Share

Ang sagupa-an

Penulis: Osh shinkai
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-18 14:08:25

Pumasok kami sa loob at mabilis kong isinara ang lahat ng pinto’t bintana. Ang mga kamay ko ay mabilis na kumikilos, pinapahigpit ang bawat lock, pinipilit tiyakin na walang makakapasok.

“What are you doing?” tanong ni Celestine, nakangiti pa, parang walang nangyayaring kakaiba.

“Manatili ka dito at manahimik,” mariin kong sagot, ramdam ko ang bigat ng dibdib ko sa kaba. “Nagpapaputok na sila sa labas. Hindi ito biro.”

Pero sa halip na kabahan, parang wala lang sa kanya. Umupo pa siya sa gilid ng kama, nag-cross legs, at nag-sip ng wine. Para bang normal lang ang lahat.

“Calm down, darling,” biro pa niya, halos may halong pang-aakit. “Walang mangyayari. Isa pa, may mga guard na naka-palibot sa buong lugar na ‘to.”

Hindi ko maiwasang mapalakas ang boses ko. “Mga guard? Kung kaya nilang pumasok nang gano’n kadali sa bakuran, hindi sapat ang mga guard mo. Huwag kang kampante!”

Napailing lang siya at tumayo. Walang pasabi, naglakad palabas ng kwarto, parang wala siyang iniisip.

“Celestine!” halos mapasigaw ako habang hinahabol siya. “Bumalik ka rito!”

Pero wala siyang pakialam.

Ang mga ilaw sa pasilyo ay nagsimula nang mag-flicker, parang may pumapalyang kuryente. Habang nakasunod ako kay Celestine, ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadaan sa bukas na bintana sa dulo ng hall.

Bigla akong napahinto—isang anino ang gumalaw sa labas. Mabilis kong hinila si Celestine pabalik.

“Hey! What the hell, Dante?!” reklamo niya.

“Quiet.” Hinila ko siya palapit sa pader, pinakiramdaman ang paligid. May mabibigat na yapak, papalapit mula sa hardin.

Tatlong kalalakihan na naman. Naka-itim, may baril.

Mabilis kong itinulak si Celestine papasok sa maliit na storage room sa tabi ng pasilyo. “Dito ka. Kahit anong mangyari, huwag kang lalabas.”

Napatitig siya sa akin, seryoso na ngayon ang mukha. “Dante… careful.”

Wala na akong sinagot. Mabilis kong isinara ang pinto at humarap sa pasilyo.

Unang lumabas ang isang lalaki mula sa dilim, hawak ang pistola. Itinutok niya sa direksyon ko, pero mabilis akong umatras, kumapit sa braso niya, at tinwist hanggang mabitawan niya ang baril. Isang mabilis na suntok sa lalamunan, bagsak siya agad.

Sumugod ang pangalawa, mas malaki ang katawan. Tinangka niya akong suntukin, pero iniwasan ko at sinipa ang tuhod niya nang madiin. Umalingawngaw ang malutong na tunog, sabay bagsak niya sa sahig.

Ang pangatlo, mas maingat. Nakapwesto siya sa likod, baril nakatutok diretso sa dibdib ko.

“Don’t move,” malamig ang boses niya.

Hininto ko ang hinga ko. Hindi ako marunong gumamit ng baril, alam kong dehado ako kapag umatake. Pero hindi ako puwedeng tumigil—si Celestine ay ilang hakbang lang ang layo sa pintong pinagtataguan niya.

Isang segundo lang ang inantay ko. Mabilis kong itinulak ang mesa sa gilid para hadlangan ang linya ng baril, sabay tumalon papalapit. Nagkamali siya ng timing—napababa ang putok, tumama lang sa sahig. Hinawakan ko ang kamay niya, pinilipit hanggang mabali ang pulso. Bago pa siya makabawi, isang sipa sa panga ang nagpahandusay sa kanya.

Huminto ako, habol ang hininga. Lahat ng katawan sa sahig, walang malay.

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng storage room. Lumabas si Celestine, nakatingin sa akin na parang iba ang nakikita niya. Hindi na siya ‘yung babaeng palaging nakangiti, kundi parang may halong paghanga at pagkabighani sa titig.

“Oh my God, Dante…” mahinang bulong niya. “Tatlo na naman? You’re unbelievable.”

“Hindi ito laro,” malamig kong sagot. “Gusto ka nilang patayin. At kung hindi ka susunod, baka pareho tayong hindi makaligtas.”

Lumapit siya, halos idikit ang katawan niya sa akin. Ang mga mata niya kumikislap sa dilim, parang hindi alintana ang panganib.

“Pero darling,” bulong niya, “don’t you realize? The more danger I face, the more I need you. And the more I need you… the more I want you.”

Pinilit kong umatras, pero hawak na niya ang braso ko, mahigpit, parang ayaw akong pakawalan.

“Celestine…” mariin kong sabi, pilit na tinatanggal ang kamay niya. “Hindi ito tungkol sa atin. Trabaho ko lang ‘to.”

Ngumiti siya, matamis pero may halong misteryo. “Trabaho… sure. Pero alam ko, one day, you’ll stop pretending.”

Binitiwan ko ang braso niya at tumalikod. “Mag-impake ka. Aalis tayo rito bukas ng umaga. Hindi na ligtas ang villa na ‘to.”

Habang nakahiga si Celestine sa kama nang gabing iyon, nakatanaw siya sa akin habang nakaupo ako sa upuan malapit sa pinto. Hindi ako kumikilos, alerto pa rin kahit ramdam ko ang pagod ng katawan.

“Dante…” mahinang tawag niya.

Hindi ako sumagot.

“Do you ever get scared?” tanong niya, nakatalikod sa akin, pero halata sa boses ang seryosong tono.

Sandali akong natahimik. “Oo,” sagot ko, mababa ang boses. “Pero hindi ako pwedeng magpadala. Dahil kung matakot ako, sino pa ang magbabantay sa’yo?”

Nagtagal ang katahimikan. Akala ko’y nakatulog na siya, pero maya-maya, narinig ko ulit siyang nagsalita.

“Dante…” bulong niya, halos pabulong lang. “Kung hindi kita nakuha bilang bodyguard, I think I’d still find a way to make you mine.”

Hindi ko na siya sinagot. Pinikit ko na lang ang mga mata ko, kahit alam kong hindi ako makakatulog.

Sa labas ng bintana, may mga anino pa ring gumagalaw. Hindi pa tapos ang laban na ito.

Kinabukasan, habang inihahanda ang mga gamit para umalis, nakatanggap ako ng bagong mensahe mula sa unknown number:

“Leaving won’t save her. You can’t protect her forever. She will fall… and so will you.”

Napakuyom ako ng kamao. Lalong bumigat ang pakiramdam ko—hindi lang simpleng ambush ito. May mas malaking pwersang gumagalaw sa paligid ni Celestine.

At alam kong simula pa lang ito ng mas matinding panganib.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Price of Desire    Kabanata 22

    The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama

  • Price of Desire    Kabanata 21

    Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula

  • Price of Desire    Kabanata 20

    Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you

  • Price of Desire    Kabanata 19

    POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am

  • Price of Desire    kabanata 18

    POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a

  • Price of Desire    Kabanata 17

    POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status