LOGIN"He broke me once… but that night, I chose to break every rule I had for myself."
- POV: Isabella Malakas na tugtog ang sumalubong sa amin pagpasok sa loob ng bar. This is my first time in a place like this. Kung hindi lang ako broken… Kung hindi lang ako desperadong makalimot sa lalaking ‘yon, hindi ako pupunta dito. “Bella, are you okay?” Medyo pahiyaw na sabi ni Claire habang naglalakad kami papasok. “Oo, okay naman ako,” hiyaw ko rin sa kanya dahil, tulad ng sabi ko kanina, malakas ang tugtog. Habang naglalakad kami, napansin ko na halos magkapalit na ng katawan ang mga tao dahil sa lapit ng bawat isa habang sumasayaw. Dumiretso kami sa dulo ng bar at naupo kami sa isang sulok, medyo malayo sa mga taong mahilig mag-socialize. As my request, siyempre, hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganito. This is exactly what I need. “Here’s your drink,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Claire. Nginitian ko siya nang bahagya. “Thanks… Mia, right?” “Yes!” she smiled. “Uy, hindi ‘yan hard ha?” singit ni Claire nang makitang inaabot ko ang hawak ng kaibigan niya. “Of course not! First time niya uminom, remember?” sagot ni Mia. “Lala niyo! Bakit ako? Unang inom natin kabayong pula pa nga binigay niyo. Tapos ngayon may special treatment? Sana pala sinipa niyo na lang ako,” nag-e-emote naman na sabi ni Trisha na ikinatawa nilang lahat. “I think I can handle hard drinks naman…” mahina kong sabi. “Will it help me forget someone?” I whispered “Ay! Ayun, matapang kasi may gustong kalimutan,” biro ni Claire. “Sige na… Tayo ay magmaboteng usapan…” Biro naman ng baklang kaibigan ni Claire na si Josh. Hindi ako nagpapakatapang. Desperado lang akong makalimot. Isa… Dalawa… Tatlo… Hanggang sa hindi ko na maalala kung pang-ilang baso na. “Isa pa,” sabi ko. Medyo malakas kong naibagsak ang baso sa mesa. “Bella, tama na,” sabi ni Claire, hawak ang palapulsuhan ko. “You’re drunk.” “Kaya mo pa ba?” Napatawa ako. Iyong pilit na tawa. “Exactly, hindi ko na kaya iyong sakit,” sagot ko, sabay taas ng baso. “Pero kaya ko pa uminom. Kaya nga nanghihingi ako, ’di ba?” Malakas ang musika, at may neon light na nagbibigay buhay sa buong lugar. Makikita mo na nagsasaya talaga ang mga tao dito. Ako? Na-stuck sa moment na nakita ko siyang hawak ang kamay ng iba. Nakangiti sa iba habang hinahalikan ito sa pingi. Damn. Parang wala kaming pinagsamahan kung manakit, eh. Damn, that asshole. Kating-kati ba sa buhay niya kaya di makapaghintay na makipag-break muna sa akin bago lumingkis sa iba? “Three years. Three fucking years, Claire,” nanginginig kong sabi. Hindi ko siya tiningnan. Ayokong makita yung awa sa mata niya. “Tatlong taon… tapos ganon lang?” Tinungga ko yung laman ng baso. “Hindi siya kawalan,” sabi niya at mahina akong tinapik sa likod. “Wala siyang kwenta para iyakan mo,” dagdag niya. Tumango ako. “Tama… hindi siya kawalan.” Pero bakit… parang ako yung nawalan? “Bakit parang ako yung nawala?” Tumatak sa akin ang katanungang iyon. Kasi iyon ang totoo. Hindi lang siya yung nawala. Ako rin. ‘Yung version ko na naniwala, nagmahal. ‘Yung version ko na buo. “Let’s go home,”sabi ni Claire. “No…” Napailing ako. “Ayoko pa,” dagdag ko pa at ngumuso. “Kasi pag umuwi ako…” mapait akong ngumit, “maalala ko siya.” “Okay, fine. Mamaya na tayo umuwi. But please, tama na ang kakainom. Kung hindi ka titigil, sige ka, uuwi na tayo,” paalala ni Claire. I nod at her. Hinila ko siya papunta sa dance floor. “Then let’s dance.” At least dito puwede akong magpanggap. - Bente minuto rin akong tumambay sa dance floor bago ako magpaalam na magbabanyo. Pagbalik ko mula sa CR, wala na sila. Napabuntong-hininga ako at naglakad papunta sa kabilang side ng bar. Umupo ako roon at pinilit kong pakalmahin ang sarili. Great. Just great! Iwan ba naman ako. Bahala sila. “Vodka,” pagkaabot sa akin ay inubos ko agad. “Another one?” Napatingin ako sa lalaking biglang sumingit sa tabi ko at tinaasan siya ng kilay. “No—” “Sige na, Miss,” putol niya, saka ngumiti. “Wala namang masama kung tatanggapin mo ’to.” “No, ayoko nga po,” malamig kong saad. “Please, stop.” “Sige na, Miss, libre lang—” Naputol ang sasabihin niya nang may malamig na boses na nagsalita mula sa likod ko. “‘No’ means no…” Kalmado ang boses nito, pero nagbabanta. “Hindi ‘maybe.’ Hindi ‘convince me,’ at lalong hindi ‘try harder.’ I don’t tolerate people who can’t understand something that basic.” Mahinahon niyang sambit, saka hinawakan ang pulso ng lalaking nangungulit sa akin. Hindi mahigpit pero sapat para mapatigil ito. Napatingin ang lalaki sa kanya. “Kung hindi mo kayang intindihin ‘yan… then you’re either stupid… or you’re asking for trouble.” Dahan-dahan niyang binitawan ang pulso nito, parang walang nangyari, pero sapat na iyon para umatras ang lalaki. “May kasama ka pala. Sorry, Miss,” sambit nito bago nagmamadaling umalis. Pero hindi ko naman siya kasama. “What?” Taas-kilay kong tanong nang umupo siya sa tabi ko. Like he belonged there. Bahagya siyang nagkibit-balikat. “Nothing. Though I think I know why.” Kumunot ang noo ko. “Why?” “Why did he offer you another drink?” “What do you mean?” naguguluhan kong tanong. “Because you look like you need one.” Ibinaba niya ang baso sa counter, saka marahang pinaikot iyon gamit ang daliri. “You look like… heartbroken.”Pagpapatuloy niya. Hindi siya nakatingin sa akin. Marahan niyang iniikot ang baso sa pagitan ng kanyang mga daliri, pinagmamasdan ang likidong umiikot sa loob nito. “Do I look that pathetic?” mahina kong sambit, pinaglaruan ang hawak kong baso. “No,” diretso niyang sagot. Walang paligoy-ligoy. “You look… fragile.” Tumahimik ako saka huminga nang malalim. Kinuha ko ang baso at nilagok ko iyon nang diretso. “And this ‘fragile’ girl?” Mapait akong ngumiti. “She’s already shattered.” Humingi pa ako ng isa pang drink matapos sabihin iyon. “I see,” maikli niyang tugon. Hindi ko siya kilala… pero bakit parang ayokong umalis? Parang gusto ko pang makipag-usap sa kanya at magsabi ng mga problema ko. Kasi minsan mas madaling maging totoo sa taong hindi ka kilala."Some pasts don’t stay buried… they wait for the worst moment to return."-“Relax ka lang.” Napatingin ako kay Claire nang sabihin niya iyon. Hindi kasi ako mapakali dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Nasa elevator kami ngayon at papunta sa fifth floor dahil doon ako i-iinterbyuhin.“Madali lang ang mga tanungan diyan,” dagdag niya.“Easy for you to say,” sagot ko, sabay nguso.Pagkabukas ng elevator, bumungad ang isang eleganteng hallway—glass wall, marble floors. Everything looked clean and expensive. Wow! Hindi ako sanay sa ganito.“Nandito na tayo. Sa HR ako naka-assign,” sabi ni Claire habang itinuturo ang dulo ng hallway.“Ikaw, dito sa pangalawang pinto,” dagdag niya bago binuksan ang pintuan sa harap niya.“O-Okay,” kinakabahang saad ko.“Huwag kang kabahan, kaya mo iyan,” nakangiting sabi niya.Great. Mas lalo akong kinabahan.“Good luck!” Ngumiti siya bago tuluyang mawala sa paningin ko.Pagkaalis niya, doon ko narinig ang sariling tibok ng puso.Amp. Nilalamon ako ng
"I went out to forget my cheater ex-boyfriend… but I didn’t expect to remember someone else instead."-“Bella?” Mabilis kong minulat ang aking mga mata ng marinig ko ang boses ng ulupong kong ex-boyfriend. Habang hingal na hingal ako ay kunot-noo akong napahawak sa pisngi ko at doon ko naramdaman—Luha?“Punyet*! Panaginip lang pala,” inis kong bulong saka napabuntong-hininga. Napaupo ako, saka napahawak sa ulo ko.“Shit… ang sakit ng ulo ko.”“Paano ba nila nagagawa ‘to? Iinom ng marami, tapos kinabukasan parang wala lang?” reklamo ko sa sarili ko habang pinipisil ang sentido ko.“Hindi na talaga mauulit ito…”Tsk! Paano ba ako nakauwi? Tsk! Ano bang pinagagawa ko kagabi? Lintek na hard drink yan. Teka, nasan ba ako? Ah, right. I’m in my room right now with a hangover. Aish! Bakit ba kasi ako uminom ng hard drink, alam ng hindi palainom, eh? Bwisit kasi yung sigbin kong ex-boyfriend kasalanan niya ito.Para bang nag-play sa utak ko ang mga alaala ko kagabi kasama ang estrangherong
Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiinom. Kung nakailang shots na ba ako? At kung ilang beses na akong tumawa kahit wala namang nakakatawa. Basta ang alam ko lang sa bawat lagok… unti-unting nawawala ang sakit at unti-unti akong nakakalimot.“Bad breakup?” tanong niya.“Obvious?” Nakatingin kong saad sa kanya.“Very.”Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Three years kami. Then, I caught him cheating today.” Napangiwi ako habang naalala ang kaganapan kanina. Siya naman ay natahimik. The weirdest thing is, I like his response.No pity.No unnecessary comfort.Just silence.“And you?” tanong ko.“Just passing time.”“With a stranger?” Tumingin siya sa akin.“Yeah… I think.” Matapos niyang sabihin iyon, bahagya siyang ngumiti, saka siya tumayo.“Saan ka pupunta?” Wala sa sariling tanong ko.“Lalabas… For fresh air.” Hindi ko alam kung bakit sumunod ako. Paglabas namin, umuulan, kaya nag-stay na muna kami sa entrance.“Crying, huh?” Napalingon ako nang marinig ko siyang m
"He broke me once… but that night, I chose to break every rule I had for myself."-POV: IsabellaMalakas na tugtog ang sumalubong sa amin pagpasok sa loob ng bar. This is my first time in a place like this. Kung hindi lang ako broken… Kung hindi lang ako desperadong makalimot sa lalaking ‘yon, hindi ako pupunta dito.“Bella, are you okay?” Medyo pahiyaw na sabi ni Claire habang naglalakad kami papasok.“Oo, okay naman ako,” hiyaw ko rin sa kanya dahil, tulad ng sabi ko kanina, malakas ang tugtog. Habang naglalakad kami, napansin ko na halos magkapalit na ng katawan ang mga tao dahil sa lapit ng bawat isa habang sumasayaw.Dumiretso kami sa dulo ng bar at naupo kami sa isang sulok, medyo malayo sa mga taong mahilig mag-socialize. As my request, siyempre, hindi naman kasi talaga ako sanay sa mga ganito. This is exactly what I need.“Here’s your drink,” sabi ng isa sa mga kaibigan ni Claire.Nginitian ko siya nang bahagya. “Thanks… Mia, right?”“Yes!” she smiled.“Uy, hindi ‘yan hard ha
"The worst kind of betrayal isn’t when they leave. It’s when they make you question why you stayed."–Isabella’s POVHindi ko alam kung alin ang mas masakit, eh. Iyong nagulungan ang paa ko ng cart na may mabibigat na laman o ang makita ko siyang may kasamang iba habang magkahawak-kamay sila.I didn’t cry when I saw him cheating. I mean, hindi agad dahil hindi maproseso ng utak ko ang nakikita ko. I just stood there frozen, habang nakikita ko kung paano niya hawakan yung ibang babae. Yung lalaking minahal ko nang tatlong taon… parang wala lang sa kanya ang relasyon namin. Parang ginago niya lang ako sa loob ng tatlong taon na iyon. Parang hindi ako naging sapat.“Babe, wait—” Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at pinadapo na sa mukha niya ang kamay ko. Hindi ko na siya pinakinggan at umalis na sa kanyang harapan. Paano niya pa ako natatawag na ‘Babe’? Matapos niyang makipaglampungan sa kasama niya ngayon? Matapos niyang halik-halikan ito, na para bang ito ang nakasama niya noo
“Some nights aren’t meant to be remembered… but somehow, they become the ones you can’t forget.”---“Ready?” tanong niya habang diretso ang tingin sa mga mata ko. Hindi ako sumagot… Sa halip, tumango lang ako.Hindi ko rin alam kung gusto ko ba talaga. Pero sa paraan ng paghawak niya sa akin, may parte sa akin na mas nasasabik.His hand slid to my waist, pulling me closer. Mas lalo akong napalapit sa kanya habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahang gumagalaw sa katawan ko—parang alam na alam niya kung saan ako hahawakan.Parang kilala niya ako kahit kanina lang naman kami nagkakilala.“Do you want me to continue?” mahinang tanong niya.Napapikit ako kasi may parte sa utak ko na sumisigaw na mali ito.Nag-aalangan akong sumagot, baka kasi masira ko yung moment. Or worse, baka sabihin ko yung totoo… Na ayoko siyang tumigil… Na gusto ko pa.Everything felt wrong.The place.The timing.The reason why I’m here.Pero siya… he was looking at me like I was the only woman in the room.Like







