登入
PUNO ng takot at pangamba ang dibdib ni Kaia, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang trabahong inialok sa kaniya ni Selena— ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.
Labag man iyon sa kaniyang kalooban, desperado na siya. Kailangan niya ng pera para sa agarang operasyon ng kaniyang ina na kasalukuyang nasa Critical Care Unit ng St. Valencia Medical Center sa Maynila. Isang malubhang tumor sa utak ang natuklasan dito at kinakailangan agad operahan bago pa lumala ang kondisyon nito. Wala na ring ibang maaasahan si Kaia. Maaga siyang naulila sa ama at nag-iisang anak lamang siya. Kaya naman hindi niya kayang isipin ang mangyayari sa kanya kung mawawala rin ang kaniyang ina. Kung mangyayari iyon, tuluyan na siyang magiging mag-isa... Mariing ipinikit ni Kaia ang kaniyang mga mata kahit nababalutan iyon ng makapal na telang nakapiring sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang mahigpit na nakakapit sa puting kumot ng kama. Tanging manipis na robe lamang ang nakatakip sa kaniyang katawan ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong klaseng lalaki ang makakasama niya ngayong gabi. Hindi niya alam kung mabuti ba ito o halimaw. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang pag-click ng doorknob, kasunod ang marahang paglangitngit ng pintong unti-unting bumukas. Kasabay niyon ay ang mabibigat ngunit kontroladong yabag na palapit sa kaniya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kaia. Dahil sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, puro dilim lamang ang nakikita niya kaya’t pinili na lang niyang hintayin kung ano ang susunod na mangyayari. “There you are, woman...” Napasinghap si Kaia nang marinig ang malalim na tinig ng lalaki mula sa kaniyang harapan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kakaiba ang epekto niyon sa kaniya. Bahagyang paos ang boses nito, mababa at tila pagod na pagod. Ngunit higit sa lahat, ramdam niya ang lungkot na nakapaloob doon. Hindi ba dapat masaya ito? Dahil narito siya ngayon—isang babaeng binayaran para samahan ito ngayong gabi. Bukod sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, wala na siyang ibang harang sa katawan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang lumubog ang kama sa kaniyang tabi. Kasunod niyon ay ang mainit at malambot na palad na marahang dumampi sa kaniyang pisngi. “What’s your name, woman?” tanong nito sa parehong mabigat na tinig. Bahagyang natigilan si Kaia bago sumagot. “A-Anna...” Hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Sinadya niyang magsinungaling. Ayaw niyang malaman ng estrangherong ito kung sino talaga siya. Mahirap na at baka isang araw ay makilala siya nito sa labas. “Anna...” marahan nitong ulit habang tila ninanamnam ang pangalan niya. Pagkatapos ay ilang segundo itong natahimik. “How would you feel if the person you loved more than your own life betrayed you?” Napatigil si Kaia. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumurot sa kaniyang puso nang marinig ang tanong nito. Iyon marahil ang pinakamalungkot na tinig na narinig niya sa buong buhay niya. Unti-unting naglaho ang takot at kaba na kanina’y bumabalot sa kaniya. Sa halip, awa at pag-aalala ang pumalit doon. Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng lalaking hindi niya nakikita. Hindi niya maintindihan kung bakit tila dama rin niya ang sakit nito. Nang hindi siya sumagot, marahan itong napabuntong-hininga. Kasunod niyon ay ang mahinang pagsinghot. At pagkatapos... ay paghikbi. Nanlaki ang mga mata ni Kaia sa ilalim ng piring. Umiiyak ba ito? Hindi maintindihan ni Kaia kung bakit, ngunit tila kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay. Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang basang pisngi nito. At doon niya napatunayan na totoo ang haka-haka niya. Umiiyak ito. At nang marahang haplusin ni Kaia ang mukha nito, bigla na lamang siyang niyakap ng lalaki nang mahigpit at parang desperado. Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat ng katawan nito habang nakasubsob ito sa kaniyang dibdib. Kasunod niyon ay ang pigil na paghagulhol nito. Parang pinipiga ang puso ni Kaia sa bawat hikbi ng estranghero. Hindi niya alam kung anong klaseng sakit ang pinagdaraanan nito para umiyak nang ganoon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto niya itong damayan. Kaya hinayaan lang niya ito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito habang tahimik na nakikinig sa bawat paghinga at hikbi ng lalaki. Hindi niya maunawaan kung bakit lubos siyang naaapektuhan dito. Pakiramdam niya, may kung anong bahagi sa kaniyang puso ang biglang nabuhay. Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para pagaanin ang sakit ng lalaking ito. “Is it possible to fall in love with someone you only met for one night?” tahimik na tanong ni Kaia sa kaniyang sarili. Posible nga kayang mahulog ang loob niya sa isang lalaking boses lamang ang alam niya? Sa isang lalaking hindi niya kailanman nakita? Posible kaya iyon? Ilang sandali pa ay unti-unting tumigil sa pag-iyak ang lalaki. Matapos niyon ay marahan nitong hinaplos ang kaniyang pisngi. “Thank you, Anna...” bulong nito sa masuyo ngunit pagod na tinig. Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. “Now... can you be mine tonight?” May pagsusumamo sa boses nito habang marahang pinipisil ang kaniyang baba. Hindi namalayan ni Kaia ang sarili na tumatango bilang tugon. At matapos niyon, marahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga bago tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal, maingat, at parang natatakot itong masaktan siya. Ngunit habang tumatagal, lalong nagiging mapusok ang bawat haplos at halik nito sa kaniyang balat. Napahigpit ang kapit ni Kaia sa balikat ng lalaki habang dinadala siya nito sa init ng gabing iyon. “Anyway... I’m Mr. C,” paos nitong bulong malapit sa kaniyang tainga. Saglit itong huminto bago marahang hinaplos ang telang nakatakip sa kaniyang mga mata. “And I’m sorry for the blindfold. It’s for your own good, woman...”LUMIPAS ang gabi na tila may bitbit na kakaibang bigat at kuryente sa paligid ng Paradise Cove. Alas-onse na ng gabi nang tuluyang matapos ang shift ni Maggie. Matapos makipag-endorse ng mga reports sa night shift supervisor at masigurong maayos ang buong reception, mabilis siyang umakyat sa staff quarters na nakalaan para sa mga management personnel ng resort.Tahimik ang maliwanag at malinis niyang silid. Matapos maglinis ng katawan at magpalit ng maluwag na white oversized t-shirt at pajama shorts, pabalagbag na nahulog si Maggie sa kanyang kama. Nagpakawala siya ng isang napakalalim na buntong-hininga habang nakatitig sa puting kisame."Grabe... panaginip ba talaga 'yun?" bulong niya sa sarili habang ipinipikit ang mga mata.Sa tuwing ipinipikit niya ang kanyang mga mata, agad na nagre-replay sa kanyang utak ang mga eksena kanina sa tabing-dagat. Ang paraan ng paglapit ni Ryx, ang amoy ng pabango nitong amoy mahal at mamahalin, at ang mababang tono ng boses nito nang sabihing "Sa
100,000 FOLLOWERS NA TAYO! 😭🎉❤️Hindi ko alam kung paano ko kayo pasasalamatan nang sapat. From the bottom of my heart, THANK YOU SO MUCH sa lahat ng patuloy na nagbabasa, nag-a-add sa library, nagko-comment, nagre-review, at sumusuporta sa mga stories ko. 🥹❤️Para i-celebrate ang 100K followers milestone natin, may maliit akong GIVEAWAY! 🎁💸✨ ₱100 GCash GIVEAWAY ✨At dahil gusto kong makapagpasalamat kahit sa maliit na paraan, magbibigay ako ng ₱100 GCash sa FIRST 10 PERSONS ONLY!PAANO SUMALI? 👇1️⃣ I-ADD SA LIBRARY ang story kong Stolen Nights With My Sister’s Husband. ❤️📖 Puwede rin kayong magbasa ng story. New story po ito na kasali sa contest. Daily update po ito ♥️2️⃣ Pagkatapos, I-MESSAGE AKO SA FACEBOOK PAGE KO: GENN WRITES para makasali sa giveaway.📌 FIRST 10 PERSONS ONLY!Uulitin ko po para malinaw: 10 tao lang ang makakatanggap ng ₱100 GCash. Kapag umabot na sa first 10 participants, CLOSED NA ANG GIVEAWAY.Kaya kung gusto ninyong makahabol, GO GO GO! 😂❤️Again
NAPANATILI ni Maggie ang pormal niyang tayo kahit na sa loob-loob niya ay tila nagkakarera sa bilis ang tibok ng kanyang puso. Ang init ng titig ni Ryx at ang lalim ng boses nito nang sabihing "Sa wakas, nakita na kita" ay halos magpabagsak sa kanyang composure.Pero bago pa man tuluyang magpadaig ang kanyang sistema sa kakaibang kuryenteng gumagapang mula sa kanyang dibdib, mabilis na pumasok ang kanyang defense mechanism.‘No. Wait a minute,' isip-isip ni Maggie. ‘Bakit ako magpapanic? Wala namang resibo!’Huminga siya nang malalim, itinaas ang kanyang baba, at ibinigay kay Ryx ang pinakanakaka-inis na pormal na ngiting kaya niyang ibigay."Excuse me, Sir Sandoval?" panimula ni Maggie, ginagamit ang pinakaswabeng tono ng kanyang pang-corporate voice. "I think you're misinterpreting the whole situation."Bahagyang natigilan si Ryx. Kumunot ang noo nito, ngunit nanatili ang patagong aliw sa kanyang mga mata habang nakatitig sa dalaga. "Misinterpreting? Really, Maggie?""Yes, Sir," mab
KABANATA 13MABILIS at malakas ang kabog ng dibdib ni Maggie habang nakatago sa likod ng bar counter. Ang lamig ng aircon sa indoor area ay hindi sapat para pawiin ang biglaang pag-init ng kanyang mga pisngi at ang panginginig ng kanyang mga kamay.Nakatitig siya sa screen ng kanyang phone. Nakabukas pa rin ang profile ni Ryxx_21."No way. Coincidence lang 'to, Maggie. Imposible," bulong niya sa sarili habang pilit na hinuhuli ang sariling hininga. "Maraming tao ang umiinom ng roasted hazelnut. Maraming mayabang sa mundo. Hindi lang si Ryx Sandoval."Pero sa kabila ng pagtanggi ng kanyang utak, may malakas na boses sa kaibuturan ng kanyang puso ang nagsasabing walang ibang tao ang magkakaroon ng ganoong klaseng tono at yabang.Gusto niyang patunayan. Kailangan niyang makasigurado bago siya tuluyang mairita o mabaliw sa pag-iisip.Sumungaw nang bahagya si Maggie mula sa gilid ng wooden pillar ng bar. Mula sa kanyang pwesto, malinaw niyang natatanaw ang VIP table nina Caelum at Ryx sa t
ALAS-SIYETE na ng gabi nang tuluyang mag-iba ang mood sa Paradise Cove. Ang dating maliwanag at abalang lobby ay napalitan ng banayad na warm lighting. Sa al fresco dining area na nakatutok sa dagat, marahang humahalik ang alon sa dalampasigan habang sumasabay sa simoy ng hangin ang acoustic guitar music mula sa live performer.Dahil sa huling minutong abiso ni Caelum Delacroix, nag-set up ang resort ng isang exclusive VIP table sa tabing-dagat para sa isang private dinner meeting nila ni Ryx.Bilang Guest Experience Manager, personally na tinitiyak ni Maggie na maayos ang lahat. Inaayos niya ang alignment ng lalagyan ng kandila at ang ayos ng mga babasaging baso sa mesa nang marinig ang pamilyar na mga hakbang mula sa wooden deck."Maggie," bati ni Caelum habang naglalakad lapit sa mesa, naka-unbutton ang itaas na dalawang pindas ng kanyang linen shirt. "Thanks for setting this up on short notice.""No problem, Sir Caelum. Naayos na rin po 'yung customized menu na hiniling n'yo," nak
LUMIPAS ang gabi na tila may bitbit na kakaibang bigat para kay Ryx. Matapos ang ilang minutong pagtitig sa screen ng kanyang phone, sa iisang salitang "Secret" na iniwan ni Maggielicious, hindi na uli ito nag-reply. Inis niyang inihagis ang cellphone sa tabi ng kanyang unan, saka nag-iwan ng isang malalim na buntong-hininga.Bakit nga ba siya affected? Chatmate lang naman iyon. Isang babaeng ni hindi man lang niya nakikita ang totoong mukha.—Pero kinabukasan, tila hindi pa rin siya pinatatahimik ng sarili niyang isip.Dahil sa may naiwan siyang folder sa VIP lounge ng Paradise Cove matapos ang meeting nila ni Caelum kahapon, walang choice si Ryx kundi ang bumalik sa resort. Imbes na ipatapon na lang sa courier, mas pinili niyang personally na lang na balikan. Sunod-sunod ang meeting niya buong linggo, at kailangan niya ring ipagpag ang mabigat na pakiramdam na dulot ng jet lag at walang katapusang puyat.Pagkapasok na pagkapasok niya sa grand lobby ng luxury resort, agad na yumakap
NANATILING nakaupo si Kaia sa sofa kahit matagal nang nagdilim ang screen ng kanyang cellphone. Tahimik ang buong apartment. Tanging mahinang ugong lamang ng electric fan at ang regular na paghinga ni Kairo mula sa kanilang silid ang maririnig.Ngunit sa loob niya, parang may bagyong muling nagisin
MAAGANG nagising si Kaia kinabukasan sa tunog ng alarm na itinakda niyang alas-singko ng umaga. Mabigat pa ang kanyang mga talukap ngunit agad din siyang bumangon. Katabi niya si Kairo na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap sa paborito nitong stuffed dinosaur. Ilang segundo niya munang pi
MAAGANG nagising si Kaia kinabukasan dahil sa sunod-sunod na tunog ng notification mula sa kanyang cellphone. Bahagya pa siyang napapikit habang inaabot ang telepono sa ibabaw ng maliit na bedside table. Alas-singko pa lamang ng umaga kaya madilim pa ang paligid. Mahimbing pa ring natutulog si Kai
SAMANTALANG sa kabilang bahagi ng siyudad, sa gitna ng nagtataasang gusali ng business district sa Makati, tahimik na nakatayo ang pinakamalaking headquarters ng C&C Group of Companies. Isang dambuhalang glass tower na tila sumasayad sa ulap.At sa pinaka-itaas na palapag ng gusaling iyon...Naroon







