Share

Chapter 4

last update Last Updated: 2025-08-08 10:41:23

Ang araw ay maalinsangan, pero magaan sa pakiramdam ang simoy ng hangin habang binabaybay nina Leandro at Isobel ang mahabang kalsadang punong-puno ng kahoy at palayan. Naka-top down ang kotse, at ang mahinang ihip ng hangin ay ginugulo ang buhok ni Isobel habang nakahilig siya sa balikat ni Leandro.

“Ang tahimik ng paligid. Walang traffic, walang estudyante, walang admin meeting,” bulong ni Leandro habang ang isang kamay ay nakapatong sa hita ni Isobel.

“Parang ibang mundo,” sagot ni Isobel habang nakatingin sa malawak na taniman ng mais sa gilid.

Ito na yata ang pinakamasayang linggo ng buhay niya. Tinanggap siya ng pamilya ni Evren. Hindi niya naramdaman na hindi siya gusto ng mga ito. Agad nga niyang naka-close ang Lola ni Evren. Tila lahat ay perpekto, kasama si Leandro. At ngayong araw, pinangakuan siya nitong ipapasyal sa paborito nitong spot sa tabi ng ilog—isang lugar na aniya’y taguan niya noong bata pa siya kapag gusto niyang mapag-isa.

Pagdating nila sa maliit na bayan, huminto sila sa isang local bakery na may vintage-style exterior. Pumili sila ng cheese bread, pan de coco, at isang bote ng malamig na sago’t gulaman. Tumawa si Isobel nang ibulong ni Leandro sa tindera na 'asawa ko po, huwag niyo nang lokohin sa presyo.'

Lumabas sila ng bakery, naglakad sa sidewalk habang hawak-hawak ni Leandro ang plastic bag ng tinapay at si Isobel ay s********p sa straw ng inumin nila.

“Gusto kong tandaan mo lahat ng lugar na dinala kita. Kasi gusto ko... lahat ng ito, maging bahagi ng kwento natin,” bulong ni Leandro habang tinitigan siya.

Ngumiti si Isobel, tila tinatago ang kilig sa likod ng baso ng sago’t gulaman.

Habang papalapit sila sa munting parke, may mga batang naglalaro, at sa may bandang waiting shed, may ilang nakatambay na kababaihan. May isang babae na naka-blue dress, medyo curly ang buhok at naka-shades, ang nakatayo habang nakatingin sa direksyon nila.

Paglapit nila sa waiting shed, biglang kumaripas ng lakad ang babaeng iyon.

"Leandro!" tawag ng babae—mabilis, puno ng sigla.

At bago pa man makapagsalita si Leandro, sinalubong siya nito ng isang mahigpit na yakap.

Kumapit ito sa leeg ng lalaki, at tila ba nakalimutan ang paligid, habang pumikit at ngumiti. “Oh my God, after all these years...”

Napako sa kinatatayuan si Isobel. Mula sa kamay ni Leandro, marahan niyang binawi ang sarili at humakbang palayo.

Tila lahat ng init sa kanyang katawan ay unti-unting napalitan ng lamig, parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Narinig niya ang masayang boses ng babae, ang halakhak nito habang kinukuwento kung paanong nagkasalubong ulit silang dalawa.

Si Leandro ay tila nagulat rin, ngunit hindi agad ito gumalaw. At doon nagsimulang mabuo sa loob ni Isobel ang sakit. Bakit hindi agad ito  bumitaw? Bakit hindi niya agad ako pinakilala?

Lumakad siya paalis, mas mabilis ngayon. Kunot ang noo niya. Hindi na siya nagtanong. Hindi din siya nagsalita. Basta’t tumalikod na lang siya.

“Isobel!” tawag ni Leandro mula sa likuran. “Sandali lang!”

Pero hindi siya lumingon.

Hindi niya alam kung anong parte ng pride ang nagtulak sa kanyang ituloy ang paglalakad. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit napakatulis ng kirot sa dibdib niya. Wala namang label. Wala siyang karapatan. Pero bakit parang gusto niyang sumigaw? Manabunot nang buhok ng babae?

Umabot si Leandro sa likod niya, hinawakan ang braso niya pero marahan siyang hinila.

“Hey, teka...”

“Okay lang. Doon ka muna,” malamig niyang sagot, hindi tumitingin dito. “Enjoy your catching up.”

“Isobel...” Malungkot ang tinig ng lalaki, pero hindi ito bumitaw agad. “She’s just an old friend. Kaibigan ng kapatid ko. We grew up together. I didn’t expect—”

"Exactly," putol ni Isobel. “You didn’t expect. Pero hindi ka rin kumilos. Hindi mo rin ako pinakilala. Parang... wala ako doon sa tabi mo para magpayakap sa iba.”

Tumingin sa kanya si Leandro, tila naguguluhan. “I was caught off guard. Wala akong masamang intensyon. Alam mong ikaw ang kasama ko dito.”

Tahimik lang si Isobel. Tiningnan niya ang kamay ni Leandro sa braso niya at marahang tinanggal iyon. "I just need a moment."

Tahimik ang biyahe nila pabalik. Hindi na sila tumuloy sa ilog.

Si Isobel ay nakatingin lang sa labas ng bintana habang ang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang kandungan. Si Leandro ay paminsan-minsan sumusulyap, pero hindi muna nagsalita.

Nang makarating sila sa bahay, diretso siyang umakyat sa guest room. Pinagmasdan ni Leandro ang likod niya habang paakyat. Gusto siyang sundan. Gusto nitong humingi ng tawad. Pero alam niyang kailangan niyang hayaan si Isobel sa space na hinihingi niya.

Sa silid, humiga si Isobel sa kama at pinikit ang mga mata. Hindi siya umiiyak, pero ang bigat ng dibdib niya ay hindi niya maipaliwanag. Ang masakit ay hindi lang ang yakap na nakita niya. Ang masakit ay ang katotohanang hindi niya alam kung may karapatan ba siyang sumama ang loob.

Hindi naman sila. Ano nga ba sila?

Kinagabihan, kumatok si Leandro sa pinto. May dala itong mug ng chamomile tea.

“Pwede ba akong pumasok?”

“Hindi ako natutulog,” mahinang sagot niya mula sa kama.

Pumasok si Leandro, inilapag ang tea sa side table at umupo sa dulo ng kama.

“Gusto ko lang sanang ipaliwanag,” simula nito. “Her name’s Mika. Anak siya ng kaibigan ng parents ko at kaibigan din ng kapatid ko, si Ashley. She lived in the States for ten years. She was just surprised to see me.”

Tumango si Isobel pero hindi nagsalita.

“Pero ikaw... ikaw ang kasama ko ngayon. At kung may pagkukulang ako, gusto kong malaman mo, hindi dahil wala kang halaga. Kundi dahil minsan... nakakalimot din akong may nararamdaman ka na pala para sa akin.”

Doon lumingon si Isobel.

“Akala ko ikaw lang ang hindi sigurado,” sabi niya. “Pero pareho lang pala tayo.”

“Hindi ko pinagsisisihang dinala kita rito. O pinakilala ka sa pamilya. O sinama kita sa mga paborito kong lugar. Kasi mahalaga ka sa akin, Isobel.”

Tahimik. Mabigat. Ngunit unti-unti, ang tensyon ay napalitan ng kaunting pag-asa.

Lumapit si Leandro at hinawakan ang kamay niya. "I know we never defined this. Pero kung hayaan mong ipaglaban kita, sisiguraduhin kong hindi na kita kailanman mararamdaman na ‘wala ka’."

Nag-init ang mata ni Isobel, pero hindi siya lumuha.

"Mahirap pala," bulong niya. "Kapag nasanay ka sa tago, kahit lumantad na kayo, parang gusto mo pa ring magtago sa sakit."

"Then don’t," sabi ni Leandro. "Lumaban ka. Gaya ng paglaban ko."

At sa gabing iyon, walang halik, walang haplos. Pero si Isobel ay dahan-dahang humilig sa balikat ni Leandro.

At doon, sa gitna ng tahimik na gabi, sinimulan nilang buuin ang katotohanan ng relasyong tila matagal nang pilit nililimita ng takot at katahimikan.

The morning breeze in the province was soft and warm. Pero hindi iyon sapat para pakalmahin ang tensyon sa dibdib ni Isobel. Nakatingin siya sa labas ng bintana habang kinakalikot ang laylayan ng kanyang bestida, wari’y malayo ang iniisip. Maligamgam ang liwanag ng araw na tumatama sa sahig ng lumang kusina, pero tila hindi niya iyon napapansin.

That woman…

The one who hugged Leandro yesterday like they were lovers in a movie.

Hindi siya nagtanong. Ayaw niyang malaman. Pero paulit-ulit ang eksenang iyon sa isip niya—ang yakap ng babae, ang hindi pag-iwas ni Leandro.

Kanina lang, narinig niyang nagkukuwento ang pinsan ni Leandro.

“Si Mika ‘yun! Yung ex ni Kuya Leandro. Ang tagal din nilang naging sila…”

Parang huminto ang tibok ng puso niya. Ex? Hindi lang basta kakilala.

Kinompronta niya si Leandro kinabukasan, habang inaayos nito ang sasakyan sa likod-bahay.

“You didn’t tell me,” she said quietly.

Napatingin ito sa kanya. Hindi galit, pero halatang nagulat. “Akala ko hindi ko na kailangang sabihin dahil hindi naman importante.”

Nakapamewang si Isobel. “She hugged you like she still owned you.”

“Hindi na siya gano’n. Matagal na ‘yon.”

“Pero parang gano’n yon, sa pagkakaintindi ko.”

Napabuntong-hininga si Leandro. Pinagpag ang grasa sa kamay niya. “Matagal kaming naging kami ni Mika. Simula pa college. Kilala niya ako bago pa ako naging professor. Bago ako naging... ako.”

“Why did you break up?” tanong niya.

““She wanted things I wasn’t ready to give.” May pait sa boses nito. “Gusto na niyang magpakasal, bumuo ng pamilya. Ako, ni hindi ko pa nga naayos sarili ko.”

“Mahal mo ba siya noon?”

“Akala ko. Pero sa huli, narealize kong mahal ko lang ang idea niya, hindi siya mismo.” Sandaling katahimikan ang namayani. “Hindi naging maganda ang pagtatapos namin.”

“Ngayon, nandito na ulit siya?”

Napatingin ito sa kanya. “Pero ikaw na ang nandito ngayon. That’s what matters to me.”

Pero kahit sinabi na ni Leandro iyon, hindi pa rin mawala ang bigat sa dibdib ni Isobel.

Kinabukasan, mas lalo siyang nawalan ng gana.

Habang tumutulong si Isobel sa kusina, narinig niyang tumunog ang doorbell. Hindi niya ito pinansin—hanggang sa narinig niya ang isang boses na pamilyar.

“Hi, Tita! Is Leandro home?”

Parang natigilan ang buong katawan ni Isobel. Ang boses na yon.

She turned, slowly, and there she was—Mika—smiling sweetly, wearing a perfectly fitted white blouse, her long legs wrapped in soft beige linen trousers. Classy, elegant, confident.

Eksaktong tipo ng babaeng gusto ni Leandro, kung tutuusin.

“Oh! Ikaw pala si Isobel?” ngumiti si Mika nang matamis, pero ramdam niya ang inis sa boses nito. “Hi! I’ve heard… nothing about you.”

Tangina mo, bulong ni Isobel sa isip. She forced a smile. “And yet here you are.”

Leandro appeared from the hallway, surprise evident on his face. “Mika? What are you doing here?” 

“I was in the area. Na-miss kita,” sagot ni Mika.  She walked forward like she owned the house,  “Didn’t think you’d be so surprised to see me here.”

“I wasn’t expecting you,” sagot ni Leandro, maingat ang tono.

“I never needed an invitation before, Leandro,” she said with a slight laugh. “Have things changed that much?”

Puta ka, isip ni Isobel. Pero hindi siya nagsalita.

The next few hours were unbearable.

Mika stayed for lunch. She chatted with the elders, laughed with the cousins, even helped prepare dessert—looking every bit like the perfect ex who never really left.

Isobel sat beside Leandro at the table, but she may as well have been a shadow. Mika dominated every conversation. And Leandro, though obviously trying to be polite, didn’t exactly push her away either.

“Naalala mo noong nawala tayo sa daan pa-Batangas?” tawa ni Mika. “You insisted you didn’t need a map, and we ended up two towns away!”

Leandro smiled, a flicker of old memory passing through his eyes. “Oo... sa kotse pa tayo natulog nun.”

Sumama ang pakiramdam ni Isobel.

Tumayo siya. “Excuse me. I just need some air.”

“Bel—” tawag ni Leandro, pero naglakad na siya palayo.

Outside, she leaned against the post of the wooden terrace, breathing hard. The warm breeze that once comforted her now stung like fire. Why did it feel like she was the outsider here? The temporary visitor? The hidden girl?

Hindi naman sila official. Wala siyang karapatan.

But why did it hurt like she did?

“Okay ka lang?” tanong ng boses sa likod niya.

Si Leandro.

Hindi siya tumingin. “Bakit siya nandito?”

“She’s just visiting. Nothing more.”

“She clearly thinks she’s still part of your life.”

“Hindi na. Hindi ko siya inimbitahan dito.”

“Pero hindi mo rin siya pinaalis.”

Tahimik.

Lumingon siya, bahagyang nanginginig ang boses. “May nararamdaman ka pa ba sa kanya?”

Gulat ang mukha ni Leandro nang tingnan siya. “What? No. Isobel—”

“Mali yatang pumunta ako rito,” bulong niya. “This was a mistake.”

Hinawakan siya ni Leandro sa pulso at hinila palapit sa katawan nito. “Don’t say that. You’re not a mistake.”

“Then why does it feel like I’m being replaced before I was even yours?”

Hindi agad sumagot si Leandro. Pero niyakap siya nito nang mahigpit. “Kasi natatakot ka. At naiintindihan ko. Mika is part of my past. You’re the one I brought here. You’re the one I want.”

“Then tell her to leave,” mahina niyang sabi habang nakasiksik sa dibdib nito.

Hapon na nang lumapit si Mika kay Leandro sa hardin. Si Isobel, nasa loob lang at panay ang buntonghininga habang nakatulala.

“Doon ako sa resort matutulog ngayon, fifteen minutes from here lang,” ani ni Mika. She brushed imaginary lint off his shirt. “In case you feel like catching up.”

Umiling si Leandro. “Mika, stop.”

She blinked, feigning innocence. “Stop what?”

“You don’t get to show up here and act like nothing’s changed. You’re not part of my life anymore.”

Natahimik si Mika. “You used to say I’d always be.”

“That was before. I moved on. You should too.”

At saka may ngiting mapait si Mika. “Yung babae mo? She’s just another fling, right?”

Nanigas ang panga ni Leandro. “She’s more than you ever were.”

Nanlabo ang mata ni Mika. Pero tumalikod na lang ito at umalis.

That evening, Isobel sat on the hammock outside, watching the stars blink one by one in the sky. She felt Leandro approach before she saw him. His arms slid around her from behind.

“Umalis na siya,” mahina nitong sabi.

“Gan’un lang?”

“Tapos na. Sinabi ko ang kailangan niyang marinig.”

Isobel leaned into him. “And what about me? What do I need to hear?”

Hinawakan siya nito mula sa likod, naramdaman niya ang pagsakop nito sa magkabilang dibdib niya pero hinayaan niya ito. “Na hindi na kita pakakawalan. Kahit kailan.”

Lumingon si Isobel. “Kahit matigas ang ulo ko?”

“Kaya nga kita gusto.”

Ngumiti si Isobel. Sa wakas, tumahimik ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit kontento na agad siya sa sagot nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 18 (SPG)

    [SPG Reminder]: Ang chapter na ito ay naglalaman ng mature scenes. For 18+ readers only.PAGBAGSAK nila sa kama, parehong humihingal sina Leandro at Isobel. Pero hindi pa tapos ang init na nagliliyab sa pagitan nila. Ramdam ni Isobel ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakahiga sa tabi ni Leandro. Mainit ang balat nito, mabango, at may halong amoy ng lalaking kanina pa niya ninanais.Marahan siyang bumangon, nakatingin sa lalaking nakahiga. May kakaibang apoy sa mata ni Leandro—parang pinipigil ang sarili, pero ramdam niyang kahit kailan ay bibigay din ito.“Leandro…” bulong ni Isobel, halos pabulong lang, pero sapat para mapalingon siya rito.Umupo si Leandro, pero hindi pa niya inaasahan ang susunod na ginawa ni Isobel. Hinawakan siya nito sa balikat at marahan siyang itinulak pabalik sa kama. Siya na mismo ang umibabaw, ang mga mata ay kumikislap sa determinasyon.“I want to do this,” mahina pero mariing wika ni Isobel. “Ako naman ang mauuna.”Hindi nakagalaw si Leandro nang d

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 17 (SPG)

    TAHIMIK ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang kalsada mula campus. Ang malamlam na liwanag ng city lights ay dumaraan sa windshield, lumulutang sa mukha ni Leandro. Parehong nakasindi ang stereo ngunit naka-mute, kaya’t tanging ugong ng makina ang bumabalot sa kanila.Si Isobel naman ay hindi mapigilang magsalita. Wala siyang gustong iwanang puwang sa pagitan nila. Kaya kahit anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya agad. “Leandro, grabe, nakita mo kanina yung nag-cut sa’yo sa traffic? Ang kapal, no? Kung ako siguro nag-drive, baka sinigawan ko na siya.” Napahagalpak siya ng tawa, pero nanatiling seryoso si Leandro, nakatutok ang tingin sa daan.“Leandro… sabi nila, kapag tahimik daw ang driver, ibig sabihin nag-iisip ng malalim. Totoo ba ‘yon? Kasi parang ang lalim ng iniisip mo ngayon.” Nakalingon siya rito, sinisilip ang bawat piraso ng ekspresyon sa mukha nito, pero walang gaanong clue ang makuha.Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ano kaya iniisip mo? Baka naman ako? Kasi

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 16

    MADALING-ARAW pa lang ay gising na si Isobel. Mahina niyang binuksan ang mga mata, unti-unting nakasanayan ang manipis na liwanag na pumapasok mula sa bintana ng hotel room. Ang unang tanaw niya ay ang mukha ni Leandro, nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog sa unang pagkakataon matapos ang maraming araw na pagod at kalungkutan.Marahan niyang pinagmasdan ang binata. Ang maamo nitong mukha, ang pilik-mata na bahagyang gumagalaw sa bawat paghinga, at ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Noon lang niya natanaw si Leandro na ganito kapayapa, walang bigat ng responsibilidad, walang maskara ng pagiging propesor na laging matatag at kontrolado.Parang bata lang siya kapag natutulog, naisip ni Isobel habang pinipigilan ang ngiti.Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Leandro kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay nakadantay ito sa balikat niya, at ramdam niya ang bigat ng lahat ng emosyon nitong bumuhos. Sa huli, pinili niyang manatili roon—hindi para sagutin ang lahat ng tanong

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 15

    NAPALINGON si Isobel, at parang biglang nanlamig ang dugo niya nang makita kung sino ang nakatayo ilang metro ang layo. Nakatitig si Leandro sa kanila—hindi galit, pero ramdam niya ang bigat ng damdamin nito.“Leandro…” mahina niyang wika, halos hindi marinig ni Adrian.Agad na tumayo si Adrian at ngumiti, parang walang alam sa tunay na sitwasyon.“Ah, siya siguro ang professor na sinasabi mo, Isobel?” nakangiting tanong niya.Bumaling siya kay Leandro at inabot ang kamay. “Hello po, I’m Adrian. Friend ni Isobel. Just came back from the States.”Tahimik lang si Leandro, hindi tinanggap ang kamay agad. Saglit niya itong tinitigan—matangkad, well-dressed, at halatang may confidence na hindi madaling talunin. Sa huli’y tinanggap ni Leandro ang handshake, pero mahigpit.“Professor Leandro Salazar,” tipid na pakilala niya. “Nice to meet you.”Ramdam agad ni Adrian ang bigat ng titig ni Leandro, pero ngumiti pa rin ito. “I hope to see more of you, Sir. Since pareho tayo ng campus, for sure

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 14

    MAINIT ang sikat ng araw nang araw na iyon, ngunit ramdam ni Isobel ang lamig na bumabalot sa kanya. Parang kahit anong init sa paligid, hindi nito matabunan ang lungkot at bigat na nasa dibdib niya. Dalawang araw na siyang halos hindi nagpapakita kay Leandro. Hindi siya umuuwi sa condo nila, at sa halip ay nanatili sa isang hotel na malapit lang sa campus. Kahit paulit-ulit siyang tinatawagan at tine-text ng lalaki, nanatiling tikom ang kanyang bibig at sarado ang kanyang puso.Ayaw niya munang makita si Leandro. Ayaw niyang bumigay sa yakap at boses nito, baka isang titig lang muli ng mga mata ng lalaki ay bumigay na siya at makalimutan ang sakit na nakita niyang halik mula sa ibang babae. At iyon ang ayaw niyang mangyari: ang maging bulag sa katotohanan.Kaya naman sa mga klase niya, kadalasan ay nagtatago siya sa library. Doon siya nagbababad kasama ng mga kaibigan niyang si Ana at Krisha. Wala namang alam ang mga ito sa tunay na nangyayari. Tuwing nagtatanong sila kung bakit para

  • Punish me, Sir! (SPG)   Chapter 13

    MABIGAT ang pakiramdam ni Isobel buong maghapon. Simula nang makita niya sa garden si Leandro at ang bagong guro, hindi mawala ang mga tanong sa isip niya. Ano ba ang meron doon? Bakit parang ang gaan ng usapan nila? At bakit parang mas masaya ang ngiti ni Leandro habang kausap ang babae? Hindi naman siya selosa sa normal na paraan, pero dahil lihim ang relasyon nila, mas madali siyang tamaan ng alinlangan.“Siguro, professional lang… baka nagtatanong lang ng tungkol sa klase,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa libro niyang bukas pero wala naman siyang naiintindihan sa binabasa.Paulit-ulit niyang iniisip na baka siya lang ang nagiging overthinker. Pero kahit anong pilit niyang i-justify, may parte ng puso niyang kumakabog—parang may nagbabadya.Nang matapos ang klase, halos wala siyang ganang makipag-usap sa mga kaklase niya. Nagpaalam siya agad sa mga kaibigan at dumiretso sa faculty room para hanapin si Leandro. Ngunit hindi niya ito nadatnan doon. Kaya nagpasya siyang bum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status