Share

Sweet Obsession 48

TREASURE

Nakahalumbaba ako sa lamesa habang pinapakinggan ang sinasabi ni Ate Sandy sa kabilang linya.

Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cellphone at hinayaan ko lang na i-loudspeak ito para marinig ko lahat ng pinagsasabi ni Ate.

Kailangan ko na palang bumalik ng Punta del Sol dahil marami na raw pending na transaksiyon ang manggahan.

Anihan pa sa susunod na linggo kaya kailangan ko na talagang ipunin lahat ng nagkapira-piraso kong puso para kahit naman papaano ay makapagtrabaho ako.

"Ady? Nakikinig ka ba?" untag ni Ate sa kabilang linya.

Wala sa sarili akong nagsalita, "Ate, ano ang feeling no'ng nalaman mong buntis ka kay Scarlet?"

"Ano?" bulalas niya sa kabilang linya.

"Masaya ka ba? Natakot? Kinakabahan?" dagdag ko.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Ady? Ano'ng buntis-buntis? Ikaw ba'y..."

I heard her gasp. Ang OA ng reaksiyon, ah!

Natural na maaari akong mabuntis. Alam niya rin na parati kong kasama si Braden kaya alam kong hindi sila mag-iisip na nagrorosaryo lang kami sa loob ng bah
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status