Masuk
“Yna, please? Just for tonight. Minsan lang naman, e!”
Gusto ko nang takpan ang aking mga tenga dahil kanina pa ako naririndi sa boses ni Nicole.
She’s been bothering me to come and join their night out tonight. At hindi ako mahilig sa ganoon. Saturday bukas at may last exam pa akong kailangang i-take. Ayokong mag-fail dahil bukod sa mahal ang tuition, ayokong mag-repeat ng classes at maging irregular.
“Anong meron dito?”
Sabay kaming napalingon sa p***o at bumungad sa ‘kin si Mommy.
There’s this gloomy look on her face that instantly vanished the moment her eyes landed on me. Matamis itong ngumiti sa ‘min at pumasok sa kwarto.
“Tita!” Agad na lumapit si Nicole at kinawit ang kanyang braso sa braso ni Mommy. “Itong anak niyo po, sobrang killjoy. Ayaw niyang sumama sa ‘kin.”
“Bakit? Saan ba kayo pupunta?” Kumunot ang noo ni mommy.
“Sa bar, Mom.” Nagkibit balikat ako. “Hindi ko bet ang mga ganoon. Masyadong maingay.”
“Oh, come on!” angal muli ni Nicole. “Ngayon lang naman, e. It’s just to celebrate we made it past our exam days! Tita, please? Ngayon lang naman. Hindi naman siguro magagalit si Tito, ‘di ba po?”
At talagang nag-puppy eyes pa ito!
Matalik kong kaibigan si Nicole, ngunit masyadong salungat ang ugali namin sa isa’t isa. Mahilig siya sa night out, habang ako naman ay mahilig mag-study. Well, pursuing political science needs focus.
I can have fun if I wanted to right after I graduate. I still have a long way to go. Besides, I’m scared. Baka kapag may makakita sa akin sa labas at makilala ako, baka masira ang image ni Daddy.
“Why not?”
Wala sa sarili akong napatingin kay mommy. “Po?”
“I mean, why not?” Ngumiti siya sa ‘kin. Lumapit siya at tiniklop ang libro na nakalatag sa ‘king desk. “Masyado ka nang babad sa pag-aaral. Give tonight a rest and go have fun with your friends.”
Umawang ang aking labi. “But, Mom, paano si Daddy? I’m sure hindi siya papayag—”
“Your father is doing well as the city mayor. Wala kang dapat ikabahala. Paniguradong gusto rin ng ama mo na makapag-relax ka.” Mas tumamis ang ngiti niya. “Go and take a shower. Ako na ang bahalang mamili ng damit mo.”
“Pero may exam ako bukas.”
“Just this once, Yna!” singit naman ni Nicole. “I promise. Kapag hindi mo na gusto ang atmosphere or na wala ka sa mood, I promise to take you home.”
Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. “Are you sure?”
Sunod-sunod siyang tumango. Bakas ang labis na kagalakan sa kanyang mga mata at bahagya pang tumatalon-talon. Ganito siya kapag excited. “Yes!”
Wala akong ibang nagawa kundi ang humugot ng malalim na hininga. “Fine! Just this once.”
“That’s great!” sambit ng kanyang mommy. “I’ll go find something that would definitely look good on you.”
“Samahan po kita, Tita!”
–
The loud music is ringing my ears, samahan pa ng usok ng sigarilyo at amoy ng alak mula sa mga taong aliw na aliw sa dancefloor. Ang nagpapatay-sinding ilaw ang siyang nagpapalala sa hilo na aking nararamdaman.
I’ve been to clubs and bars. Before, nung high school pa lang ako. Ngunit ngayong graduating na ako sa kolehiyo, halos hindi na ako nagpupunta sa mga ganitong lugar, lalo na nang ma-elect ang ama ko bilang mayor ng Cebu.
Mahina akong napailing at nagsalin ng alak sa ‘king baso.
“Bakit tayo nandito? Hindi niyo usual place ‘to, ‘di ba?” kaswal kong tanong.
Sa pagkakaalam ko kasi, Devil’s Place ang paborito nilang bar. And I was expecting na roon nila ako dadalhin. Devil’s Place is known to be a club only for elite people. Nakasuot pa naman ako ng dress na masyadong hapit at elegante para lang makibagay sa mga tao roon. Turns out, hindi pala ‘yun ang destinasyon.
“E kasi may narinig kaming chismis,” sagot ni Nicole.
“Anong chismis?”
“Nandito raw ngayong gabi si Del Fierro,” sagot naman ni Atara na ngayon ay naninigarilyo. “Kaya nandito kami.”
Kulang na lang ay magdugtong ang aking mga kilay sa narinig. “What are you talking about? Sinong Del Fierro?”
“Hindi mo kilala?” Tinignan ako ni Nicole na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo. “Yung sikat na uprising billionaire! Parte siya ng Alta Soedad, isang grupo ng mga bilyonaryo. Though It’s impossible na makasalamuha natin siya tonight, at least masilip man lang natin ang kagwapuhan niya.”
Mahina akong napailing at tinunga ang laman ng aking baso. I was about to pour myself another shot when Nicole snatched the bottle from me. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin sa kanya. “What?”
“Naubos mo na ang isang bote. Kalahati na lang ang laman nito. Akala ko ba may exam ka bukas?”
Saka ko palamang napapansin na masyado na palang naparami ang inom ko na hindi ko namamalayan. Paano ba naman kasi stressed na ako sa exams, at saka kanina pa sila nag-uusap, wala naman akong maintindihan.
They’re talking about hot men and guys they wanted to hook up. Hindi ko nga alam kung paano ako napabilang sa circle na ‘to. They've been my friends since. Or is it just that a long of things happened while I was away.
“Exam ko nga,” mahina kong usal. “Kung hindi mo na ako paiinumin, then take me home.”
“Eh? Pero hindi ko pa nakikita si Liam Del Fierro!”
“Wala akong pakialam, Nicole. Ihatid mo ako pauwi.” Tumayo ako. “Babanyo muna ako saglit. Make sure you’re ready to leave.”
Ngumiti siya sa ‘kin ngunit sinamaan ko siya ng tingin.
Ngunit bago ako tuluyang makaalis, narinig ko pa ang sinabi ni Atara.
“Look! Si Liam!”
“Grabe, Atara. Ang gwapo niya kahit sa malayo!”
Mahina na lang akong napailing. Weird girls.
Tinahak ko ang daan patungong powder room. Siguro dahil na rin sa biglaan kong pagtayo kanina, medyo nahihilo ako. O baka dahil sa dami na rin ng nainom ko kaya para akong dinuduyan ngayon habang naglalakad.
Sa kabutihang palad naman, sa kabila ng hilo, narating ko ang powder room. I immediately did my thing and washed my hands in the sink. Matapos ay nag-angat ako ng tingin sa ‘kin sarili sa salamin.
“Damn, I look like a mess,” mahinang bulong ko sa ‘king sarili.
I’m wearing a pink body-con dress na revealing ang likod. I can’t even remember I owned this kind of clothes. Kung hindi hinalungkat ni mommy ang closet ko, hindi ko malalaman.
Tinapos ko na ang paghuhugas ng aking kamay at lumabas na ng powder room. I have to go and sleep tonight. Afternoon pa naman ang exam ko kaya kahit magising ako ng alas newbe ng umaga, ayos lang.
But the dizziness I felt as soon as I stepped out of the powder room again is much stronger this time. Parang nag-three hundred sixty degree talaga ang buong paligid at hindi ko sinasadyang mawalan nang balanse.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at hinanda ang aking sarili sa pagbagsak. But before it could happen, a warm, big hand caught me.
“Careful.”
Dinilat ko ang aking mga mata at sa kabila ng umiikot kong tingin, nakita ko ang gwapo niyang mukha.
He’s too handsome to be true. I must be dreaming.
Inalalayan niya akong makatayo nang maayos, habang ang aking mga mata ay nakatuon sa kanya. Hindi naman siguro ito panaginip, ‘di ba?
I don't know what happened. The next thing I knew, I found myself kissing him. Kissing like we're hungry for each other. Na para bang malulunasan ng halik na ‘yon ang uhaw na nararamdaman naming pareho.
“Yna…” kapos hininga nitong wika. “Would you…would you like to spend the night with me?”
Nanliit ang aking mga mata. He’s handsome. Ridiculously handsome.
Kasalungat ng sagot na nasa isip ko ang lumabas sa bibig ko.
“Sure.”
CHRISTINA CHAVEZ’s“You’re leaving?” tanong ni Daddy.“Yes,” mahina kong sagot. “But please, avoid entertaining business while you’re in this kind of condition, Dad. It’s not good for your health.”Mahina siyang natawa na para bang isang nakakatawang impormasyon ang narinig niya galing sa ‘kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ako sa anak ko na ngayon ay busy sa phone. He’s busy calling for his mommy. Siguro dahil na rin sa closeness nila ni Tita, kahit na kasama niya ako, hinahanap niya pa rin si Tita.“Kung hindi ko sila i-entertain ngayon, kailan?”Agad akong natigilan sa kanyang ibig sabihin. Hindi naman ako tanga. Sa simpleng tanong na ‘yon, agad ko nang na-gets kung ano ang nais niyang sabihin. And just like that, it felt like someone just pinched my chest.Para akong nasampal bigla ng reyalidad na pilit kong kinakalimutan.Inangat niya ang kanyang kamay. Mabilis ko itong kinuha para hawakan. He smiled and gently squeezed my hand. “Please don’t worry about me, hija. Ang alala
LIAM DEL FIERRO’s“It really does mean a lot to me,” nakangiting wika ni Mr. Flores. “I almost thought you didn’t want to continue our partnership anymore, especially with your upcoming project that gained a lot of investors.”Tipid akong ngumiti. “We’ve been partners since then. Masyado lang naging hectic ang schedule ko.”It was true na maraming investors ang nakahatak sa plano ko kahit na isang beses ko pa lang ito na-present. It was actually a good deal, ngunit pinipili ko ang lahat ng pinapapasok ko sa ‘king proyekto. Not everyone is worth making a deal with.But that this man in front of me. Siya ang pinakaunang businessman dito sa Cebu na naniwala sa kakayahan ko. Even without my family’s influence backing me, he still believed in me. Kaya guilty ako na palaging reschedule ang mga meeting namin.“I heard you will be personally attending the charity ball,” anito habang naglalakad kami ng restaurant. “It’s a news to me.”“Yeah.” Bahagya akong tumango. “My mother asked me to come.
CHRISTINA CHAVEZ’s“Dad,” I called out.Agad siyang ngumiti sa ‘min at tinuro ang pwestong inupuan ng kanyang sekretarya kanina. Wala akong naging imik at lumapit sa pwestong ‘yon. Naka-recline ang kanyang kama habang ang kanyang mukha ay mayroong malambot na ngiting pinapakita.“I’m happy to see you finally here, coming to visit me,” aniya at bahagyang umubo. Nakita ko ang pagdapo ng kanyang tingin sa batang na sa aking kandungan. “Is this…him?”Nagkatinginan kami ng aking anak at mahina akong tumango. “Yes, Dad. It’s him.”Mas lalong lumambot ang ngiti sa kanyang labi. “Can I…can I touch him?”Bahagya akong tumango sa ‘king anak at nakuha naman niya ang nais kong sabihin. Maingat ko siyang nilapag sa kama at agad naman siyang humawak sa kamay ni Daddy, sa parteng walang nakaturok na karayom.Drei’s innocent hazel-green eyes stared at my father, like he was trying to memorize all the parts of my father’s face. Inangat naman ni Daddy ang kanyang kamay at hinaplos ang mukha ng anak ko
CHRISTINA CHAVEZ’s“Mama….”Agad na nabaling ang atensyon ko sa kanya na ngayon ay nakatingala sa ‘kin. “Hmm?”Bahagya siyang lumabi. “Do you think Lolo will like me like you do?”Tumigil ako sa paglalakad. Yumukod ako at agad siyang binuhat. Mabilis naman siyang yumakap sa ‘king balikat. “What makes you think that Lolo wouldn’t like you?”“I don’t know,” mahinang sagot niya. “Baka lang naman po.”Mahina akong natawa. Ewan ko ba. Kahit bata pa lang siya, mahilig nang mag-overthink. Paano na lang kaya kapag lumaki ang batang ‘to? E ‘di paldo ito sa overthinking at prone sa overstimulation.“Stop thinking about negative things, anak.” Bahagya kong hinalikan ang gilid ng kanyang ulo. “Your grandpa is a good man.”Hindi na siya umimik. Yumakap na lang ito sa ‘king leeg at siniksik ang ulo sa ‘king leeg. Hindi ko maiwasang mapangiti at humugot ng malalim na hininga. Pareho kaming nakasuot ng facemask. Marami ang napapatingin sa aming pwesto.Some of them are looking at us as if it was thei
CHRISTINA CHAVEZ’sAng plano kong isang oras na pakikipaglaro sa kanya ay nauwi sa kalahating araw. My son, Leandro, was very focused as he told me everything about his hobby. At sa unang araw naming bonding, nalaman ko na mahilig pala sya sa mga baril, bomba, at pati na rin sa iba’t ibang klase ng kutsilyo.“What’s the difference between this and our kitchen knife?” mahinang tanong ko habang turo ang mga kutsilyo.“Their appearance, mama. And then their uses.”Parang sumakit yata ang ulo ko, lalo na nang magsimula na naman siyang magpaliwanag sa ‘kin tungkol sa mga bagay-bagay. Kitang-kita ko ang pure interest sa kanyang mga mata habang nagsasalita, kaya kahit medyo masakit sa ulo ay nakikinig pa rin ako.This must be me…when I used to tell mom about the laws I understand each time I study way back in high school. Kahit na mukhang hindi interesado si mommy, nakikinig pa rin siya sa ‘kin. It’s like seeing a little ‘me’ in him.Naputol lamang ang discussions namin nang biglang mag-ring
CHRISTINA CHAVEZ’sSunod-sunod akong napalunok habang nakatitig sa anak ko. Nakatingin din siya sa ‘kin na parang hindi makapaniwala. Mahigpit ang hawak niya sa ‘king kamay na para bang sa oras na bitiwan niya ako ay mawawala na ako.At mas lalong ikinadurog ‘yon ng puso ko.Kaya naman hinawakan ko ang kamay niyang hawak ang aking kamay at dinala ito sa ‘king pisngi. My hands are trembling as I gripped his hand against my cheek. Nanubig ang aking mga mata.“Yes, baby. I’m real.” Pumiyok na ang aking boses. “It’s me. Nandito na ako.”Ang blanko niyang ekspresyon kanina ay unti-unting napalitan. His lips pouted and before we knew it, he started sobbing. “Mama…”Umiyak ito na para bang isang batang inagawan ng laruan. Kumirot naman ang aking dibdib at agad siyang hinila para sa isang mahigpit na yakap. Mabilis namang bumalot sa ‘king leeg ang maliit niyang mga braso para sagutin ang aking yakap.“Mama…” muling pag-iyak nito.“Shh…” Hinaplos ko ang kanyang likod para patahanin. “Mama is h







