FAZER LOGINMainit ang hapon sa probinsya, pero malamig ang simoy ng hangin mula sa bukid na dinaanan nila. Nasa passenger seat si Isobel habang nagmamaneho si Leandro. Naka-rolled up sleeves ito, shades, at halatang relaxed pero may ngiting may tinatago.
“Bakit parang may tinatago ka?” tanong ni Isobel, hawak ang cellphone niya pero mas nakatutok sa binata.
“Wala,” sagot ni Leandro na may bahagyang ngisi. “I just want you to meet my friends. Sila yung barkada ko since high school.”
Napakunot ang noo ni Isobel. “Meet your friends? Like… lahat sila? Ngayon?”
“Yep,” sagot niya, sabay lingon saglit sa kanya. “Don’t worry. They’ll love you.”
They better, bulong ni Isobel sa isip.
Pagdating nila sa isang maliit na kubo sa gilid ng ilog, narinig agad ni Isobel ang tawanan at kantahan mula sa loob. May ilang lalaking naka-sando at shorts, may mga babaeng nakaupo sa banig, nagkukwentuhan. Halatang sanay sa isa’t isa.
“Leandro!” sigaw ng isa, sabay tayo at yakap sa kanya. “Pare, ang tagal mong nawala ah!”
“Busy sa syudad,” sagot ni Leandro, tapik sa balikat nito. “Pero guys, I want you to meet someone special.”
Nakaramdam ng kakaibang kaba si Isobel habang papalapit. Ramdam niya ang ilang pares ng mata na sumusuri sa kanya mula ulo hanggang paa.
“This is Isobel… my girlfriend,” sabi ni Leandro na may diin sa huling salita.
Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan bago bumungad ang ngiti ng isang babae na halatang leader-type sa grupo. “Hi! Finally, may dinala na si Leandro dito. Akala namin forever bachelor na siya.”
Napangiti si Isobel at nakipag-kamay. “Hi, nice to meet you all.”
“Come, join us,” sabi ng isa pang lalaki. “We’re just having late lunch.”
Habang kumakain, paminsan-minsan ay nahuhuli ni Isobel ang ilang tingin mula sa mga kaibigan ni Leandro—hindi naman hostile, pero parang curious.
“So, Isobel,” tanong ng isang babaeng medyo maputi at may maiksi ang buhok, “how did you and Leandro meet?”
Nagkatinginan sila ni Leandro bago siya sumagot. “Uh… work. We started as… let’s say, unexpected colleagues.”
'Sa bar lang kami unang nagkita tapos nagbembangan na,' saad ni Isobel sa isip niya at palihim na ngumiti.
Nagkatawanan ang ilan. “Leandro, work daw? Alam naming hindi mo ina-approach ang mga babae sa office dati,” biro ng isang lalaki.
“Eh, iba si Isobel,” sagot ni Leandro sabay tingin sa kanya na parang walang ibang tao sa paligid.
May kakaibang init sa pisngi ni Isobel. Hindi niya alam kung dahil sa araw o sa tingin ni Leandro.
“Uy, sweet!” sigaw ng isa, sabay kantyaw. “Hindi na kami sanay sa ganyang Leandro ah.”
“Mas mabuti na yan kaysa sa dati,” sabi ng isang babae. “Hindi na palipat-lipat ng… alam mo na.”
Natawa si Leandro pero hinawakan niya ang kamay ni Isobel sa ilalim ng mesa. “She’s the only one I want,” bulong nito na siya lang ang nakarinig.
Matapos ang pagkain, nag-aya ang barkada na pumunta sa ilog para magpalamig. May ilan nang tumalon mula sa bato, may naglalaro ng tubig.
“Come on, Isobel, try mo!” sigaw ng isang babae.
Nag-aalangan siya. Hindi siya handa para sa ganito ka-casual na bonding. Pero bago pa siya makatanggi, hinila siya ni Leandro papunta sa mababaw na bahagi ng tubig.
“Relax,” bulong niya. “I’m right here.”
Habang naglalaro sila sa ilog, abala si Isobel sa pagpupunas ng mukha nang mapansin niyang wala si Leandro sa tabi niya. Napalingon siya at nakita itong nakatayo sa mababaw na bahagi ng tubig, kausap ang isang babaeng naka-blue rash guard.
Nakatalikod si Leandro sa kanya pero halata ni Isobel ang pagkaka-lean ng babae palapit sa kanya. May hawak pa itong bottled water na para bang ibinibigay kay Leandro.
Seriously? In the middle of everyone?
Napakunot ang noo ni Isobel, pakiramdam niya ay may kung anong mainit na umakyat sa batok niya.Nakita niyang ngumiti si Leandro sa babae at tinanggap ang tubig. Tumawa pa ito sa isang sinabi ng babae—at iyon ang huling patak ng pasensya ni Isobel.
Lumapit siya, dahan-dahan pero may diin ang bawat hakbang sa tubig. Nang marating niya si Leandro, dire-diretso niyang hinawakan ang braso nito at marahang hinila palapit sa kanya.
“Oh, Bel—” magsasalita pa sana si Leandro pero bigla niya itong hinalikan sa labi. Hindi mabilis, hindi rin mababaw—isang halik na sapat para maramdaman ng babae sa harap nila na wala siyang laban.
Napalunok ang kausap ni Leandro at biglang nagpaalam, “Uh, I’ll just… go back to the group.”
Pagkaalis nito, napangisi si Leandro. “Jealous?” bulong niya.
“I’m just making sure people know their boundaries,” sagot ni Isobel, kunot ang noo pero namumula ang pisngi.
Hinawakan ni Leandro ang baywang niya at bumulong, “You don’t have to worry. You’re the only one I see.”
Pero kahit malinaw ang tono ng boses ni Leandro, ramdam pa rin ni Isobel ang kaunting init ng selos sa loob niya—na mas lalo lang nagpatamis sa susunod nilang mga titig at hawakan.
At oo nga, buong oras, hindi siya iniwan ni Leandro. Kahit may mga babaeng kaibigan si Leandro na lumalapit at nakikipag-usap dito, palaging isang kamay o braso ang nakadikit sa kanya. Para bang sinasabi sa lahat na She’s mine.
May isang pagkakataon na lumapit ang isang babaeng nakapink bikini at sumigaw, “Leandro, remember last summer when—”
“Not now, Shane,” sagot ni Leandro, mabilis pero mahinahon.
Naka-arko ang kilay ni Isobel. Shane na naman.
“Who’s Shane again?” bulong niya kay Leandro habang naglalakad sila pabalik sa kubo.
“Friend. Just… history. Nothing to worry about.”
“History? Like Mika? Ang dami mong babae!” tinaasan niya ito ng kilay.
“History that ended the moment you came in,” sagot ni Leandro, seryoso ang boses. “You’re the present and future, Bel.”
At sa harap ng barkada, bago pa makapagsalita si Isobel, hinalikan siya ni Leandro—hindi mabilis, hindi rin sobra, pero sapat para marinig niya ang lahat ang collective na kinantiyaw sila.
Ramdam niya na kahit bago siya sa grupo, malinaw sa lahat kung gaano siya kamahal ni Leandro.
Bago sila umalis, isa-isa silang binati ng mga kaibigan ni Leandro. May mga nagpa-picture, may nangulit ng kwento nila, pero lahat ay may ngiting tanggap na siya sa buhay ng lalaki.
Pagbalik nila sa sasakyan, hawak pa rin ni Leandro ang kamay niya.
“See? I told you they’d love you.”
Napangiti si Isobel. “Maybe… pero alam mo kung bakit ako kampante?”
“Why?”
“Because you never let go.”
Tumawa si Leandro, hinalikan ang kamay niya, at sinabing, “Never will, Bel. Never will.”
At sa biyahe pabalik, kahit may init pa rin sa hangin, mas malamig ang pakiramdam ni Isobel—hindi dahil sa klima, kundi dahil ramdam niya ang seguridad sa piling ni Leandro.
Pagkatapos ng incident sa ilog, hindi pa rin mawala sa isip ni Isobel ang nakita niya kanina. Kahit pa sabihing wala lang ‘yon kay Leandro, ramdam niya pa rin ang kaunting kurot sa dibdib.
Pero sa kabilang banda, gusto rin niyang aminin sa sarili na… medyo enjoy siya sa ginawa niyang paghalik sa harap ng iba. Hindi lang para ipakita na sila ni Leandro ay totoong magka-relasyon, kundi para rin maramdaman ng lahat na wala siyang balak ibigay ang lalaki sa kahit sino.
Nang gumabi. Sa bahay ng isa sa mga kaibigan ni Leandro ginanap ang hapunan. May mahaba silang mesa sa labas, sa ilalim ng mga parol at string lights na nakasabit sa mga puno. May grupo ulit si Leandro na dumating, halos pinsan naman ito yon at kaibigan ng iba nitong kaibigan. Kaya hindi niya inaasahan na may nakakakilala sa kanya doon.
“Bel, dito ka sa tabi ko,” tawag ni Leandro habang may hawak na plato.
Pero bago pa siya makalapit, isang babaeng pinsan ni Leandro ang tumapik sa kanya. “Hi! You’re Isobel, right? Grabe, ang ganda mo pala in person.”
“Uh, thanks,” sagot ni Isobel na may ngiting tipid.
“Leandro told us a lot about you,” dagdag nito.
Napalingon si Isobel kay Leandro na biglang ngumisi, parang batang nahuli sa kalokohan. “Only good things,” sabay wink.
“Only good things, huh?” bulong ni Isobel nang umupo siya sa tabi ni Leandro.
“Of course,” sagot niya habang inihahain ang inihaw na isda sa plato ni Isobel. “Kung may masama man akong sabihin, baka magalit ka sa’kin.”
“Baka?” sagot ni Isobel na may pilit na kunot ng noo, pero halata ang ngiti sa labi.
Habang kumakain, ilang beses na nahuhuli ni Isobel ang mga kaibigan ni Leandro na tinitingnan sila—lalo na kapag kusa siyang nilalagyan ni Leandro ng ulam sa plato, o kapag may sinasabi ito sa tenga niya na nagiging dahilan ng pagtawa niya.
“Mukhang baliw na baliw sa’yo si Leandro,” bulong ng isa sa mga babae sa tabi niya.
“Siguro,” sagot ni Isobel, pero sa loob-loob niya ay, Yes. And I want to keep it that way.
Pagkatapos ng hapunan, nagkayayaan ang lahat na maglakad-lakad muna sa gilid ng bukid para mag-digest. Ibang pinsan at kaibigan ni Leandro ay nauna dahil ilan sa kanila ay may asawa't anak na. Pero si Isobel, medyo napagod na, kaya nagpasya na siyang maghintay sa sasakyan.
“Bel, sasamahan kita sa sasakyan,” saad ni Leandro na kinailing niya.
“Go with them. I’ll be fine. Just… don’t take too long,” sagot niya.
Nauna na siya sa sasakyan at iniwan ang mga ito. Pero mayamaya pa ay nakita niya si Leandro na papalapit sa sasakyan nito kung saan naroon siya. Mukha ngang iniwan nito ang mga kaibigan.
“Sabi ko sa kanila, mas gusto kong kasama kita,” sabi niya, walang bahid ng biro. Napailing na lang siya.
Tahimik ang unang ilang minuto ng biyahe niya. Nakatingin si Isobel sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga anino ng puno at ang malambot na ilaw ng buwan.
“Still thinking about earlier?” tanong ni Leandro habang nakatutok sa kalsada.
“Maybe,” sagot ni Isobel. “I just… I don’t like it when someone tries to get too close to you.”
“I like it,” sagot naman bigla ni Leandro.
Nilingon siya ni Isobel, kunot ang noo. “You like it?”
“I like it when you’re jealous,” sagot nito, ngayon ay nakatingin na sa kanya saglit bago bumalik sa kalsada. “Means you care. Means you’re afraid to lose me.”
Tumahimik si Isobel, ramdam ang mainit na bugso ng damdamin. “I’m not afraid… I just don’t want to.”
“You won’t,” malumanay na sagot ni Leandro. “Hindi ako mawawala, Bel.”
Biglang huminto si Leandro sa gilid ng kalsada, malapit sa isang maliit na viewpoint na tanaw ang ilog sa ibaba. Naka-on lang ang maliit na ilaw sa loob ng sasakyan.
Bago pa makapagtanong si Isobel, lumapit si Leandro at hinawakan ang kamay niya. “Come here.”
Nilapit siya ni Leandro hanggang magtagpo ang kanilang mga mukha. “I want to kiss you here. No distractions. No audience.”
At doon, sa gitna ng katahimikan ng probinsya, hinalikan siya ni Leandro—mabagal sa una, tila tinatandaan ang bawat kurba ng labi niya, tapos ay lalong lumalim, parang walang bukas.
Hinawakan ni Isobel ang batok niya, marahang hinihila palapit. Ramdam niya ang tibok ng puso nito sa dibdib, at ang init ng hininga na humahalo sa malamig na hangin ng gabi.
“You’re mine,” bulong ni Leandro nang maghiwalay sila para huminga.
“Always,” sagot ni Isobel, halos pabulong din.
Sa natitirang biyahe, nakahawak si Leandro sa kamay ni Isobel gamit ang isang kamay nito, habang ang isa’y nasa manibela. Paminsan-minsan ay pinipisil nito ang kamay niya, para bang pinapaalala na andun lang ito.
“Bel,” sabi niya bigla.
“Hm?”
“When we get back to the city… I don’t want things to change.”
“Bakit? May magbabago ba?” sagot ni Isobel.
“Because sometimes, the city makes people forget. I don’t want you to forget how much I love you here.”
Napangiti si Isobel, at mas lalo pang hinigpitan ang hawak niya sa kamay nito. “I won’t forget. I’ll just remember… and maybe miss it even more.”
Pagdating nila sa bahay, hindi agad bumaba si Leandro. Tumigil muna ito at tumingin sa kanya.
“Thank you for today,” sabi nito.
“Ako dapat magsabi niyan,” sagot ni Isobel. “You made me feel… safe. Even when I was being silly.”
“You’re not silly,” sagot niya, seryoso na ang tono. “You’re mine. And I’m yours. That’s it.”
Tumango si Isobel at ngumiti, sabay marahang idinikit ang noo sa kanya. “Goodnight, Leandro.”
Pero bago pa siya makababa, hinila ulit ni Leandro ang kamay niya, at hinalikan siya muli—isang matagal, matamis, at puno ng pangako.
At sa halik na iyon, alam ni Isobel na kahit anong mangyari, kahit saan sila mapunta, may isang bagay na mananatili—ang pagmamahal ni Leandro sa kanya.
Tahimik lang ang gabi. Sa loob ng condo, tanging mahinang ugong ng air conditioner at mga huni ng lungsod mula sa labas ang naririnig.Nakahiga si Isobel sa sofa, yakap ang unan, habang si Leandro ay abala sa kusina, nagtitimpla ng tsaa. Ang mukha ni Leandro ay kalmado pero halatang pagod; may bakas ng isipin sa mga mata nito—parang iniisip kung paano mapoprotektahan ang kanilang lihim.Paglapit niya, iniabot ang tasa kay Isobel. “Green tea. Para makalma ka,” sabi niya, malumanay ang boses.“Thanks,” sagot ni Isobel, tinanggap iyon. “Hindi mo kailangang gawin ‘to lagi. Kaya ko naman sarili ko.”“Gusto ko,” maikli pero matatag na sagot ni Leandro. “Gusto kong maalagaan ka.”Napayuko si Isobel, napangiti. “Minsan nakakalimutan kong professor ka. Ang sweet mo masyado.”Umupo si Leandro sa tabi niya. “Professor pa rin ako. Pero sa’yo, ako lang si Leandro.”Sandaling katahimikan. Tanging paglagok ng tsaa ni Isobel ang naririnig.“Babe…” tawag nito. “May naririnig ka bang tsismis sa school?
Tahimik ang sala nang matapos ang pelikula. Ang huling tunog na narinig ay ang mahinang pag-click ng remote nang patayin ni Leandro ang TV. Sa paligid ay amoy pa ang mantikilyang galing sa popcorn, at nakakalat sa mesa ang ilang hindi naubos na baso ng soda.Isobel, nakasandal sa balikat niya, may ngiting hindi mabura sa labi. “Ang tagal ko nang hindi nagmo-movie marathon nang ganito,” mahina niyang sabi habang nilalaro ang laylayan ng t-shirt ni Leandro. “Na-miss ko ‘yung ganitong feeling. Yung… walang iniisip. Walang stress.”Napangiti si Leandro at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kung gusto mo, pwede natin gawing habit ‘yan. Every Friday night.”“Every Friday?” tumingin ito sa kanya, kunot ang noo pero may halong saya. “E baka maubusan tayo ng pelikula.”“Hindi ‘yung pelikula ang gusto kong mapanood,” sagot ni Leandro, at saka niya sinundan ng isang mapanuksong ngiti. “Ikaw.”Natawa si Isobel, pero mabilis ding namula ang pisngi. “Corny mo.”“Hindi corny, honest lang.”Pinisil n
[SPG Reminder]: Ang chapter na ito ay naglalaman ng mature scenes. For 18+ readers only.PAGBAGSAK nila sa kama, parehong humihingal sina Leandro at Isobel. Pero hindi pa tapos ang init na nagliliyab sa pagitan nila. Ramdam ni Isobel ang mabilis na tibok ng puso niya habang nakahiga sa tabi ni Leandro. Mainit ang balat nito, mabango, at may halong amoy ng lalaking kanina pa niya ninanais.Marahan siyang bumangon, nakatingin sa lalaking nakahiga. May kakaibang apoy sa mata ni Leandro—parang pinipigil ang sarili, pero ramdam niyang kahit kailan ay bibigay din ito.“Leandro…” bulong ni Isobel, halos pabulong lang, pero sapat para mapalingon siya rito.Umupo si Leandro, pero hindi pa niya inaasahan ang susunod na ginawa ni Isobel. Hinawakan siya nito sa balikat at marahan siyang itinulak pabalik sa kama. Siya na mismo ang umibabaw, ang mga mata ay kumikislap sa determinasyon.“I want to do this,” mahina pero mariing wika ni Isobel. “Ako naman ang mauuna.”Hindi nakagalaw si Leandro nang d
TAHIMIK ang loob ng kotse habang binabagtas nila ang kalsada mula campus. Ang malamlam na liwanag ng city lights ay dumaraan sa windshield, lumulutang sa mukha ni Leandro. Parehong nakasindi ang stereo ngunit naka-mute, kaya’t tanging ugong ng makina ang bumabalot sa kanila.Si Isobel naman ay hindi mapigilang magsalita. Wala siyang gustong iwanang puwang sa pagitan nila. Kaya kahit anong pumasok sa isip niya, sinasabi niya agad. “Leandro, grabe, nakita mo kanina yung nag-cut sa’yo sa traffic? Ang kapal, no? Kung ako siguro nag-drive, baka sinigawan ko na siya.” Napahagalpak siya ng tawa, pero nanatiling seryoso si Leandro, nakatutok ang tingin sa daan.“Leandro… sabi nila, kapag tahimik daw ang driver, ibig sabihin nag-iisip ng malalim. Totoo ba ‘yon? Kasi parang ang lalim ng iniisip mo ngayon.” Nakalingon siya rito, sinisilip ang bawat piraso ng ekspresyon sa mukha nito, pero walang gaanong clue ang makuha.Nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Ano kaya iniisip mo? Baka naman ako? Kasi
MADALING-ARAW pa lang ay gising na si Isobel. Mahina niyang binuksan ang mga mata, unti-unting nakasanayan ang manipis na liwanag na pumapasok mula sa bintana ng hotel room. Ang unang tanaw niya ay ang mukha ni Leandro, nakahiga sa tabi niya, payapang natutulog sa unang pagkakataon matapos ang maraming araw na pagod at kalungkutan.Marahan niyang pinagmasdan ang binata. Ang maamo nitong mukha, ang pilik-mata na bahagyang gumagalaw sa bawat paghinga, at ang mga labi nitong bahagyang nakabuka. Noon lang niya natanaw si Leandro na ganito kapayapa, walang bigat ng responsibilidad, walang maskara ng pagiging propesor na laging matatag at kontrolado.Parang bata lang siya kapag natutulog, naisip ni Isobel habang pinipigilan ang ngiti.Hindi niya alam kung anong oras nakatulog si Leandro kagabi. Ang huli niyang natatandaan ay nakadantay ito sa balikat niya, at ramdam niya ang bigat ng lahat ng emosyon nitong bumuhos. Sa huli, pinili niyang manatili roon—hindi para sagutin ang lahat ng tanong
NAPALINGON si Isobel, at parang biglang nanlamig ang dugo niya nang makita kung sino ang nakatayo ilang metro ang layo. Nakatitig si Leandro sa kanila—hindi galit, pero ramdam niya ang bigat ng damdamin nito.“Leandro…” mahina niyang wika, halos hindi marinig ni Adrian.Agad na tumayo si Adrian at ngumiti, parang walang alam sa tunay na sitwasyon.“Ah, siya siguro ang professor na sinasabi mo, Isobel?” nakangiting tanong niya.Bumaling siya kay Leandro at inabot ang kamay. “Hello po, I’m Adrian. Friend ni Isobel. Just came back from the States.”Tahimik lang si Leandro, hindi tinanggap ang kamay agad. Saglit niya itong tinitigan—matangkad, well-dressed, at halatang may confidence na hindi madaling talunin. Sa huli’y tinanggap ni Leandro ang handshake, pero mahigpit.“Professor Leandro Salazar,” tipid na pakilala niya. “Nice to meet you.”Ramdam agad ni Adrian ang bigat ng titig ni Leandro, pero ngumiti pa rin ito. “I hope to see more of you, Sir. Since pareho tayo ng campus, for sure







