Home / Romance / Professor Auntie, Will You Marry My Daddy? / CHAPTER 1 : THE FINISH LINE OF A LIE

Share

Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?
Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?
Author: Nikkinini

CHAPTER 1 : THE FINISH LINE OF A LIE

Author: Nikkinini
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-17 21:15:27

MAYA'S POV

“Go, Kenji! Wooo!”

Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang college instructor, ang maghapon na pagwawasto ng mga test paper ng mga pasaway kong estudyante ay biglang napawi.

Ngayong araw ang Grand Apex International Cup (GAIC). At ang boyfriend ko na si Kenji Sandoval ang nangunguna sa karera.

“And car number 7 crossess the finish line! Kenji Sandoval wins the championship!”

Gumalaw ang announcer sa giant LED screen.

Napatalon ako sa tuwa, halos maiyak habang nakikita ang sasakyan ni Kenji na nag-drifting sa gitna ng track. Proud na proud ako, syempre boyfriend ko 'yan!

Dali-dali akong bumaba mula sa VIP stands bitbit ang isang bote ng tubig at tuwalya. Gusto ko siyang salubungin sa pit lane bago pa siya dagsain ng mga reporter. At dahil girlfriend niya ako, kilala ako ng mga security guards kaya hinayaan nila akong makapasok sa restricted area.

Habang naglalakad sa hallway patungo sa awarding area, napansin kong nakatutok ang lahat ng tao sa mga monitor. May malalaking TV screens din sa bawat sulok. Ang kakaiba lang, imbis na magdiwang, biglang naging tahimik ang mga crew. Ang iba pa ay dahan-dahang lumingon sa akin, ang lalaki ng mga mata na tila naaawa.

Anong meron? Bakit ganyan sila makatingin?

Kusa ring napadako ang tingin ko sa pinakamalapit na screen. Live broadcast ang pinapalabas. Nandoon si Kenji, kakababa lang sa kaniyang race car, suot ang kaniyang racing suit. Pero hindi siya nag-iisa.

May isang babaeng tumakbo palapit sa kaniya. Naka-crop top ito at high-waisted shorts, fit na fit ang katawan. Agad na binuhat ni Kenji ang babae sa baywang at inikot-ikot ito.

Nalaglag ang hawak kong banner.

Ang puso ko, parang biglang piniga sa sakit. Hindi ako pwedeng magkamali. Kabisado ko ang mukha ng babaeng iyon. Si Chloe. Si Chloe na co-worker ko sa unibersidad, ang katabi ko sa faculty room na palaging nagtatanong tungkol sa mga hilig ni Kenji dahil 'fan' daw siya.

Sa harap ng daan-daang camera, sa harap ng milyong-milyong taong nanonood ng live telecast, hinawakan ni Kenji ang mukha ni Chloe at hinalikan ito nang matagal. Sa labi.

Tangina. Grabe, ang sakit pala kapag ang tiwala mo ay dinurog sa harap ng buong mundo. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig habang pinapanood silang magyakapan sa screen. Ang lalakeng inalagaan ko, ang lalakeng akala ko ay tapat sa akin, ay kasalukuyang nakikipagpalitan ng laway sa babaeng halos araw-araw kong kasama sa trabaho.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko. Ang mga bulungan ng mga tao sa paligid ay nagsisimula nang pumasok sa tenga ko.

“Hala, si Maya 'di ba 'yan? 'Yung totoong girlfriend?”

“Kawawa naman, pahiya sa buong bansa.”

Hindi ko kaya. Gusto kong magtago. Hindi ko kayang harapin si Kenji ngayon dahil baka makasakit lang ako ng tao. Humakbang ako pabalik, tumalikod, at nagsimulang tumakbo sa kung saan-saang direksyon sa loob ng arena para lang takasan ang mga matang nakatingin sa akin. Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang lumalabo ang paningin.

Nakarating ako sa isang pribado at tahimik na hallway kung saan nakalinya ang mga mamahaling locker room ng mga elite racers.

Nanghihina ang mga tuhod ko. Kailangan ko ng matataguan.

Nakakita ako ng isang pinto na may nakasulat na 'RESTRICTED: AUTHORIZED PERSONNEL ONLY.'

Bahala na. Pinihit ko ang door knob at mabilis na pumasok, sabay sara ng pinto sa likod ko habang nakasandal ako rito, humihingal at umiiyak.

“Ah... w-walanghiya,” bulong ko sa sarili ko, habang pinupunasan ang basang mukha.

“What the hell are you doing here?”

Isang malalim, baritono, at sobrang lamig na boses ang bumasag sa katahimikan ng kwarto.

Napatalon ako sa gulat at napatingin sa unahan. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Nakatayo sa gitna ng marangyang kwarto ang isang lalaki.

Half-naked siya at naka-racing pants lang na nakababa sa balakang, habang may puting tuwalya sa leeg. Kitang-kita ko ang perpektong six-pack abs at malalapad na balikat sa ilalim ng liwanag. Pero mas nakakatakot ang mukha niya. Matangos ang ilong, matalim ang panga, at ang mga mata ay parang yelong nakatitig sa akin.

Si Nikolai Sandoval.

Ang panganay na kapatid ni Kenji. Ang itinuturing na 'King of the Track,' ang multi-billionaire CEO ng Sandoval Group na kilala sa pagiging walang puso at suplado.

“I asked you a question,” seryosong ulit niya, habang dahan-dahang humahakbang palapit sa akin. May hawak siyang bote ng tubig at mukhang bagong ligo. “Bakit ka nandito? How did the security let a gold-digger like you slip inside my room?”

Aba, teka. Gold-digger? Mukha ba akong gold-digger sa lagay na 'to?

“H-Hindi ako gold-digger, Naligaw lang ako. At tsaka... m-may emergency.”

Nikolai smirked, a cold, mocking sound escaping his lips. Lumapit pa siya lalo, kaya naman napilitan akong sumandal nang husto sa pinto. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang cologne na may halong amoy ng shampoo.

“Emergency? Oh, right. I saw the screen,” sabi niya, sabay turo sa maliit na TV sa loob ng kwarto niya na nagpapalabas pa rin ng interview ni Kenji at Chloe.

“You’re Kenji’s background girl. So, pinanood mo kung paano ka ipagpalit ng kapatid ko sa mas kaakit-akit na babae, at ngayon ay pumasok ka sa kwarto ko para subukang akitin ako? Is that your backup plan to stay rich?”

Napanganga ako sa narinig ko. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'to! Oo, guwapo siya, pero ang ugali niya ay mas maitim pa sa gulong ng race car niya! Katatapos lang akong lokohin ng kapatid niya, at ngayon naman ay hinuhusgahan niya ang pagkatao ko?

“Excuse me? Mukha ba akong nang-aakit sa'yo?!” gigil kong sabi.

“Pumasok ako rito dahil kailangan ko ng matataguan! Hindi ko alam na kwarto mo 'to! At hinding-hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko para lang sa inyong mga Sandoval!”

“Then get out,” malamig niyang utos, sabay talikod sa akin na tila ba dumi lang ako na istorbo sa paningin niya. “I don’t waste my time with desperate women. Umalis ka bago ko tawagin ang security at ipakulong ka.”

Sasagot pa sana ako nang biglang may marinig kaming mga mabibigat na yabag ng sapatos sa labas ng pinto. Kasunod noon ang pamilyar na boses na naging sanhi ng pagkadurog ng puso ko ilang minuto lang ang nakalipas.

“Maya! Maya, nasaan ka ba?! Sabi ng security nakita ka nilang dumaan dito!” boses iyon ni Kenji.

Nanlaki ang mga mata ko.

Tumingin ako kay Nikolai na ngayon ay nakataas ang isang kilay sa akin at may mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi.

Kapag lumabas ako ngayon, mahuhuli ako ni Kenji at ng mga reporter na nakasunod sa kaniya.

Magiging malaking iskandalo ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 221 : REUNITE

    I have... a sister other than Chloe?A wave of confusion washed over my panic."She's your father's legitimate daughter. The true heiress of the Trinidads. The person who dared to sabotage my plans years ago... which ultimately led her to her... dēath."May ibang pamilya si Papa, alam ko iyon. Ang hindi ko alam ay kung may anak ba siya roon o wala. And now, Cleah's claiming I have a sister from my father, and she's dead because Cleah murdered her.Umayos siya ng tayo at humalukipkip, hindi inaalis ang nanlilisik niyang tingin sa akin."Years ago, I planned to drug Nikolai and lock him in his hotel room. I wanted him to be mine a long time ago, Maya. Ako ang nauna sa kaniya, kaya ako rin ang magiging huli niya. I made him drink a spiked aphrodisiac wine to secure him to me forever..." nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng isang madilim at kakaibang awra. "But your sister, Zephora—my so-called dear friend—drank a glass of that wine too, then ended up going to Nikolai's room instead

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 220 : TALA'S MOTHER

    Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. The thought of her touching Nikolai, of her replacing me after murdering me, made a wild, primal rage snap inside my chest.I wiggled my body violently on the chair, trying my best to get rid of those ropes so I could break free, launch myself forward, and smash her psychotic face.Pakawalan niyo ako! Pāpatayin kita, Cleah!Bigla akong hinawakan nang mahigpit ng dalawang lalaki sa magkabila kong balikat upang panatilihin ako sa silya. The heavy pressure bruised my skin, pero kahit ganoon, sinusubukan ko pa rin talagang kumawala habang tinititigan nang ubod ng sama si Cleah."Nikolai will save me, Cleah! He will save us—me and his children! Anong akala mo, kapag nawala ako, mamahalin ka niya? Nananaginip ka ba? Or are you just too fvcking blind to see? We have a family! He has a son with me! He promised to keep us and marry me! Don't make things too difficult for yourself! I'm not the one who ruined whatever fantasy you had! Ikaw! Ikaw ang may sinira

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 219 : ONE-SIDED

    Tuluyan ko siyang makita nang tumabi ang lider sa gilid at yumuko bilang paggalang.Cleah walked towards me like a queen, stepping into the dim light with an unbearable aura of arrogance. There was a glint of absolute satisfaction in her face, isang malaki at nakatatakot na ngiti ang nakapaskil sa kaniyang mga labi. Sumasayaw ang mahaba niyang white dress habang lumalakad siya palapit sa akin. She looked immaculate, yet she reeked of blood and malice.Umapaw ang matinding galit at kilabot sa aking buong katawan. She is really evil! Talagang gagawin niya ang lahat makuha niya lang ang gusto niya, even if it means killing innocent people and destroying lives without a single remorse!Matalim ang tingin ko sa kaniya habang nakaupo ako sa silya at nakagapos. She stopped right in front of me. Her smile grew even wider, stretching across her face like a demon enjoying its prize.Humalukipkip siya sa aking harapan, looking down at me as if I were a piece of dirt beneath her expensive shoes.

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 218 : BOSS

    Sinubukan ko ulit makinig, pero nag-iba na ang usapan nila, napunta na sa pagsusugal at kung magkano ang makukuha nilang pera.There's a woman here. It's not just me and my children. There's someone else also here, being locked up and tortured because of me. Nandito rin kaya siya sa silid na ito? Kung wala, nasa ibang silid? I didn't even know what kind of place we're in! Nasa bodega ba kami? Sa lumang bahay? Shit!At anong gagawin nila sa akin? Why am I the target? What do they want from me? The thought of the enemy watching me, planning this sophisticated abduction, chilled me to my bones. It wasn't just a random heist, it was a personal, calculated vendetta.Hindi ko na alam kung anong oras na, basta narinig ko na lang na may biglang bumagsak sa aking harapan, kasabay noon ang isang galit na boses sa aking gilid."Kumain ka!"Kasabay noon ang pagtanggal niya sa aking piring. Agad kong ipinikit ang aking mga mata nang tumama ang nakakasilaw na liwanag ng bumbilya sa aking mukha. Kin

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 217 : WOMAN

    MAYA'S POVAkala ko katapusan ko na. All I could think about were my two children. Nasaan sila? Ligtas ba ang mga anak ko? The sheer terror of not knowing where they were was eating me alive. Before the darkness completely consumed my mind earlier, the last thing I remembered was the sound of their small, terrified screams.A mother's worst nightmare is being powerless to protect her own blood, and that realization was tearing my soul apart.Nagising ako sa isang kaluskos sa aking paligid. When I tried to open my eyes, itim na itim ang nakikita ko. My eyes were covered with a thick, dark fabric. Nakaupo ako sa isang silya habang nakatali nang mahigpit ang aking mga kamay at paa.Sinubukan kong igalaw ang mga pulso ko, pero bawat kilos ko ay lalong bumaon ang magaspang na lubid sa balat ko.Kinabahan agad ako. Panic seized my throat.I heard heavy footsteps nearing me. Napaayos ako ng aking upo, lubos na kinakabahan habang sinusubukang pakiramdaman at tignan ang mga taong iyon kahit pa

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 216 : SAVE

    NIKOLAI'S POV"I need your help."Humalakhak ulit siya, a sound that made my blood boil.Fvck this man!"Uh-uh, where's your so-called family security? Useless? Now you're crawling back to me to seek help? What's our deal this time, Sandoval?"Nilagok niya ang kaniyang whiskey saka tumayo. He towered over the space, radiating power and dominance, treating my agony like a comedy show. Alam kong aabot sa ganito ang usapan, pero pwede bang mamaya na iyan? I have a family to save for God's sake! Minutes matter!"Rustom. I need your men. The fraternity..."Sumenyas siya sa kaniyang mga tauhan na ibaba ang mga baril nito bago ako hinarap, both hands in his pockets."The fraternity isn't someone to clean your ass, Nikolai. None of the members use the fraternity to save someone's life who isn't even part of it. The person you want to save is not one of us. Not even you... anymore. You know the rules, Nikolai. Once you're out, there's no coming back."My jaw tightened."I know the rules! Fvck,

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 2 : THE BILLIONAIRE'S DISDAIN

    “Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 5 : THE PROFESSOR'S COUNTER-ATTACK

    “Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 4 : THE OUTRAGEOUS PROPOSAL

    Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m

  • Professor Auntie, Will You Marry My Daddy?   CHAPTER 3 : THE LITTLE RUNAWAY

    “Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status