Compartir

Chapter 5

Autor: Sienna Fox
last update Fecha de publicación: 2026-07-14 20:38:42

Napatakip ng bibig si Althea, hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Sa isang iglap, parang naubos ang dugo sa buong katawan niya. Dating kabilang ang pamilya ng kanyang lolo sa apat na pinakamakapangyarihang pamilya sa lungsod.

Ngunit matapos mamatay sa aksidente ang kanyang tiyuhin at pumanaw ang kanyang lolo dahil sa altapresyon, unti-unting bumagsak ang kanilang pamilya.

Ang natitirang mga ari-arian ay minana ng kanyang ina.Pero dahil hindi ito marunong mamahala ng negosyo at dumaranas pa ng problema sa pag-iisip, ipinagkatiwala nito ang lahat ng pamamahala sa asawa nitong si Leonardo.

Hindi nagtagal ay naghiwalay din ang kanyang mga magulang. Nagpunta sa ibang bansa ang kanyang ina upang magpagaling at magpagamot. 

Samantala, nanatili sa kanyang ama ang pamamahala sa kumpanya. Hindi niya inakalang habang lumilipas ang ang mga taon, palihim na inilipat ng ama sa sarili nitong pangalan ang lahat ng ari-arian ng kanyang ina.

Sa nakalipas na mga taon, lumaki si Althea sa piling ng kanyang ama.Palagi siyang pinapaboran nito,Hinahayaan siyang maging spoiled at matigas ang ulo.

Kahit madalas siyang sumagot sa kanyang madrastang si Elizabeth at sa anak nitong si Celina, hindi siya kailanman pinagalitan ng kanyang ama.

Akala niya...

Isa siyang prinsesang mahal na mahal ng kanyang ama.Pero ngayon, saka lamang niya nalaman ang buong katotohanan.Pinakasalan pala ng ama ang kanyang ina para lamang makuha ang kayamanan ng kanyang lolo.

At higit pa roon…

Si Celina pala ay tunay nitong anak.

Ang amang matagal niyang iginalang at minahal...

Isa pala itong mabangis na lobo na nagkunwaring mabuting tao.Para maihanda ang magandang kinabukasan ni Celina.Hindi ito nagdalawang-isip na sirain ang kanyang dangal.Hindi ba siya anak nito?

Bakit nagawa siyang isakripisyo nang ganoon kadali?Parang pinipiga ang puso ng babae sa sobrang sakit.Tahimik siyang bumalik sa kanyang silid.

Pagkahiga sa kama, ibinaon niya ang mukha sa unan at saka isinigaw ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi natagal ay napuno na ng luha ang kanyang unan.

...

Lumipas ang dalawang buwan.

Ginawa na ang engrandeng engagement party nina Celina at Sebastian.Tahimik na pinanood ni Althea ang pagpapalitan nila ng singsing.Napangiti siya,ngunit puno iyon ng pangungutya at pait.

Pagkatapos ng seremonya, tahimik siyang lumabas ng hotel kung saan ginanap ang kasal.Maya-maya lang ay mabilis na sumunod sa kanya si Celina, suot ang mataas nitong stilettos.

Huminto ito sa harap niya at pinagmasdan ang napakagandang mukha ni Althea.Nawala ang maamo nitong anyo.Napalitan iyon ng mapanghamon na ngiti.

“Althea,” mapanuyang sabi nito, “alam mo bang matagal ko nang hinihintay ang araw na ito?”

Ngumisi ang babae.

“Pinagtiisan ko ang masama mong ugali sa loob ng maraming taon para makita kang bumagsak nang ganito. Yung tipong wala ng matitira sayo at ang sarap pala sa pakiramdam na makita kang nasa pinakailalim.”

Ngumiti si Celina.

“Sabihin ko na rin sa'yo ang totoo, matagal na kitang kinaiinisan. Pinangako ko sa sarili ko na lahat ng mayroon ka, ay magiging akin. ”

Saglit itong huminto. 

“Kahit ang lalaking dapat mapapangasawa mo ay akin na, ako na ang magiging Mrs. Dela Cruz. Ang tingin mo sakin dati ay isa akong pabigat sa pamilya, pero tingnan mo ngayon. Mas magiging maganda na ang buhay ko kaysa sayo.”

Humakbang pa ito palapit.

“Hindi ba matagal mo na akong minamalit pati ang nanay ko? Ngayon, ang tatay mo na ang namamahala sa kumpanyang iniwan ng lolo mo. kami na rin ang magiging bahagi ng mataas na lipunan. Kung hindi mo kami matanggap, sorry na lang dahil wala ka ng magagawa. ”

Lalo itong lumapit kay Althea, sabay biglang ngumiti ng nakakaloko.

“Kung hindi lang gusto ni Papa na mapangasawa ko si Sebastian, matagal ka na sana niyang ipinadala sa ibang bansa.”

Ngumiti ito nang may pangungutya.

“Ngayong engaged na kami, oras na para umalis ka dahil hindi ka na namin kailangan dito. Sumunod ka na lang sa baliw mong nanay sa ibang bansa.”

Mabilis na nanlisik ang mga mata ni Althea, hindi na niya napigilang itaas ang kanyang kamay. 

Akmang sasampalin niya si Celina ngunit bago niya pa ito magawa ay malakas siyang itinulak ni Sebastian.

“Hindi ka ba talaga titigil? Si Celina na ang fiancée ko ngayon, kung hindi mo ito matanggap problema mo na iyon. Pero wag mong tatangkain ulit na saktan siya dahil hindi kita palalampasin!”

Pagkasabi niyon, niyakap nito si Celina at magkasama silang bumalik sa loob ng hotel.

Naiwang mag-isa si Althea nang bigla siyang nakaramdam ng matinding hilo, parang umiikot ang kanyang sikmura at bigla siyang nagsuka.

Agad siyang nagtungo sa ospital para mag pa-check up dahil ramdam niya na hindi maganda ang kanyang pakiramdam.

...

Sa ospital, agad siyang sinuri ng doctor sumailalim siya sa iba’t ibang uri ng test para malaman ang naging sanhi ng kanyang pagsusuka at pagkahilo. Umabot ng isang oras ang kanyang paghihintay sa resulta ng mga isinagawang test sa kanya.

Nang makabalik ang doctor ay labis na kaba ang kanyang nararamdaman. Seryosong binabasa ng doctor ang naging resulta ng kanyang mga laboratories. 

“Doc ano pong balita? May sakit po ba ako?” nag aalalang tanong niya.

“Wala kang sakit iha kaya wag ka na mag alala.” naka ngiting sagot ng doctor. 

“Eh kung wala naman po pala akong sakit, bakit po ako nag susuka at nahihilo. Pang ilang linggo na po kasi nang maramdaman ko ito.” 

“Natural lang na sintomas yan ng pagbubuntis.” parang biglang nabingi ang dalaga sa kanyang narinig.

“A-ano pong sabi niyo? Pakiulit nga po kasi medyo hindi malinaw eh.”

“Ang sabi ko, congratulations po dahil buntis ka.”

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata, parang sirang plaka ang boses ng doctor sa utak niya dahil paulit-ulit niyang naririnig ang huling binanggit nito.Paulit-ulit siyang umiling.

“Hindi... Hindi maaari...paano nangyari iyon?”

Umiling din ang doktor.

“Hindi nagkakamali ang resulta ng laboratories mo, pero kung gusto mo makasiguro pwede naman natin ulitin ang lahat ng test. Kung iyon ang ikakapanatag ng loob mo.”

Mariing kinagat ni Althea ang kanyang labi, matagal siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman, isang beses lang nangyari iyon kaya nagtataka siya kung bakit nabuntis siya agad. 

Ang masaklap pa ay hindi niya man lang kilala ang ama ng dinadala niya. Maya-maya ay huminga siya ng malalim bago nagsalitang muli.

“Doc...hindi ko po maaaring ituloy ang pagbubuntis na ito.”

Kakaabot pa lamang niya sa wastong edad.

Paano niya haharapin ang isang pagbubuntis sa ganitong sitwasyon?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 163

    Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 162

    Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 161

    Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 160

    Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 159

    Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 158

    Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status