LOGINHalos lumabas ang mga mata ko sa gulat. Tumingin ako kay Nikolai na kasalukuyang nakatitig sa amin na parang nakakita ng multo. Ang mukha niya kanina na punong-puno ng galit ay biglang napalitan ng matinding kalituhan.
“No! I won’t go home unless Auntie Maya comes with us! I want her to be my new mommy!” patuloy ang pag-iyak at pagwawala ni Tala habang lalong isinusubsob ang mukha niya sa balikat ko. Basang-basa na ang damit ko sa luha niya, pero wala akong magawa dahil baka mahulog siya kapag binitawan ko. Kani-kanina lang nais niya ako maging nanny niya tapos ngayon naman, gusto niya akong maging mommy?! Ganyan kabilis? Walang pagdadalawang isip baby girl?! Tumingin si Nikolai sa labas ng convenience store. Dahil sa ingay, nagsisimula nang mag-usisa ang ilang tao sa labas, at baka may makakilala pa sa kaniya bilang isang sikat na racer. “Fine,” labag sa loob na sabi ni Nikolai. ‘ Akala mo rin ba natutuwa ako?! Hindi Uy! ’ Tumingin siya sa akin nang matalim. “Sumama ka sa amin sa kotse. Ngayon na.” “Aba, at bakit ako sasama sa’yo? Sino ka ba sa akala mo?” asik ko sa kaniya habang inaayos ang pagkakahawak kay Tala. “Hindi mo ako pwedeng utusan, Nikolai Sandoval!” “Gusto mo bang makasuhan ng kidnapping dahil ayaw mong bitawan ang anak ko?” banta niya, kahit alam naman naming dalawa na si Tala ang ayaw bumitaw sa akin. “Sumakay ka sa kotse kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga bodyguard ko sa harap ng maraming tao.” Sa tindi ng inis ko, wala akong nagawa kundi magmartsa palabas ng convenience store habang karga-karga si Tala. Pinagbuksan kami ng pinto ng isang bodyguard sa likod ng mamahaling Mercedes-Benz SUV. Pagkaupo ko, pumasok din si Nikolai at tumabi sa akin. Sobrang luwag ng sasakyan pero pakiramdam ko ay sumisikip ang espasyo dahil sa bigat ng presensya ng lalaking ito. Sa buong biyahe, hindi bumitaw si Tala sa akin. Nakaupo siya sa kandungan ko habang dahan-dahang tumatahimik dahil sa pagod. Ang nakakainis pa, kinuha ni Tala ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay ng tatay niya, pagkatapos ay pinagdaop niya ito. Nakuryente ang buo kong katawan nang magkadikit ang mga palad namin ni Nikolai. Agad ko sanang hihilahin ang kamay ko, pero bago ko pa magawa 'yun, dinala ni Tala ang pinag-isang mga kamay namin sa kaniyang pisngi habang natutulog. Napilitan kaming manatili sa ganoong posisyon. Tumingin ako sa bintana para itago ang pamumula ng mukha dahil sa awkwardness. ‘ Shutek! Ano ba itong pinasok ko? Na-stress ang kagandahan ko ah! ’ Mabilis kong sinulyapan si Nikolai—nakatingin lang din siya sa labas, pero ramdam ko ang paninigas ng mga muscle sa braso niya. Habang natutulog ang bata, nakita kong kinuha ni Nikolai ang kaniyang tablet. Pindot siya nang pindot, at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin. Hindi ko alam na kasalukuyan niya palang sine-search ang buong background ko. Gamit ang kaniyang koneksyon, mabilis niyang nakuha ang profile ko: Maya Trinidad, 28 years old, Summa Cum Laude graduate, at kasalukuyang iginagalang na College Instructor sa isa sa pinakasikat na unibersidad sa Pilipinas. Walang bahid ng dumi ang pangalan ko. Hindi ako gold-digger. Akala mo ah! Kahit ganito lang ako pero latin honor to no! Nakalaban ko kaya si Einstein sa quiz bee! Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Nikolai habang ibinababa ang tablet. Maya-maya pa, nagsalita siya sa kaniyang driver. “Leo, pull over.” Huminto ang marangyang SUV sa gilid ng isang tahimik at madilim na kalsada. Lumingon sa akin si Nikolai. Ang kaniyang mukha ay seryoso, malamig, at tila may kinakalkulang malaking business deal. “My brother cheated on you in front of the whole country. You are humiliated, and you probably want revenge,” panimula niya, diretso ang tingin sa aking mga mata. “On the other hand, my daughter just fired her tenth nanny this morning. She hates everyone, but she miraculously listens to you.” Napakunot ang noo ko. “Anong punto mo?” Inayos niya ang kaniyang pagkakaupo at sumandal. “You need a rebound to save your pride from Kenji. And I need a mother figure for Tala so she won’t run away again. Let’s solve both our problems, Professor Trinidad. Let’s get married.”Hinampas ko siya sa kaniyang balikat. Humalakhak siya at inilayo ang mukha sa akin. Binunot niya ang cellphone sa kaniyang bulsa bago ito ibinigay sa akin.Kinuha ko iyon mula sa kaniya at inirapan siya. "Baliw."Tumawa lamang siya at bumalik sa kaniyang ginagawa na parang walang nangyari.Mabilis kong tinipa ang number ni Chloe. Hindi ko kasi kabisado ang bagong numero ni Luna dahil pinalitan niya iyon. Nagpatuloy naman si Nikolai sa kaniyang pagluluto, sumandal ako sa countertop habang pinagmamasdan siya sa kaniyang ginagawa, hinihintay ang pagsagot sa kabilang linya."Hello?" boses iyon ni Chloe sa unang ring pa lang. Ngunit bago pa ako makapagsalita— "Tara na! Chloe! Tangina nito, nakikipagtawagan pa sa mga lalaki niya!" narinig kong boses naman ni Luna sa background.Napalunok ako bigla. Puno ng tensyon at mukhang nagkakagulo nga sila roon."Baliw! May tumatawag na unregistered number!" sagot naman ni Chloe sa kaibigan ko, pilit itong pinatatahimik. "—Baka scammer iyan, hingan
It's been one day since we started investigating. We talked a lot yesterday about the past, siyempre. Masakit, nakakapagod, pero kahit paano ay nabawasan ang tinik sa dibdib ko.Kaya nga lang, dahil sa dami ng nalaman ko, ngayon ko lang din naalala na hindi ko pa pala natatawagan sina Luna! Imposibleng hindi sila nagpapanic sa pagkawala ko!Pumasok ako sa kusina, at naabutan ko kaagad si Nikolai na seryosong nagluluto. Bahagya akong tumigil sa may hamba ng pintuan at tahimik siyang pinagmasdan mula sa likod. He was wearing nothing but sweatpants, showing off his broad shoulders and the flexing muscles of his back as he moved around the kitchen.Biglang gumuhit ang tipid na ngiti sa aking labi. Feeling ko, panaginip lang ang lahat ng ito. Sa isang gabi lang, biglang nagbago ang takbo ng mundo ko.Tila naramdaman niya ang presensya ko kaya lumingon siya sa aking pinanggalingan.Naabutan niya akong parang sirang nakangiti habang nakatitig sa kaniya kaya naman agad na tumaas ang kaniyang
Looking back, I was just a simple woman who deserved to love and be loved. Ang gusto ko lang naman noon ay mamuhay nang payapa, bigyan ng magandang buhay si Lola, at piliin ang kaunting kasiyahan para sa sarili ko. Pero nang dahil lang sa isang desisyon, nagbago ang lahat."If I didn't enter your lives, siguro hindi nangyari ang lahat ng 'to. If I didn't allow myself to get tangled with you and your family, siguro maayos at tahimik ang buhay nating lahat ngayon," sambit ko. Pero kahit na ganoon, kahit sa kabila ng pagpili ko sa maling desisyon na iyon, may parte pa rin sa akin ang masaya... dahil nagkaroon ako ng anak na nagpabago sa buhay ko, at nakilala ko ang kapatid ko."Wala akong choice kundi ang umalis at magtago. Hindi ko alam na na-aksidente ka, wala akong alam! Pinagtago ako ni Lola sa ibang bansa para protektahan ako, at doon ko lang nalaman ang balita. At iyong mga faked footage? Lahat ng iyon ay napanood ko habang nagtatago!" Habang pasan ko ang anak mo!Narinig ko ang
Para akong nasisiraan ng ulo habang nakatitig sa screen. How come he didn't know? Kung hindi nga siya nagpa-interview noon, sino ang lalaking nasa video na kamukhang-kamukha niya? Sino ang may sapat na kapangyarihan para manipulahin ang media sa ganoong kalaking iskandalo? At talaga bang hindi alam ng pamilya niya ang tungkol dito? O baka naman sadyang hindi lang ito nai-ere sa mga legal na channel kaya hindi nakarating sa kaniya?"I'll get my men to investigate this," matigas niyang sambit habang may tinatawagan sa kaniyang cellphone. Ang kaniyang boses ay mariin, puno ng galit.Nasa sala kami ngayon. Nakaupo ako sa malamig na sahig kaharap ang laptop niya habang pinapanood namin ang interview na pinalabas pitong taon na ang nakalipas. Matagal din bago namin ito nahanap sa internet. Nakalagay ito sa isang tagong illegal site, at ang television logo na ginamit ay peke—the company wasn't even registered.Isa lang ang ibig sabihin nito. Someone faked it. And who? Sino ang may ganito k
"Anong ibig mong sabihin? You're in love with me? Seriously?" sarcastic kong sambit. Umayos ako ng tayo at pinagmasdan siya nang maigi, hinahanap ang anumang bakas ng pagiging peke sa kaniyang mukha.He just stared at me directly, his eyes wide and intense, saying absolutely nothing. At kahit sa gitna ng nag-aalab kong galit, traydor na unti-unting tumibok nang mabilis ang puso ko. Napahawak ako sa aking dibdib at doon ay bigla akong natawa—isang tawa na nagsimula sa mahina hanggang sa tuluyan itong lumakas, puno ng pait at kawalan ng paniniwala."Are we playing a game right now, Nikolai? You want to talk about the past? Bakit biglang dinala mo sa ganiyang usapan? Oh, let me guess... you're still in the game? Hindi ka pa ba tapos sa pagpapaikot sa akin?" nailing kong sabi. Pinalis ko ang mukha ko, pinatuyo ang luha ng galit kanina na ngayon ay nahaluan na ng luha mula sa mapakla kong pagtawa.Kaso, nanatili siyang tahimik. Nakatingin pa rin siya sa akin, ang kaniyang mga mata ay lum
"Wow, Nikolai, galing pa talaga sa 'yo iyan?" Marahas kong binawi ang aking kamay at buong lakas siyang itinulak palayo. He wants the past, right? Then fine! "Those memories were just part of a contract, right? Para lang kay Tala! I didn't even know you! I just knew you as Kenji's brother! Even when we had those times together, I didn't know the real you! Hindi ko nga alam kung anong mga ayaw at gusto mo! Hindi ko alam ang mga pinakamaliliit na detalye ng buhay mo! At ang pinakamasakit... hindi ko nga rin alam kung sino ang totoong ina ni Tala, anong nangyari, at bakit kayo iniwan! Lahat ng iyan! Nikolai, wala akong alam!" sigaw ko sa kaniya habang duro-duro ko siya sa kaniyang dibdib. Tinitigan niya lang ako, hinahayaan ang paglabas ng emosiyon ko. Unti-unting nagbalik ang pamilyar na sakit ng nakaraan sa akin.Sumikip ang dibdib ko habang tinatanaw siya sa harapan ko ngayong tila hirap na hirap din.Tangina, anong karapatan niyang masaktan? Eh, lahat naman ito, wala lang sa kani
“Ano?! Kasal? Nababaliw ka na ba?!”Halos mapasigaw ako sa loob ng kotse. Mabuti na lang at malalim na ang tulog ni Tala kaya hindi siya nagising. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at dinala ang sarili ko palapit sa pinto ng kotse, palayo kay Nikolai.“You think marriage is ju
“Huhuhu… Daddy… Where are you?”Mas lalong lumakas ang iyak ng bata habang sumasabay ang buhos ng ulan. Bilang isang mabuting tao, lumapit ako, binalewala ang sarili kong basang damit at ang sakit sa puso. Agad akong lumuhod sa harap niya para mapantayan siya.“Hey, sweetie… Bakit ka nandito sa ula
“Maya! Maya, babe, are you in there?!”Palapit nang palapit ang boses ni Kenji. Naririnig ko na rin ang ingay ng ilang reporter na sumusunod sa kaniya, nagtatanong tungkol sa kontrobersiyal na halik nila ni Chloe sa live broadcast. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sasabog na yata ako sa halo-h
MAYA'S POV“Go, Kenji! Wooo!”Halos mawalan ako ng boses sa pagsigaw habang iwinawagayway ang hawak kong banner sa VIP section ng Grand Apex Velocity Arena. Ang ingay ng paligid. Bawat ugong ng makina ng mga sports car ay yumayanig sa dibdib ko. Pero wala akong pakialam. Lahat ng pagod ko bilang co







