Share

Sweet Obsession 5

CRUSH

Eksaheradong nagsinghapan ang apat na babae kong kaibigan na ang letter A na tinutukoy ko na crush ay si Athan.

"O.A. ng reaksiyon, ha!" komento ko sabay tapon ng balat ng kayimito sa gitna ng araruhan.

"Sabagay, gwapo naman talaga si Athan. Kaso nga lang ay mabaho ang paa!"

Inis kong tinapunan ng tingin si Razyl. Mali yata na sinabi ko ang tungkol kay Athan. Dini-discourage nila ako!

"Ano sa tingin mo, Braden? Crush din kaya ako ni Athan?" wala sa sariling tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya. Wala pala akong mapapala sa isang kaibigan na ito! Lalaki pa naman kaya importante ang opinyon niya.

"Braden!"

"Ano!" bulyaw niya nang tinulak ko siya para sagutin ako.

I want to know what boy's thought about me. Siyempre lalaki siya kaya alam kong mayroon siyang ideya.

"Do you find me... attractive?" lakas-loob na tanong ko.

He creased his brows and just stared at me. Pinag-aaralan niya ba ang mukha ko?

"Ano..." Halos bulong na iyon, baka mawala ang konsentrasyon niya sa pagkilatis sa akin kung bibiglain ko siya.

Pinaliit niya pa ang mga mata at saka inilayo ang tingin. Ano kaya ang nakikita niya sa akin?

Pati sina Savannah ay kuryuso na rin kaya inilapit nila ang mukha sa akin at hinihintay ang sagot ni Braden.

We held our breaths, trying to cease any disturbance to his concentration.

"Ano nga uli ibig sabihin ng tanong mo?" he hoarsely asked, scratching the back of his head.

Inis kong kinamot ang leeg at sabay na nagsibugahan ng hangin ang apat.

"Pa-thrilling pa, hindi naman pala alam ang ibig sabihin. Sabi ni Adrielle, maganda ba siya sa paningin mo, attractive ba, meaning... siya ba ang tipo na magugustuhan ng lalaki? Gano'n!" paliwanag ni Savannah.

"Ah!" Tatango-tango pa ang hunghang.

He shrugged and smiled. "Cute ka naman, maarte nga lang."

"Ako maarte?"

Tumango siya. "Oo, siyempre sanay ka sa buhay siyudad kaya hindi mo alam ang buhay ng probinsya. Pero okay lang naman iyon, ang importante ay ang mahalaga."

Patuloy na siya sa paglalakad at iniwan kami.

"Braden! Isa pa!" hirit ko pa.

"Ano?"

I bit my lower lip and smiled. "If ikaw si Athan, magkaka-crush ka kaya sa akin?"

Napakurap siya sa tinanong ko. His face became serious. Ang lalim pa ng iniisip.

"Magkaiba kami ni Athan. At isa pa, ang bata-bata mo pa ra sa crush-crush! Ilang taon ka na? Ten? Sus! Hindi ka pa nga siguro nagdadalaga," aniya.

Nainis ako sa walang kuwentang sagot niya. Menstruation na lang ang kulang sa akin. I even used baby bra dahil mayroon na akong bukol sa dibdib.

"Kunwari lang naman!" pamimilit ko.

"Sige na!"

He defeatedly heaved a breath and nodded.

"Talaga?" I wiggled my butt and danced in the middle of the road.

Natatawang pumapalakpak sina Razyl para kunwari ay tugtog ko.

"Sira-ulo!" komento ni Braden at mabilis na naglakad.

So, may pag-asa na maging crush din ako ng crush ko?

Nag-ayos ako kinaumagahan. Hindi nga ako nagsuot ng uniform para ma-appreciate naman ako ni Athan. Baka mukha akong manang kung nag-u-uniform.

I tried to look like a lady. Kahit ayaw kong hubarin ang headband ay kailangan kong gawin. Magmumukha akong bata kung suot ko iyon dahil sa ribbon.

"Wow! Ang ganda natin, ah! Ang bango pa," puna ni Athena at inamoy-amoy pa ako.

Ginamit ko talaga ang pabango ni Mama. Ayon sa nabasa kong libro na How to look Beautiful, nababatay raw ang amoy sa personalidad ng tao. And I want to be an adult, personalidad ba iyon? Basta!

Kunot-noong tumingin si Braden sa akin. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil ang sama ng tingin niya.

"Bakit?" mataray ko na tanong.

Umiling siya at inilinga ang tingin sa likod.

"Pinansin ka ba?" patuya niyang sabi.

I looked back and got dismayed when Athan didn't even look at me. Kakainis itong si Braden, nakakawala ng gana!

"Hindi mo dapat pinipilit ang mga bagay na hindi pa naman dapat. Magregla ka muna bago ka mag-inarte," aniya.

Problema ba iyon?

"At mas cute ka kung suot mo ang headband mo," dagdag niya pero hindi ko na siya pinansin.

I frowned the whole day dahil sa sinabi ni Braden. Idagdag pa na hindi naman talaga ako tinapunan ng tingin ni Athan. Sayang lang ang effort ko.

"Saan ka?" tanong ni Savannah nang aakma akong tatayo.

"Sa banyo. Medyo masakit ang tiyan ko," sagot ko na napahawak sa ibaba ng tiyan.

Wala naman akong ibang kinain kaninang umaga, pero iba ang pakiramdam ko. Ang bigat sa tiyan at tila may namamasa sa loob ng panty ko.

Lately, medyo marami-rami na ang lumalabas na white blood sa akin kaya palagi akong nagbibihis ng undies. Pero iba talaga ngayon.

"Adrielle!" tawag ni Braden sa akin sabay hila ng kamay ko.

"Bakit? Sama ka sa C.R.?" biro ko.

"Upo ka!" utos niya sabay hila sa akin.

"Sav, pahiram ng jacket mo," sabi niya kay Savannah.

Takang-ibinigay ni Savannah ang jacket kay Braden.

"Takpan mo ang likuran mo. May..."

"May?"

Napatingin si Braden kay Savannah. She was also puzzled to what Braden wants to say.

"May ano?"

"May... tagos ka."

Napasinghap sina Athena sabay tulak sa akin para tingnan ang puwetan ko.

"Oo nga, Adrielle! Halika ka, punta ka sa C.R."

Dalawa talaga kaming pumasok sa loob ng banyo at confirm, I already had my first period.

"Paano 'to?" tanong ko.

Tagos na tagos talaga lalo na't puti pa ang suot ko na pencil pants.

"Ano na?" katok nina Sav sa labas ng banyo.

I sighed and tightened the jacket on my waist. Hindi pa ako puwedeng umuwi dahil hindi pa tapos ang klase.

"Alam mo ba na may pamahiin kung ni-regla ka na?" sabi pa ni Glen sa akin nang nakaupo na ako sa silya ko.

"Ano?"

She looked to Braden na pasulyap-sulyap lang sa amin.

"Ipahid mo ang unang dugo sa mukha mo para hindi ka magka-pimples," bulong niya.

Inilayo ko ang mukha sa kanya at mariin na umiling.

No way! Kaya nga nilalabas ang dugo na ito dahil madumi, hindi ba? Ipapahid ko pa talaga sa mukha ko?

"Huhugasan mo naman mukha mo, uy!" dagdag niya.

Hindi talaga ako tinigilan ni Glen at sumama pa sa bahay namin nang magtanghalian. Dapat daw ay gawin ko ang pamahiin, dahil gagawin niya rin kung rereglahin na siya.

I already changed everything. Nag-uniform na rin ako dahil mas madaling suotin, iwas tagos kung sakali.

"Ayan! Ipahid mo sa mukha mo," aniya sabay bigay sa panty kong may bahid ng dugo.

Sinabunan niya pa talaga ng kaunti pero namumula ang sabon dahil sa hindi maayos na pagkakalaba.

"Sigurado ka?" napapangiwi kong tanong.

"Oo nga!" aniya.

Pikit-mata kong ipinahid ang panty sa mukha ko. Hindi rin ako humihinga dahil naaamoy ko ang lansa.

After washing my face thoroughly, Glen asked me another thing.

"Tumalon ka sa tatlong baitang ng hagdanan," sabi pa niya.

"Bakit na naman?" bagot kong tanong.

Ang daming arte nito!

"Para daw tatlong araw lang ang regla mo," sagot niya sabay tulak sa akin sa hagdanan ng kwarto namin.

I did it. Para akong uto-uto na ginagawa ang bawat utos ni Glen.

Nag-ayos ako ng sarili at muling hinarap ang salamin. Para ngang may kulang sa hitsura ko. May mali...

I took my blue headband and put it on my head. Braden told me that I am cute kung suot ko ang headband na ito. And if he sees me like that, probably, Athan will see the same thing like Braden's.

Agad kaming sinalubong nina Athena, Razyl at Savannah. Excited silang malaman kung effective ba ang pamahiin. Agad-agad?

Braden was so busy talking to one of my classmates. Ang daldal niya talaga!

"Oh, ano? Okay ka na?" tanong niya.

"Oo. Salamat at ikaw ang nakakita. Baka kung iba ay pagtawanan ako," sabi ko.

He smiled at me. "Hindi pinagtatawanan ang regla ng babae. May nanay ako at kapatid na mga babae. Kung gagawin ko iyon ay parang pinagtatawanan ko na rin ang nanay ko at kapatid."

Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit nakakaasar at pilosopo siya minsan, alam kong mabait si Braden.

Naikuwento nga ni Savannah sa akin na kaya palagi siyang absent ay dahil sumasama siyang pumapalaot sa dagat para mangisda kasama ng Papa niya. Umaga na raw sila umuuwi kaya minsan, hindi na nakakapasok.

Driver ng habal-habal ang papa niya at minsan ay nangingisda, may dalawa siyang kapatid na babae at isang kapatid na lalaki na nasa grade four na ngayon, habang magkasunod lang din ang dalawa niyang kapatid na babae na nasa dalawa at apat na taon pa. Panganay siya kaya pasan niya ang responsibilidad sa bahay tuwing umaalis ang nanay niya para mag-ani ng ilang pananim sa lupain nila sa General Santos.

Kuwento pa ni Savannah, may pagkakataon na isang buong linggo nga raw na absent si Braden dahil nagkasakit ang nanay niya at walang mag-aalaga sa mga maliliit na kapatid.

I was moved and felt embarrassed. Reklamo ako nang reklamo sa lahat ng bagay rito sa Punta del Sol. I cursed the place, but to be honest, ang lugar na ito ang nagpa-angat sa amin.

Kung tutuusin ay masuwerte ako dahil hindi ko kailangang mag-alaga ng mga kapatid dahil nag-iisang anak lang naman ako, hindi ko na kailangang magtrabaho rin para makatulong sa mga magulang ko dahil sila na ang gumagawa n'yon. Hindi kami mayaman, pero hindi ko masasabing mahirap kami.

I am fortunate enough to feel all the good things here in Punta del Sol, while others... need to work despite their young age. Braden's story opened my eyes. Ang masaklap pa, para makita ko ang kagandahan ng nasa palagid ko ay kailangan ko pang malaman ang mapait na karanasan ng iba.

Napasulyap ako kay Braden na abalang inaayos ang bracelet ni Athena na naputol. The good thing about him, he is so nice to girls, kaya isang pakiusap niya lang ay hindi umaayaw ang mga kaklase naming babae.

Lumingon siya sa akin kaya agad kong inilayo ang tingin. Kinabahan pa ako dahil sa biglaan niyang pagtingin sa akin.

"Ayusin mo nga iyang headband mo, tagilid," he said, reaching me just to fix it.

Napalunok pa ako nang iniangat niya ang kamay para abutin ang ulo ko. And it's a bit odd that for the very first time, I didn't get annoyed that someone touched my headband. Sa kanya lang...

"Ayan..." aniya na sinisipat pa kung ayos ba ang pagkakalagay.

Bakit biglang nag-init ang mga pisngi ko sa pagngiti niya sa akin? Ano ba ang nangyayari sa akin at nagkaroon ako ng kakaibang nararamdaman sa kanya? Weird!

Athena desperately pushed me to the ground to play chinese garter. Kahit ayaw ko ay namilit talaga siya.

I didn't wear any shorts kaya makikita ang panty ko kung tatalon ako.

"Wala namang lalaki rito," sabi pa ni Athena. Nasa likod kasi kami ng H.E. room. Lunch time, kaya pagkatapos kumain ay nagyaya siyang maglaro.

"Fine! I will play."

Unang tumalon si Athena at sumunod ako. Medyo mataas na ang lastiko kaya kailangan na talagang abutin.

I held my skirt to jump and reach the garter by my foot.

I jumped with all of my strength kaya medyo bagsak ang puwet ko sa lupa. Good thing, I reached the garter.

"Adrielle!" sigaw ni Braden na nakatayo sa may aratiles na puno.

Abot ang mga kilay niyang nilapitan ako.

Agad niyang tinakpan gamit ang laylayan ng aking palda sa nakikitang hita ko, he even glanced at his back, checking his friends if they are staring at me.

"Tayo!" matigas na utos niya.

Para akong tutang tumayo na lamang. Hindi ako nagpapasigaw o nagpapautos kahit kanino pero bakit sa kanya, ang amo-amo ko?

"Kung maglalaro ka, mag-short ka, halos makita iyang panty mo," pangaral niya.

"Sorry po, Sir. Si Athena kasi!" paninisi ko.

"Ikaw, Athena? May short ka?" baling niya kay Athena.

"Oo naman."

"Ikaw, Joy? Jerlyn?" tanong niya sa dalawa naming kaklase.

"Oo," sabay na sagot ng dalawa.

Iiling-iling na tumingin si Braden sa akin. Para siyang tatay kung umasta.

"Tama na ang laro! Dalaga ka na, Adrielle, dapat gumalaw ka na ng maayos," aniya.

I pursed my lips, trying not to smile. Baka mas lalong magalit si Lolo Braden kung tatawanan ko lang.

"Aden! Halika na," tawag ng kasama niya.

Tumango siya sa mga ito at saka hinarap akong muli.

"Punta ka na sa classroom," sabi niya sa malumanay na boses.

Agad akong tumango at isinuot ang tsinelas.

I secretly smiled. Bakit ang saya-saya ko sa ginawang iyon ni Braden? Dati ay ayaw na ayaw kong pinapakialaman ako pero ngayon, gustong-gusto kong magpapapansin sa kanya.

Savannah bitterly smiled at me when I asked her about crush. I mean, kung ano ang nararamdaman niya sa crush niya.

"Hindi ako sure, marami akong crush," sagot niya.

"Crush mo si Athan, hindi ba? Dapat alam mo iyon," ani Razyl.

I groaned. Hindi na ako attracted sa kanya. May iba na akong hinahangaan ngayon.

"Sa pagkakaalam ko, paghanga iyan sa isang tao. Iyong tipong, mabait siya sa iyo, caring at lagi kang pinapasaya, ayon yata. Bakit ba?" Si Athena.

I giggled when all of the significances were directly pointed to Braden.

Yeah, sa tingin ko, crush ko siya. Crush na crush ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status