ログイン“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”
Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai. “You think marriage is just a business transaction? Isang kontrata para lang may taga-alaga ang anak mo at para makaganti ako sa kapatid mo? Pwes, ibahin mo ako, Nikolai Sandoval! Hindi nabibili ng pera niyo ang pirma at ang buhay ko!” bulyaw ko sa kaniya. Nikolai just raised an eyebrow, completely unfazed by my outburst. “It’s a win-win solution, Maya. I can give you a blank check. I can give you a life that ordinary women can only dream of. Lahat ng karangyaan, ibibigay ko sa’yo kapalit lang ng pag-aalaga kay Tala.” “I don’t care about your blank check! I*****k mo 'yan sa baga mo!” gigil kong sabi. Dahan-dahan kong inihiga si Tala sa maluwag na upuan ng SUV at kinumutan siya ng aking basang jacket. Pagkatapos ay pinihit ko ang pinto ng kotse at mabilis na bumaba sa gitna ng tumitilang ulan. Bago ko isara ang pinto, hinarap ko muli si Nikolai na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin mula sa loob. “Para sabihin ko sa’yo, hindi lahat ng bagay sa mundo ay nadadaan sa pera at kapangyarihan. At hinding-hindi ko ibebenta ang sarili ko sa isang aroganteng katulad mo. Maghanap ka ng ibang nannying mapapangasawa mo!” Buong lakas kong isinara ang pinto ng kaniyang mamahaling sasakyan. Naglakad ako palayo at agad na pumara ng isang dumadaang taxi. Pagkaupo ko sa loob ng taxi, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Umuwi ako sa maliit kong apartment, naligo, at umiyak hanggang sa makatulog. Umiyak ako para sa panloloko ni Kenji, at sa kamalasan na nakatagpo ko ang kaniyang siraulo at baliw na kapatid. Kinaumagahan, pumasok ako sa unibersidad na may malalaking eye bags. Sinalubong ako ng mga mapanuring tingin ng mga kapwa ko guro sa faculty room. Halatang pinag-uusapan na nila ang viral video ni Kenji at Chloe kahapon. Mabuti na lang at absent si Chloe ngayon, marahil ay nahiya o natatakot na makaharap ako. Pinilit kong magpakapropesyonal. Inayos ko ang aking salamin, binuhat ang aking mga libro, at naglakad patungo sa aking unang klase sa malaking lecture hall. ‘ Kailangan kong mag-focus. Trabaho muna bago ang heartbreak, maganda naman ako,’ sabi ko sa sarili ko. Pagpasok ko sa pinto ng lecture hall, agad na tumahimik ang halos limampung college students ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin nang may halo-halong awa. Dumiretso ako sa podium at ibinaba ang aking mga gamit. “Good morning, class. Open your textbooks to page 145. Today, we will discuss—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto sa likod ng lecture hall. Ang lahat ng estudyante ko ay sabay-sabay na napalingon. Ang ilan sa mga kababaihan ay napa-singhap pa, habang ang iba naman ay nagsimulang magbulungan nang napakalakas. “Oh my god… Is that who I think it is?” “Si Nikolai Sandoval ba 'yan? Bakit siya nandito sa school natin?!” "I expected Kenji Sandoval, not Nikolai Sandoval!" Dahan-dahang napadako ang tingin ko sa likod ng classroom. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas ng aking dibdib sa tindi ng gulat at inis. Nakatayo sa may pintuan si Nikolai Sandoval. Suot niya ang isang napakamahal at perpektong fit na gray tailored suit, naka-dark sunglasses, at may hawak na isang simpleng notebook at ballpen. Ang kaniyang aura ay napakalakas, tila ba hindi siya papasok sa isang classroom kundi sa isang international boardroom meeting. Tinanggal niya ang kaniyang sunglasses, isinabit ito sa kaniyang bulsa, at tumingin nang diretso sa akin. Isang mapang-asar at aroganteng ngiti ang sumilay sa kaniyang guwapong mukha. Naglakad siya patungo sa pinakahuling row ng mga upuan. Umupo siya roon, sumandal, at itinaas ang kaniyang hawak na notebook. “Good morning, Professor Trinidad,” bati niya. “I’m here to audit your class… and your life. Don't mind me, please continue your lecture.” Nanggigil ang mga kamay ko habang hawak ang aking chalk. Ang antipatikong ito, talagang hinamon ang pasensya ko sa sarili kong teritoryo! Huminga ako nang malalim at pilit na ngumiti. Kung akala niya ay mauuto niya ako sa ganitong eksena, nagkakamali siya. Dalawang taon akong nagtuturo ng macroeconomics, at hindi ako magpapatalo sa isang racer na tulad niya! “Oh, we have a guest today,” panimula ko, habang nakatitig nang matalim kay Nikolai. “Since everyone is distracted, let's test our guest's intellectual capacity. Mr. Sandoval, since you are auditing my class, maybe you can answer the question on the board.” Isinulat ko sa whiteboard ang isang napakahirap na formula tungkol sa inflation rate projections at aggregate demand elasticity. Ang mga estudyante ko ay napasinghap. Alam nilang pang-Ph.D. level ang tanong na 'yun. “Please explain how a shift in fiscal policy affects the equilibrium under this model, Mr. Sandoval,” hamon ko sa kaniya, sabay cross ng aking mga braso. “Kung hindi mo masasagot, I’m afraid you have to leave my classroom. I don't tolerate freeloaders.” Umayos ng upo si Nikolai. Imbis na mapahiya, mas lalo siyang ngumiti nang nakakaloko. Tumayo siya, nilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon, at dahan-dahang naglakad pababa patungo sa podium. Bawat hakbang niya ay sinusundan ng tingin ng mga estudyante kong babae na parang hihimatayin na sa kilig. Huminto siya sa tabi ko. Ang bango niya— Erase!Kinuha niya ang marker sa kamay ko, at sa proseso ay sinasadya niyang dapiin sa kaniyang maiinit na daliri ang palad ko. Napalunok ako. Kinaladkad niya ang marker sa board at nagsimulang mag-solve. Sa loob lang ng dalawang minuto, dire-diretso niyang naisulat ang perpektong explanation. Pambihira. Nakalimutan kong bukod sa pagiging racer, may master's degree pala ang kumag na ito mula sa isang Ivy League school sa ibang bansa! Ha.ha.ha. “An expansionary fiscal policy shifts the IS curve to the right, increasing both output and interest rates, Professor,” aniya,habang nakatitig siya sa mga labi ko. Iniabot niya sa akin ang marker. “Anything else you want me to solve? Like… the formula to your heart?” “Yieeeeee!” “Oh my god, sana all pinupormahan ulit ng racer! When kaya?!” "Kung hindi pwede sa bunso, Doon tayo sa kuya!" "Hello, Love, Goodbye Kenji. Hello, I will love you forever, Nikolai. Atake!" "Prof! Mamigay ka naman! Share your blessings! Ang haba ng hair mo, saan ka nagpa-salon?!" Umingay ang buong lecture hall. Namula ang buong mukha. “Quiet, class! Or I will give you a pop quiz right now!” sigaw ko. Agad silang tumahimik pero pabalik-balik pa rin ang tukso sa kanilang mga mata. Bago pa man ako makaganti ng salita kay Nikolai, biglang bumukas muli ang pinto ng classroom nang napakalakas. "Mommy Maya!” Isang maliit at masiglang boses ang umalingawngaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Tala na pumasok sa loob ng lecture hall. Suot niya ang kaniyang kinder school uniform, pero ang mas nakakakuha ng atensyon ay ang bitbit niyang malaking pink Disney princess lunchbox. Naka-sunod sa kaniya ang kaniyang bodyguard na si Leo, pawis na pawis at mukhang hindi alam kung paano pipigilan ang munting prinsesa. “Tala? Bakit ka nandito?” gulat kong tanong habang mabilis na lumapit sa kaniya. Tumakbo si Tala at agad na yumakap sa bewang ko, itinataas ang kaniyang lunchbox. “I sneaked out of my school, Mommy! I told Driver Leo to bring me here! I made a sandwich for you kasi sabi ni Daddy hindi ka daw kumain ng dinner kagabi dahil nag-away kayo! Look, may heart-shaped cheese pa 'to!” Nalaglag ang panga ko. Mommy?!!!! Lumingon ako sa mga estudyante ko. Ang buong klase ay parang nanonood ng isang live K-drama episode. May mga nakanganga, may mga nagpipigil ng tili, at ang iba naman ay nagvi-video na gamit ang kanilang mga cellphone. “Tala, sweetie, hindi mo ako mommy—” susubukan ko sanang magpaliwanag pero agad na sumingit si Nikolai. Lumapit siya sa amin at binuhat si Tala gamit ang isang braso, habang ang isa naman niyang kamay ay dahan-dahang ipinatong sa bewang ko. “See, sweetheart? I told you your Mommy Maya is busy teaching,” malambing na sabi ni Nikolai kay Tala, pero ang mapang-asar niyang tingin ay nakatutok sa akin. “But since you brought her lunch, maybe we can have a family picnic inside her office?” ‘ Tangina! Iligtas niyo ako sa mag amang 'to! ’ “Yes! Family picnic!” pumalakpak si Tala sa tuwa. Tumingin ako kay Nikolai, nag-aapoy ang mga mata sa hiya habang nararamdaman ko ang hawak niya sa bewang ko. Ang lalaking ito, talagang ginagamit ang sarili niyang anak para i-corner ako! “Nikolai Sandoval, bitawan mo ako kundi—” banta ko sa kaniya sa mahinang boses. “Kundi ano, Professor?” bulong niya pabalik, at mas lalong inilapit ang mukha niya sa akin sa harap ng limampung nagwawalang estudyante. “Reject me all you want in private, Maya. Pero dito, right in front of your students, hindi ako aalis hangga't hindi mo tinatanggap ang proposal ko.”Yumakap ako nang mahigpit kay Aling Pia habang tuluyan ng humagulhol nang napakalakas sa ibabaw ng kanyang balikat, inilalabas ang lahat ng takot at kabiguan ko.No! Not with Nikolai! Hindi pwede ito! Ayaw kong magkaroon ng panibagong dugtong sa pamilyang 'yon! I have already promised and sworn to my own heart na hinding-hindi ko na kailanman hahayaan ang sarili ko na makipag-ugnayan muli sa buhay niya! At hindi ko man lang alam kung magiging masaya ba ang lalaking 'yon kung malalaman niya ang tungkol sa batang ito......Nakatulala pa rin ako habang dahan-dahan akong hinahatak at inaalayan ni Aling Pia palabas ng banyo."Lilipat na lang muna tayo sa ibang mas maayos na kainan, Angela... Wala rin namang masasarap at masusustansyang pagkain dito na pwede mong kainin para sa kalusugan ng baby mo. Tsaka mamaya pagkatapos nating kumain ay mamimili na rin tayo ng mga maluluwag at komportableng gamit mo habang nagdadalawang-tao ka ngayon..." patuloy na daldal ni Aling Pia habang hawak ang ka
Mabilis akong tumakbo patungo sa direksyon ng pambabaeng banyo.Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa loob ng cubicle, marahas na akong napaduwal at sunod-sunod akong nagsuka sa inidoro. Parang nilalabas ng buong katawan ko ang lahat ng dumi sa loob ng sikmura ko. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang presensya ni Aling Pia sa aking likuran, mabilis niya akong nilapitan at inalalayan. Inabot niya ang aking mahabang buhok upang hawakan paitaas habang banayad niyang hinahaplos ang aking likuran."May mga partikular ka bang espesyal na pagkain na gustong-gusto mong kainin ngayon, Angela? Sabihin mo sa akin," mahina niyang tanong sa gitna ng paghimas niya sa likod ko.Umayos ako sa aking pagkakatayo mula sa pagkakasubsob sa inidoro at mabilis na kumuha ng ilang piraso ng tissue sa dispenser upang maingat na punasan ang bibig, bago ko mabilis na ini-flush ang toilet.Nilingon ko ang mukha ni Aling Pia at marahan akong umiling sa kanya habang hinahabol ang hininga.Sa totoo lang, nitong m
I felt so incredibly out of breath, parang biglang sinakal ang leeg ko sa kilabot ng realisasyon. Nanlabo ang aking paningin sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng aking mga luha habang nakatitig sa hawak kong pekeng pagkakakilanlan."L-Lola.....""Ang iba pang mahalagang dokumento at pera na kailangan mo sa biyahe ay maayos ko nang inilagay sa bag mo, apo. Mag-iingat ka palagi... Mahal na mahal ka ni Lola," mabilis niya akong hinila para halikan ako sa noo, bago niya binitawan ang mga kamay ko.Marahas akong umiling habang patuloy na humahagulhol, at balak ko pa sanang iangat ang aking mga braso para hawakan siya at hindi makaalis, nang bigla kong maramdaman ang biglaang kamay ng dalawang tao sa aking magkabilang braso para pigilan ako."Lola! Ayaw kong umalis! Lola, pakiusap huwag mo akong iwan dito!" malakas kong hiyaw nang makita kong dahan-dahan na siyang tumalikod at nagmadaling humakbang pababa ng cargo ship nang hindi na lumingon muli.Humagulgol ako nang husto habang pilit na nagpupum
"Lola, anong pinagsasabi mo? Anong tatakas? B-Bakit po? Ano pong nangyayari?!" natataranta kong tanong habang mabilis na lumalapit sa pwesto niya nang tuluyan na niyang mai-lock ang zipper ng duffel bag.Hindi niya ako binigyan ng kahit kaunting sulyap. Nagmadali siyang tumayo mula sa sahig at humablot ng isang pormal na jacket mula sa hanger tsaka iyon itinapon sa direksyon ko."Magbihis ka na ngayon din, Maya! Huwag ka nang mag-aksaya oras!" nanginginig niyang utos.Is this a complete nightmare, or am I just dreaming?Hindi ko na lubos na maunawaan ang biglaang pagbabago ng kilos at takbo ng utak ni Lola Rita ngayon. Kanina lang bago kami matulog ay napakasaya at napakapayapa naming nagkukwentuhan tungkol sa buhay sa probinsya, bakit ngayon ay ganito na lang angpanic niya? Kung isang prank naman ito para asarin ako, hindi mahilig si Lola sa mga ganyang klase ng biro. At kung totoong may malaking panganib nga... anong dahilan? Ano ang atraso ko?"Maiah Angela!"Napatalon ako sa gula
It felt deeply nostalgic to finally be home after all the trauma in the city.Bumaba ako sa traysikel matapos kong magbayad ng pamasahe sa driver. Sinalubong agad ako ng isang napakalakas at napakasariwang hangin ng dagat, dahilan para magliparan ang aking mahabang buhok. Sa medyo malayong dako ng baybayin, mabilis na natanaw ng aking mga mata ang bulto ni Lola Rita na kasalukuyang nakaupo sa may tabi ng dalampasigan, masayang-masaya na tumatawa habang nakikipagkwentuhan sa mga kapitbahay namin.I smiled gently habang nakatitig sa kanyang inosente at payapang mga ngiti mula sa malayo.I missed her so much."Nako! Sinasabi ko sa inyo, 'iyong kaisa-isa kong apo na si Maya, isang sikat na propesor yun sa malaking unibersidad sa Maynila! Napakagaling at napakatalino pa ng batang yun, siguradong matutulungan ka niya sa mga reviewers mo kapag nag-kolehiyo ka na, hija! Napakabait ng apo ko, sobrang nagmana sa kagandahan ko!" marahan kong narinig ang pagmamayabang ng boses niya sa mga kausa
Inalo at pinatahimik ako ni Luna habang pinapakalma din ang sarili niya. Pagkatapos niyon ay pormal ko nang isinalaysay sa kanya ang lahat ng kwento—lahat, mula sa pananakot ng unang death threat sa pulang kahon sa Boracay, hanggang sa bawat detalye ng nalaman ko sa aking Ina. Hindi lang siya tahimik na nakinig sa akin, kundi mas lalo pang nag-alab ang galit sa kanyang mukha sa naging huling deklarasyon ko tungkol kay Nikolai."If that goddamn C.S. is truly the mastermind behind my sudden framing and imprisonment... then isn't that person powerful and dangerous enough to trace us, Maya? Kung kaya niya akong ipatapon at ikulong dito sa loob ng selda nang walang kahirap-hirap... mas malala ang balak niyang gawin sa sayo kapag nanatili ka riyan sa tabi nila," natataranta niyang saad.Umiling ako sa kanya. "I am completely leaving the Sandovals, Luna. Tapos na ako sa kanila. I am breaking the contract."Hindi niya inaasahan ang naging pinal kong desisyon."Maya, do you honestly think that
MAYA'S POV“Go, Kenji! Wooo!”Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang co
“Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h
Halos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new m



![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



