Ang Playboy Mayor
“Mayor, kailangan na po nating mag-ingat.” Iyon ang unang sinabi ni Katey matapos basahin ang death threat. Mahigpit ang kapit niya sa sobre, at ramdam ang tensyon sa opisina. Tahimik ang staff na nasa paligid, halatang nag-aalala. Ngunit sa halip na kabahan, tumawa lang si Calvin. “Death threat? That’s new. Usually, love letters ang natatanggap ko.” Seriously? Halos mapahampas si Katey sa noo. “Mayor, this is not a joke. Someone wants you dead.” Umirap lang si Calvin at naglakad papunta sa bintana. Mula roon, tanaw ang mga taong abala sa labas ng City Hall. “Katey, if I let every threat scare me, hindi na ako makakapagtrabaho. Politics isn’t for the faint of heart.” “Politics, yes. Pero kung patay ka na, wala ka nang matutulungan.” Diretsong sagot ni Katey, sabay akmang agawin ang papel. Ngunit mabilis na itinaas ni Calvin ang kamay, ayaw ibigay agad. “Relax, Detective-wannabe,” biro niya. “I’m fine. Besides, hindi ba ikaw nga ang nandito para protektahan ako?” Bahagyang nanginig ang panga ni Katey. “Bodyguard ako, oo. Pero hindi ibig sabihin noon na ipapahamak mo sarili mo para lang may maipakita kang tapang.” Tumawa lang si Calvin, pero halatang may bahagyang seryosong timpla na sa boses niya. “Don’t worry. Hindi ako basta-basta nagpapatalo. Hindi lang ako pretty face, you know.” Pretty face? Wow, ego level 100. Pinilig ni Katey ang ulo. “Well, congrats. You’ll be a pretty corpse if you don’t listen.” --- Kinabukasan, maaga silang lumabas para sa isang proyekto ng mayor—feeding program sa isang barangay. Habang nasa loob ng SUV, nakaupo si Katey sa tabi ni Calvin. Tahimik siyang nag-oobserve, panay tingin sa paligid. Nakapako ang tingin niya sa mga dumaraan, tila naghahanap ng kakaiba. Napansin iyon ni Calvin. “You’re too serious, Katey.” Hindi siya tumingin. “Trabaho ko ‘yan.” “Come on,” umayos ng upo si Calvin at ngumiti sa kanya. “You’re young, you’re pretty… bakit parang galit ka sa mundo?” Finally, napalingon si Katey, nakataas ang isang kilay. “Pretty? Seriously, Mayor? That line doesn’t work on me.” Ngumisi lang ito. “Hindi ako nagjo-joke. Alam mo ba, kung wala ka dito para protektahan ako, baka isipin kong isa kang model na nagkamaling pumasok sa maling career.” “Model?” Umiling si Katey. “Huwag mong ipilit. Hindi ako isa sa mga fan girls mo. At FYI, hindi ako nagkamali ng career. I’m exactly where I should be.” Halos ngumiti si Calvin nang makita ang determination sa mga mata niya. “I like that. Feisty.” “Annoying,” bulong ni Katey na siya lang nakarinig. --- Pagdating nila sa barangay, sinalubong sila ng mga tao—matatanda, bata, at mga nanay. Kitang-kita kung gaano kamahal si Calvin ng mga tao. “Mayor!” sigaw ng mga bata habang sabay-sabay na lumapit. Agad na lumuhod si Calvin at ngumiti, nakikipag-apir sa mga bata. “Hey, kumusta kayo?” Nanlaki ang mata ni Katey habang pinapanood iyon. Sa unang pagkakataon, nakita niyang hindi palabas ang ngiti ng mayor. Totoong-totoo ito. Parang ibang tao siya kapag kasama ang mga bata at ordinaryong tao. Okay… unexpected. “Mayor, thank you po sa tulong!” isang matandang babae ang lumapit, halos maiyak habang hinahawakan ang kamay ni Calvin. “Walang anuman po, Nanay,” magiliw na sagot niya. “Trabaho ko ang maglingkod.” Hindi napigilang mapatitig si Katey. Hindi ito ang Calvin na ini-imagine niya kagabi—hindi ito ang playboy na puro charm at pa-cute. May lalim pala siya. Naputol lang ang pag-iisip niya nang biglang lumapit ang isang babae—matangkad, seksi, naka-red dress. Halatang hindi taga-barangay. “Calvin!” tawag nito, sabay yakap sa braso ng mayor. Nanlaki ang mata ni Katey. Seriously? In the middle of a feeding program? “Oh, hi, Angela,” ngumiti si Calvin. “What are you doing here?” “I just missed you,” malambing na sagot ng babae. Napabuntong-hininga si Katey. Back to reality. Naglakad siya palapit, tumikhim, at marahang inalis ang kamay ng babae sa braso ni Calvin. “Excuse me, ma’am. This is an official event. Please maintain proper distance.” Nagtaas ng kilay ang babae. “And who are you?” “His bodyguard,” sagot ni Katey, matatag ang boses. “Ohhh.” Pumikit sandali ang babae, halatang naiirita. “Bodyguard pala. I thought secretary or… fan.” Halos mapatawa si Katey pero pinigilan niya. “Definitely not a fan.” Napatingin si Calvin sa kanya, at sa halip na mag-alala, aliw na aliw pa ito. “Jealous, Katey?” bulong niya habang lumapit. Halos mapasinghap si Katey. “What? No! I’m just doing my job.” Pero halata sa pamumula ng pisngi niya na hindi siya kumbinsido kahit siya mismo. --- Maya-maya, matapos ang program, bumalik sila sa SUV. Tahimik lang si Katey, pero ramdam ni Calvin na may iniisip ito. “Relax, Katey,” sambit ni Calvin habang pinagmamasdan siya. “Hindi ako pababayaan ng mga tao ko.” Nag-angat ng tingin si Katey. “You really trust everyone around you?” “Of course.” Nagkibit-balikat si Calvin. “I have to. Politics is about building trust.” “Trust can kill you, Mayor,” diretsong sagot ni Katey. “Ang kalaban mo, hindi palaging nasa labas. Minsan nasa tabi mo na.” Napatingin si Calvin sa kanya, medyo nagulat sa tono. Para bang may iba itong nakita. At bago pa sila makapagsalita ulit, biglang may narinig silang malakas na putok sa di-kalayuan. Agad na dinukot ni Katey ang baril at tumigil ang SUV. “Stay down!” sigaw niya, sabay itinulak si Calvin pababa. Gulat na gulat ang mayor, hindi makapaniwala sa bilis ng kilos ng babae. Sa labas, kita ang kaguluhan. Hindi malinaw kung saan galing ang putok, pero halatang may nananadyang manakot. Humigpit ang hawak ni Katey sa baril, handang sumugod kung kinakailangan. “Mayor, hindi na ito biro. Someone is watching you.” Tahimik lang si Calvin, nakatingin sa kanya habang nakayuko. Sa unang pagkakataon, wala siyang witty remark, wala siyang joke. Dahil ngayon, ramdam na rin niya ang tunay na panganib. At sa loob-loob niya, isang bagay ang pumasok sa isip ni Calvin: This woman… she might be the only one standing between me and death.Hapong-hapo si Calvin nang matapos ang sparring. Halos hindi na niya maramdaman ang mga daliri niya sa sobrang sakit ng kamao, at ang bawat hinga niya ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa damuhan siya halos bumagsak, ngunit pinilit niyang manatili sa kanyang dalawang paa.Nakatutok pa rin ang mga mata ng Montenegro brothers sa kanya. Parang may hatol na ibababa, at hindi niya alam kung anong klase iyon—paghusga ba o kaunting respeto.“Not bad,” sabi ni Michael, nakahalukipkip pa rin ang mga braso. Ang boses niya ay walang emosyon, pero may bahid ng pagkilala. “Hindi pa sapat. Pero at least hindi ka umatras.”Si Zaeyon, na kanina pa nagsusulat-sulat sa clipboard, ay ngumiti nang mapanukso. “Documented. Mayor survived day one.” Sabay tawa, pero alam ni Calvin na hindi iyon simpleng biro.Lumapit si Maverick, nakangisi. Tinapik niya ang balikat ni Calvin, sapat para halos matumba ito. “Akala ko bibigay ka kanina. Pero tumayo ka pa rin—respect, Mayor. Hindi pa kita gusto, pero b
Hindi pa sumisikat ang araw nang dumating si Calvin sa training grounds ng Montenegro estate. Ang mga mata ng mga bodyguards at sundalo ay nakatutok na sa kanya, nakahanda sa anumang command. Sa kabila ng paghahanda, ramdam pa rin ni Calvin ang kaba. Hindi niya alam kung anong klaseng "welcoming party" ang naghihintay sa kanya.Puno ng sigawan at ingay ang paligid—mga bodyguards na nagsasanay, ilang sundalo na ginagawa ang mga drills, at ang mga sound ng putok ng baril mula sa firing range. Ang mga Montenegro brothers? Andun na. Si Michael, si Maverick, si Zaeyon, at si Charlie—lahat ay nag-iintindi sa kanya, at hindi sa pinakamagandang paraan.Kahit pa ang araw ay hindi pa ganap na sumisikat, hindi na kayang itago ang pagka-prangka at lakas ng presensya ng bawat isa sa kanila. Si Michael, na parang pinaka-responsable, naka-cross arms, habang si Maverick ay may hawak na whistle, at si Zaeyon ay may clipboard na parang referee. Si Charlie, medyo tahimik lang, pero may anak na sa tabi a
Tahimik ang hapag-kainan sa mansyon ng Montenegro. Kung titingnan mula sa labas, para lang silang isang normal na pamilya na nagtatanghalian. Pero sa loob ng mahaba at mamahaling mesa, may nakabibinging bigat ng mga titig—apat na pares ng mata ang nakatuon kay Calvin Fuentebella.Nakangiti si Calvin, kunwari’y kampante habang hawak ang kubyertos. “Masarap ang sinigang ni Manang,” casual niyang sabi. Pero sa loob-loob niya, para siyang binabaril ng X-ray vision ng mga kuya ni Katey.Nasa dulong bahagi si Chief Ramon, nagbabasa ng folder, pero paminsan-minsan ay sumisilip, halatang binibigyan ng kalayaan ang mga anak na lalaki niya na suriin si Calvin.Sa kanan ni Katey nakaupo si Calvin, pero tila gusto siyang batuhin nito ng siko dahil alam niyang sinusubukan siyang i-bully ng mga kapatid.---“Mayor Calvin…” panimula ni Michael, ang panganay, habang marahang hinihigop ang sabaw. Kita sa mga mata nito ang awtoridad ng pagiging eldest at isang haligi ng pamilya. “So tell me… paano mo b
Si Calvin Fuentebella, Mayor ng lungsod at kilalang charming playboy, ay nakatayo sa harap ng bahay ng Montenegro, may hawak na bouquet ng rosas at isang malaking ngiti. Para sa kanya, isang simple, sweet gesture lang ito—pero sa harap ng pamilya ni Katey, parang umaabot ito sa pinakamahirap na mission na kailanman niya na-encounter. “Okay, Calvin. Kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili, sabay tapik sa dibdib. Pero bago pa man siya makalapit sa pintuan, bumukas ito at lumabas si Michael, panganay ni Katey, nakasuot ng casual na polo at shorts, may hawak na tasa ng kape, at isang tingin na kayang magpabalik sa kanya sa probinsya. “Ah… Mayor,” bati ni Michael, boses seryoso pero may halong pang-aasar. “Ano ba ‘yan? May dala kang… rosas?” “Y-yes, para kay Katey,” sagot ni Calvin, sinusubukang magmukhang confident pero ramdam na ramdam niya ang tensyon sa paligid. Michael, na protective sa lahat ng oras, tumayo ng straight at tumingin kay Calvin. “Mayor, alam mo ba kung gaano ka ka-late
Mainit ang hangin sa NAIA nang bumaba si Katey kasama sina Michael at Maverick. Parehong sugatan ang mga kuya niya pero buhay—at iyon ang pinakamahalaga. Nakasuot siya ng simpleng dark jacket, backpack sa likod, at dala ang mga mata ng isang taong galing sa impiyerno at nakabalik nang matagumpay.Paglabas nila sa arrival gate, sasalubong sana siya ng liwanag at pag-asa. Pero ang bumungad ay isang mabigat na presensya—Chief Ramon Montenegro, nakatayo, suot ang uniporme ng PNP Chief, mahigpit ang mata.“Papa…” mahinang bati ni Katey.Hindi ito agad sumagot. Dahan-dahang lumapit, sinuri siya mula ulo hanggang paa, saka ibinaling ang tingin sa mga anak niyang kapapasa pa lang ng kalbaryo. Nang masigurong buhay ang dalawa, saka lamang ito bumaling kay Katey.At doon pumutok ang boses ni Chief Ramon.“ANONG NASA ISIP MO, AYESHA KATE MONTENEGRO?!”Napatigil ang lahat ng tao sa paligid. Lahat ng pulis escort at ilang civilian na nakarinig ay napalingon. Pero si Katey, nakayuko lang, mariing p
Hindi makatulog si Katey buong gabi. Habang nakahiga siya sa kama, paulit-ulit na bumabalik ang boses ng ama sa isip niya—“execution… live… broadcast.” Parang martilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib niya. kuya Maverick, kuya Charlie Dalawa sa pinakamalalakas na taong kilala niya, dalawang kuya na laging nagtatanggol sa kanya noong bata pa siya. At ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong. Alam niyang may diplomatic channels, may gobyerno, may mga sundalong nakatalaga. Pero kilala niya ang Abu Sayyaf. Hindi ito laban ng salita. Ito ay laban ng dugo, taktika, at tapang. At alam niya: wala nang oras para maghintay. --- Mabagal siyang bumangon at dumiretso sa maliit na kwarto kung saan nakatago ang mga gamit niya. Isa-isa niyang binuksan ang mga maliliit na kahon at compartment. Una, ang combat daggers—manipis, matalim, at kayang pumatay nang walang ingay. Pangalawa, dalawang handgun na may silencer attachment. Pangatlo, sniper rifle na may high-powered telescopi