Share

Chapter 52: Alyansa

Prinsesa Atyrrah POV

Naguguluhan kong tiningnan ang aking kapatid. Pilit siyang ngumiti saka ako hinatak papunta sa aking kama. Pareho kaming umupo roon. Hinawakan niya ng mahigpit ang dalawa kong kamay saka siya nagsalita.

"Nagagalak akong makita ka, kapatid. Bakit ka bumalik? Hindi ba't sinabi kong manatili ka sa mundo ng mga tao?" Mahinhin niyang tanong pero naroon ang pag-aalala. Bagaman nakangiti ay kunot ang noo ng aking kapatid. 

"Nagbalat-kayo ang Reyna bilang ikaw. Sumama ako kahit alam ko ang katotohanan upang wala siyang gawing hindi ko gusto sa mundo ng mga tao" agad nagsalubong ang kilay ni Prinsesa Atirrah. Tumayo siya at tumingala. Sa ganoon niyang paraan pinakakalma ang sarili.

"Lapastangan talaga!" Sigaw niya. Tumingin siya sa'kin nang salubong ang kilay at habol ang hininga. "Maayos ka ba? Anong ginawa nila sa'yo? Sinaktan ka ba?" Tiningala ko siya saka itinaas ang aking braso kung nasaan ang sugat dulot ng palaso'ng pinalipad kanin

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status