Pagkasara ng pintuan ng opisina, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga salita ni Celestine. Ang kontrata ay malinaw: ako ang magiging personal bodyguard niya, twenty-four seven. Kapalit, dobleng sweldo, pati mga benepisyo para kay Nanay. Hindi ko na kayang tumanggi—lalo’t alam kong may oras na lang ang kalusugan ni Nanay kung wala akong pambili ng gamot.
Kinabukasan, dumating na agad ang unang utos. “Dante, darling,” malambing pero matalim ang tono ni Celestine habang naka-upo sa likod ng kanyang mahogany desk. “You’re officially mine now. My shadow, my protector, my… company.” Bahagya siyang ngumiti, ‘yung ngiti na parang may tinatago. Hindi ako sumagot. Tumango lang ako, tuwid ang likod, pilit pinapakita na trabaho lang ang dahilan ng lahat ng ito. “Good,” she continued, sabay tayo mula sa swivel chair. Naka-bodycon na dress siya na kulay pula, halos sumisigaw sa luksong dugong dumadaloy sa kanyang ugat. “We’ll start tonight. May business dinner ako sa isang five-star hotel. You’ll come with me. And don’t you dare leave my side.” Pagdating sa hotel, ramdam ko agad ang titig ng mga tao. Sino ba ang hindi mapapalingon kay Celestine Isla Navarro? Parang siya ang ilaw ng buong silid. Ang bawat hakbang niya ay sinasabayan ng kumpiyansa, at ako naman ang anino sa kanyang tabi. Habang nakaupo kami sa long table, kasama ng ilang mga business tycoon, ramdam ko ang paglapit-lapit niya sa akin kahit hindi dapat. “Relax, darling,” bulong niya habang nakapatong ang kamay niya sa ilalim ng mesa, halos dumampi sa hita ko. “You’re too stiff. People will think you’re uncomfortable with me. Pero we don’t want that, right?” Napakagat ako ng labi. Gusto kong alisin ang kamay niya, pero kung gagawin ko ‘yon, baka mahalata ng lahat. Kaya tiniis ko na lang, nananatiling bato ang aking mukha, habang sa loob-loob ko ay kumukulo ang dugo. Pagkauwi mula sa dinner, hindi ko inaasahan na ako pa ang magmamaneho ng kanyang black luxury car. Tahimik ako, naka-focus sa daan, pero siya—parang ayaw tumigil. “You did well, Dante,” aniya habang inaayos ang buhok. “You looked strong, reliable… and sexy in that suit.” “Trabaho lang po, Ma’am,” malamig kong sagot, hindi siya nililingon. “Don’t be so serious, darling. It’s just us here. Call me Celestine.” Humigpit ang hawak ko sa manibela. Pinili kong hindi na lang sumagot. Kinabukasan, bago pa man ako makapahinga, tinawagan niya ako. “Pack your things, Dante. We’re flying to Cebu tonight. Business trip, two days, luxury villa. Don’t worry, may separate room ka.” Alam kong hindi ko pwedeng tanggihan. Isa itong bahagi ng trabaho. Pero sa loob-loob ko, naramdaman ko na—parang sinasadya niya talagang ihiwalay ako sa lahat, para ako’y kanya lang. Sa eroplano, business class, wala siyang ginawa kundi umupo nang malapit sa akin, halos nakadikit na ang balikat niya. “You know, Dante,” bulong niya habang nakatingin sa labas ng bintana, “ang boring ng mga business trips kapag wala akong kasama. But now… I think I’ll enjoy this one.” Hindi ko siya pinansin. Pero ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitawan niya. Pagdating sa Cebu, sinalubong kami ng mga staff sa isang private luxury villa. Nasa kabilang kwarto ako, pero halos hindi ako makapagpahinga. Ilang minuto lang, kumatok na siya. Pagbukas ko, nakasuot siya ng manipis na silk robe. Hindi ko alam kung sinadya ba niyang makita ko na halos wala siyang suot sa ilalim. “Dante, darling… can you help me with something?” tanong niya, sabay pumasok na parang sariling kwarto ko ito. “Ma’am—Celestine,” agad kong tinuwid ang pananalita, “trabaho ko pong bantayan kayo, hindi ang—” “Don’t be too uptight.” Nilapitan niya ako, mabagal, parang leon na sinusundan ang biktima. “We’re far away from the city. Walang makakakita. Don’t you ever think of enjoying life, kahit konti?” Huminto siya sa harap ko, sobrang lapit, halos maramdaman ko ang init ng hininga niya. “Dante…” may diin ang boses niya. “What if we stop pretending, hmm?” Tumayo ako, umatras ng isang hakbang, at mariing tumingin sa kanya. “Pumunta ako dito bilang bodyguard. Hindi bilang—” Naputol ko ang sasabihin ko. “Trabaho lang. Wala ng iba.” Sandaling natahimik si Celestine. Pagkatapos, ngumiti siya, isang ngiti na hindi ko maipaliwanag kung pang-aakit ba o pangungutya. “Fine,” aniya habang tumalikod, naglakad papalayo. “But darling, remember this… you can’t resist me forever.” Iniwan niya akong nakatayo, pawisan kahit malamig ang aircon ng kwarto. Kinabukasan, habang nasa meeting siya kasama ang mga kliyente, nakatanggap ako ng anonymous text: “The Navarro girl isn’t safe. Watch her closely. Or both of you will pay the price.” Napahigpit ako ng hawak sa cellphone. Hindi ito ordinaryong trabaho. Hindi lang si Celestine ang panganib sa sarili kong kontrol—kundi may mga taong nagbabalak ding tapusin siya. Pagbalik namin sa villa, dumiretso siya sa poolside, naka-swimsuit, parang wala lang. Ako naman, alerto, palihim na ini-scan ang paligid. “Dante, darling,” tawag niya, nakaupo sa gilid ng pool habang nakataas ang baso ng wine. “Come join me. You’re too serious. Loosen up.” Sa mga sandaling iyon, biglang may narinig akong kaluskos sa bakod. Agad kong hinila si Celestine palayo, halos natapon ang wine niya. “Hey! What the hell?!” reklamo niya. “Get inside. Now!” mariin kong utos. Hindi pa man siya makasagot, isang putok ng baril ang umalingawngaw sa malayo. At doon ko napagtanto—hindi lang tukso ang kalaban ko. May banta sa buhay naming dalawa.The moment they mentioned the word meeting, alam ko na. Trap ito. Classic Brohilda move. Ang madrasta kong walang ginawa kundi gawing telenovela ang buhay ko.Kinabukasan, pinapunta ako sa main boardroom ng hotel. Isa ito sa pinaka-malaki at pinaka-maayos na conference halls sa buong building—mahahabang mesa, leather swivel chairs, at floor-to-ceiling windows na nagpapakita ng buong city. Dapat professional at classy ang vibe, pero ngayon? Ang atmosphere? Parang arena.Naroon na lahat. Mga board members, investors, advisers—lahat nakaporma, lahat nakatingin sa akin. And of course, front row seat sa drama: si Brohilda, kasama ang dalawang stepsisters kong si Clarisse at Margaux.They looked too pleased. Alam kong may balak.Pumasok ako, chin up, shoulders back. Pinili kong maging graceful. Hindi ko ibibigay sa kanila ang kasiyahan na makita akong kinakabahan.Sumunod si Dante, syempre. Tahimik lang, nakatayo sa gilid, parang bantay na handang sumalo kung sakali. Nasa kabilang side nama
Celestine's POV. The night before had been chaos, pero ngayong umaga, I decided to act like nothing happened. Chill lang, Celestine style. Naka-upo ako sa swivel chair sa opisina ko, nasa pinakamataas na floor ng hotel. Ang sarap ng view—city skyline, malayo sa lahat ng ingay at reklamo sa baba. Habang ang buong mundo abala sa drama, ako naman naka-cross legs, naka-recline, at may hawak na wine glass. Yes, wine sa umaga. Judge me all you want, pero kapag ikaw ang Celestine Navaros, you drink whenever you want. Si Dante? Of course, nandoon lang siya sa gilid ng pinto, parang poste na hindi napapagod. Tahimik. Palaging alerto. Minsan naiisip ko, baka robot siya. Bihira lang magsalita, pero kapag nagsalita, laging diretso sa punto. Hindi katulad ni Marco—oh my God, si Marco. Kasalukuyan siyang parang ipis na paikot-ikot sa hallway, abala sa pakikipag-meeting sa board members and investors. Ako? Ayoko talagang sumali sa gulo nila. Ano ako, babysitter? Hindi ko trabaho makipagbardagula
Celestine’s POV The press conference room smelled like coffee, sweat, and desperation. Hindi ko alam kung alin sa tatlo ang mas matapang, pero sigurado akong ako yung dahilan kung bakit lahat sila nakatitig ngayon, hawak ang kani-kanilang camera, mic, at recorder na parang mga espada na nakatutok sa leeg ko. Ako si Celestine Navarro, the so-called “Heiress of Chaos,” kung pagbabasehan ang mga headline kagabi. Kung sino man ang nag-coin ng nickname na ‘yon, sana masagasaan ng service van ng hotel ko. Pero here I am—naka power suit, naka heels, at nakaupo sa gitna ng mesa na may nakapatong na mic. Sa gilid ko si Marco, halatang pawis na pawis kahit naka-aircon, hawak ang papel na punong-puno ng notes na wala namang sense kasi alam kong hindi ko rin susundin. Sa kabilang gilid, si Dante—nakaupo lang, tahimik, parang pader. Walang reaction, walang salita, pero ramdam kong andiyan siya. “Miss Navarro,” unang tanong ng reporter sa unahan. “How do you respond to the allegations that you
POV: Dante Tahimik ang suite. Tanging boses lang ni ma’am Celestine ang pumupunit sa hangin. Ramdam ko yung tensyon sa balikat niya, parang bawat hinga niya puno ng galit at kaba. “DO SOMETHING!” halos pasigaw ulit niyang saad. Nagkatinginan kami ni Marco. Ako, steady lang, hawak pa yung tasa ng kape. Si Marco, nanginginig yung kamay habang hawak yung phone niya, parang anytime malalaglag. “Ma’am,” maingat kong sabi, “we need to calm down first. Kung totoo lahat ‘to, hindi natin ‘to maaayos sa sigaw. Kailangan ng plano.” “PLAN?!” halos manginig yung boses niya. “Wala na tayong oras para sa plano, Dante! My name is being dragged into the mud right now!” Marco, na kanina pa tahimik, biglang sumabat. “Well, technically, hindi pangalan mo ang nasa headlines kundi yung Navaros Hotel. Pero… since ikaw yung nagma-manage, yes, affected ka rin—” Hindi na niya natapos. Tinapon ni ma’am yung unan ulit sa mukha niya. PLOK! “Ako ba tinuturo mo?!” gigil niyang tanong. “A-ayos lang, ma’am
POV: Dante Maaga akong nagising. Hindi pa sumisikat ng husto ang araw pero ramdam ko na yung lamig na pumapasok mula sa aircon ng hotel suite. Tahimik ang paligid—’yung klase ng katahimikan na parang ayaw mong sirain. Kaya imbes na bumalik sa higaan, naglakad ako papunta sa maliit na pantry ng suite para magtimpla ng kape. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa. Kahit off-duty dapat, parang may built-in alarm sa katawan ko na nagsasabing “gumalaw ka, magbantay ka.” Binuksan ko yung coffee maker, nilagyan ng tubig, tapos sinaksak. Habang hinihintay kong kumulo, sumandal ako sa counter at humigop muna ng hangin. Tahimik. Peaceful. Hanggang biglang— TRRRIIINGGGG! Napapitlag ako. Napatingin agad ako sa paligid. Yung cellphone ni ma’am Celestine pala, nakapatong lang sa mesa sa tabi ng kama niya. Bago pa ako makalapit, tumahimik. Pero ilang segundo lang, sumunod naman yung phone ni Marco. Ang ingay. Paulit-ulit. Parang may tugtugan silang dalawa, salitan ng ringtone. Napailing a
POV: DanteHindi ako makatulog.Nakatalikod ako sa kanila habang nakahiga sa sofa, gamit lang ang coat ko bilang kumot. Ramdam ko pa rin sa balat ko yung init ng kamay ni Celestine nang hilahin niya ako kanina, pati yung bigat ng katawan niya nang natumba kami sa kama.“Put—” Napahawak ako sa sentido ko. Ano ba ‘tong pinapasok ko?Bodyguard ako. BODYGUARD.Hindi boyfriend, hindi manliligaw, hindi kahit sino na pwedeng basta na lang patulan si ma’am. Pero siya? Parang wala lang, parang trip lang sa kanya na gawing biro yung ganong klaseng sitwasyon.Virgin pa raw ako? Napapikit ako ng mariin. Bakit ba kasi kailangan niya pang itanong ‘yon?Naririnig ko ang mahinang paghilik ni Marco sa kabilang kama. Kung alam lang ng mokong na halos mamatay na ako sa kaba kanina nang umungol siya. Akala ko gigising siya, tapos mahuhuli niya kaming—Napahilot ako sa batok ko. Hindi ko na tinuloy ang isipin.“Kalma lang, Dante. Kalma lang.” Bulong ko sa sarili.Pero bawat pag-ikot ko dito sa sofa, mukha