munting komosyon mula sa mga ka-grupo.
Ngumuso ako.
"Uhm, pwede rin na itanong kung paano naimpluwensyahan ang design decisions natin. Kung bakit naisipan nating i-situate yung program natin in this particular way? Kung may driving force ba behind our formal moves?" Nagkibit-balikat ako. I'm not really sure about that.
Ilang sandali siyang tulala sa akin. I tilted my head, silently asking him about that look. Napakurap siya at tumikhim.
"Tama. Hindi ko iyon naisip." He chuckled and shook his head.
Narinig ko ang halakhak ni Camille kaya napalingon ako sakaniya.
"Dapat yata ikaw na lang ang naging leader, Talianna! Mukhang marami ka pang ideya kaysa rito sa leader natin, e!"
Nanlaki ang mga mata ko at napasulyap kay Leigh na ngayo'y matalim na ang tingin sakaniyang laptop. Kitang-kita kong pikon na pikon na siya. Ayaw kong maging dahilan pa ito ng away.
"Camille, stop it. Gawin mo na ang trabaho mo. I'm sure Leigh has a lot of ideas in her mind." Sumulyap ako kay Leigh na matalim pa rin ang tingin sa akin.
I bit my lower lip. Binagsak ko na lamang ang aking tingin sa mga papel.
"Masyado ka naman kasing nagmamagaling, Talianna. Ako ang leader. Hayaan mo sana akong magdesisyon." Bakas ang talim sa tono ni Leigh.
Umawang ang labi ko at napalingon sakaniya. What did she say?
Natawa ako at hinaplos ang aking buhok. I can't believe this girl! Nasa iisang grupo lang kami pero ganito siya mag-isip! Para saan pa't member ako ng grupo niya kung hindi ako makikipag-cooperate?
"I'm just voicing out my opinion, Leigh. Hindi ako nagmamagaling. Group presentation ito after all. Bakit mo iniisip iyan?"
"Dahil talaga namang nagmamagaling ka. Porket marami kang pera, tingin mo mataas ka na? Hoy! Dayo ka lang dito, ah! Lumugar ka nga."
Napasinghap ako at halos ilubog ko ang sarili sa kinauupuan. Saan ba nanggagaling ang lahat ng sinasabi niya? Bakit parang ang laki naman yata ng galit niya sa akin?
"Leigh! Nasa bahay nila tayo. Problema mo, gaga ka?" si Camille.
"Napaka..." bulong ni Leigh at umiling.
Napanganga na lamang ako sakaniya.
"Okay! Uhm, tapos na ba kayo roon sa Graphics?" I heard Erus as if he was trying to lighten up the situation.
"Tapos na ako! Kayo ba?" Camille said with so much ebullient in her tone.
I sighed and tried to calm myself from what happened.
"Kokopyahin ko na lang iyong sheet kaysa i-draft ko pa para roon sa Plane Trigonometry." Ngumuso si Camille at tumingin sa akin.
"Hayaan mo na," bulong niya.
Wala akong intensiyon na kahit ano. Ano ba itong leader namin? Gusto niya ba huwag na lang akong tumulong? Hindi ko alam na unfavorable pala ang pagiging ultracrepidarian!
"Tapos ka na roon sa sinasabi ni Erus?"
"Yeah..."
Kahapon ko pa lang iyon tinapos. Pag-uwi ko galing sa restaurant, ginawa ko na. Nagpasundo ako kay Manong Lucio kahapon dahil hindi naman ako maihahatid ni Nabrel, siyempre abala na sa trabaho. And I don't know how to drive the goddamn Alphard. I really think I should ask my Dad to let me learn how to drive. I'm almost 18!
Nariyan naman si Nabrel upang turuan ako.
My schedule as architecture student was really hectic. Pinapaulanan kami ng mga prof ng drafting, assignment at sketching! We are expected to do our models in time and get all of them during the exam. Mabuti na lang, I'm not suck at freehand drawing.
God! First year pa lang kami nito. Paano na sa mga susunod pa naming year? Baka hindi ko na talaga tuluyang makayanan at mag-shift na lang ako bigla sa business administration.
I couldn't even remember the last time I've talked to Davien. But seeing him now in front of me...
Kauuwi ko lang galing school at siya ang bumungad sa akin sa living room. He was wearing a gray short-sleeved button down shirt and khaki shorts. He was smiling as he walked towards me and enveloped me into a tight embrace.
Hindi ako nakagalaw. Hindi ko ito inasahan. What is he doing here? Why is he here? We are done! Iyong mga binigay niya sa akin ay pinasunog ko na kina Manang!
"Babe, how are you? I miss you. Hindi mo ba ako yayakapin pabalik?" malambing niyang sinabi habang nakahawak sa aking magkabilang balikat.
I pursed my lips disapprovingly. Umiwas ako sakaniyang hawak at matalim siyang tinignan.
Nalaglag ang kaniyang panga.
"Babe-"
"What are you doing here, Davien? We broke up! Wala na tayo! Stop this! Ano bang ginagawa mo?!"
Umatras ako palayo sakaniya. Matindi ang iritasyon ko ngayon. What kind of game is he up to?
He laughed sarcastically.
"We didn't, Talianna. Tayo pa rin. I already gave you almost two months."
He sighed and closed his eyes very tightly. Nang dumilat siya ay pumungay ang kaniyang mga mata.
"Please, Talianna. I love you. Huwag naman ganito." Nanginig ang kaniyang boses.
Umiling ako. Wala na akong panahong makinig pa sakaniya. Wala na akong nararamdamang pagmamahal para sakaniya at sigurado ako roon.
"Leave, Davien. I'm tired! God! Pagod na pagod ako galing eskwelahan tapos ganito pa ang aabutan ko pag-uwi?"
I started walking away but I forcefully stopped when he aggressively grabbed my arm. Paglingon ko sakaniya ay madilim na ang kaniyang mga mata.
"Bakit? May iba ka na ba, Talianna? May iba ka na bang kinababaliwan dito sa lugar na ito? Tangina! Mayroon ba?" mahina ngunit mariin niyang sinabi.
Mas humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin. Napangiwi ako dahil sa matinding kirot.
"Ano ba, Davien! You're hurting me! Let me go!" Pagpupumiglas ko ngunit nanatili siyang bingi.
"Sabihin mo, Talianna. Sinong gago ang papatayin ko?" bulong niya sa nakakahindik na tono.
Natulala na lamang ako sakaniya. Kumalabog nang matindi ang puso ko habang nakatitig sa mga mata niyang punung-puno ng galit at panganib.
"Don't touch me," mariin kong bulong. Halos mamanhid ang aking braso dahil sa kaniyang mahigpit na hawak.
"Mayroon ba, Talianna? Sabihin mo dahil hindi ako magdadalawang isip na burahin sa lugar na ito ang lalaking iyon."
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal