Share

Oo?

"Let's go Calohi Avryl Tan." May diin sambit ni Anus.

Napanganga ako sa'kin narinig mula kay Anus. Ngayon lamang ako nakaramdam ng kaba na tawagin ang buo kong pangalan. napalingon naman ako kay Ran na naglalakad na pa layo. Muli ay ibinalik ko ang paningin ko kay Anus na seryoso lang na nakatingin sa'kin.

"Calohi Avryl Tan." Sambit ng seryoso ni Anus.

"H-ha?" Nababalisang tanong ko.

Tila wala ako sa sarili at naubusan ng sasabihin kay Anus dahil hindi mag-sink in sa isip ko ang nangyayari.

"Calohi." Aniya ng seryoso.

"H-ha?" Wala sa sariling sabi ko.

"Tara na." Aniya ng seryoso.

Wala sa sarili akong lumakad papunta sa kaniya at sumakay sa kaniyang motor. Ibinigay niya naman ang helmet na aking kinuha kaagad. Lumingon pa ako sa paligid at nagbabakasakali na makita ko si Ran ngunit tuluyan na talaga itong umalis.

Mabilis na pinaandar ni Anus ang kaniyang motor. Tahimik lamang ang naging biyahe namin hanggang sa makarating na kami sa bahay.

Akala ko sa mansion nila kami pupunta
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status