Share

Bayad Utang

 

 

“May dapat ka bang sabihin sa akin?” si Limuel. Sinilip nito si Tala na tahimik na nakaupo sa terrace, ang paboritong tambayan ng dalaga. Dito si Tala nagbabasa ng Bible at nagdarasal, bagay na tinuro sa kanya ni Dalisay. Dito rin siya nag-aaral at ngayon nga ay umiinom ng mainit na gatas bago siya matulog.

“Hmm?” nagtataka si Tala, napaisip siya bigla.

“W-wala. Meron ba?” kahit walang kasalanang maalala eh biglang kinabahan si Tala at na-guilty. Ano na naman?

“Sigurado ka? Tungkol sa school,” seryoso si Limuel, pumasok ito ng terrace at tumabi sa kanya. Napatayo si Tala, bigla.

“W-wala! Bakit may nangyari ba sa school? Wala akong ginawa…promise,” nagpapanic na sabi nito.

“Maupo ka nga, bakit ka natataranta kung wala ka naman palang dapat sabihin?” naupo na si Limuel sa bakanteng silya.

“E-eh kasi, wala talaga eh,” umupo na ulit si Tala

“Kahit 'yong field trip ninyo?”

 

Saglit na natahimik si Tala.

 

“Ah, 'yon…” tumango-tango lang si Tala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status