Home / Romance / Protecting the Playboy Mayor / Chapter 4-Shadow and Spark

Share

Chapter 4-Shadow and Spark

Author: Ugly_Pretty15
last update Last Updated: 2025-08-18 08:46:03

Shadows and Sparks

Pagbalik nila sa mansion ni Calvin, ramdam ni Katey ang bigat ng gabi. Tahimik ang paligid, pero hindi iyon nagbibigay ng kapanatagan. Para sa kanya, ang katahimikan ay madalas mas nakakatakot kaysa sa putok ng baril.

Bumaba siya ng sasakyan na alerto pa rin, habang si Calvin naman ay parang wala lang, naglalakad na parang galing lang sa isang party at hindi sa isang site kung saan muntik na silang mabiktima ng ambush.

“Seriously, Mayor,” sabi niya habang sinusundan ito papasok ng bahay, “you need to stop acting like everything’s fine. Hindi ito simpleng prank. Someone is really after you.”

Lumingon si Calvin, may pagod ngunit may ngiting nakahalo. “And I told you already, Katey. I trust you. If someone’s after me, I’m confident you won’t let them touch me.”

Argh, this man. Kung ibang kliyente iyon, baka natuwa siya sa tiwala. Pero dahil kay Calvin? Para bang sinasabi nitong superhero siya.

Pagdating nila sa loob ng mansion, sinalubong sila ng mga tao: kasambahay, butler, at higit sa lahat si Elisse—ang long-time friend at event organizer ni Calvin.

“Oh my God, Calvin!” halos pasigaw na bati ni Elisse, sabay lapit at hawak agad sa braso nito. “I heard what happened. Are you okay? You shouldn’t have gone there! Ang reckless mo!”

Napatigil si Katey, nakatingin sa kamay ng babae na nakakapit kay Calvin. Hindi niya alam kung bakit, pero may mainit na pakiramdam na sumiklab sa dibdib niya.

“I’m fine, Elisse,” sagot ni Calvin, may lambing ang boses. “Don’t worry, I had Katey with me.”

Napalingon si Elisse kay Katey, mula ulo hanggang paa ang tingin, parang sinusuri siya. “Ah… so this is your new bodyguard.” May ngiti sa labi pero halata ang pag-aalinlangan sa tono. “She looks… tough.”

Ngumisi si Calvin. “She’s more than tough. She’s scary.”

Napasinghap si Katey. “Excuse me?!”

Pero nagtawanan lang sina Elisse at Calvin.

---

Kinagabihan, habang nasa balcony si Katey nagbabantay, lumapit si Calvin dala ang dalawang tasa ng kape.

“Here,” alok nito. “Black, no sugar. You look like the type.”

Nagdalawang-isip si Katey pero kinuha rin ang tasa. “Salamat.”

Tahimik silang uminom ng kape, tanging ingay lang ng mga kuliglig ang naririnig. Maya-maya, nagsalita si Calvin.

“You don’t like Elisse, do you?”

Halos mabitawan ni Katey ang tasa. “What? Bakit ako—why would I even care?”

Ngumisi si Calvin, yung tipong ngiting alam mong may alam. “Because you glared at her when she held my arm.”

Nag-init ang pisngi ni Katey. “I did not glare! I was… assessing the situation. For security purposes.”

“Security purposes,” ulit ni Calvin, tumatawa. “Sure. Kung ayaw mong aminin, fine. But honestly, I don’t mind. Nakakatuwa lang isipin na my bodyguard might actually be jealous.”

“Jealous?!” halos pasigaw si Katey. “Don’t flatter yourself, Mayor. Hindi ako ganoon.”

Ngumisi si Calvin, nakatingin sa kanya nang diretso. “Then why are you blushing?”

Natigilan si Katey. Oh no. He noticed. Mabilis siyang tumayo, naglakad palayo. “I’m going to check the perimeter,” sabi niya, pilit na kalmado.

Pero sa loob-loob niya, ramdam niyang nagugulo na siya. Hindi dapat. Hindi puwede.

---

Kinabukasan, may charity gala si Calvin na kailangan niyang puntahan. Bilang mayor, expected siyang dumalo, pero bilang “playboy,” expected ding maging sentro ng atensyon.

At siyempre, kasama si Katey bilang shadow niya.

Pagdating nila sa venue, agad silang sinalubong ng mga camera at reporters. Flash dito, tanong doon. “Mayor Calvin! Is it true na may death threat ka? Mayor, who’s this woman beside you?”

“Security,” maikling sagot ni Calvin, sabay ngiti. “But don’t worry, I’m in good hands.”

Napapikit na lang si Katey. Good hands? Really?

Sa loob ng ballroom, agad silang nilapitan ng mga VIP at socialites. At tulad ng inaasahan, si Elisse na naman ang unang sumulpot, nakasuot ng dazzling red gown.

“Calvin, darling, dance with me,” aya niya agad, hawak na naman sa braso nito.

Bago pa makatanggi si Katey, ngumiti si Calvin at tumingin sa kanya. “Bodyguard, is it safe?”

Napakurap si Katey. “Excuse me?”

“Safe ba to dance?” tanong nito, nakangiting parang bata.

“Mayor, this isn’t the time—”

Pero hindi na siya tinapos ni Calvin. “Then I’ll take that as a yes.”

At hinila na siya ni Elisse papunta sa dance floor.

Habang pinapanood iyon ni Katey, may kakaibang kirot siyang naramdaman. Hindi iyon parte ng trabaho niya, pero bakit parang hindi niya matanggap?

At habang nakatutok ang mata niya kay Calvin, hindi niya namalayan na may isang waiter sa gilid ng ballroom na matagal nang nakamasid sa kanila—hindi para maglingkod, kundi para magbantay. Sa bulsa ng waiter ay may nakatagong maliit na baril, at ang tingin nito’y nakatuon lang kay Calvin.

---

Sa kalagitnaan ng sayaw, nakahalata si Katey ng kakaiba. Ang waiter ay kumikilos palapit, hawak ang tray pero masyadong tense ang kilos.

Agad siyang kumilos, mabilis na dumaan sa mga tao at binangga ang waiter bago pa ito makaporma. Nahulog ang tray, sumabog ang mga baso sa sahig, at doon niya nakita ang kislap ng bakal.

“Gun!” sigaw niya.

Nagkagulo ang buong ballroom. Napatigil ang tugtog, nagsisigawan ang mga tao. Agad niyang tinabig si Calvin papalayo habang hinawakan ang kamay ng waiter. Naglaban sila, pilit nitong inilalabas ang baril, pero mas mabilis si Katey.

Isang mabilis na disarm move at natanggal niya ang baril sa kamay ng lalaki, sabay tinulak ito sa sahig. “Security! Over here!”

Mabilis na rumesponde ang mga guwardiya, dinampot ang suspek.

Humihingal si Katey, hawak pa rin ang baril na nakuha niya. At nang lumingon siya, naroon si Calvin—nakatingin sa kanya na para bang ibang babae ang nakikita niya. Hindi ang bossy, supladang bodyguard, kundi isang warrior na handang ipaglaban ang buhay niya.

“Katey…” bulong ni Calvin, halos hindi marinig. “You just saved me. Again.”

Ngumiti siya ng matalim. “That’s my job, Mayor.”

Pero bago pa siya makaalis, biglang hinawakan ni Calvin ang kamay niya. Mainit, matatag. At sa gitna ng kaguluhan, sa harap ng lahat, tumitig ito sa kanya.

“You’re more than just my bodyguard, Katey. You’re my only shield.”

At doon, sa unang pagkakataon, hindi na alam ni Katey kung alin ang mas delikado—ang mga taong gustong pumatay kay Calvin… o ang unti-unting damdaming pilit niyang itinatanggi.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 27

    Hapong-hapo si Calvin nang matapos ang sparring. Halos hindi na niya maramdaman ang mga daliri niya sa sobrang sakit ng kamao, at ang bawat hinga niya ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa damuhan siya halos bumagsak, ngunit pinilit niyang manatili sa kanyang dalawang paa.Nakatutok pa rin ang mga mata ng Montenegro brothers sa kanya. Parang may hatol na ibababa, at hindi niya alam kung anong klase iyon—paghusga ba o kaunting respeto.“Not bad,” sabi ni Michael, nakahalukipkip pa rin ang mga braso. Ang boses niya ay walang emosyon, pero may bahid ng pagkilala. “Hindi pa sapat. Pero at least hindi ka umatras.”Si Zaeyon, na kanina pa nagsusulat-sulat sa clipboard, ay ngumiti nang mapanukso. “Documented. Mayor survived day one.” Sabay tawa, pero alam ni Calvin na hindi iyon simpleng biro.Lumapit si Maverick, nakangisi. Tinapik niya ang balikat ni Calvin, sapat para halos matumba ito. “Akala ko bibigay ka kanina. Pero tumayo ka pa rin—respect, Mayor. Hindi pa kita gusto, pero b

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 26 – Hazing the Playboy

    Hindi pa sumisikat ang araw nang dumating si Calvin sa training grounds ng Montenegro estate. Ang mga mata ng mga bodyguards at sundalo ay nakatutok na sa kanya, nakahanda sa anumang command. Sa kabila ng paghahanda, ramdam pa rin ni Calvin ang kaba. Hindi niya alam kung anong klaseng "welcoming party" ang naghihintay sa kanya.Puno ng sigawan at ingay ang paligid—mga bodyguards na nagsasanay, ilang sundalo na ginagawa ang mga drills, at ang mga sound ng putok ng baril mula sa firing range. Ang mga Montenegro brothers? Andun na. Si Michael, si Maverick, si Zaeyon, at si Charlie—lahat ay nag-iintindi sa kanya, at hindi sa pinakamagandang paraan.Kahit pa ang araw ay hindi pa ganap na sumisikat, hindi na kayang itago ang pagka-prangka at lakas ng presensya ng bawat isa sa kanila. Si Michael, na parang pinaka-responsable, naka-cross arms, habang si Maverick ay may hawak na whistle, at si Zaeyon ay may clipboard na parang referee. Si Charlie, medyo tahimik lang, pero may anak na sa tabi a

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 25 – Lagot Ka mayor

    Tahimik ang hapag-kainan sa mansyon ng Montenegro. Kung titingnan mula sa labas, para lang silang isang normal na pamilya na nagtatanghalian. Pero sa loob ng mahaba at mamahaling mesa, may nakabibinging bigat ng mga titig—apat na pares ng mata ang nakatuon kay Calvin Fuentebella.Nakangiti si Calvin, kunwari’y kampante habang hawak ang kubyertos. “Masarap ang sinigang ni Manang,” casual niyang sabi. Pero sa loob-loob niya, para siyang binabaril ng X-ray vision ng mga kuya ni Katey.Nasa dulong bahagi si Chief Ramon, nagbabasa ng folder, pero paminsan-minsan ay sumisilip, halatang binibigyan ng kalayaan ang mga anak na lalaki niya na suriin si Calvin.Sa kanan ni Katey nakaupo si Calvin, pero tila gusto siyang batuhin nito ng siko dahil alam niyang sinusubukan siyang i-bully ng mga kapatid.---“Mayor Calvin…” panimula ni Michael, ang panganay, habang marahang hinihigop ang sabaw. Kita sa mga mata nito ang awtoridad ng pagiging eldest at isang haligi ng pamilya. “So tell me… paano mo b

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 24– The Courting Chaos

    Si Calvin Fuentebella, Mayor ng lungsod at kilalang charming playboy, ay nakatayo sa harap ng bahay ng Montenegro, may hawak na bouquet ng rosas at isang malaking ngiti. Para sa kanya, isang simple, sweet gesture lang ito—pero sa harap ng pamilya ni Katey, parang umaabot ito sa pinakamahirap na mission na kailanman niya na-encounter. “Okay, Calvin. Kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili, sabay tapik sa dibdib. Pero bago pa man siya makalapit sa pintuan, bumukas ito at lumabas si Michael, panganay ni Katey, nakasuot ng casual na polo at shorts, may hawak na tasa ng kape, at isang tingin na kayang magpabalik sa kanya sa probinsya. “Ah… Mayor,” bati ni Michael, boses seryoso pero may halong pang-aasar. “Ano ba ‘yan? May dala kang… rosas?” “Y-yes, para kay Katey,” sagot ni Calvin, sinusubukang magmukhang confident pero ramdam na ramdam niya ang tensyon sa paligid. Michael, na protective sa lahat ng oras, tumayo ng straight at tumingin kay Calvin. “Mayor, alam mo ba kung gaano ka ka-late

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 23 – Confrontations

    Mainit ang hangin sa NAIA nang bumaba si Katey kasama sina Michael at Maverick. Parehong sugatan ang mga kuya niya pero buhay—at iyon ang pinakamahalaga. Nakasuot siya ng simpleng dark jacket, backpack sa likod, at dala ang mga mata ng isang taong galing sa impiyerno at nakabalik nang matagumpay.Paglabas nila sa arrival gate, sasalubong sana siya ng liwanag at pag-asa. Pero ang bumungad ay isang mabigat na presensya—Chief Ramon Montenegro, nakatayo, suot ang uniporme ng PNP Chief, mahigpit ang mata.“Papa…” mahinang bati ni Katey.Hindi ito agad sumagot. Dahan-dahang lumapit, sinuri siya mula ulo hanggang paa, saka ibinaling ang tingin sa mga anak niyang kapapasa pa lang ng kalbaryo. Nang masigurong buhay ang dalawa, saka lamang ito bumaling kay Katey.At doon pumutok ang boses ni Chief Ramon.“ANONG NASA ISIP MO, AYESHA KATE MONTENEGRO?!”Napatigil ang lahat ng tao sa paligid. Lahat ng pulis escort at ilang civilian na nakarinig ay napalingon. Pero si Katey, nakayuko lang, mariing p

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 22 – The Secret Mission

    Hindi makatulog si Katey buong gabi. Habang nakahiga siya sa kama, paulit-ulit na bumabalik ang boses ng ama sa isip niya—“execution… live… broadcast.” Parang martilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib niya. kuya Maverick, kuya Charlie Dalawa sa pinakamalalakas na taong kilala niya, dalawang kuya na laging nagtatanggol sa kanya noong bata pa siya. At ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong. Alam niyang may diplomatic channels, may gobyerno, may mga sundalong nakatalaga. Pero kilala niya ang Abu Sayyaf. Hindi ito laban ng salita. Ito ay laban ng dugo, taktika, at tapang. At alam niya: wala nang oras para maghintay. --- Mabagal siyang bumangon at dumiretso sa maliit na kwarto kung saan nakatago ang mga gamit niya. Isa-isa niyang binuksan ang mga maliliit na kahon at compartment. Una, ang combat daggers—manipis, matalim, at kayang pumatay nang walang ingay. Pangalawa, dalawang handgun na may silencer attachment. Pangatlo, sniper rifle na may high-powered telescopi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status