LOGINTristan Simula noong makilala ko siya, natutunan ko na minsan ang pag-ibig ay may maraming kaganapan sa buhay. Hindi mo alam kung bakit bigla ka na lang napunta sa ganyang sitwasyon. Hindi mo rin alam kung paano mo natutunan mahalin ang isang tao na alam mong imposible mo naman sanang mahalin. It was never what you expected. Kasi hindi ko akalain na aabot ako sa puntong ito sa buhay ko na… mamahalin ko na ang babae nang buong-buo. I always thought that she was below me, so she must stay there. But looking at how badly I want to be with her… doon ko lang napatunayan na mapagbiro nga talaga ang tadhana. Dahil kung sino pa ang hindi mo inaasahang makakasama mo sa buhay, iyon pa ang makakasama mo. Napakagat na lamang ako sa aking labi. Hindi ko kailanman naisip noon na ang babaeng nasa harap ko ngayon ang gusto kong makasama habambuhay. She was just a mere maid. I was her boss. I don't like her... yet here I am now; I couldn't live when she was far from me. Ganito pala talaga
Tristan"Papa," tawag sa akin ni Ethan. Nilingon ko ang aking anak na ngayon ay tapos na sa kanyang ginagawang disenyo para sa kanyang Mama. Kasama namin ang staff ng restaurant na pina-reserve ko para sa ngayon at bukas. Alam kong pagagalitan ako ni Cara dahil nagsasayang ako ng pera, pero para naman sa kanya, ayos lang na mapagalitan niya ako. Sigurado akong matutuwa siya. Can't wait to see her reaction. Kaarawan ni Cara bukas at balak ko na rin na mag-propose. I know she told me to take everything slow, but damn...I wanna marry her right now. Kung alam lang niya kung gaano na ako kasabik na makasama siya. Hindi ko alam kung anong plano niya. But as a good husband, I will definitely support her in whatever she does in her life. Nandito lang kami ni Ethan... Lumapit ako sa anak ko, ginulo ko ang kanyang buhok at ngumisi. Ngumuso siya. "Are you sure Mama won't be mad at us?""Why?" "Ayaw no'n ng bonggang birthday surprise." I smirked, looking at the designs. "Well, it's
CaraI stared at him for so long that he stared back at me like I was the only person he could ever see. Na kahit may mga magagandang tanawin naman siyang nakikita, parang wala lang iyon sa kanya. Dahil nandito ako. And all he needs is me. Tanginang tingin 'yan. Nanghihina ako sa mga ganyan eh. Kuhang-kuha ako.
CaraSa buhay, marami akong natutunan. Huwag magmataas. Huwag magpakumbaba. Dapat ay nasa gitna ka lang. Alam mo kung ano ang gagawin at kung ano ang hindi gagawin dahil iyon ang palaging tinuturo sa akin ni Tatay noon pa man. Kapag wala kang laban, umatras ka. Kapag alam mong nasa tama ka, ipaglaban mo. Pero kung alam mong dehado ka kahit tama ka naman...iligtas mo ang sarili mo. Siguro nga sa dami nang nangyari sa buhay ko. Ni minsan hindi ko inisip ang sarili ko. Simula noong nagkaroon ako ng anak, simula nang dumating si Ethan sa buhay ko… hindi ko na inisip ang sarili ko. Kaya kahit nasa mataas at mababa pa ako. Wala na akong pakialam. It's just that...I need to be alive so my son can live the life I always dreamt of. Doing something like that is basic, though.Hindi naman mahirap gawin iyon, kaya nandito ako ngayon kung nasaan ako. A successful woman who owns a beauty soap. A woman with a generous, genius, and lovable son. Everything was perfect for me. Wala na ako
CaraNakalabas na rin si Tristan sa ospital, kaya kaming tatlo na naman ang nasa bahay ko. Ayaw na naman kasi ni Ethan na mahiwalay sa kanyang ama. Hindi ko nga siya maintindihan kung talagang ang ama niya ang gusto niya o gusto niya lang na magbalikan kami ng ama niya. I don't know about that son of mine. Minsan maayos ang utak. Madalas sira. Payapa naman ang naging pamumuhay namin sa bahay. Pero hindi namin napag-usapan ang tungkol sa amin, kaya medyo… minsan, awkward. Hindi ko alam. Baka ako lang ang ganoon kasi pormal lang naman akong pakitunguhan ni Tristan. So, I'm not really sure what he truly feels. I don't assume anything, though. And I'm pretty fine with whatever we have right now. Kontento na ako na kasama namin ang anak namin, kahit walang anuman ang namamagitan sa amin at sa kanyang ama, kasi hindi naman iyon ang importante para sa akin. Di ba? But why does my stomach twist when I ask those questions? Para bang sinasabi niya na mali ako. Huminga ako nang mal
TristanUna pa lang, ayoko nang mawala sa akin si Cara, kaya kahit gusto niyang iwan ako, wala na akong pakialam dahil akin na siya. Wala na siyang kawala. Mananatili siya sa tabi ko habambuhay. Iyon na ang nakatatak sa utak ko mula noong naramdaman kong may iba na akong nararamdaman para sa kanya. Like my feelings were vague.Pero sa katagalan, habang nakakasama ko siya. Naisip ko na hindi naman ganoon ang pagmamahal. Hindi ko dapat siya pinipilit sa sarili ko. Dapat ay bigyan ko siya ng kalayaan dahil karapatan naman niya iyon. Ang lumipad nang malaya at tuparin ang kanyang pangarap. Kahit ayoko… kahit gusto kong sa akin lang ang lahat ng atensyon niya. It wouldn't be the same. I caught myself in my own thoughts. Dapat ay palayain ko siya kung iyon ang gusto niya kahit masakit man iyon sa akin. Kahit halos ikamatay ko pa basta ba... sa akin pa rin siya uuwi.I wouldn't mind. Kahit gaano pa katagal ang panahon na hindi kami magkikita o makakasama.Kahit ilang daang kilome







