Mainit ang hininga ni Isobel habang dahan-dahang dumudulas pababa sa kanyang balikat ang manipis na tela ng kanyang summer dress. Malamig ang hangin mula sa bintana pero tila ba walang saysay ang lamig na iyon sa init ng titig ni Leandro habang pinapanood siyang isa-isang inaalis ang hadlang sa pagitan nila.
Humakbang si Leandro palapit. Wala siyang suot kundi ang puting cotton shirt na may ilang butones na bukas at navy blue na pantalon. Ang simpleng ayos na iyon ay tila mas nakakapagpasabik kaysa sa pormal na suot nito sa unibersidad. Wala na ang guro. Wala na ang tungkulin. Ang natira na lang ay isang lalaking sabik na damhin ang babaeng nasa harap niya—buo, totoo, walang lihim.
Hinawakan niya ang bewang ni Isobel, saka marahang hinila papalapit. Wala sa kanilang dalawa ang nagmamadali. Walang salita, pero malinaw ang sinasabi ng kanilang bawat kilos: Pipiliin kitang muli, dito at ngayon.
Hinagod ng palad ni Leandro ang likod ni Isobel, mula batok pababa sa baywang, at saka hinaplos ang mga balikat nitong walang takip. Dahan-dahan niyang hinalikan ang clavicle ng babae, pinagapang ang kanyang labi doon na parang sinusulat ang pangalang matagal nang gustong isigaw.
Napapikit si Isobel, ninamnam ang bawat sandaling hinahaplos ng halik ang kanyang balat. Ang kanyang mga daliri ay kusang gumapang sa batok ng lalaki, hinila ang buhok nito nang bahagya habang ang kanyang dibdib ay humihinga ng mas mabilis sa bawat segundo.
Nagkatitigan sila. Walang malisya—puro damdamin. Sa mga mata ni Leandro, nakita ni Isobel ang pagnanasang hindi lang pisikal, kundi emosyunal. Yung pagnanasang hindi lang gustong angkinin ang katawan niya kundi ingatan ang puso niya.
Humakbang si Leandro papalayo ng bahagya, at saka dahan-dahang hinila ang zipper ng dress. Nahulog ang damit, malambot na bumagsak sa sahig, naiwan si Isobel na naka-itim na lace lingerie. Napakagat siya sa labi, tila kinakabahan pero sabik sa bawat hakbang ng susunod na sandali.
Lumapit muli si Leandro, hinalikan siya—hindi mapusok, kundi may diin. Isang halik na may pasakalye, isang halik na unti-unting nagpapainit sa kanilang dalawa. Habang hinahalikan siya, itinulak siya ni Leandro patalikod hanggang maramdaman ni Isobel ang malamig na bedsheet sa kanyang likod.
Pumatong si Leandro, pinapanood ang ekspresyon niya habang hinahaplos ang gilid ng kanyang hita. Ramdam ni Isobel ang panggigigil at pagmamahal sa bawat haplos. Napasinghap siya nang dumikit ang palad ng lalaki sa ibabaw ng kanyang lace panty—mainit ang palad, mabagal ang galaw, at sinadyang dahan-dahan.
“Ang ganda mo,” bulong ni Leandro, halos hindi marinig. “Hindi lang sa paningin ko. Sa kabuuan mo.”
Napahinga si Isobel nang malalim. Sa mga panahong ito, ramdam niya na hindi lang siya katawan. Isa siyang babae—minamahal, inaangkin, at pinapahalagahan.
Hinila ni Leandro ang panty niya pababa. Isa-isa, marahan, na parang sinasamba ang bawat pulgada ng balat niyang nadadaanan. Pagkatapos ay dumapa ito sa pagitan ng kanyang hita, tiningnan siya sa mata, at saka hinalikan ang kanyang inner thigh—mabagal, may pasensya, may paghanga.
Isang panginginig ang lumitaw sa katawan ni Isobel. Hindi pa man siya nahahawakan sa gitna, parang sumasabog na ang init sa kanyang puson. Hanggang sa maramdaman niya ang dila ni Leandro na humaplos sa kanya—una'y mababaw, pagkatapos ay malalim at paulit-ulit.
Napakapit siya sa bedsheet. Napakagat sa labi. Nagpupumiglas ang kanyang katawan sa sarap.
“Leandro… oh God…” napabulong siya, habang ang bawat hibla ng kanyang pagkababae ay sumisigaw sa sensasyon.
Hindi tumigil ang lalaki. Naglaro ito gamit ang dila, hinahanap ang pinakamaselang bahagi niya, habang ang daliri nito ay marahang ipinasok sa kanya. Halos mawalan siya ng ulirat. Pabilis nang pabilis ang kanyang paghinga.
At sa gitna ng pagkalasing sa sarap, doon niya naramdaman ang pagputok ng init sa kanyang katawan. Isang climax na hindi lang pisikal—ito ay emosyonal, malaya, at buong-buo.
Huminto si Leandro, umangat at hinalikan siya sa labi. Naramdaman ni Isobel ang sarili niyang lasang-lasa sa labi ng lalaki, pero wala siyang pakialam. Ang halik na iyon ay parang sinasabi, ikaw ang akin, sa lahat ng anyo mo.
Ngayon siya naman ang gumalaw.
Hinubad ni Isobel ang damit ni Leandro. Isa-isang butones ang tinanggal niya, may halik sa bawat pulgada ng balat na nadaraanan. Pagkatapos ay hinubo ang pantalon nito, ibinaba ang brief, at napangiti sa nakitang kasigasigan ng katawan ng lalaki para sa kanya.
Pumatong siya sa ibabaw ni Leandro. Gumapang ang halik niya pababa sa leeg nito, sa dibdib, sa puson. Tiningnan niya ito sa mata habang dinudulas ang sarili sa ibabaw ng kahandaan ng lalaki. Napasinghap si Leandro.
“Fuck... Isobel...”
Mabagal ang galaw ni Isobel. Parang sayaw. Parang ritwal. Ang bawat kadyot ay puno ng damdamin. Walang pagmamadali. Walang takot. Nakatingin siya kay Leandro habang binabayo ito—mata sa mata, puso sa puso.
Hinawakan siya ni Leandro sa bewang, sabay sa ritmo. Bumangon ito at niyakap siya, habang magkasugpong pa rin sila. Dinala siya sa gilid ng kama, habang nakaupo siya sa ibabaw ng tuhod nito. Pinatong ang kanyang likod sa dingding, at mula roon ay binitbit siya, kinilos sa ritmo ng bawat salpukan.
Bumilis ang galaw. Lumalim ang ungol. At sa isang malakas na ulos—sabay silang nilabasan.
Pareho silang nanlambot, ngunit niyakap ni Leandro si Isobel nang mas mahigpit.
Walang salita ang makakapantay sa sandaling iyon. Sa kwartong iyon, sa probinsyang tahimik, dalawang kaluluwang pagod sa tago at lihim ay tuluyan nang pinili ang liwanag.
Pagkatapos ng ilang minutong tahimik na yakapan, humiga silang magkatabi. Magkayakap. Pawisan. Hingal. Ngunit tahimik ang puso.
“Sana... dito na lang tayo lagi,” bulong ni Isobel.
“Gagawa tayo ng lugar kung saan laging may tayo,” sagot ni Leandro, hinahalikan ang kanyang buhok.
At sa gabing iyon, habang ang kuliglig ay patuloy sa kanilang awit, at ang buwan ay nakasilip sa bintana, alam nilang sa wakas—hindi na ito basta isang larong pisikal.
Ito na ang simula ng isang pagmamahalan. Isa na hindi nila kayang takasan.
Mainit ang hangin sa umagang iyon, pero malamig ang simoy na nagmumula sa bukid na parang yumayakap sa balat ni Isobel. Nakatayo siya sa balkonahe ng bahay, naka-shirt lang ni Leandro at maikling shorts habang pinapanood ang mga manok na nagkakagulo sa ilalim ng puno ng mangga. Sariwa ang amoy ng lupa, palay, at nilulutong sinangag sa kusina.
Nasa likuran niya si Leandro, nakatayo habang humihigop ng kape, nakasando’t boxer shorts. Kanina pa siya nito tinatawag pabalik sa kama, pero mas pinili niyang namnamin ang lugar—at ang saya na dala ng simpleng umaga na ‘to.
“Excited ka masyado, noh?” tanong ni Leandro, ibinaba ang tasa sa mesa at humawak sa balikat niya.
“Pang-ilang beses mo ba ‘ko makikitang ganito ka peaceful?” biro niya. “Kaya sige lang, hayaan mo akong magbabad sa ‘probinsyang fantasy’ ko.”
Napangiti si Leandro at hinalikan siya sa pisngi. “Mamaya, ihahanda ko na ‘yang fantasy mo. Darating ang buong angkan—mga tito, tita, pinsan. Lahat excited makilala ka.”
“Excited o nag-uusisa?” pabirong tanong ni Isobel, pero may kaunting kaba sa tono.
“Both,” sagot ni Leandro habang nilalagay ang braso sa baywang niya. “Pero tiyak akong magugustuhan ka nila. Kasi ako mismo, ‘di na kita binitawan.”
Hindi na sumagot si Isobel. Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ni Leandro sa kanyang tagiliran. Tahimik. Kontento.
Eksaktong alas-onse, dumating ang isang van at dalawang tricycle sa tapat ng bahay. Bumaba ang matatanda, mga batang may bitbit na prutas, mga babaeng may kasamang tupperware, at isang lalaki na agad sumigaw ng, “Woooooy, si Kuya Leandro!”
Lumabas si Leandro at agad sinalubong ng mga yakap, tapik, tawanan. Parang hari ng lugar. Si Isobel ay nakatayo sa may pintuan, nagmamasid, hawak ang tray ng juice.
“Siya ba?” tanong ng isang matandang babae, nakasuot ng floral dress, habang pinagmamasdan si Isobel mula ulo hanggang paa.
Lumapit si Leandro sa tabi ni Isobel at hinawakan ito sa baywang. “Oo, Tita Susan. Siya si Isobel.”
Tila isang magic word ang pangalan ni Isobel. Lahat ng ulo ay lumingon. Sunod-sunod ang lapit at bati.
“Ay, ang ganda mo anak!”
“Naku, ang kinis ng balat!”
“Ikaw ba ‘yung nag-top sa mga estudyante sa Maynila?”
“Mas bagay pala kayo kaysa sa picture!”
Nagkagulo. Parang artista si Isobel. Sa una’y awkward, pero unti-unti siyang lumambot. Tinanggap niya ang yakap ni Tita Susan, ang pisil sa pisngi ng mga tita, ang mga tanong ng pinsan ni Leandro kung marunong ba siyang magsaing.
Habang abala si Leandro sa pakikipag-usap sa mga tito, unti-unting kinumpiska ng pamilya ang atensyon ni Isobel. Tinabihan siya ng mga babae sa mesa, binigyan siya ng suman, ipinasok sa kwarto para ipakita ang lumang photo album.
“Dito lumaki si Leandro,” sabi ni Tita Marla habang pinapakita ang picture ng binatilyo nitong halos walang buhok. “Napaka-bait na bata ‘yan. Pero mahiyain. Buti na lang at ikaw ang napili niya.”
“Napili?” tanong ni Isobel, ngumiti pero kinabahan.
“Oo. May sinubukan siyang ibang dalaga dati, pero hindi tumagal. Iba ka. Kita sa kilos niya. Ibang Leandro ang nakita namin nang bumaba kayo kahapon.”
Maya-maya, may humila kay Isobel palabas.
“Tara, tulungan mo kami sa kusina,” sabi ni Tita Rose, sabay kuha sa braso niya.
“Baka magalit si Leandro pag nawala ‘ko,” biro ni Isobel.
“Naku, hayaan mo ‘yun. Siya na nga may kasama buong gabi! Kami naman ngayon.”
Samantala, sa labas ng bahay, napansin ni Leandro ang pagkawala ni Isobel. Tinungo niya ang kusina, pero napigilan siya ni Tita Susan.
“Hijo, pahinga ka muna riyan. Kami nang bahala sa asawa mo.”
“Hindi pa po kami—”
“E di future wife. Pareho lang ‘yon,” sabat ni Tita Susan.
Napailing si Leandro pero ngumiti rin. Bumalik siya sa sala, pero maya-maya’y tumayo ulit.
Paglingon niya sa gilid ng bahay, nakita niya si Isobel na nakaupo sa bangko, kasamang naghihiwalay ng sili ang dalawang tita at isang pinsan. Tawanan sila. Kumakain ng chicharon habang nagkukuwentuhan. Parang matagal nang parte ng pamilya.
Gusto niyang lumapit, pero para siyang na-outsider bigla. Parang lahat ay nahulog na agad sa loob ni Isobel. At sa totoo lang, kinurot siya ng konting selos—na siya, na kaytagal na nila, ay hindi pa ganito kabukas kay Isobel noon. Pero ang totoo, ito ang dahilan kung bakit siya na-in love sa babae: mabilis makasundo ng iba, hindi takot makihalubilo, at marunong tumawa.
Napansin siya ni Isobel sa malayo. Nginitian siya nito. Isang ngiting alam niyang sinasabi: huwag kang mag-alala, hindi ko sila inaagaw sa’yo—kinikilala ko lang ang mundong bahagi ka.
Pero iba ang iniisip ni Leandro. Gusto niyang siya ang katabi ni Isobel. Gusto niyang siya ang binibigyan nito ng chicharon. Hindi niya maipaliwanag, pero parang gusto niyang hilahin ito pabalik sa tabi niya. Parang bata na ayaw makibahagi.
Kaya nilapitan niya ito.
“Pwede ko bang hiramin saglit ang girlfriend ko?” tanong ni Leandro sa mga tita.
“Oi! Pahinga ka muna, hijo!” sigaw ng isa.
“Si Isobel naman muna sa’min. Buong gabi niyo na siyang kayong dalawa,” dagdag pa ng isa.
Sumimangot si Leandro. “Sige na nga.”
Tumalikod siya, pero ilang segundo lang, lumingon ulit at pasimpleng sinenyasan si Isobel.
Napailing si Isobel pero ngumiti. Maya-maya, nagpapaalam siya sa mga kasama, sabay habol kay Leandro sa likod ng bahay.
“Seloso ka pala,” bulong ni Isobel habang magkasabay silang naglalakad palayo sa likod ng bahay, patungo sa maliit na garden.
“Hindi ako seloso,” sagot ni Leandro. “Ayoko lang nang masyadong maraming umaagaw sa oras natin.”
“Gusto mo ikaw lang?”
“Hindi ba?”
Natawa si Isobel. “Eh paano ‘pag ako ang naagawan ng oras mo?”
“Walang ibang kukuha niyan.”
Tumigil sila sa ilalim ng puno ng santol. Tahimik. Wala nang ingay kundi ang kuliglig at lagaslas ng hangin.
Hinawakan ni Leandro ang kamay niya. “Tanggap ka nila, Isobel.”
Ngumiti si Isobel. “Oo nga, at parang kinukuha ka na rin nila sa’kin.”
“Then maybe we should make this official,” sagot ni Leandro.
Napatingin si Isobel. “Anong ibig mong sabihin?”
“Wala pa. Pero gusto kong malaman mong... seryoso ako.”
Tumango lang si Isobel. Hindi niya kailangang marinig ang buong pangungusap. Alam niyang totoo ito. At sapat na iyon.
Sa likod ng bahay, sa pagitan ng katahimikan at damdaming piniling maging totoo, nagyakap sila.
Isang araw ng bonding. Isang araw ng pagtanggap.
Isang araw na nagpapatunay—hindi lang ito laro. Ito na ang simula ng “tayo.”[SPG Reminder]: Ang chapter na ito ay naglalaman ng mature scenes. For 18+ readers only.PAGBAGSAK nila sa kama, parehong humihingal sina Leandro at Isobel. Pero hindi pa tapos ang init na nagliliyab sa pagitan nila. Ramdam ni Isobel ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakahiga sa tabi ni Leandro. Mainit ang balat nito, mabango, at may halong amoy ng lalaking kanina pa niya ninanais.Marahan siyang bumangon, nakatingin sa lalaking nakahiga. May kakaibang apoy sa mata ni Leandro—parang pinipigil ang sarili, pero ramdam niyang kahit kailan ay bibigay din ito.“Leandro…” bulong ni Isobel, halos pabulong lang, pero sapat para mapalingon siya rito.Umupo si Leandro, pero hindi pa niya inaasahan ang susunod na ginawa ni Isobel. Hinawakan siya nito sa balikat at marahan siyang itinulak pabalik sa kama. Siya na mismo ang umibabaw, ang mga mata ay kumikislap sa determinasyon.“I want to do this,” mahina pero mariing wika ni Isobel. “Ako naman ang mauuna.”Hindi nakagalaw si Leandro nang d
TAHIMIK ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang kalsada mula campus. Ang malamlam na liwanag ng city lights ay dumaraan sa windshield, lumulutang sa mukha ni Leandro. Parehong nakasindi ang stereo ngunit naka-mute, kaya’t tanging ugong ng makina ang bumabalot sa kanila.Si Isobel naman ay hindi mapigilang magsalita. Wala siyang gustong iwanang puwang sa pagitan nila. Kaya kahit anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya agad. “Leandro, grabe, nakita mo kanina yung nag-cut sa’yo sa traffic? Ang kapal, no? Kung ako siguro nag-drive, baka sinigawan ko na siya.” Napahagalpak siya ng tawa, pero nanatiling seryoso si Leandro, nakatutok ang tingin sa daan.“Leandro… sabi nila, kapag tahimik daw ang driver, ibig sabihin nag-iisip ng malalim. Totoo ba ‘yon? Kasi parang ang lalim ng iniisip mo ngayon.” Nakalingon siya rito, sinisilip ang bawat piraso ng ekspresyon sa mukha nito, pero walang gaanong clue ang makuha.Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ano kaya iniisip mo? Baka naman ako? Kasi
MADALING-ARAW pa lang ay gising na si Isobel. Mahina niyang binuksan ang mga mata, unti-unting nakasanayan ang manipis na liwanag na pumapasok mula sa bintana ng hotel room. Ang unang tanaw niya ay ang mukha ni Leandro, nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog sa unang pagkakataon matapos ang maraming araw na pagod at kalungkutan.Marahan niyang pinagmasdan ang binata. Ang maamo nitong mukha, ang pilik-mata na bahagyang gumagalaw sa bawat paghinga, at ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Noon lang niya natanaw si Leandro na ganito kapayapa, walang bigat ng responsibilidad, walang maskara ng pagiging propesor na laging matatag at kontrolado.Parang bata lang siya kapag natutulog, naisip ni Isobel habang pinipigilan ang ngiti.Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Leandro kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay nakadantay ito sa balikat niya, at ramdam niya ang bigat ng lahat ng emosyon nitong bumuhos. Sa huli, pinili niyang manatili roon—hindi para sagutin ang lahat ng tanong
NAPALINGON si Isobel, at parang biglang nanlamig ang dugo niya nang makita kung sino ang nakatayo ilang metro ang layo. Nakatitig si Leandro sa kanila—hindi galit, pero ramdam niya ang bigat ng damdamin nito.“Leandro…” mahina niyang wika, halos hindi marinig ni Adrian.Agad na tumayo si Adrian at ngumiti, parang walang alam sa tunay na sitwasyon.“Ah, siya siguro ang professor na sinasabi mo, Isobel?” nakangiting tanong niya.Bumaling siya kay Leandro at inabot ang kamay. “Hello po, I’m Adrian. Friend ni Isobel. Just came back from the States.”Tahimik lang si Leandro, hindi tinanggap ang kamay agad. Saglit niya itong tinitigan—matangkad, well-dressed, at halatang may confidence na hindi madaling talunin. Sa huli’y tinanggap ni Leandro ang handshake, pero mahigpit.“Professor Leandro Salazar,” tipid na pakilala niya. “Nice to meet you.”Ramdam agad ni Adrian ang bigat ng titig ni Leandro, pero ngumiti pa rin ito. “I hope to see more of you, Sir. Since pareho tayo ng campus, for sure
MAINIT ang sikat ng araw nang araw na iyon, ngunit ramdam ni Isobel ang lamig na bumabalot sa kanya. Parang kahit anong init sa paligid, hindi nito matabunan ang lungkot at bigat na nasa dibdib niya. Dalawang araw na siyang halos hindi nagpapakita kay Leandro. Hindi siya umuuwi sa condo nila, at sa halip ay nanatili sa isang hotel na malapit lang sa campus. Kahit paulit-ulit siyang tinatawagan at tine-text ng lalaki, nanatiling tikom ang kanyang bibig at sarado ang kanyang puso.Ayaw niya munang makita si Leandro. Ayaw niyang bumigay sa yakap at boses nito, baka isang titig lang muli ng mga mata ng lalaki ay bumigay na siya at makalimutan ang sakit na nakita niyang halik mula sa ibang babae. At iyon ang ayaw niyang mangyari: ang maging bulag sa katotohanan.Kaya naman sa mga klase niya, kadalasan ay nagtatago siya sa library. Doon siya nagbababad kasama ng mga kaibigan niyang si Ana at Krisha. Wala namang alam ang mga ito sa tunay na nangyayari. Tuwing nagtatanong sila kung bakit para
MABIGAT ang pakiramdam ni Isobel buong maghapon. Simula nang makita niya sa garden si Leandro at ang bagong guro, hindi mawala ang mga tanong sa isip niya. Ano ba ang meron doon? Bakit parang ang gaan ng usapan nila? At bakit parang mas masaya ang ngiti ni Leandro habang kausap ang babae? Hindi naman siya selosa sa normal na paraan, pero dahil lihim ang relasyon nila, mas madali siyang tamaan ng alinlangan.“Siguro, professional lang… baka nagtatanong lang ng tungkol sa klase,” bulong niya sa sarili habang nakatingin sa libro niyang bukas pero wala naman siyang naiintindihan sa binabasa.Paulit-ulit niyang iniisip na baka siya lang ang nagiging overthinker. Pero kahit anong pilit niyang i-justify, may parte ng puso niyang kumakabog—parang may nagbabadya.Nang matapos ang klase, halos wala siyang ganang makipag-usap sa mga kaklase niya. Nagpaalam siya agad sa mga kaibigan at dumiretso sa faculty room para hanapin si Leandro. Ngunit hindi niya ito nadatnan doon. Kaya nagpasya siyang bum