로그인Hindi ko na alam kung gaano katagal na akong umiinom. Kung nakailang shots na ba ako..At kung ilang beses na akong tumawa kahit wala namang nakakatawa. Basta ang alam ko lang, sa bawat lagok… unti-unting gumagaan ang dibdib ko. Unti-unti akong nakakalimot.
“Bad breakup?” tanong niya. Napatingin ako sa kanya bago bahagyang ngumiti. “Obvious?” “Very.” Napabuntong-hininga ako bago nagsalita. “Three years kami,” mahinang sambit ko. “Then I caught him cheating today.” Napangiwi ako habang naaalala ang eksena kanina. The lie, the holding hands, and the look on his face when he got caught. Tahimik lang siya pagkatapos kong magsalita. And weirdly enough… I liked that response. No pity. No fake comfort. No “you deserve better.” Just silence. The kind that lets you breathe. “And you?” tanong ko habang iniikot ang baso sa pagitan ng mga daliri ko. “Just passing time.” “With a stranger?” Ngayon lang siya tumingin sa akin nang diretso. “Yeah…” bahagya siyang napangiti. “I think.” Matapos niyang sabihin iyon, tumayo siya. “Saan ka pupunta?” wala sa sarili kong tanong. “Lalabas,” sagot niya. “For fresh air.” Hindi ko alam kung bakit ako sumunod. Siguro dahil ayoko pang maiwang mag-isa. Paglabas namin ng bar, agad kaming sinalubong ng malamig na hangin at malakas na ulan. Kaya sa may entrance muna kami tumigil. “Crying, huh?” Napalingon ako sa kanya. “Ha?” “You’re crying,” ulit niya habang bahagyang itinuturo ang pisngi ko. Doon ko lang napagtantong basa na pala ang mukha ko. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. “And you know what the best way not to notice it?” Hindi pa ako nakakareact nang bigla niyang hinawakan ang pulso ko. Mainit ang kamay niya kahit malamig ang paligid. At sa isang iglap, hinila niya ako palabas sa ulan. “Get soaked in the rain.” Napatawa ako nang mahina nang tuluyan akong mabasa. The cold rain poured heavily against my skin, soaking my clothes, my hair, everything. Pero somehow… It felt freeing. Parang unti-unting inaanod ng ulan ang bigat na dinadala ko. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya natitigan nang maayos. Basa na rin ang buhok niya, pero parang wala lang iyon sa kanya. May patak ng tubig na dumadaloy mula sa sentido niya pababa sa leeg. And damn… That shouldn’t be attractive , right? So why couldn’t I stop staring? “Feel better?” tanong niya. Hindi agad ako nakasagot. “Konti,” sagot ko kalaunan habang napapangiti. A real smile. For the first time tonight. Pakiramdam ko kasi sa mga oras na iyon, sinasama ng ulan ang lahat ng sakit na gusto kong takasan. Bahagya siyang tumango. “That’s good to hear.” Ilang segundo rin kaming nanatili roon sa gitna ng ulan. Then he held my hand again. And this time… Hindi ko na iyon inalis. Tumakbo kami kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Tatawa. Hahabol ng hininga. Basang-basa habang walang pakialam sa paligid. Marahil tama na rin ang epekto ng alak kaya hinayaan ko na lang ang sarili kong sumunod sa anumang nagpapagaan ng pakiramdam ko. Everything after that felt blurred. At sa bawat hakbang, mas lalo kong nakakalimutan ang sakit na kanina lang ay parang dudurog sa akin. All I know is… Nasa isang kwarto na ako. Napakagat-labi ako nang tuluyan kong ma-realize ang sitwasyon namin. Nandito ako sa harap niya, at masyado kaming magkalapit. Ang tanging maririnig lang ay ang paghinga naming dalawa. Hindi ko alam kung kailan ako pumayag. Hindi ko alam kung bakit hindi ako umatras. “Comfortable?” halos pabulong niyang tanong habang marahan niyang ipinapatong ang tuwalya sa ulo ko. Hindi ako agad nakasagot. Kasi sa totoo lang, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kaba. Anticipation. Excitement. Tumango na lang ako bilang sagot. Napatingin ulit ako sa kanya. Basa pa rin siya mula sa ulan. Napalunok ako nang maramdaman kong hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Parang bawat galaw niya ay may epekto sa akin. Dahan-dahan siyang lumapit. At sa mga oras na iyon, dapat umatras na ako. Pero hindi ko magawa. Parang hinihila ako ng tingin niya palapit sa kanya. Hinayaan ko siyang lumapit… Hanggang isang hakbang na lang ang pagitan namin. Matagal niya akong tinitigan. Parang hinihintay niyang pigilan ko siya. Pero hindi ko ginawa. Sa halip, bahagya pa akong ngumiti bago siya hinila palapit. Napapikit ako sandali. At pagmulat ko, mas malapit na siya. “Still okay?” bulong niya. Tumango ako. Inangat niya nang marahan ang baba ko hanggang sa tuluyan kaming magkataoat ng mukha. Dahil doon, bumilis ang tibok ng puso ko. Pero hindi sapat iyon para tumigil ako. Saglit siyang humintom at tinitigan ako. “Are you sure?” mahinang tanong niya. Natigilan ako. Siguro dapat umatras ako. Siguro dapat nag-isip ako. Pero… Gusto kong makalimot. Kahit isang gabi lang. “Yes,” mahina kong sagot bago muling tumango. Ito na iyon. Kapag itinuloy ko ito… Wala nang bawian. At doon tuluyan akong bumigay. --- Unti-unti akong nagmulat ng mata habang inaabot ng sikat ng araw ang balat ko. Nag-unat pa ako nang bahagya bago napakunot-noo. Teka? What is this weird pillow around my waist? Dahan-dahan akong lumingon sa tabi ko. At halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang katabi ko. The stranger last night. Shit. Mahimbing pa rin ang tulog niya, parang wala siyang katabing ibang tao. Matagal ko siyang tinitigan. And yes… He was attractive. Pero— This was a mistake. Beautiful… Dangerous mistake. Dahan-dahan akong bumangon at maingat na tumayo para hindi siya magising. Kinuha ko ang mga damit ko sa sahig at mabilis iyong isinuot. Saglit akong napahinto sa may pintuan pero hindi ako lumingon. “This ends here,” mahina kong bulong. “We should stay strangers… and keep it that way.” Sambit ko sa sarili ko habang naglalakad sa hallway. Isa pa… Hindi naman na kami magkikita ulit. --- I thought that night would end there. I didn’t know it was only the beginning.Nakatayo ngayon si Justin sa harap ng walk-in closet niya habang pumipili ng susuotin niyang coat. May family gathering daw kasi sila ngayon. Ayoko sana sumama dahil kasal lang naman kami sa papel, kaso sabi niya kailangan daw. “Required ba talaga sumama?” Nakasimangot na saad ko.“Yes, you’re still my wife even if its on paper,” saad niya habang sinusuot ang beige suit na napili niya.Napanguso ako at nagkibit-balikat, “Ang dami niyo naman kasing family gatherings. Weekly ba naman, ilan ba kayong magkakamag-anak ng makapag-ready ako lagi.” sarkastikong saad ko.“Its my grandmother’s birthday. Mas mahalaga ang event na ito kaysa sa iba mong napuntahan. And you don’t have a choice, remember our contract?” Paalala niya.“Sabi ko nga,” napapailing na saad ko habang sinusuklay ang buhok ko.Tamad na tamad talaga akong pumunta ngayong araw. Hays! Isa pa, hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at sa sitwasyon namin, eh.–Isang oras din ang tinagal ng biyahe nam
Kailangan nga ba naging komplikado lahat? Simula ba ng matanggap ako sa trabaho kung nasaan si Justin? Simula ba ng may mangyari sa’min ng gabi na iyon? Simula ng magdalang tao ako o simula ng pirmahan ko ang kontrata?Akala ko kaya kong sundin ang kasunduang ginawa namin ni Justin. Akala ko simpleng kasunduan lang ito para sa bata at para sa pagpapagamot ko kay mama. Pero nagiging mahirap kumbinsihin ang sarili ko habang tumatagal.Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong villa. Tulad ng dati nadatnan ko si Justin na nakaupo sa dineng are habang may binabasa na dokumento.Nakatiklop pataas ang manggas ng polo niya at may baso ng kape sa tabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng mga simpleng bagay.“Goodmorning,” bati niya kaya binati ko rin siya pabalik.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang bsong tubig. Ang tahimik talaga sa lugar na ito. Feeling ko tuloy naririnig niya kung ano mang naiisip ko dahil sa katahimikan."May check-up ka ma
Buong gabi akong hindi mapakali matapos kong marinig ang pangalan ni Vanessa Cruz. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaapektuhan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko rin naman dapat pinoproblema ang nakaraan ni Justin. Lahat tayo ay may buhay bago nakilala ang isa't isa. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Claire."She's the only woman I've ever heard linked to Justin before you."Hindi ko alam bakit nagugulo ang utak ko ng mga sinabi niyang iyon.–Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Nauna kasi siya pumasok sa akin dahil may dadaanan pa siya. Hindi naman siguro si Vanessa iyon, ‘di ba?Napailing ako.Hays! Gusto kong maging busy. Kapag busy ako, wala akong oras para mag-isip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Naloloka lang ako mag-isip. Nandito ako sa pwesto ko habang inaayos ang schedule ni Justin nang bumukas ang elevator.Hindi ko sana papansinin, ngunit naamoy ko ang pamilyar na pa
Kinabukasan, sinubukan kong isawalang bahala ang nangyari kagabi sa terrace. Hindi naman no’n mababago ang sitwasiyon namin ni Justin. Hays! Iyong pakikinig niya sa mga sinasabi ko kagabi. Hindi siya masiyadong nakipagtalo at sinubukan niya akong intindihin. Sa pinapakita niya ay parang mas nalilito ako. Tahimik lang kami sa buong biyahe pero hindi naman awkward sa pagitan namin. Sanay na siguro kami sa katahimikan namin sa isat-isa. Minsan humihinto ang sinasakyan namin dahil may tumatawag sa kanya na related sa trabaho. Ako naman ay titingin lang sa labas ng bintana. Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa executive floor. Ako naman ay sa desk ko which is sa labas ng room niya. “Excuse me,” Tawag pansin ng babaeng bagong dating. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-diyes na ng umaga. Wala naman akong alam na may pupuntang business partner ni Justin ngayong oras. Wala itong abiso sa akin kahit kanina o kagabi. Tinignan ko ang babae matangkad ito at maganda. Ba
Pagkatapos ng nangyari sa opisina, hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Justin.My wife.Shit! Parang musika sa aking tenga alam ko na hindi dapat ako kiligin pero hindi ko mapigilan. Dalawang simpleng salita lang iyon pero buong gabi na akong hindi mapakali. Ganto siguro ako dahil hindi tunog obligasyon ang sinabi niya.O baka dahil habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang kontrol niya sa buhay ko.-Nasa villa ako ngayon. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng air conditioner. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nakaupo sa terrace ng kwarto ko habang nakatingin sa madilim na hardin. Minsan gusto ko na lang umuwi sa dati kong apartment.Napabuntong-hininga ako.Mula kasi nang lumipat ako rito, parang lahat ng desisyon ko ay may kinalaman na kay Justin. Kung anong kakainin ko, anong vitamins ang iinumin ko at sinong doctor ang pupuntahan ko.Kung anong sasakyan ang gagamitin ko, sino ang dapat kong kausapin. Hays! Hindi ko naman sin
Sa mga nakalipas na linggo, naging normal na ang mga araw ko. Kumunti ang mga taong nag-uusap tungkol sa buhay ko. Nananatili akong abala sa trabaho at nagiging maayos na ang kalagayan ng nanay ko. Isa rin sa mga pinakamahalaga ay normal ang bata sa tiyan ko at maayos ang kalusugan ko.Nagiging maayos na rin naman ang pakikisalamuha ko kay Justin. We are not in a relationship, but the important thing is we can talk about little things. May mga pagkakataon pa rin na bigla akong nalulungkot o pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Nalulunod sa sarili kong kalungkutan, pinipili ko na sarilinin na lang dahil ayaw ko naman na maging pabigat sa kanya.Akala ko magiging maayos na ang lahat at makakahinga na ako kahit papaano, pero nagkamali ako. Akala ko tapos na sila sa usapin tungkol sa akin, pero nagpahinga lang pala sila… Dahil may mga mausisa pa ring tao na gagawin ang lahat para mahalungkat ang buhay mo.Noong una, tinitingnan lang nila ako hanggang sa nagbubulungan na sila habang dumadaan ako







