LOGINJake Johnson
Hindi ako makapaniwala na ayaw akong makasama ng babaeng isang buwan halos hindi nagpatulog ng maayos sa akin.
Gusto pa niyang kalimutan na lang ang nangyari. Ganun lang ba ‘yun kadali? Samantalang halos siya ay hindi mapakali sa paghahanap rito.
Minsan lang ako maging interesado sa isa babae. Pinipilit siya noon pa ng magulang na maghanap na ng mapapangasawa, ngunit mariin niya itong tinututulan lalo na kung may nirereto ang mga ito.
Meron kasi siyang sakit na Oligospermia. Hindi ito alam ng mga tao maliban sa magulang. Ito ay nangyayari kung kakaunti ang sperm kaysa sa normal, napatataas nito ang tiyansa ng pagkabaog sa mga lalaki.
Takot ako na mahusgahan kung malaman ng mga babae na maaaring baog siya, naging dahilan rin iyon upang ako maging woman hater.
Hanggang sa Isang buwan na ang nakalipas ng ayain siya ng kaibigan na si Kevin sa isang dinner kasama ang nakakabatang kapatid na babae.
Sa una ay hindi ako pumayag ngunit nakiusap si Kevin na pagbigyan ang kapatid nito na si Belle dahil kakabalik lang nito galing state. Hindi ako makatanggi dahil “Friendly date” lang naman daw ayon kay Kevin.
Nang gabi na iyon nag-inuman muna kami ni Kevin sa bar habang hinihintay si Belle, pero nakaramdam ako ng pagkahilo kaya kinuha ako ng kwarto ni Kevin sa hotel na katabi rin ng bar, sinabi rin nito na pupuntahan nalang siya ni Belle sa room mamaya kaya magpahinga muna.
Hindi ko malaman kung bakit ng gabing iyon ay sobrang init ng kanyang pakiramdam, o sa tamang salita ay sobrang libog siya, kaya ng may pumasok na babae ay inakala niyang si Belle iyon, hindi niya napigilan ang sarili at ay may nangyari sa kanila.
Pero laking pagkagulat niya dahil isang maganda, ngunit may malungkot na mga mata na babae ang nasa tabi ng magising. Hindi niya naitanong ang pangalan nito or kahit numero man lang dahil agad itong umalis.
Ngunit mula ng gabing iyon ay hindi na siya matahimik, he is powerful, ruthless, and completely off-limits. But he hasn’t forgotten her either. Nang makita niya ang picture ng isang babae sa isang file ng resume ay nagulat siya dahil kamuka nito ang babae na para bang nagpatibok ng puso niya kaya agad pina hire ito sa HR Manager.
Gusto niyang itong makita upang malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman para dito.
Ngunit ngayon parang hindi tugma ang inaasahan niya sa nangyayari. Hindi ba siya nito type? Siya aayawan ng babae? Artista, Model or kahit na sinong babae ay hayagan na nagpapakita ng motibo sa kanya.
Kaya nga hindi siya kumukuha ng assistant na babae dahil ilang beses na may nagtangka na magseduce sa kanya.
Naalala ko ang dugo sa kama. Virgin ito. Doon palang ay alam niyang matino itong babae. Kaya sigurado ako na kung meron man itong naging karelasyon hindi ito agad bumibigay.
Nakuha niya ang virginity nito.
Well, siguro nga at lasing talaga ito. Kung alam ko lang na nung gabing iyon na nakainom si Giselle ay pipilitin niya ang sarili na hindi ito galawin.
May respeto naman siya sa babae at hindi mangpupwersa, pero hindi rin niya kasi alam kung bakit nung gabi na iyon ay parang sobrang init na init siya at tanging sex lang ang makakapag alis nito.
Naisip ko si Belle. Hindi ko naman ito gusto, kaya kung sakali na ito ng babae ng gabi na iyon ay tiyak malaking problema dahil baka pilitin siya nitong magpakasal or mapanagunatan niya ang nangyayari.
Kahit pa alam kong hindi ito mabubuntis dahil sa kalagayan ko. Napatingin ako sa glass wall na one way, ako lang ang nakakakita sa kanila. Nag-uusap sina Giselle at Jenna. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Giselle.
Aaminin ko na attracted talaga ako sa kanya pero kung talagang mas gusto niya na maging Boss – employee relationship ay hahayaan ko muna.
Kumatok si Jenna, “Sir, na orient ko na po si Giselle.”
Tumango ako. Saka ko naalala na nakafile ito ng leave dahil namatayan ng kapatid. “Pati ba ang mga maiiwan mong trabaho ay pinaliwanag mo na sa kanya?” seryoso kong tanong.
“Yes, sir. Bukas na po ang simula ng one month leave ko,” aniya
“Okay.”
Muli akong tumingin sa glass wall. Busy na si Giselle sa pagbabasa mga files. Napahinga ako ng malalim at ibinalik ang atensyon sa trabaho.
Nang tumunog ang telepono ay napasimangot ako, bihira kasing may tumawag kung hindi importante or seryoso ang problema.
“M-Mr. Johnson, may nadetect pong virus sa mga files. Delikado po ang system natin lalo na ang mga accounts,” Kinakabahan na sabi ng manager ng IT Department na si Joel.
“Anong ginagawa mo bakit hindi mo ayusin? Binabayaran kita ng malaki para siguraduhin na secure ang system! Paanong nagkaroon ng virus?” inis na tanong ko.
“Sorry sir mahirap po alisin kasi ang virus na pumasok sa system, kaya baka matagalan ako na –“
“So, hindi mo nga kaya ayusin? Then you’re fired!” Sigaw ko. Muli akong humiyaw, “Jenna!”
Mabilis naman na pumasok si Jenna kasunod si Giselle na parang nagtataka.
“Sir?”
“Joel is fired! Mag hire ka ng bagong IT Manager right now! And call FBI or anything para makatulong sa atin dahil may nang hack ng system,” utos ko.
“Alright sir,” sagot ni Jenna na agad lumabas ng opisina.
Napatingin ako ng makita ko si Giselle na nakatayo sa harap ko, “Why?”
“Pwede po akong mag refer ng IT. Hindi naman na siguro kailangan ng FBI agad sir,” Saad nito.
Napakunot naman ang noo ko, “May twenty years expertise ba siya? Galing sa reputable university? If yes, bring that person here right now.”
Napakamot ng ulo si Giselle, “Wala po sir, fresh graduate lang po pero alam kong magaling po ‘yun trust me.”
Napatingin ako sa kanya at napahinga ng malalim, “Sino? Boyfriend mo?”
“W-Wala po akong boyfriend sir. Babae po yung tinutukoy ko,” mabilis nitong sagot.
“Good.”
Medyo nabawasan ang inis ko, so wala siyang boyfriend.
Isang oras ang lumipas at bumalik si Giselle kasama ang isang babae na mukhang nerd tignan dahil sa kapal ng salamin. Nakasuot it ng mahabang palda, at long sleeve at may jacket pa.
Si Betty la fea ba 'to?
“Mr. Johnson, ito po si Vicky.” Turo ni Giselle sa babae.
Umubo muna ito saka tumayo ng diretso, walang kalatoy latoy ang pagsasalita nito, na animo robot, “Good Morning, My name is Vicky Suarez, I am twenty years old, I live in…”
“Hep!” pag-awat ko, “I need IT expert now. I am not interested on your background. Jenna, bring Vicky to the IT department now.”
“Right away sir,” sagot ni Jenna. Umalis ito kasama ni Vicky.
Naiwan naman kaming dalawa ni Giselle. Napakagat ito sa labi. Kung ako sana ang kakagat dito ay mas mabuti.
“Babalik na muna po ako sa desk ko,” natatarantang sabi nito.
Pero mabilis ko siyang pinigilan. Tumayo ako at isinara ang pinto. Nakita ko siyang napalunok at kinakabahan kaya gusto kong matawa.
Mukha ba akong manyak?
LINANapabangon ako bigla ng marinig ang ring ng cellphone ko kaya inis kong tinignan kung sino ang hudas na tumatawag gayung madaling araw palang naman.Nakita ko sa LCD na si Xerex lang pala iyon kaya napasimangot ako lalo. Bakit kaya ito tumatawag? Huwag niyang sabihin na ubos na agad ang perang parte niya sa nakuhang bayad mula kay Belle.Kilala ko iyon na hindi lang mahilig sa mga pokpok sa club, adik pa at sugarol. Kung inaakala niya na may kasunod pa ang pera na nakuha niya ay manigas siya.“Bakit? Gago ka sinabi ng magtago kayo ni Gardo diba? Anong tinatawag mo diyan?” inis kong sigaw.“H-Hello? Lina? Nasaan ka?” parang natatakot na sabi ni Xerex.“Ano naman pakielam mo?” galit ko pa rin na sabi. Kung may ginawa man itong kagaguhan ay huwag niya akong idamay.Parang may umagaw naman ng cellphone ni Xerex kaya ibang boses ang narinig ko. Si Gardo naman. Magkasama pa rin pala silang dalawa.“Lina, may nangyari! Pasakay na sana kami ng barko ni Xerex. May nakita kaming nagkakagul
LINASobrang kaba ako ng hanapin ni Vic motor ko. Mabuti nalang ay napaniwala ko ito na baka kinuka ni Giselle. Habang ginagalugad namin ang buong gubat ay galit na galit ang asawa ko.Hindi namin kasi nakita si Giselle kaya huminto muna kami. Ako naman ay lihim na natutuwa dahil nakatakas na ito. Napakamot sa ulo sina Xerex at Gardo habang si Bernard naman ay sobrang nag-aalala.“Putang ina talaga! Nasaan na ba ang babaeng ‘yun?! Paano siya nakatakas? Kapag nalaman nila Sir Kevin na nakatas si Giselle ay hindi nila tayo babayaran!” sigaw ni Vic.Bago kami makasagot sa kanya ay biglang tumunog ang cellphone ni Vic at kita namin na namutla siya talaga.“P-Patay na… S-Si M-Ma’am Belle tumatawag!” sabi niya na halos nauutal.Ako na ang sumagot dahil nanginginig ang asawa ko. Pinindot ang answer button pati na ang loud speaker.“Vic? Makinig ka, huwag mong ipaparinig kay Bernard ang sasabihin ko, patayin mo na si Giselle pati ‘yang si Bernard. Ibaon ninyo sila diyan para walang makaalam t
BernardHindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pagmulat ng mata ko ay sobrang dilim ng paligid. Parang binibiyak rin ang ulo ko sa sobrang sakit. Kumurap-kurap ako at nagtataka kung bakit walang ilaw man lang na nakabukas.Ang huli ko lang naaalala ay nag-iinuman kami tapos nalasing ako o ewan para akong nawalan ng malay. Wala na akong naalala sa mga nangyari pagkatapos.Basang-basa rin ako ng pawis dahil sa sobrang init. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at inilawan ang paligid. Nasa sala pa rin naman kami. Sila Lina, Vic, Xerex at Gardo ay mga tulog rin at naghihilik.Naisip ko si Giselle, kung dito sa sala ay mainit na, ano pa kaya sa kwarto niya na kulong at walang binata na papasukan ng hangin.Kaya tumayo ako para silipin siya. Medyo hilo pa ako pero pinilit kong bumaba sa secret room ngunit nagtaka ako dahil bukas ang pinto. Nang ilawan ko ang kama ay nagulat ako sa nakita. Walang nakahiga roon!Nasaan si Giselle?Parang nawala ang kalasingan ko at agad siyang h
GiselleNang biglang mamatay ang ilaw sa kwarto ay alam kong iyon na ang hudyat para tumakas. Sobrang dilim ng paligid kaya pagkapa lang ang nagawa ko. Kinuha ko ang mga injection sa side table saka dahan dahan naglakad sa pinto.Bumilang muna ako ng tatlo bago iyon binuksan saka umakyat sa hagdanan. Hindi ko alam kung ano ang aabutan sa itaas pero umaasa ako kay Lina.Pagdating ko sa isa pang pinto ay may naapakan akong matigas na bagay kaya dinapot ko iyon at kinapa kung para saan ng bigla iyon umilaw ay nalaman ko na isa palang maliit na flight light.Mistula lang iyon keychain at hindi rin kalakasan ang nabibigay na liwanag pero sapat na para makita ko ang dadaanan.Sobrang kaba ko ng makita na may nakahiga sa sala. Sila Bernard! Pero hindi naman gumagalaw ang mga ito ngunit ayokong magsiguro kaya kumaripas na ako ng takbo.Instinct lang ang pinapagana ko para hulaan kung saan ang mga daaan. Nang makarating ako sa likod ay nailawan ko ang scooter na motor. Ito na siguro iyon!Agad
LINAHindi ko alam kung tama ba ang gagawin kong pagtulong kay Giselle pero alam ko naman na kaya talaga akong bayaran ng malaki ni Jake Johnson dahil sa yaman nito. Mas doble sa anumang pwedeng ipangako nila Kevin at Belle sa amin.Huwag lang nila akong lolokohin at isasama sa mga makukulong dahil talagang ako mismo ang kakatay sa kanilaInuna kong ilagay ang susi sa scooter ng motor ko pero ginawa ko itong hindi sinasadya, kunwari ay inaayos ko lang ito ng park, dahil aware akong may CCTV na nanonood sa bawat galaw namin dito sa bahay.Pagkatapos ay nagluto ako ng sisig na alam kong paboritong pulutan nila Vic saka inihanda ang mga alak sa lamesa.Natuwa sila Vic, Gardo at Xerex kaya agad naupo sa lamesa para umpisahan ang inuman. Ako naman ay tinawag na rin si Bernard para makisalo.Siyempre ay nakikain at inom rin ako para hindi nila mahalata na may anuman sa inihanda ko para sa kanila. Kasalukuyan na umiinom ang apat ng magkunwari akong kukuha pa ng pulutan sa kusina.“Teka, mero
GISELLENagpapasalamat ako na hindi na ako ulit injectionan ng pampamanhid ng katawan pero dahil may CCTV ay kailangan kong magpanggap. Kung hindi ay malalaman nila Belle na tinutulungan ako ni Lina.Pumasok muli si Lina sa kwarto at hinaritan ako ng pagkain at gamot. Kahit kaya ko ng kumain na mag-isa ay dapat magkunwari na hindi ako nakakagalaw.“May kilala ka bang Annie? Pinsan mo ba talaga siya?” halos bulong na sabi ni Lina.Kumurap ako ng dalawang boses bilang pagsang-ayon. Nagpalipas pa siya ng ilang saglit bago muli nagsalita.“Galing siya rito, tinawagan siya ni Bernard, ewan kung bakit alam naman niya na hidden hide out ito pero pinagsabi niya, alam mo naman na maraming CCTV dito sa buong palagid. Nakikita at naririnig nila ang bawat kilos. Pinigilan ko si Bernard na makipag kita kay Annie, nung tinanong ako ni Annie syempre ay itinanggi ko kaso malamang kung narinig nila Kevin at Belle ang sinabi ng pinasan mo baka ano ng gawin nila sa ex-boyfriend. Huwag kang mag-alala kumu







