Share

Lintik Lang Ang Walang Ganti

 

 

Kanina pa paikot-ikot si Limuel sa tapat ng pintuan ng kwarto ni Tala. Tulala na naman ang babae nang dumating mula sa kung saan kanina. Hindi sigurado ni Limuel kung nagsimba ito. Pinuntahan niya ito sa simbahang madalas nilang puntahan. Naisip niya na kung doon siya magsosorry ay baka tuluyang patawarin na siya nito. Pero wala, namuti ang mga mata niya ay walang Talang nagsimba. Baka may kasamang ibang lalaki? P*tsa, hindi! No way, hindi ako papayag! Sa isip-isip ni Limuel.

 

Nang dumating ito ay balak niyang komprontahin. Kahit magwala ulit ito, kaso hindi niya magawa kasi tulala ang dalaga. Tahimik, isang emosyon na hindi pamilyar si Limuel kung paano atakihin. Aaaah! Gustong sabunutan ni Limuel ang sarili. Women drive me crazy! She drives me crazy! Hindi naman siya naging ganito ka-concern sa iba niyang naging girlfriends kapag nagkakaroon siya ng away sa mga ito.

 

“Hoy, sabihin mo, OPEN SESAME! Baka bumukas,” biro ni Nimuel na kanina pa pinanonood
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status