LOGINLIAM DEL FIERRO’s
“Pang-ilang tagay mo na ba ‘yan?”
Hindi ko na kailangang mag-angat ng tingin para malaman kung sino ‘yon. Wala nang ibang taong magaling mambwisit sa ‘kin kundi si Blue?
Tinunga ko ang laman ng baso at sinamaan siya ng tingin.
“Why are you so mad?” Dumungaw ito sa baba. “Hindi ka ba makikipagpustahan ngayong gabi? Maraming magaganda rito oh. I bet some of them intended to follow you here.”
“Hindi na ‘yan makikipagpustahan. May secret lover na ‘yan.”
“Yung asawa ng mayor.”
Muli akong napatunga sa alak na aking hawak. “Shut the fvck up.”
I didn't know. It was my mother’s suggestion to get into her good side. Hindi ko naman alam na may asawa ‘yon. The flirting went beyond what was intended and when I found out she was married, it was already too late.
Kaya ngayon, desidido na akong umalis ng Cebu. Ayoko nang manatili rito. Bahala na si Mama sa plano niyang pagtayo ng mall sa syudad na ‘to. Kaya pala gusto niyang maging close ako kay Yvette, it was because Yvette was the mayor’s wife.
Damn it!
“Too late to back out now, bro.” Tinapik ni Kryzler ang balikat ko. “Good luck.”
“Fvck you!” inis kong sambit.
Nang makita kong ubos na ang bote, nagdesisyon akong bumaba.
“Saan ka na man pupunta?” natatawang tanong ni Blue.
Tatlo lang kaming nandito. At alam kong isa sa kanila ang nagkalat sa lokasyon ko ngayong gabi. Mga gago talaga. Hindi ako tumambay sa Devil’s Place dahil ayokong makita si Lucifer, may mas Diablo pa pala kay Lucas.
Hindi ko na sila sinagot. Agad akong lumabas ng VIP room at bumaba para magtungo sa counter. Doon na lang ako iinom. Mas nakakarindi pa ang boses nila kaysa sa ingay ng tugtog sa labas.
On my way to the counter, I unexpectedly bumped into someone. Bahagya itong napaatras. I was about to apologize when she apologized first.
“I’m sorry!” rinig kong wika niya.
Bago pa man ako makasagot, muli itong naglakad at nilampasan ako. Wala sa sarili ko siyang nilingon at nakitang papunta itong powder room.
Sa kabila ng amoy ng magkahalong usok at alak, nangingibabaw ang matamis na pabangong alam kong nanggagaling sa kanya.
O baka naman masyado lang akong lasing?
“One bottle of grenade," I told the bartender.
Agad nitong inabot sa ‘kin ang inorder ko. Hindi ko mapigilang lingunin ang daang tinahak ng babaeng ‘yon. Her scent is still lingering in my shirt. Hindi matamis, ngunit hindi masakit sa ilong.
I didn’t get to see her face. And that’s what makes me curious about her.
Matapos ng ilang sandali, muli ko siyang nakitang lumabas galing sa powder room. Pansin kong pasuray-suray na ang lakad nito. And before I knew it, I’m already on my way to her.
At hindi nga ako nagkakamali. She lost her balance and is about to fall. Kusang gumalaw ang aking kamay at agad na hinuli ang kanyang beywang. Lumapat ang kamay ko sa malamig niyang likod at agad ko siyang inalalayan.
“Careful.”
It was that moment that my eyes landed on her face.
At nang magdilat ito ng mga mata, parang mas lalo akong nahirapang umiwas ng tingin.
Ang pinakauna kong napansin ay hindi ang ganda niya, it was how confused she looked. Like she’d forgotten where she was for a second. At nang magtagpo ang aming tingin, bahagyang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.
It was then I realized why people wrote poems about women.
At sa isang saglit, pakiramdam ko ay parang kakapusin ako ng hininga.
Hindi siya ang tipo ng maganda na maingay at naghahanap ng atensyon. Taglay niya ang tahimik na kagandahan ng isang taong hindi kailanman kailangang humingi ng pansin.
“T-thank you…” Tumitig siya sa ‘kin.
“Liam,” pakilala niya at nilahad ang kanyang kamay. “My name’s Liam.”
Tumingin ito sa kanyang kamay at tinanggap. “Call me Yna.”
“Yna…” He licked his lower lips. “Are you alone?”
Kakaiba ang kislap sa mga mata nito. Magkahalong kalasingan at isang ekspresyon na kilalang-kilala ko.
Hindi sinasadyang dumapo ang tingin ko sa kanyang labi. Wala sa sarili akong napalunok. Nakainom na ako. I know if I give in to the desire burning in my throat right now, I’m going to hell.
“So what if I am?” Isang ngiti ang gumuhit sa labi nito. “Aayain mo ba ako?”
Medyo slurred na rin ang kanyang boses, na tila ba inaakit ako.
Muli akong napalunok. I hesitated. “I…”
What am I going to say?
Nanliit ang mga mata nito at nagulat ako nang bigla siyang tumingkayad. It was too late for me to even think of what was happening. Basta ko na lang natagpuan ang aking sariling hinahalikan siya ng mariin.
“Yna…” kapos hininga kong sambit. “Would you…would you like to spend the night with me?”
–
CHRISTINA CHAVEZ’s
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may mabigat na nakapatong sa ‘king tiyan at mayroong mainit na hangin pumapaypay sa ‘king batok. Kinusot ko ang aking mga mata at dahan-dahang dumilat.
Unang bumungad sa ‘kin ay ang madilim na paligid. Kinapa ko ang aking tiyan at naramdamang may nakapatong doon. Medyo nahihilo pa ako, ngunit hindi ‘yon sapat para hindi ko malaman kung ano ang nakapatong sa ‘king tiyan.
I turned my head and saw a man.
A man.
Isa-isang bumalik sa ‘king alaala ang mga nangyari kagabi.
Shit!
Wala sa sarili akong napabalikwas ng bangon at agad akong nahulog sa kama. Medyo mahina ang pagkakabagsak ko dahil nadala ko ang kumot. Inangat ko ang aking tingin, takot na baka ay nagising ko siya.
Thank, God, wala!
Sinubukan kong tumayo ngunit agad akong napangiwi at muntik pang mapasinghap sa sakit na aking naramdaman sa gitna ng aking dalawang hita. My lips parted upon the realization.
I…I think I lost it last night.
Sa isang lalaking hindi ko pa kilala!
Bumilis ang tibok ng aking dibdib na halos mahirapan akong huminga. Ngunit kung magpa-panic ako, baka mas lalong lumala ang sitwasyon. Mamaya na siguro ako nag si-self blame. Uunahin ko munang makatakas dito bago pa man niya ako makita!
Gamit ang natitira kong lakas, gumapang ako para kunin ang damit kong na sa sahig at sinuot ito. Hindi ko alam kung nasaan ang bag ko. Hindi na ako nakabalik sa table namin kagabi. At halata naman siguro kung bakit.
Matapos kong magbihis, gumapang ako papuntang p***o at humawak dito para alalayan ang aking sariling tumayo. I turned my head to look at the man one last time before stepping out of the bedroom.
I have to go home.
No matter what.
–
LIAM DEL FIERRO’s
Nagising ako nang maramdaman kong nawala ang init sa ‘king gilid. I frowned and instinctively reached toward the other side of the bed.
It was empty.
Ngunit nang mapagtanto ko ang aking ginawa, agad akong napadilat. Sumakit ang aking ulo dala ng hangover dahil sa dami ng nainom ko kagabi, at mas lalo pang sumakit nang sunod-sunod pa pumasok sa ‘kin isipan ang nangyari kagabi.
That woman…
Nilingon ko ang aking tabi ngunit wala na ito. But her scent…her scent is still lingering all over the place. Muli kong pinikit ang aking mga mata.
Dali-dali akong bumangon at hinagilap ang buong silid, hoping that she was still around. But there are no signs of her.
I remember what happened. Her smile, her kiss, I remember saying her name. But why the hell can’t I remember her face clearly?
Inabot ko ang phone sa ibabaw ng drawer at may tinawagan.
“Alas kwatro pa ng umaga, Liam. Maawa ka naman.”
“Can you find someone for me?” mahinang tanong ko.
“Name.”
Saglit akong natigilan.
Ano nga ulit ang pangalan niya?
My mind searched through last night's haze.
“Yna,” I mumbled. “Her name’s Yna.”
Napako ang aking tingin sa isang hikaw sa kama. Kinuha ko ito at tinignan. Alam kong sa kanya ‘to.
“Just Yna?”
“Just Yna.”
“Find her,” sambit ko habang nanatiling nakatingin sa hikaw sa ‘king kamay. “She owes me a proper goodbye.”
CHRISTINA CHAVEZ’sTahimik akong nakaupo sa waiting shed, naghihintay kung kailan ang labasan ng mga bata. May mga mommies din akong kasama rito, ngunit tila ayaw nila akong kausapin. Hindi rin naman ako umaasa na may kumausap sa ‘kin dito.“Hi!”Wala sa sarili akong napatingin sa babaeng biglang tumabi sa ‘kin ng upo. I pointed myself, asking kung ako ba. Nang tumango siya, hilaw akong ngumiti. “Hello!”I was actually busy reading some law book I bought online, soft copy. Ito ang ginagawa kong pamatay oras lalo na kapag bored na bored ako, katulad na lang ngayon.Pero ngayong mayroon nang lumapit sa ‘king para makipag-usap, agad ko nang ini-off ang aking hawak na gadget. It would look very disrespectful. At isa pa, I am planning to build connections here. Para kahit sungitan ng anak ko ang mga anak nila, they would still think na mabait ang ina ni Leandro.“Ngayon lang kita nakita rito. Galing ka bang abroad?”“I’m sorry?” wala sa sarili kong sambit. “Ah, yes. Galing ako sa ibang ban
CHRISTINA CHAVEZ’s“Nagkausap ba kayo?”Mahina akong umiling. “I ran away like an idiot.”Oo nga pala. Hindi alam ni Tita kung sino ang totoong ama ni Drei. Kahit sa loob ng apat na taon nitong pag-aalaga sa anak ko, hindi niya alam ang kahit ganoong klaseng impormasyon. Wala rin akong sapat na lakas ng loob para sabihin sa kanya ang totoo.I get it. She won’t judge me; that’s a given fact. Pero meron sa dibdib ko ang nagdadalawang-isip na sabihin sa kanya ang tungkol sa bagay na ‘yon. So I kept delaying it as much as I can.“You must muster up the courage to face her soon,” wika niya. “Hindi pwedeng habangbuhay mong kamuhian ang mommy mo.”“Why not?” Tila otomatikong lumabas ‘yon sa ‘king bibig. “Kahit saang anggulo ko tignan, siya ang nakikita kong rason bakit nauwi sa ganito ang lahat. Kung hindi niya iniwan si dad, hindi sana mapapabayaan ang sakit niya. Sana nalunasan pa ‘yon bago tuluyang lumala.”Nanubig ang aking mga mata habang nagsasalita. It just…it just breaks my heart of
CHRISTINA CHAVEZ’sParang nanigas ang buo kong katawan nang makita ang babae sa labas ng silid. Wala sa sarili akong napalunok at mariing kinagat ang aking ibabang labi. Bahagyang tumuwid ang aking likod habang nakatitig sa taong kaharap ko ngayon.Hindi lang ako ang nagulat. Kahit siya rin ay nagulat sa aming pagtatagpo. And then her eyes turned to my son. Kitang-kita ko ang pagkalito sa kanyang mga mata. Unlike Daddy na alam pa rin ang nangyayari sa buhay ko, si mommy ay walang kaalam-alam. Seeing me carrying a child must be the least thing she expected to see after meeting me.“What…” Kumunot ang kanyang noo. “Is that you, Yna?”Wala siyang suot na facemask, hindi tulad sa ‘min ng anak ko. Kung makilala niya man ako, then she has some good instinct. Ngunit wala ako sa mood na makipag-usap sa kanya. Not after something happened between me and her lover.“Excuse me,” mahinang sambit ko at walang lingon likod na nagtungo sa elevator.Narinig ko pa siyang tinawag ulit ang pangalan ko p
CHRISTINA CHAVEZ’s“You’re leaving?” tanong ni Daddy.“Yes,” mahina kong sagot. “But please, avoid entertaining business while you’re in this kind of condition, Dad. It’s not good for your health.”Mahina siyang natawa na para bang isang nakakatawang impormasyon ang narinig niya galing sa ‘kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ako sa anak ko na ngayon ay busy sa phone. He’s busy calling for his mommy. Siguro dahil na rin sa closeness nila ni Tita, kahit na kasama niya ako, hinahanap niya pa rin si Tita.“Kung hindi ko sila i-entertain ngayon, kailan?”Agad akong natigilan sa kanyang ibig sabihin. Hindi naman ako tanga. Sa simpleng tanong na ‘yon, agad ko nang na-gets kung ano ang nais niyang sabihin. And just like that, it felt like someone just pinched my chest.Para akong nasampal bigla ng reyalidad na pilit kong kinakalimutan.Inangat niya ang kanyang kamay. Mabilis ko itong kinuha para hawakan. He smiled and gently squeezed my hand. “Please don’t worry about me, hija. Ang alala
LIAM DEL FIERRO’s“It really does mean a lot to me,” nakangiting wika ni Mr. Flores. “I almost thought you didn’t want to continue our partnership anymore, especially with your upcoming project that gained a lot of investors.”Tipid akong ngumiti. “We’ve been partners since then. Masyado lang naging hectic ang schedule ko.”It was true na maraming investors ang nakahatak sa plano ko kahit na isang beses ko pa lang ito na-present. It was actually a good deal, ngunit pinipili ko ang lahat ng pinapapasok ko sa ‘king proyekto. Not everyone is worth making a deal with.But that this man in front of me. Siya ang pinakaunang businessman dito sa Cebu na naniwala sa kakayahan ko. Even without my family’s influence backing me, he still believed in me. Kaya guilty ako na palaging reschedule ang mga meeting namin.“I heard you will be personally attending the charity ball,” anito habang naglalakad kami ng restaurant. “It’s a news to me.”“Yeah.” Bahagya akong tumango. “My mother asked me to come.
CHRISTINA CHAVEZ’s“Dad,” I called out.Agad siyang ngumiti sa ‘min at tinuro ang pwestong inupuan ng kanyang sekretarya kanina. Wala akong naging imik at lumapit sa pwestong ‘yon. Naka-recline ang kanyang kama habang ang kanyang mukha ay mayroong malambot na ngiting pinapakita.“I’m happy to see you finally here, coming to visit me,” aniya at bahagyang umubo. Nakita ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa batang na sa aking kandungan. “Is this…him?”Nagkatinginan kami ng aking anak at mahina akong tumango. “Yes, Dad. It’s him.”Mas lalong lumambot ang ngiti sa kanyang labi. “Can I…can I touch him?”Bahagya akong tumango sa ‘king anak at nakuha naman niya ang nais kong sabihin. Maingat ko siyang nilapag sa kama at agad naman siyang humawak sa kamay ni Daddy, sa parteng walang nakaturok na karayom.Drei’s innocent hazel-green eyes stared at my father, like he was trying to memorize all the parts of my father’s face. Inangat naman ni Daddy ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng anak ko







