Share

Chapter 1: Heart Break

last update publish date: 2026-04-26 10:23:37

"The worst kind of betrayal isn’t when they leave. It’s when they make you question why you stayed."

---

Isabella’s POV

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit. Iyong nagulungan ang paa ko ng cart na may mabibigat na laman… O ang makita siyang may kasamang iba habang magkahawak-kamay sila.

For a moment, everything around me seemed to stop. The noise inside the department store faded. The people passing by disappeared into the background.

All I could see was him.

Him… holding another woman’s hand like it belonged there. I didn’t cry when I saw him cheating.

At least, not immediately.

Siguro dahil hindi agad maproseso ng utak ko ang nakikita ko. I just stood there, frozen, habang pinapanood kung paano niya hawakan ang ibang babae.

Yung lalaking minahal ko nang tatlong taon. Parang wala lang sa kanya ang relasyon namin. Parang biro lang lahat. Parang ginago niya lang ako sa loob ng tatlong taon na iyon. Parang hindi ako naging sapat.

“Babe, wait—”

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Agad kong pinadapo ang kamay ko sa mukha niya.

The sound of the slap echoed between us, but it still wasn’t enough to release everything building inside my chest.

Hindi ko na siya pinakinggan at agad akong tumalikod. Paano niya pa ako natatawag na “Babe” matapos niya akong halikan gamit ang parehong bibig na humalik sa ibang babae? Matapos niya akong lokohin nang harapan?

Tatlong taon. Tatlong taon kong ibinigay ang lahat sa kanya. Ang suporta. Pagmamahal. Pag-iintindi. Pati oras at pagod ko.

Tatlong taon akong nagtiis kahit may mga naririnig ako noon tungkol sa kanya.

Kesyo babaero raw.bKesyo may ibang babae raw pero hindi ako naniwala. Because I trusted him completely. Pero sa mga oras na iyon, hindi na tsismis ang nasa harapan ko. Katotohanan na.

Napahinto ako sa paglalakad nang mahawakan niya ako sa braso.

Hindi ko siya hinarap.

Tumayo lang ako roon habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong manghina.

Naririnig ko siyang paulit-ulit na nagsosorry na para bang maliit na pagkakamali lang ang nahuli ko.

Nakakainis.

“Hindi ganon yun, Bella—”

“Anong hindi gano’n?” mabilis kong putol sa kanya. “Anong tingin mo sa akin? Tanga?” Napatawa ako nang mapait.

The kind of laugh that hurts more than crying.

“Ha! So ano’ng tawag mo sa kanya?” galit kong saad habang itinuturo ang babaeng nasa likod niya. “Friend promax? Naka-VIP subscription ka?” Marahas kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin.

“Explain it to me,” dagdag ko.

Pero lalo lang kumulo ang dugo ko nang imbes na magpaliwanag siya ay natahimik lang.

Of course. Nahuli ko siya sa akto. Wala pa sigurong nabubuong palusot sa utak niya.

“Bella…”

Lumapit siya ulit, akmang hahawakan ako. Automatic akong umatras. Dati, siya yung safe place ko.

Ngayon… Siya na yung dahilan kung bakit gusto kong tumakbo.

“I’m sorry.”

Tanging iyon lang ang nasabi niya matapos ang lahat. As if one apology could erase everything he did.

Napapikit ako at huminga nang malalim, pero walang nangyari. Masakit pa rin.

“I trusted you,” sambit ko habang tuluyang tumulo ang luha sa pisngi ko.

I looked straight into his eyes. Pero siya ang unang umiwas.

“I gave you everything,” dagdag ko habang kinakagat ang ibabang labi para pigilan ang hikbi. “Even when it was hard. Even when I had to choose you over myself.” Huminga ako nang mabagal.

Pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Pero paano? Paano mo pakakalmahin ang pusong wasak na wasak na?

“Was I not enough?” nanginginig kong tanong. “Hindi ba ako sapat para maghanap ka pa ng iba?” Mahina ang boses ko. Pagod at basag. Parang lahat ng lakas ko ay nauubos sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko. Napaatras ako nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya.

Tiningnan niya lang ako. At sapat na iyon para mas lalo akong masaktan. Teka… Bakit ko pa nga ba kailangang itanong iyon? Hindi naman siya maghahanap ng iba kung sapat na ako sa kanya. Hindi ba?

“Okay,” sambit ko habang marahang tumatango. “Malinaw na ang sagot sa akin.”

Pinunasan ko ang mga luha ko bago pilit na inayos ang sarili ko.

Stop crying, Isabella. He doesn’t deserve it.

“S-Sorry,” saad niyang muli.

Ngumiti ako pero walang bakas ng saya roon.

“Stop. I don’t want to hear it anymore.” Napailing ako. “Tama na.”

Pagkatapos noon, tinalikuran ko siya.

“At sa mga oras na ito…” huminto ako sandali bago nagsalita muli. “Wala na kayong tinatago. At wala na rin tayo.”

Matapos kong sabihin iyon, naglakad na ako palayo. Hindi ko na siya nilingon. Kasi alam kong kapag lumingon pa ako, baka maalala ko pa lahat ng masasayang araw namin.

At baka iyon pa ang maging dahilan para patawarin ko siya.

Baka magbago pa ang isip ko. Kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Palayo sa kanya.

Palayo sa amin.

Dahil ayoko na.

---

Lumabas ako ng department store na parang wala akong direksyon. Hindi ko alam kung saan pupunta. Basta ang alam ko lang… kailangan kong umalis. Kailangan kong huminga. Hindi yung ganito na parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang sakit.

My chest felt heavy. Every breath hurts. 

At nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Claire, hindi na ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa bar na sinabi niya. Isang maingay at magulong lugar na hindi ko naman talaga hilig puntahan. 

But somehow, bagay iyon sa nararamdaman ko. Because tonight, I didn’t want silence.

I wanted noise. Something loud enough to drown everything inside my head.

Sa mga oras na iyon, ang tanging alam ko lang ay gusto kong makalimot. 

Kahit saglit lang.

Kahit ngayong gabi lang.

Ang hindi ko alam… Ang gabing iyon ang magbabago ng buong buhay ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 38: Family Dinner

    Nakatayo ngayon si Justin sa harap ng walk-in closet niya habang pumipili ng susuotin niyang coat. May family gathering daw kasi sila ngayon. Ayoko sana sumama dahil kasal lang naman kami sa papel, kaso sabi niya kailangan daw. “Required ba talaga sumama?” Nakasimangot na saad ko.“Yes, you’re still my wife even if its on paper,” saad niya habang sinusuot ang beige suit na napili niya.Napanguso ako at nagkibit-balikat, “Ang dami niyo naman kasing family gatherings. Weekly ba naman, ilan ba kayong magkakamag-anak ng makapag-ready ako lagi.” sarkastikong saad ko.“Its my grandmother’s birthday. Mas mahalaga ang event na ito kaysa sa iba mong napuntahan. And you don’t have a choice, remember our contract?” Paalala niya.“Sabi ko nga,” napapailing na saad ko habang sinusuklay ang buhok ko.Tamad na tamad talaga akong pumunta ngayong araw. Hays! Isa pa, hindi pa nga malinaw sa akin kung ano ang nararamdaman ko sa kanya at sa sitwasyon namin, eh.–Isang oras din ang tinagal ng biyahe nam

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 37: Unwanted Feelings

    Kailangan nga ba naging komplikado lahat? Simula ba ng matanggap ako sa trabaho kung nasaan si Justin? Simula ba ng may mangyari sa’min ng gabi na iyon? Simula ng magdalang tao ako o simula ng pirmahan ko ang kontrata?Akala ko kaya kong sundin ang kasunduang ginawa namin ni Justin. Akala ko simpleng kasunduan lang ito para sa bata at para sa pagpapagamot ko kay mama. Pero nagiging mahirap kumbinsihin ang sarili ko habang tumatagal.Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik pa ang buong villa. Tulad ng dati nadatnan ko si Justin na nakaupo sa dineng are habang may binabasa na dokumento.Nakatiklop pataas ang manggas ng polo niya at may baso ng kape sa tabi niya. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit naapektuhan ako ng mga simpleng bagay.“Goodmorning,” bati niya kaya binati ko rin siya pabalik.Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng isang bsong tubig. Ang tahimik talaga sa lugar na ito. Feeling ko tuloy naririnig niya kung ano mang naiisip ko dahil sa katahimikan."May check-up ka ma

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 36: The Ex

    Buong gabi akong hindi mapakali matapos kong marinig ang pangalan ni Vanessa Cruz. Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaapektuhan. Hindi ko naman siya kilala. Hindi ko rin naman dapat pinoproblema ang nakaraan ni Justin. Lahat tayo ay may buhay bago nakilala ang isa't isa. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Claire."She's the only woman I've ever heard linked to Justin before you."Hindi ko alam bakit nagugulo ang utak ko ng mga sinabi niyang iyon.–Kinabukasan, maaga akong dumating sa opisina. Nauna kasi siya pumasok sa akin dahil may dadaanan pa siya. Hindi naman siguro si Vanessa iyon, ‘di ba?Napailing ako.Hays! Gusto kong maging busy. Kapag busy ako, wala akong oras para mag-isip ng mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Naloloka lang ako mag-isip. Nandito ako sa pwesto ko habang inaayos ang schedule ni Justin nang bumukas ang elevator.Hindi ko sana papansinin, ngunit naamoy ko ang pamilyar na pa

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 35: The Name Vanessa

    Kinabukasan, sinubukan kong isawalang bahala ang nangyari kagabi sa terrace. Hindi naman no’n mababago ang sitwasiyon namin ni Justin. Hays! Iyong pakikinig niya sa mga sinasabi ko kagabi. Hindi siya masiyadong nakipagtalo at sinubukan niya akong intindihin. Sa pinapakita niya ay parang mas nalilito ako. Tahimik lang kami sa buong biyahe pero hindi naman awkward sa pagitan namin. Sanay na siguro kami sa katahimikan namin sa isat-isa. Minsan humihinto ang sinasakyan namin dahil may tumatawag sa kanya na related sa trabaho. Ako naman ay titingin lang sa labas ng bintana. Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa executive floor. Ako naman ay sa desk ko which is sa labas ng room niya. “Excuse me,” Tawag pansin ng babaeng bagong dating. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas-diyes na ng umaga. Wala naman akong alam na may pupuntang business partner ni Justin ngayong oras. Wala itong abiso sa akin kahit kanina o kagabi. Tinignan ko ang babae matangkad ito at maganda. Ba

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 34: Control vs Freedom

    Pagkatapos ng nangyari sa opisina, hindi na mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Justin.My wife.Shit! Parang musika sa aking tenga alam ko na hindi dapat ako kiligin pero hindi ko mapigilan. Dalawang simpleng salita lang iyon pero buong gabi na akong hindi mapakali. Ganto siguro ako dahil hindi tunog obligasyon ang sinabi niya.O baka dahil habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman kung gaano kalaki ang kontrol niya sa buhay ko.-Nasa villa ako ngayon. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng air conditioner. Katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nakaupo sa terrace ng kwarto ko habang nakatingin sa madilim na hardin. Minsan gusto ko na lang umuwi sa dati kong apartment.Napabuntong-hininga ako.Mula kasi nang lumipat ako rito, parang lahat ng desisyon ko ay may kinalaman na kay Justin. Kung anong kakainin ko, anong vitamins ang iinumin ko at sinong doctor ang pupuntahan ko.Kung anong sasakyan ang gagamitin ko, sino ang dapat kong kausapin. Hays! Hindi ko naman sin

  • Pregnant After One Night With Mr. CEO   Chapter 33: Rumors

    Sa mga nakalipas na linggo, naging normal na ang mga araw ko. Kumunti ang mga taong nag-uusap tungkol sa buhay ko. Nananatili akong abala sa trabaho at nagiging maayos na ang kalagayan ng nanay ko. Isa rin sa mga pinakamahalaga ay normal ang bata sa tiyan ko at maayos ang kalusugan ko.Nagiging maayos na rin naman ang pakikisalamuha ko kay Justin. We are not in a relationship, but the important thing is we can talk about little things. May mga pagkakataon pa rin na bigla akong nalulungkot o pakiramdam ko ay nag-iisa ako. Nalulunod sa sarili kong kalungkutan, pinipili ko na sarilinin na lang dahil ayaw ko naman na maging pabigat sa kanya.Akala ko magiging maayos na ang lahat at makakahinga na ako kahit papaano, pero nagkamali ako. Akala ko tapos na sila sa usapin tungkol sa akin, pero nagpahinga lang pala sila… Dahil may mga mausisa pa ring tao na gagawin ang lahat para mahalungkat ang buhay mo.Noong una, tinitingnan lang nila ako hanggang sa nagbubulungan na sila habang dumadaan ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status