MasukGiselle Saavedra
“Mga taksil!” malakas kong sigaw. Agad naman tumayo si Bernard. Pero imbes humingi ng tawad ay mas galit pa ito.
“Kasalanan mo rin naman ito, kung hindi ka lang lagi nag-iinarte, eh di sana hindi ako maghahanap ng iba,” ani Bernard.
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Bernard, “Napakawalang hiya mo! Ako pa talaga ang sinisi mo sa panloloko ninyo! At ikaw Annie napaka kati mong hitad ka! Sarili mong pinsan ang kinatalo mo!” Naiiyak naman si Annie at hindi makasagot.
“Tapos na tayo Bernard, magsama kayong dalawa!” sabay dura ko sa sahig at mabilis na umalis.
Umiiyak na mabilis akong nagmaneho, hindi alam kung saan patungo, basta may kalsada ay diretso lang ako. Ulila na akong lubos kaya walang magulang o kapatid na pwedeng maging karamay.
Si Bea na isa sa mga malalapit na taong kilala ko ay trinaydor ako, pati ba naman ang lalakeng minahal ko ng labis sa loob ng limang taon ay lolokohin ako? At ang mas masakit pa sarili ko pang kadugo ang ipinalit sa akin.
Kasalanan ba na hindi pa niya ibinibigay ang sarili dito? Para sa akin ay sagrado ang aking virginity. Gusto ko na ibigay ang sarili sa magiging asawa. Si Bernard naman sana ang gusto kong pagbigay pero hindi ito nakatiis.
Nang gabi na iyon sa sobrang sama ng loob ko kaya kahit hindi umiinom ay nagpunta ako sa isang bar.
Maingay at puno ang bar, maraming sumasayaw na lasing, may malakas ang tugtog pero ang lahat ang iyon ay balewala sa akin dahil patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.
“Bigyan mo ako ng hard drinks,” saad ko sa bar tender. Tumango naman ito at isang shot ng whiskey ang binigay.
Agad ko itong tinungga at humingi pa ng isa. At isa pa… hanggang sa hindi ko na alam kung ilan na ang nainom ko. Pero gusto ko pa.
“Isa pa!” sabay hampas ko sa lamesa.
“Miss, naka kinseng shot ka na, lasing na po kayo.” Saad ng bar tender.
“Eh anong pakielam mo!” sigaw ko.
Binigyan ako ng kape ng bar tender, “Baka po hindi na kayo makauwi sa kalasingan.”
Inis na tumayo ako ay dumukot ng pera sa bag sabay lapag sa lamesa, ayoko pang umuwi dahil hindi ko kayang magdrive, isa pa ay maaalala ko lang ng mga nangyari.
Napatingin ako sa labas at nakita ko sa nanglalabo ko ng mata ang isang hotel. Grand Hyatt Hotel. Alam kong mahal doon pero isang gabi lang naman. Kesa naman sa isang cheap na motel ako mag-stay o sa loob ng aking sasakyan.
Pasuray suray akong naglakad at nagbook ng kwarto. Sabay kuha ng car key. Room 308. Nakapikit na ko sa loob ng elevator at halos maupo na. Nang bumukas ang pinto ay pinilit kong imulat ang mga mata.
Room 309? Tinignan ko ang card, ito na yata.
Pero bago ko pa I tap ang card ay bukas na ito kaya agad akong pumasok. Madilim sa loob pero bago ko pa buksan ang ikaw ay may mga braso na agad humila sa akin at siniil ako ng halik.
Gustong tumutol ng aking isip pero nadala ako sa galing na humalik ng lalake. Mabango ang hininga niya kaya kahit ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig ay hindi pa rin ako tumanggi at nakipag laban ng espadahan ng dila.
Agad niya akong binuhat at ihiniga sa kama, ramdam ko na parang sabik o libog na libog na siya sa paraan ng paghimas niya sa aking katawan at mabilis na pag alis ng aking mga saplot.
Pinagapang niya ang kanyang labi sa aking leeg, pababa sa aking mga suso at sinupsop ang magkabila kong mga u***g.
“Ohhhh…” hindi ko mapigilan na mapaungol habang hawak ang kanyang ulo.
Muling bumaba ang kanyang labi sa aking tiyan… puson hanggang makarating sa aking pagkababae.
Napapikit ako ng sinubsob ng lalake ang kanyang mukha sa basa ko ng puke. Sinipsip niya ang aking tinggil at ipinasok ang kanyang dila sa loob ng aking lagusan na para bang k********t hangang sa hindi ko na mapigilan na labasan.
Saka niya akong itinuwad at ikiniskis ang matigas na alaga.
*****
Agad akong bumalik sa pag-iisip ng bumukas ang pinto ng banyo sa hotel at pumasok ang ilan pang mga guest kaya umalis na ako. Nang makauwi sa apartment ay nakita ko ang aking masungit na land lady na si Mrs. Ruiz at galit na sumalubong.
“Hoy, Giselle! Kelan mo balak na magbayad ng upa? Nagamit mo na ang isang buwan mo at umaandar na ang huli. Kapag hindi ka pa nakabayad sa katapusan ay maghanap ka na ng lilipatan, kung hindi itatapon ko sa kalsada ang mga gamit mo!”
“Pasensya na ho, Mrs. Ruiz, tatapusin ko nalang ang buwan na ito at aalis na rin,” sagot ko.
Galit na naglakad paalis ang matanda. Napahinga ako ng malalim at sususian na sana ang kandado ng makita si Bernad na parating.
“Saan ka nang galing? Bakit hindi umuwi ng magdamag? Paulit ulit na akong pumunta rito mula kahapon.” galit na saad nito.
Nagpanting naman ang mga tainga ko at galit rin na sumigaw, “So? Wala kang pakielam dahil tapos na ang relasyon natin! Sumama ka na kay Annie at huwag ka na magpapakita pa sakin!”
Pilit naman humihingi ng tawad si Bernard at nangakong hindi na maulit at hihiwalayanan si Annie ngunit hindi ko tanga. Para sa akin, once a cheater, will always be a cheater.
“Parang awa mo na Giselle, huwag mo akong iwan hindi ko kayang mawala ka.” Naiiyak nitong saad.
“Hindi mo kayang mawala ako pero kaya mo akong saktan? Sinabi mo pang wala ako kwenta! Ayoko na, hindi na ako magpapauto sa iyo!” inis kong sabi.
“Please, give me a chance, gagawin ko ang lahat – teka, ano yang nasa leeg mo? Kiss mark ba ‘yan?” natataka nitong tanong.
“Anong pinagsasabi mo!” galit kong sabi pero deep inside ay kinakabahan na ako.
“Saan ka ba pumunta kagabi talaga? May kasama ka bang lalake? An? Nagpagalaw ka kung kani-kanino?” galit na sigaw ni Bernard.
Mag-asawang sampal at suntok sa dibdib ang pinadapo ko sa kanya.
“Huwag mo akong itulad sa’yo na hayok sa laman! Umalis ka na dito kung hindi ay tatawag ako ng pulis!” naiiyak kong sabi.
Walang nagawa si Bernard kung hindi umalis. Agad ko naman isinara ang pinto at sa loob umiyak ng umiyak.
Nagsisisi ako kung bakit uminom at nakipag one night stand sa isang lalake na hindi ko kilala, hindi ko akalain na sa ganoon lang mawawala ang iniingatan ko na pagkababae.
Kinabukasan ay madaling araw pa lamang ay umalis na ako ng apartment, gusto kong makalimot kaya kailangan kong umalis sa tinutuluyan at lumipat ng ibang siyudad. Para na rin makamove ako sa lahat.
Kung saan ako pupunta ay hindi ko alam.
One month later…
Masama ang pakiramdam ko ng gumising at agad tumakbo sa banyo at sumuka. Hindi ko alam kung bakit pero parang babaliktad ang sikmura ko. Sa mga nakalipas na araw ay halos wala akong ganang kumain.
Madalas ay nalilipasan ako ng gutom dahil ginagabi ako ng uwi mula sa pag-aaply ng trabaho. Napatingin ako sa stock ko ng sanitary napkin. Wala pa iyon bawas ni isa. Kaya agad akong napalunok.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Agad akong kumuha ng pera at pumunta sa pinakamalapit na botika upang bumili ng pregnancy test.
Palakad lakad ako sa sala habang inaantay ang resulta ng bigla ako matigilan. Dalawang linya.
Buntis ako!
Hindi maaari ito!
Napaupo ako sa sahig at halos matulala.
Ano na ang gagawin ko ngayon? Ubos na ang ipon ko at wala pang bagong trabaho.
Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Pinunasan ko ang mga luha gamit ang aking damit at pilit pinakalma ang boses.
“Hello?”
“Is this Miss Giselle Saavedra?” tanong ng nasakabilang linya.
“Ako nga po, sino po sila?” saad ko.
“I am Lorie from Johnson Group of Companies, Human Resource department. Congratulation Miss Saavedra, you are hired as Executive Assistant. Can you go at here tomorrow to report?”
Natulala ako. Hired? May trabaho na ako.
“O-Opo! Yes, Sure!” natataranta kong sabi.
“Alright, we will expect you here at eight in the morning. Please be on time.” Wika nito sabay off ng line.
Napatingin ako sa pregnancy kit. Hind ko alam kung blessing na ito o problema. Matatanggap ba ng kompanya na buntis ako? Mukhang dapat ko muna itong itago kung hindi ay baka bawiin ang job offer.
Bigla kong naisip ang lalake ng gabing iyon…
Nagbunga ang ang one night stand namin.
LINANapabangon ako bigla ng marinig ang ring ng cellphone ko kaya inis kong tinignan kung sino ang hudas na tumatawag gayung madaling araw palang naman.Nakita ko sa LCD na si Xerex lang pala iyon kaya napasimangot ako lalo. Bakit kaya ito tumatawag? Huwag niyang sabihin na ubos na agad ang perang parte niya sa nakuhang bayad mula kay Belle.Kilala ko iyon na hindi lang mahilig sa mga pokpok sa club, adik pa at sugarol. Kung inaakala niya na may kasunod pa ang pera na nakuha niya ay manigas siya.“Bakit? Gago ka sinabi ng magtago kayo ni Gardo diba? Anong tinatawag mo diyan?” inis kong sigaw.“H-Hello? Lina? Nasaan ka?” parang natatakot na sabi ni Xerex.“Ano naman pakielam mo?” galit ko pa rin na sabi. Kung may ginawa man itong kagaguhan ay huwag niya akong idamay.Parang may umagaw naman ng cellphone ni Xerex kaya ibang boses ang narinig ko. Si Gardo naman. Magkasama pa rin pala silang dalawa.“Lina, may nangyari! Pasakay na sana kami ng barko ni Xerex. May nakita kaming nagkakagul
LINASobrang kaba ako ng hanapin ni Vic motor ko. Mabuti nalang ay napaniwala ko ito na baka kinuka ni Giselle. Habang ginagalugad namin ang buong gubat ay galit na galit ang asawa ko.Hindi namin kasi nakita si Giselle kaya huminto muna kami. Ako naman ay lihim na natutuwa dahil nakatakas na ito. Napakamot sa ulo sina Xerex at Gardo habang si Bernard naman ay sobrang nag-aalala.“Putang ina talaga! Nasaan na ba ang babaeng ‘yun?! Paano siya nakatakas? Kapag nalaman nila Sir Kevin na nakatas si Giselle ay hindi nila tayo babayaran!” sigaw ni Vic.Bago kami makasagot sa kanya ay biglang tumunog ang cellphone ni Vic at kita namin na namutla siya talaga.“P-Patay na… S-Si M-Ma’am Belle tumatawag!” sabi niya na halos nauutal.Ako na ang sumagot dahil nanginginig ang asawa ko. Pinindot ang answer button pati na ang loud speaker.“Vic? Makinig ka, huwag mong ipaparinig kay Bernard ang sasabihin ko, patayin mo na si Giselle pati ‘yang si Bernard. Ibaon ninyo sila diyan para walang makaalam t
BernardHindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pagmulat ng mata ko ay sobrang dilim ng paligid. Parang binibiyak rin ang ulo ko sa sobrang sakit. Kumurap-kurap ako at nagtataka kung bakit walang ilaw man lang na nakabukas.Ang huli ko lang naaalala ay nag-iinuman kami tapos nalasing ako o ewan para akong nawalan ng malay. Wala na akong naalala sa mga nangyari pagkatapos.Basang-basa rin ako ng pawis dahil sa sobrang init. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at inilawan ang paligid. Nasa sala pa rin naman kami. Sila Lina, Vic, Xerex at Gardo ay mga tulog rin at naghihilik.Naisip ko si Giselle, kung dito sa sala ay mainit na, ano pa kaya sa kwarto niya na kulong at walang binata na papasukan ng hangin.Kaya tumayo ako para silipin siya. Medyo hilo pa ako pero pinilit kong bumaba sa secret room ngunit nagtaka ako dahil bukas ang pinto. Nang ilawan ko ang kama ay nagulat ako sa nakita. Walang nakahiga roon!Nasaan si Giselle?Parang nawala ang kalasingan ko at agad siyang h
GiselleNang biglang mamatay ang ilaw sa kwarto ay alam kong iyon na ang hudyat para tumakas. Sobrang dilim ng paligid kaya pagkapa lang ang nagawa ko. Kinuha ko ang mga injection sa side table saka dahan dahan naglakad sa pinto.Bumilang muna ako ng tatlo bago iyon binuksan saka umakyat sa hagdanan. Hindi ko alam kung ano ang aabutan sa itaas pero umaasa ako kay Lina.Pagdating ko sa isa pang pinto ay may naapakan akong matigas na bagay kaya dinapot ko iyon at kinapa kung para saan ng bigla iyon umilaw ay nalaman ko na isa palang maliit na flight light.Mistula lang iyon keychain at hindi rin kalakasan ang nabibigay na liwanag pero sapat na para makita ko ang dadaanan.Sobrang kaba ko ng makita na may nakahiga sa sala. Sila Bernard! Pero hindi naman gumagalaw ang mga ito ngunit ayokong magsiguro kaya kumaripas na ako ng takbo.Instinct lang ang pinapagana ko para hulaan kung saan ang mga daaan. Nang makarating ako sa likod ay nailawan ko ang scooter na motor. Ito na siguro iyon!Agad
LINAHindi ko alam kung tama ba ang gagawin kong pagtulong kay Giselle pero alam ko naman na kaya talaga akong bayaran ng malaki ni Jake Johnson dahil sa yaman nito. Mas doble sa anumang pwedeng ipangako nila Kevin at Belle sa amin.Huwag lang nila akong lolokohin at isasama sa mga makukulong dahil talagang ako mismo ang kakatay sa kanilaInuna kong ilagay ang susi sa scooter ng motor ko pero ginawa ko itong hindi sinasadya, kunwari ay inaayos ko lang ito ng park, dahil aware akong may CCTV na nanonood sa bawat galaw namin dito sa bahay.Pagkatapos ay nagluto ako ng sisig na alam kong paboritong pulutan nila Vic saka inihanda ang mga alak sa lamesa.Natuwa sila Vic, Gardo at Xerex kaya agad naupo sa lamesa para umpisahan ang inuman. Ako naman ay tinawag na rin si Bernard para makisalo.Siyempre ay nakikain at inom rin ako para hindi nila mahalata na may anuman sa inihanda ko para sa kanila. Kasalukuyan na umiinom ang apat ng magkunwari akong kukuha pa ng pulutan sa kusina.“Teka, mero
GISELLENagpapasalamat ako na hindi na ako ulit injectionan ng pampamanhid ng katawan pero dahil may CCTV ay kailangan kong magpanggap. Kung hindi ay malalaman nila Belle na tinutulungan ako ni Lina.Pumasok muli si Lina sa kwarto at hinaritan ako ng pagkain at gamot. Kahit kaya ko ng kumain na mag-isa ay dapat magkunwari na hindi ako nakakagalaw.“May kilala ka bang Annie? Pinsan mo ba talaga siya?” halos bulong na sabi ni Lina.Kumurap ako ng dalawang boses bilang pagsang-ayon. Nagpalipas pa siya ng ilang saglit bago muli nagsalita.“Galing siya rito, tinawagan siya ni Bernard, ewan kung bakit alam naman niya na hidden hide out ito pero pinagsabi niya, alam mo naman na maraming CCTV dito sa buong palagid. Nakikita at naririnig nila ang bawat kilos. Pinigilan ko si Bernard na makipag kita kay Annie, nung tinanong ako ni Annie syempre ay itinanggi ko kaso malamang kung narinig nila Kevin at Belle ang sinabi ng pinasan mo baka ano ng gawin nila sa ex-boyfriend. Huwag kang mag-alala kumu







