Share

Chapter 7.2: Love

“I’ll drive you home,” sambit ni Evander pagkatapos naming kumain na nagpagulat sa akin.

“Huwag na, Sir! Masyado na akong nakakaabala. Magta-tricycle na lang ako.”

Sa katunayan ay nilalakad ko lang naman talaga ang hotel at bahay dahil bukod sa nagtitipid ako, malapit lang din naman talaga. Pero dahil gabi na at pagod na ako ay magta-tricycle na ako.

“Sinong nagsabing naabala mo ako?” His brows furrowed. “It’s already dark. I don’t think you will immediately get home. Wala nang masyadong tricycle na dumadaan sa ganitong oras.”

“May trabaho ka pa, Sir. Kaya ko naman umuwing mag-isa…” tanggi ko.

“I’m already done with my work today. Besides, there’s no guarantee that you will get home safely. Huwag ka nang umangal,” matiim niyang sinabi.

Napakamot ako sa pisngi ko at napahugot ng hininga.

“O-okay.” Tumango ako dahil mukhang hindi niya ako tatantanan. Nauna na siyang maglakad papunta sa parking lot ng resort. Tahimik lang ulit akong nakasunod sa kanya.

Binuksan niya ang pinto ng
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status