MAGANDA ANG SINAG NG ARAW, MAALIWALAS ANG PALIGID.
Maagang gumising si Adee para pumasok sa trabaho.
Paalis na si Adee, ngunit nagulat siya sa taong bumungad sa kanya pagkabukas ng pintuan.
Si Sir Vladimir. "Magandang umaga, Kamahalan."
"Ano pong ginagawa niyo dito?" Hindi pa rin naalis ang pagkagulat sa mukha ni Adee.
"Pinapunta ako ng Mahal na Reyna para sunduin kayo."
"Pero papasok pa po ako sa opisina. Hindi ako pwede umabsent ngayon."Ngumiti si Vladimir kay Adee.
"Wag kayo mag-alala. Nagpaalam na ako kay Mr. Sevilla. Halina kayo Mahal na Prinsesa, naghihintay ang mahal na Reyna."
Napakagat labi na lang si Adee. Wala naman siyang magagawa kundi ang sumama, lalo na at utos iyon ng Reyna. Pero sa totoo lang ay ayaw niya pumunta muli sa palasyo. Pakiramdam niya ay hindi siya bagay doon.
Sumakay siya sa itim na kotseng sinakyan din niya noong unang beses siyang magpunta sa palasyo. Hindi maipinta ang mukha ni Adee. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit maaga siyang pinapapunta sa palasyo.
Dalawang araw din ang lumipas mula nung una silang magkausap ng Reyna. At pumayag naman ito sa hiling niyang mamuhay muna ng simple. Pero wala siyang ideya kung hanggang kailan siya mamumuhay bilang ordinaryong tao.
"Uhm, Sir Vladimir alam niyo po ba kung bakit ako pinapapunta ng Mahal na Reyna ng ganito kaaga?" Tanong ni Adee kay Vladimir.
"Dumating na kasi ang Crowned Prince mula sa bakasyon niya. Gusto ng Mahal na Reyna na magkita na kayo ng Prinsipe. At gusto rin ng Reyna na sabay sabay kayong mag-almusal ngayon sa palasyo." Paliwanag ni Vladimir na nakaupo sa tabi ng driver habang si Adee ay sa likod ulit nakaupo.
"Ang Prinsipe?! Nandito na ang Prinsipe?!"
"Opo. Kahapon pa siya nakabalik."
Pabagsak na sumandal si Adee. Tumingin na lang siya sa labas ng bintana.
Ano kaya ang magiging reaksyon ng Prinsipe kapag nakita siya nito?
Na ganito lang siya kasimple, na ganito lang siya kaordinaryo.
Papayag kaya itong magpakasal sa kaniya?
'Ano kaya siyang klaseng Prinsipe?
Mabait?
Magalang?
Gentleman kaya ito?
Syempre naman siguro!
Prinsipe ito. At lahat ng prinsipe sa mga fairytales na nabasa at napanood ko ay mga perpektong prinsipe.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako.'
***
Papasok palang si Adee sa palasyo ay sinalubong na siya ni Queen Helia.
Malaki na ngiti ang bati nito sa kanya. Niyakap siya nito at nakipagbeso beso.
"Kamusta Adee?" Ang Reyna.
"Mabuti naman po, Kamahalan. Uhm, ang sabi po ni Mr. Vladimir, pinatawag niyo daw po ako para dito magalmusal?"
Tumawa muna ang Reyna bago sumagot. "Oo. Tama iyon! Pero may isa pang dahilan, Adee."
"Ang Prinsipe po ba?..."
Isang makahulugang ngiti ang sinagot ng Reyna. "Let’s go to the dining room, the food is waiting..."
Inakay siya ni Reyna Helia papunta sa dining area. Nakahanda na ang mga pagkain para sa almusal. Nakatayo sa tabi ang mga tagapagsilbi na mag-aasikaso sa kanila.
Nilibot ni Adee ang tingin niya sa buong kwarto ngunit wala ang Prinsipe dito.
"Halika na Adee, maupo ka na dito." Kuha ng Reyna sa atensyon niya.
Sinunod naman ni Adee ang Reyna at naupo na sa upuan sa kaliwang side ng kabisera.
"Uhm... Ang Mahal na Prinsipe po,Kamahalan?" Si Adee.
"Ipinatawag ko na siya sa maid."
Ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng Dining Room at nagmamartsang pumasok si Prince Robin.Napalingon si Adee at namangha siya sa nakita.
Isang binata. Isang gwapong binata.Matangkad ito, maganda ang built ng katawan, at malakas ang dating.
Hindi maalis ni Adee ang tingin niya sa Prinsipe.'Para siyang nagliliwanag...'
Ngayon lang siya nakakita ng ganitong klaseng lalake, although si JV at hindi rin naman nalalayo dito. Pero ang turing niya kay JV ay isang kaibigan o kung mas hihigit man doon ay bilang isang kapatid lang.
Hindi pa nakakalapit si Prince Robin ay mataman na niyang tinignan si Adee.
Nakatitig ito sa kaniya at bakas ang pagkamangha sa mukha.
"Robin, ano pa hinihintay mo dyan? Join us here..." Ang Reyna ang bumasag sa katahimikan.
Sumunod naman si Robin at umupo sa upuan na katapat ni Adee, sa kanang side ng kabisera.
Hindi pa rin inaalis ni Adee ang tingin niya sa binata. Ngayong mas malapit ito ay mas nakita niya kung gaano ito kagwapo. Lalo na at nakasalamin siya, malinaw niyang nakikita si Robin.
'May pagkasingkit ang mga mata niya.
Medyo makapal ang kilay pero maganda ang shape nito.
Ang ilong niya...matangos.
Ang balat niya...maputi at makinis.
Manipis ang mga labi niya.’
Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Adee, pero dahil iyon sa takot at pag-aalala.Pag-aalala na ang perpektong lalaking ito ang magiging asawa niya?!
"Prince Robin, apo, ipinapakilala ko sayo si Adee. Ang matagal na nating hinahanap na 'Crowned Princess'. Napag-usapan na natin ito diba?"At kay Adee naman bumaling ang Reyna."Hija, siya si Robin, ang Prinsipe ng bansang ito at ang mapapangasawa mo..."
Nagsalubong ang kilay ni Robin sa huling sinabi ng Reyna.
At napansin iyon ni Adee..
Kailangan niyang batiin ito...
"A-Uhm... N-Nice to meet you Prince R-Robin"
Tinaasan siya ng kilay nito.
"Yeah. Me too... Kumain na tayo, nagugutom na ako."
"Tama. Kumain na tayo, Adee" masayang sagot ng Reyna.
Inilagay na nila Robin at Queen Helia ang towels sa lap nila. Habang si Adee ay nangangapa sa gagawin niya.
Hindi pa niya naexperience na kumain sa isang Fine dining set up na restaurant kaya hindi niya alam kung ano ano sa mga bagay na nasa lamesa ang gagamitin niya. Plus pa na kasama niya ngayon ang Reyna at Prinsipe ng bansa kaya lalo siyang natetense.Paano ba siya kumain kasama ang Reyna nung unang beses na pumunta siya sa Palasyo? Ito ang laman ng isipan ngayon ni Adee.Napatingin si Robin sa kaniya at napangisi ito.
Dumating ang mga maid at isa isa silang nilagyan ng soup sa bowl.
"Ahh... Ako na po!"
Inabot ni Adee ang sandok na hawak ng maid pero hindi sinasadyang masanggi niya ang hawak nitong kaldero at matapon ang soup sa carpet."Hala!" Sigaw ni Adee. “Sorry po!”
Napaatras ang Reyna. "Are you okay, Adee? Napaso ka ba?"
"A-Ayos lang po ako. Sorry po Kamahalan..."
"That carpet... was a limited edition. Shipped here from France just to see it get spilled by a breakfast soup by a careless Princess." Pahaging ni Robin habang busy ito sa pagkain."Robin!" Suway ng Reyna.Sumakit ang dibdib ni Adee sa narinig. Wala siyang ideya kung gaano kalimited edition ang carpet na ito pero naiintindihan niyang sobrang mahal ng halaga nito. "Sorry, kamahalan. Hindi ko po sinasadya."
"It's alright Adee. Don't worry. Come on let's eat."
Pilit na ngumiti si Adee pero nakokonsensya siya sa nagawa niya. Bumalik siya sa pagkain pero hindi man lang niya malasahan ang mga pagkaing sigurado siyang niluto at inihanda pa ng mga kilala at lisensyadong chefs ng bansa.
Maya maya ang sulyap niya kay Robin na seryoso sa pagkain at ni minsan hindi na siya ulit tinignan.
"Ano sa tingin mo Adee?" Ang Reyna.
Hindi napansin ni Adee na kinakausap na pala siya ng Reyna.
"Po?"
"I said, what do you think kung lumipat ka na dito sa palasyo?"
"Po? Pero sabi niyo po, pwede po muna ako mamuhay ng simple...""Don't worry, pwede ka pa naman pumasok sa opisina while you're living here in the palace. Para mahahatid sundo ka ni Mr. Silva and at the same time, magkakilala kayo ni Robin ng mabuti."
Nagisip si Adee.
"Come on hija, I won't take no for an answer." The Queen pleaded.
Napabuntong hininga si Adee. "K-Kung okay lang po sa Mahal na Prinsipe..."
"Do whatever you want..." mapaklang tugon ni Robin."The truth is, napagusapan na namin ni Robin ang tungkol dito and we both agreed to you living here with us."
Walang maisagot si Adee.
"Sabihin mo lang, hija, at ipapaayos ko na ang magiging kwarto mo. Masyadong malaki ang palasyo para sa aming dalawa ni Robin, it will be a lot better if you'll stay here for good." Pagko-convince ng reyna kasabay ng isang ngiti kay Adee.
"S-Sige po Mahal na Reyna, pumapayag na po ako..."Masiyadong natuwa ang Reyna sa naging tugon ni Adee. "Mamayang gabi din ay lilipat ka na dito sa palasyo! Ipapaayos ko na ang gagamitin mong kwarto–"
Natigilan sila Adee at ang Reyna ng marinig nilang padabog na binagsak ni Robin ang hawak nitong kutsara't tinidor.
"Tapos na ako kumain. Excuse me, may kakausapin lang ako sa phone" Tumayo na si Robin at lumabas sa dining room.
Napabuntong hininga si Adee.
"Wag mo na lang pansinin si Robin, baka masama lang ang gising niya. Tara, ipagpatuloy Na natin ang pagkain." Sabi ni Queen Helia sa malambing na tono, na para bang mababasag si Adee kung lalakas niya ng kahit konti ang kanyang boses.
"Sige po..."
***
NAGPUNTA SI ROBIN SA PATIO NG PALASYO, tanaw niya ang buong garden. May pinindot siyang numbers sa phone niya at hinintay na may sumagot sa kabilang linya.
"Bro! Busy ka ba?"
'Not really. Bakit? Don't tell me na gusto mong magbar mamaya?'
Medyo natatawa pa yung nasa kabilang liniya.
"Well, I can consider that idea… I just really wanna get away from the palace for now!"
'Bakit naman? Nag-away ba kayo ng Mahal na Reyna?'
"Haay! Mamaya ko na lang sasabihin sayo. We'll meet later, ‘kay?"
And then he hung up.
Hindi siya sigurado kung anong oras siya makakaalis, lalo na at nasa palasyo ngayon si Adee. Hindi siya papayagan ng Reyna na umalis pero kapag ginusto niya, walang makakapigil sa kaniya.
"Mahal na Prinsipe, pinapatawag po kayo ng Reyna." Magalang na sabi ng maid.
Dinaan na lang ni Robin sa pagbuntong hininga ang inis niya.
"Tell her, I’ll meet her in a minute."
To Be Continued>>>
"KAMUSTA ANG KALUSUGAN KO, DOCTOR SATO?" Kakatapos lang kunan ng blood pressure ni Queen Helia nang ngumiti ang doktor. "Maayos naman po ang kalagayan niyo, Kamahalan. Huwag niyo lang pong masyadong pagurin ang katawan lalo na sa mga pag byahe. Palagi niyo rin pong inumin ang mga vitamins na nireseta ko. Importante rin na mapanatili ninyong kalmado ang isipan." Sandaling tumigil ang doktor at tiningnan ang Reyna. "Lately ata marami kayong iniisip?" Una ay seryoso ang tono ng boses ni Doctor Sato habang inililigpit ang kanyang gamit, ngunit sa huli ay nagbiro rin siya, na para bang sinusubukan pagaanin ang usapan. Si Doctor Romeo Sato, nasa late 50s, ang Royal Doctor—ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng pamilya sa kanilang kalusugan. Mula pa noong panahon ni King Ongpauco, lolo sa tuhod ni Robin, ay ang pamilya Sato na ang humahawak ng usaping medikal ng mga Ongpauco. Kaya naman, higit pa sa doktor, matalik na kaibigan na rin ang turing ng pamilya sa kanila. "I guess you’re right, Do
"JAZPER!" "Yes, Dad?!" Nag-aayos na si JV para pumasok sa opisina nang puntahan siya ng kanyang ama sa kwarto. Maayos ang suot nito—naka-americana, mahigpit ang kurbata, at kuminang pa ang leather shoes sa ilalim ng liwanag. Kahit nasa early 50’s na, bata pa ring tingnan ang kanyang ama, marahil dahil sa matikas nitong tindig at disiplinadong aura. Laging pormal, laging diretso, para bang laging nasa opisyal na pagpupulong kahit nasa bahay lamang. "I'm planning to have a dinner with the royal family maybe next week. So, I guess, you should make a room for it on your schedule." Seryoso ang tono ng ama, matatag ang boses habang nakatayo pa rin sa tabi ng pinto—parang isang heneral na nag-uutos. Napakamot ng gilid ng kilay si JV, napalunok ng bahagya. "Dad?!" "More than five years ka nang nandito sa Philippines, Jazper, and yet ayaw mong ipaalam sa kanila na nakabalik ka na? Ano ba talaga ang dahilan mo?" Parang tumigil ang oras kay JV. Napatingin siya sa sahig, nakakunot ang noo
“HMM… KAMUSTA NAMAN SA OFFICE NUNG WALA AKO?” Nakafocus si Adee sa paghimay sa chicken na nasa plato niya, kaya tinanong nya ito nang hindi nag aangat ng tingin kay JV. Pero sa totoo lang… hindi niya magawang tumingin kay JV dahil natatakot siya sa isasagot nito. Ngumiti pa si Adee sa sarili niya, aminado siya ang absurd ang sunod niyang itatanong. “Sinong nagpophotocopy ng mga mga documents na kailangan nila? Sinong nag-aayos ng mga table nila o bumibili ng kape para sa kanila bago mag coffee break? Tinitigan muna ni JV ang kaibigan ng ilang segundo. ‘Adee’s just too kind to a fault.’ Ang naglalaro sa isipan ni JV. Pero ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong gusto nya protektahan si Adee. He sighed. “Nung unang araw na wala ka, hinanap ka ni Miss Joyce. Nung sinabi naming naka vacation leave ka, nagulat siya. Hindi siya naniwala.” Tumawa si Adee. “Hindi ko siya masisisi JV. Hindi nga naman kasi kapanipaniwala na magbabakasyon ako bigla. Sa ilang taon kong pagtatrabaho
"WELCOME BACK BOTH OF YOU!"Bati ng Mahal na Reyna ng makapasok sa palasyo sila Adee at Robin. Inaabangan talaga sila ng Reyna dahil excited ito kung may pagbabago sa relasyon ng dalawa.Galing sila Adee at Robin sa three days and two nights nilang bakasyon na ang Reyna mismo ang nagplano. Nais ng Reyna na magkausap ang dalawa at kahit papaano ay maging magkaibigan. Masyado kasing mailap si Robin kay Adee at talagang pinapakita nito na ayaw niya sa dalaga.Umaasa ang Reyna na dahil sa bakasyon na iyon ay magkaroon ng chance na marinig ni Robin ang side ni Adee at maintindihan niya ito. Gusto rin ng Reyna na makita ni Robin ang beautiful sides ni Adee na hindi importante ang panlabas na itsura. Kahit hindi ito maporma, kahit hindi ito marangya mamuhay, kahit hindi ito nag-i-stand out sa ibang babae ay may taglay pa rin itong ganda na hindi basta basta makikita ng mga mata. Ito ang mga bagay na gusto ni Queen Helia na marealize at maintindihan ni Prince Robin.'Adee's so beautiful, it j
Ipinikit ni Adee ang kaniyang mga mata at dinama ang mga malambot na labi ni Robin. Nang mag-angat si Robin ng mga labi ay agad suminghap si Adee ng hangin. Hindi pa rin makapaniwala si Adee na nagawa siyang halikan ni Robin. Hindi rin niya lubos maisip kung bakit niya tinugon ang halik ng binata.Biglang naconcious si Adee nang titigan siya ni Robin. Hindi siya makapagsalita."I think I have to explain this to you. You see, Adee… Kissing is now a very common act. It's not like the old days where kissing is very symbolic. Kissing means nothing if not done with the one you love. I kissed that girl earlier but I don't love her. And I did it with you but I don't even like you."Tahimik na pinapakinggan ni Adee ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Robin. At pilit niya rin itong iniintindi."When you kiss the one you love it should be more passionate and full of emotions, diba?"
NAGISING SI ADEE DAHIL SA SINAG NG ARAW NA NAGMUMULA SA BINTANA NG KWARTO. Pagmulat ng mga mata niya ay nilibot niya ang tingin sa paligid. 'Sa kwarto ko?' Inalala niya ang mga nangyari nung gabi. Yung pagsama niya sa grupo ni Justin sa night bar. Yung paginom niya ng alak. At yung dalawang lalaking kumausap sa kanya sa bar. 'Leave my girl alone!' Biglang nag-echo sa isip niya yung mga salita, pati na rin ang boses, ni Robin. "Tinulungan ako ni Robin kagabi?" Bahagyang hinimas ni Adee ang gilid ng kanyang ulo, unti unti na siyang nakakaramdam ng pagsakit nito. "Hindi ba… panaginip lang iyon?" 'MY GIRL.' Tila ba'y isang chant na paulit-ulit naririnig ni Adee ang mga salitang 'yon sa kanyang isip. "Sinabi ba niya talaga yon? Bakit?" Umupo si Adee. Napatingin siya sa suot niyang T-shirt. Bigla ring pumasok sa isip niya yung umalis na sila ni Robin sa bar at inabot sa kanya yung shirt nito. Ngumiti si Adee. Pasimple niyang inamoy yung damit ni Robin. "Ito nga yung pabango ni