Ceelin
Kabadong pumasok ako sa malaking bahay. Tinawagan kasi ako ng aking ama at pinapunta sa bahay nila. Pagkatapos nitong tumawag ay nagmamadali akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Base kasi sa tono ng aking ama ay nahuhulaan kong galit siya sa akin. At kapag galit siya sa akin ay palagi niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Hindi ko alam kung bakit mukhang galit siya sa akin. Wala naman akong natatandaan na may sinuway ako sa mga ipinag-uutos niya sa akin. Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko ang aking ama na nakaupo sa sala kasama ang aking ina at nakababatang kapatid na si Lucy. Madilim ang mukha ng aking ama habang mariing nakatikom ang bibig. "Bakit niyo ako pinapunta rito, Dad?" kinakabahan at nagtataka kong tanong sa aking ama nang nasa harapan na niya ako. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay galit na tumayo ang aking ama at malakas na dumapo sa aking pisngi ang mabigat nitong kamay. Natumba ako sa sahig at tumama ang noo ko sa gilid ng babasagin na center table. Agad na dumugo ang noo kong tumama sa center table. Ngunit wala man lang akong nakitang simpatya o awa mula sa mukha ng aking mga magulang kahit nakita nilang nasaktan ako. Nilamukos ko ang aking naninikip na dibdib. Dapat sanay na ako sa ganitong reaksiyon at pagtrato nila sa akin. Simula't sapol ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng isang magulang mula sa kanila. Hindi anak ang turing nila sa akin. Kaya dapat ay hindi na ako nasasaktan sa paulit-ulit na eksenang ganito. Subalit hindi ko pa rin maiwasan ang masaktan. "Bakit, Dad? Anong kasalanan ang nagawa ko?" nangingilid ang mga luha na tanong ko sa aking ama. "You still have the guts to ask me?!" galit na dinuro niya ako. "Hindi ba sinabi ko sa'yo na kumbinsihin mo ang asawa mong ibigay sa akin ang contract ng project na nagkakahalaga ng miyones? Bakit sa iba niya ibinigay?" "Gumaganti siya sa'yo, Dad. Palagi mo siyang sinasaktan kaya hindi ka niya tinulungan na makuha ang contract ng project na gusto mo," nakaismid na sabad ni Lucy. Kagaya ng mga magulang ko ay hindi rin maganda ng trato niya sa akin. She treated me like I was not her older sister. "Tama si Lucy, Delfin. Sinadya talaga ng magaling mong anak na huwag kang tulungan na makuha ang project para makaganti siya sa atin. Baka nga sinulsulan pa niya si Phil kaya sa iba ibinigay ang project na para sa'yo dapat," panunulsol naman ng aking ina. Pareho sila ni Lucy na magaling sa panunulsol sa aking ama. "Hindi totoo iyan, Dad. Kinausap ko si Phil na sa'yo na lamang ibigay ang project pero nagalit siya sa akin. Wala raw akong karapatan na manghimasok sa business niya," pagtatanggol ko sa aking sarili. "Sinungaling!" Isa pang malakas na sampal mula sa aking ama ang dumapo sa aking mukha. Dumugo ang gilid ng aking mga labi at biglang namanhid ang aking pisngi na sinampal nito. "Ginawa ko ang lahat para maging asawa mo si Phil nang sa ganoon ay matulungan mo ako na mapalapit sa mga Salvatore. But what did you do, Ceelin? Mas sinira mo ang relasyon ko sa pamilya nila!" Two years ago ay nagpakasal kami ni Phil sa huwes dahil sa isang nakakahiyang pangyayari. Nag-demand ang aking ama na panagutan ni Phil ang nangyari sa aming dalawa. Mataas ang pagpapahalaga ng ama ni Phil sa sa moral value kaya agad na inutusan nito ang anak na pakasalan ako. Walang nagawa si Phil kundi sundin ang kagustuhan ng kanyang ama. May sakit kasi sa puso ang ama nito. Bawal sa kanya ang masyadong magalit. At isa pa, matagal ng gusto ni Mr. Salvatore na mag-asawa si Phil. Gusto kasi nito na makita muna ang unang apo bago man lang ito mamatay. Ngunit kahit naging mag-asawa na kami ni Phil ay hindi pa rin natupad ang gusto ng ama nito. Hindi ako nabuntis. At hula ko ay wala talagang nangyari sa amin ni Phil nang gabing iyon. Namatay si Mr. Salvatore nang hindi natutupad ang kahilingan nitong makita ang unang apo na mula kay Phil. "Ginawa ko naman—" "Tawagan mo si Phil at kumbinsihin na sa akin ibigay ang kontrata," mariing puto nito sa sasabihin. "Kapag hindi mo siya nakumbinsi ay itatakwil kita bilang anak ko!" "Paano ko gagawin iyon, Dad? Ibinigay na niya sa iba ang kontrata." Kapag sinunod ko ang ipinapagawa sa akin ng ama ko ay mas lalo lamang magagalit sa akin si Phil. "Wala akong pakialam kung paano mo siya kukumbinsihin, Ceelin! Basta tawagan mo siya, ngayon din?" madilim ang mukha na singhal ng aking ama. Muli itong naupo sa sofa at naghintay na tawagan ko ang asawa ko. Napipilitang kinuha ko ang cell phone ko na nasa loob ng bag at nanginginig ang mga daliri na tinawagan ko si Phil. Pina-loudspeaker ng ama ko ang cell phone ko para marinig nito ang pag-uusap namin ni Phil. "What's the matter?" naiirita ang boses na tanong ni Phil nang sagutin niya ang tawag ko. "Ahm, P-Phil." Hindi ko alam kung paano ako makikiusap sa kanya na i-cancel ang kontrata sa kompanyang pinagbigyan nito sa project na gusto ng ama ko. "P-Puwedeng—" "Kung wala kang importanteng sasabihin ay huwag mo akong istorbuhin dahil busy ako." Mas lalong nairita ang boses ni Phil sa akin. "Ready na ang hot bath, Sir," narinig kong sabi ng malambing na boses ng babae mula sa background. Napapikit ako ng mariin. Tila tinusok ng libo-libong karayom ang dibdib ko. May kasamang ibang babae ang asawa ko. "Thanks, Shirley. I'll be there in a minute to help you undress—" narinig kong sagot naman ni Phil. Hindi ko na narinig ng buo ang sinabi ni Phil kay Shirley dahil ini-off na nito ang cell phone bago man matapos ang sinasabi nito. It was Shirley who was with him. Shirley was Phil's secretary. At hindi lingid sa akin na may gusto ang babaeng iyon sa asawa ko. Base sa kanilang pag-uusap ay hindi ko na kailangan pang manghula kung ano ang gagawin nila. Kahit sino ay maiintindihan kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa matapos nitong i-turn-off ang cell phone nito. "Useless, bitch!" singhal ng aking ama. Muli itong tumayo at sinipa ako bago umalis. "Bakit ba nagkaroon ako ng anak na kagaya mo, Ceelin? Wala kang kuwenta. You don't deserve to be my daughter," masama ang tingin na sabi naman sa akin ng aking ina bago ito nagmamadaling sumunod sa aking ama. Lumapit naman sa akin si Lucy at mariing hinila ang buhok ko pababa para iangat ang mukha ko. "Poor, Ceelin. No one wants you. Mom and Dad despised you so much. Your husband hates you. And now, he cheated on you with his secretary," nang-iinsulto na wika niya sa akin. "If I were you. I would rather kill myself that suffer humiliation like this." Tumatawang binitiwan ni Lucy ang buhok ko at naglakad palayo sa akin. Naiwan akong umiiyak at nagtatanong kung anong malaking kasalanan ang nagawa ko para pahirapan ako ng ganito ng sarili kong pamilya? Kailan ko ba mararanasan na mahalin din ako ng mga taong labis kong minamahal? Magiging masaya ba sila kapag nawala ako sa mundo?PhilPuting kisame ang agad kong namulatan nang magising ako. Nasa loob ako ng hospital. Bahagya akong napaungol nang maramdaman ko ang sakit sa bahagi ng likuran ko na malapit sa aking kanang braso."Salamat sa Diyos at gising ka na!" bulalas ni Larry nang makita nitong gising na ako. "Saan ang masakit sa'yo, Boss? Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain? Tubig? Nauuhaw ka ba?" natatarantang tanong nito sa akin."I'm okay," mahina ang boses na sagot ko. Bigla akong natigilan nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Bumangga pala ang kotse ko sa truck na nawalan yata ng preno. "Where is my wife? Anong nangyari sa kanya? Is she okay?" Nataranta ako nang maalala ko si Ceelin. She's with me when we had the accident.Akmang babangon ako sa hospital bed ngunit mabilis akong pinigilan ni Larry. "Hindi ka pa puwedeng bumangon, boss. Baka biglang bumukas ang tahi sa sugat mo.""I don't care! Where is my wife?" Wala akong pakialam kung makaramdam man ako ng sakit. Ang mahalaga sa aki
Ceelin "Saan tayo pupunta, Phil?" hindi napigilan kong tanong sa kanya. Paggising ko kanina ay nakita ko siyang nakaupo sa sala at hinihintay ako. Pagkatapos kong mag-almusal ng inihanda niyang french toast at gatas ay agad niya akong sinabihan na maligo at magbihis dahil aalis daw kami. "Just come with me," nakangiting sagot nito sa akin. Kahapon lamang ay galit na galit ito kay Lucban. Ngayon naman ay nakangiti ito na parang walang nangyaring gulo sa kompanya nito kahapon. Phil fired the two employees who insulted me yesterday. Si Lucban naman ay hindi ko alam kung ano na ang nagyari sa kanya matapos itong hilahin palabas ng kompanya ng mga bodyguard ni Phil. When I asked him, sabi lang niya sa akin na kahit kailan ay hindi na ako aabalahin pa ni Lucban. Baka ipinatapon nito sa malayong lugar ang lalaking iyon. Phil is capable of doing that. Nanahimik na lamang ako at hindi na muling nagtanong pa. Mukhang kahit ano ang gawin ko ay hindi niya sa akin sasabihin kung saan kami
CeelinNakakunot ang noo na naupo ako sa aking mesa. Pagpasok ko pa lang sa entrance ng building ay pinagtitinginan na ako ng mga empleyado at pagkatapos ay magbubulungan. Habang nakasakay ako sa elevator kasama ang iba pang empleyado ng kompanya ay nararamdaman ko pa rin na nagbubulungan sila sa likuran ko at tila ako ang pinag-uusapan nila. At kahit ang mga katrabaho ko ay ay tila may pinag-uusapan sila sa tungkol sa akin."What's wrong with them?" Hindi ako nakatiis kaya nilapitan ko si Yves at tinanong tungkol sa nangyayari sa paligid."No wonder bigla siyang na-promote pagka-cheif designer. Totoo pala talaga ang mga sinabi ni Jessa na tungkol sa kanya." Bago pa makasagot sa akin si Yves ay naunahan na ito ng pagsasalita ni Beth, isa mga katrabaho namin na dati ay mabait sa akin. Pakitang-tao lang pala ang pagiging mabait nito. "She stole Jessa's fiance from her. At hindi pa siya nakuntento dahil pina-kick out pa niya ito sa kompanya," sabi naman ng isa pang katrabaho namin si I
CeelinIsang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Lucban nang tangkain niya akong halikan. Itinulak ko siya palayo sa akin para makalabas ako sa banyo ngunit muli lamang niya akong idiniin sa dingding."Why are you playing hard to get, Ceelin? Natitiyak kong nakipag-sex ka na kay Mr. Salvatore kapalit ng promotion mo. Kaya bakit hindi mo ako pagbigyan? Makipag-sex ka rin sa akin kapalit ng paglilihim ko sa sekreto mo," malademonyo ang pagkakangisi ni Lucban sa akin. Hindi ko akalain na may itinatagong ka-demonyuhan pala siya sa katawan."Let go of me, you pervert!" Tinuhod ko siya sa pagitan ng kanyang mga hita ngunit alerto si Lucban kaya hindi ko siya napuruhan. Galit na sinampal niya ako. Sa lakas ang pagkaka-sampal niya sa akin ay biglang dumugo ang gilid ng aking mga labi. "You will regret this, Lucban!" sigaw ko sa kanya.Mariing hinawakan ni Lucban ng isang kamay nito ang aking mga pisngi. "Hindi ka na sana masasaktan kung hindi ka napi-playing hard to get."Muli niya
Ceelin Dinala ako ni Phil sa isang fine dining restaurant. Halos malula ako sa sobrang mahal ng mga pagkain samantalang ang ko-konti naman ng serving. Parang gusto kong sabihin kay Phil na sa bahay na lang kami kumain at ipagluluto ko na lang siya ng pagkain. Makakamura na kami at marami pa kaming makakain. Ngunit aminado ako na sobrang sarap ng kanilang pagkain. Habang kumakain kami ng dessert au biglang nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pumasok sa pintuan si Lucban kasama ang dalawang katrabaho namin. Nang makita kong naglakad sila papunta sa direksiyon namin ay mabilis akong nagtago sa ilalim ng mesa. "What are you doing, Ceelin?" nakakunot ang noo na tanong ni Phil habang nakasilip sa ilalim ng mesa. "Huwag kang sumilip sa akin. I will explain to you later," pakiusap ko sa kanya. Nagtataka man si Phil ay napilitan itong sundin ang nais ko. Mayamaya lamang ay narinig ko na ang boses ni Lucban na bumati kay Phil. "Dito rin pala kayo nag-dinner, Sir. Sino po ang ka
Ceelin"Where are you going?" matalim ang tingin na pigil ni Phil sa manager bago pa man ito makalapit sa kanya. "I'm just going to check kung ano iyon na nauntog sa ilalim ng mesa mo, Sir," alanganin ang ngiti na sagot ng manager."Did I tell you to check it?" Binigyan ni Phil ng nagbabantang tingin ang manager na agad namang nakaramdam ng takot at bumalik sa harapan ng mesa nito. "I have a cute kitten under my table. Masyadong malikot kaya nauntog sa gilid ng mesa. This kitten is fierce and naughty. Nangangalmot ito kapag nakakakita ng tao. If you're brave enough, then you can check under my table. Ngunit huwag mo akong sisihin kung bigla na lang kalmutin sa mukha," pananakot ni Phil sa manager.Malakas na pinalo ko ang binti ni Phil dahil sa pag-describe nito sa akin bilang kitten na fierce at naughty. Bahagyang umigtad ito at pagkatapos ay hinuli ng mga binti nito ang leeg ko. Hindi tuloy ako makagalaw dahil naipit ako sa gitna ng mga binti niya."No need, Sir. Lalabas na ako pa