Share

Chapter 2

Author: Daylan
last update Last Updated: 2025-07-24 17:50:37

Ceelin

Pagkagaling ko sa bahay ng mga magulang ko ay hindi agad ako umuwi sa bahay ng biyenan ko kung saan kami nakatira ni Phil. Nagtungo muna ako sa bay park para pagaanin ang mabigat kong dibdib. Ang bay park ay isang lugar na malapit sa dagat na ginawang pasyalan.

Sunday ngayon kaya maraming namamasyal na magkakaibigan, magkakasintahan, at pamilya. Lahat sila ay may masayang ngiti sa mga labi. Tanging ako lamang ang tao na nasa park na walang kasama at miserable ang pakiramdam.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inggit habang nakatingin ako sa isang pamilya na nagba-bonding. Kitang-kita ko sa mukha ng mga magulang ang pagmamahal nila sa kanilang dalawang anak. Pantay ang pagmamahal nila sa mga anak nila. Kung ano meron ang panganay ay meron din ang bunso.

Napakasuwerte naman ng dalawang anak ng pamilyang pinapanuod ko. Hindi katulad ko na lumaking naiinggit sa nakababata kong kapatid. Siya lang kasi ang mahal ng mga magulang ko na para bang siya lamang ang kanilang anak.

Noon, kapag binibilhan ng mga magulang ko ng bagong laruan at damit si Lucy ay nasa sulok lamang ako at lihim na naiinggit. Kahit isang laruan lamang na bago ang bilhin ng mga magulang ko para sa akin ay magiging masaya na ako. Ngunit lumaki na lamang ako at nagdalaga ay hindi ko naranasan na mabilhan ng bagong damit at laruan. Lahat ng mga isinusuot ko ay pinaglumaan ni Lucy. Lahat ng mga laruan ko ay mga lumang laruan ng kapatid ko na sadyang sinira muna nito bago itinapon.

Naging mabait, masunuring anak at kapatid ako para matuwa sa akin ang mga magulang ko at magawa nila akong mahalin. Ngunit kahit anong effort ang gawin ko ay hindi nila ito naa-appreciate. Para sa kanila lahat ng ginagawa ko ay mali. At kapag nagkakamali ako ay walang habas na sinasaktan nila ako.

Agad na pinahid ko ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi. Nang maalala ko ang mga in-laws ko ay bigla akong napatayo sa pagkakaupo sa bench. Naalala kong hindi pa pala ako nakakapagluto ng tanghalian para sa kanila. Tiyak gising na sila sa mga oras na ito at naghahanap na ng pagkain.

Nagmamadaling umuwi ako sa bahay at lihim na nagdasal na sana ay tulog pa ang aking mga in-laws. Ngunit pagdating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ng malakas na sampal ng aking mother-in-law.

Hindi pa nga nababawasan ang pamamaga ng mukha ko dahil sa dalawang malalakas na sampal na ibinigay sa akin ng ama ko ay heto na naman at nadagdagan pa. Hinila ng mahigpit ng aking mother-in-law ang buhok ko at kinaladkad ako patungong kusina.

"Nasaan ang iniluto mong pagkain para sa amin ni Paula?" nanlilisik ang mga matang tanong nito sa akin matapos akong isubsob sa mesa.

"I'm sorry, Mom. Umuwi kasi ako sa bahay dahil pinapunta ako ng Dad ko," nakangiwing paumanhin ko sa kanya.

"Really? For all I know, ayaw mo lang kaming ipagluto ng pagkain," nakaismid na wika naman ni Paula. Nakaupo ito sa harapan ng mesa at nakasimangot ang mukha. "Sabihin mo lang kung ayaw mo na kaming pagsilbihan, Ceelin. Hindi ka namin pipilitin."

Mabilis akong umiling kay Paula. "Hindi totoo iyan, Paula. Pamilya kayo ng asawa ko kaya obligado akong pagsilbihan kayo."

"It's good that you know that, bitch," matalim ang tingin na wika ni Paula.

"Natural lamang na pagsilbihan mo kami, Ceelin. Dahil kung hindi mo pinikot ang anak ko ay hindi sana ikaw ang asawa niya ngayon. Dahil sa'yo kaya halos ayaw ng umuwi sa bahay ni Phil. Ayaw niya kasing makita ang nakakasuka mong pagmumukha," puno ng paninisi ang boses na wika ng mother-in-law ko.

Sa loob kasi ng dalawang taon namin ni Phil bilang mag-asawa ay mabibilang lamang sa mga daliri ko sa isang kamay ang araw na umuwi si Phil sa bahay. Kapag umuuwi pa ito ay agad din umaalis at hindi rito natutulog. Dahil dito ay mas lalo akong kinamuhian ng mother-in-law ko.

Napatungo na lamang ako at umiyak. My mother-in-law and sister-in-law treated me badly. Hindi nalalayo ang pagtrato nila sa akin sa trato ng mga magulang ko. They also also despised me.

Iniisip nila na kagustuhan ko ang ginawa ng aking ama. Akala nila na kasabwat ko ang aking ama sa paggawa ng paraan para maging asawa ako ni Phil. Pera lang daw ng pamilya nila ang habol ko.

Sa una ay napilitan lang din naman ako na pakasalan si Phil dahil hindi ko magawang suwayin ang mga magulang ko. Ngunit guwapo si Phil. Kahit sinong babae ay magkakagusto sa kanya at nanaisin na maging asawa nito.

Naging mabuting asawa ako sa kanya kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin kapag umuuwi siya ng bahay. Umasa ako na balang-araw ay matatanggap niya ako at matututunang mahalin. Gusto ko lang naman maranasan na mahalin. Ngunit kahit ang pagmamahal ng isang asawa ay ipinagkait din sa akin ng malupit na tadhana.

"Oras na para palayain natin mula sa kanya si Phil, Mom," sabi ni Paula sa ina nito na ikinakunot ko ng noo.

"You're right, Paula," sang-ayon ng ina nito. Saglit itong umalis sa kusina at pagbalik ay may dala na itong papel. A divorce letter. "Pirmahan mo ang divorce paper na ito, Ceelin."

Mariin akong umiling. "No, Mom. Hindi ko pipirmahan iyan. Alam ba ito ni Phil?"

Natawa ng mahina si Paula nang marinig ang tanong ko. "Sa tingin mo ba pipigilan kang pumirma ni Phil kung nandito siya? Magpapasalamat pa siya sa amin dahil sa wakas ay mapapakasalan na niya ang babaeng tunay niyang mahal."

Muli akong napailing habang tumutulo ang aking mga luha. May ibang babaeng mahal si Phil? Kaya ba hindi niya ako matutunang mahalin dahil may iniibig siyang iba?

"Huwag mong sayangin ang oras namin, Ceelin. Pirmahan mo na ang divorce paper at lumayas ka na sa bahay na ito," pamimilit sa akin ng mother-in-law ko.

Ngunit dahil ayaw ko pa ring pumirma sa divorce paper ay dinampot ng mother-in-law ko ang babasaging mug na nasa ibabaw ng mesa. Sapilitang ipinatong niya sa ibabaw ng mesa ang kanang kamay ko at malakas na pinokpok ng mug. Napahiyaw ako sa labis na sakit. Pakiramdam ko ay saglit na huminto sa pagtibok ang puso ko.

"Kapag hindi ka pa pumirma ay ang kaliwang kamay mo naman ang dudurugin namin para tuluyan ka nang maging walang silbi," mariing banta ni Paula.

Lumapit sa akin si Paula at sapilitang ipinatong sa ibabaw ng mesa ang kaliwa kong kamay at pinokpok ito ng mother-in-law ko. Muli akong napasigaw sa sakit. Nais ko nang mahimatay para hindi ko na maramdaman ang sakit. Bakit ba sobrang napakalupit nila sa akin?

Nanginginig ang mga kamay na pumirma ako sa divorce paper. Kapag hindi pa ako pumirma ay baka putulin na nila ang mga kamay ko. Pagkatapos kong mapirmahan ang divorce paper ay kinaladkad nila ako palabas ng bahay at parang aso na itinapon sa labas ng gate.

Parang nakikisimpatya sa kalungkutan ko ang langit dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nanginginig ang katawan na bumangon ako sa lupa at naglakad sa kalsada nang hindi alam kung saan patutungo.

Sa kasagsagan ng malakas na ulan ay bigla na lamang sumalubong sa aking mga mata ang isang kotse. Mabilis ang takbo nito habang tinutumbok ang daan papunta sa akin. Bago pa ako makaiwas ay naramdaman ko na ang malakas na pagbangga ng katawan ko sa bumper ng kotse.

Sa lakas ng impact ay lumipad ang katawan ko at tumilapon sa gilid ng kalsada na puno ng putik. Sa nagdidilim kong paningin ay nakita ko ang plate number ng kotseng sadyang bumangga sa akin. At labis na nadurog ang puso ko nang makilala kong plate number ito ng aking asawa. Gusto akong patayin ni Phil.

MALAKAS akong napasinghap kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Nagtaka ako nang makitang nasa isang party ako sa halip na nakadapa sa gilid ng kalsada at nag-aagaw-buhay.

"Anong nangyari? Bakit bigla akong napunta sa lugar na ito?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo kaya bahagyang bumuway ang aking pagkakatayo. Ngunit bago pa ako bumagsak sa sahig ay may malakas na braso na pumulupot sa aking baywang.

"Be careful, lady," narinig kong kausap sa akin ng lalaking tumulong sa akin para huwag akong matumba sa sahig.

Pagmulat ko ng aking mga mata ay nagulat ako nang makita kong ang braso na nakapalibot sa baywang ko walang iba kundi ang braso ng asawa ko. Bago ko pa siya maitulak ay mabilis na niya akong binitiwan at naglakad palayo sa akin

Mas lalo lamang akong naguluhan sa mga nangyayari. Nananaginip ba ako?

"Happy twenty-fift birthday, Mr. Salvatore," narinig kong bati ng isang bisita na lumapit kay Phil.

Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig. Twenty-fift birthday ngayon ni Phil? Ibig sabihin ay hindi ako namatay sa halip ay nag-time travel ako sa araw ng birthday ng asawa ko? At ito rin ang araw na na-engaged kaming dalawa matapos kaming maabutan ng mga magulang namin na parehong walang saplot at magkatabing natutulog sa kama.

Oh my goodness! Naawa ba sa akin ang Diyos dahil sa kalupitang dinanas ko sa mundong ito kaya binigyan niya ako ng pangalawang buhay para mabago ko ang aking kapalaran? Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa aking natuklasan. God gave me a second life. At sa pagkakataong ito ay hinding-hindi ko na hahayaan na maulit pa ang nangyari sa akin sa una kong buhay. I don't want my life to be entangle with Phil again. Never again!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 72

    CeelinPagmulat ko ng mga mata ay nalaman kong nasa loob ako ng hospital. Napaiyak ako nang matuklasan kong nakaligtas ako. Hindi ako namatay kahit na tumalon ako mula sa third floor ng building."You're finally awake, Ceelin!" Lumarawan ang tuwa sa mukha ni Phil nang makitang nagkamalay na ako. Galing siya sa labas ng hospital room ko at may dalang mga prutas."Phil," maluha-luhang sambit ko sa pangalan nito. Agad na ipinatong ni Phil sa ibabaw ng maliit na mess ang dala nitong prutas at nagmamadaling lumapit sa akin. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "I survived, Phil. I survived," umiiyak na sabi ko sa kanya.Hindi ko talaga akalain na makakaligtas pa ako. Nang tumalon ako sa building ay hindi na ako umasa na mabubuhay pa ako. Ngunit naawa ang Diyos sa akin kaya niya hinayaan na makaligtas ako."Yes. You survived. At ipinapangako ko sa'yo na hindi mauulit ang nangyaring ito sa'yo. I will protect you well this time." Sobrang higpit ang pagkakayakap ni Phil sa akin. Para bang natat

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 71

    PhilParang dinaklot ang puso ko ng malaking kamay nang makita kong tumalon si Ceelin mula sa kinatatayuan nito pababa. Tinakbo ko siya at tinangkang saluhin ngunit hindi ako umabot. Bumagsak ang katawan nito sa mga halaman. Agad ko siyang inalis sa kinabagsakan niya at niyakap ng mahigpit."Ceelin! No! Please wake up!" Nanginginig ang buong katawan ko sa matinding takot. Sa unang pagkakataon ay ito ang unang beses na sobrang takot na takot ako. Natatakot ako na baka tuluyan siyang mawala sa akin.Tumingala ako kung saan tumalon si Ceelin. Nakita ko ang apat na katao na nakatingin sa ibaba at dalawa sa kanila ay pamilya ko. Nakaramdam ako ng galit sa kanila. I want to kill them right away. Mabilis na tumawag ng ambulance si Larry bago humarap sa mga bodyguard ko. "Hulihin niyo ang mga taong nasa itaas!" malakas ang boses na utos nito. Agad namang sumunod ang mga bodyguard ko at hinuli ang apat na taong nagtulak kay Ceelin na tumalon sa building. "Gusto lang namin siyang pumirma sa d

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 70

    CeelinNagising ako na nasa loob ng isang abandonadong building at nakaupo sa upuan habang nakatali ang aking mga kamay at paa sa upuan. Sa harapan ko ay naroon ang ina at kapatid ni Phil. Sila pala ang nagpadukot sa akin."Ano ang kailangan niyo sa akin? Bakit niyo ako ioinadukot? Hindi ba kayo natatakot na malaman ito ni Phil at magalit siya sa inyo?" mariing tanong ko sa kanila. Lumapit sa akin si Paula at hinawakan ang baba ko pagkatapos ay itinaas. "Kung hindi lamang matigas ang ulo mo ay hindi sana tayo aabot sa ganitong eksena, Ceelin. Sana ay sinunod mo na lamang ang gusto namin na makipag-divorce ka sa kapatid ko."Bahagya akong natawa sa sinabi nito. "Kahit pa pumayag ako na makipag-divorce sa kanya ay hindi naman siya papayag na makipag-divorce sa akin.""You're lying!" Sinampal ako ni Paula. Malakas ang pagkakasampal nito sa akin kaya biglang namanhid ang pisngi ko. "Hindi ako naniniwala na hindi makikipag-divorce sa'yo ang kuya ko, Ceelin. Hindi ang kuya ko ang mababaliw

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 69

    Ceelin"You're going home with me now, right?" tanong ni Phil habang magkayakap kaming nakahiga sa kama. Tapos na ang daluyong ng aming mga damdamin. "Yes. I will go home with you," nakangiting sagot ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo bago bumaba sa aking ilong at bibig. Akala ko ay dadampian lamang niya ako ng halik sa labi ngunit biglang lumalim ang halik nito. Muling nabuhay ang init sa katawan namin. Halos hindi niya ako pinatulog. Masakit tuloy ang buong katawan ko kinabukasan, lalo na ang bahagi ng private parts ko.Sumama ako sa kanya pauwi sa bahay kinabukasan. Pagpasok namin sa bahay ay bigla niya akong binuhat at dinala sa loob ng banyo."Gusto kong maligo," bulong niya sa tainga ko."Maligo ka kung gusto mo. What does it have to do with me?" nakakunot ang noo na sabi ko sa kanya. Akmang lalabas na ako sa banyo ngunit pinigilan niya ako. "I want us to take a bath together." Bago pa ako makapagprotesta ay binuhat na niya ako at dinala sa tapat ng sh

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 68

    CeelinKatatapos ko pa lamang maligo nang tumunog ang doorbell sa labas ng pintuan ng apartment ko. Maybe it was Yves outside the door. Nakasuot ng bathrobe na binuksan ko ang pintuan. Ngunit hindi ang kaibigan ko ang aking nakita kundi si Phil. He looks haggard and problematic but he is still handsome. "Ano ang ginagawa mo rito? Paano mo nalaman ang address ng apartment ko?" tanong ko sa kanya sa seryosong mukha. Ang totoo ay gusto ko siyang yakapin nang makita ko siya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong ipagkanulo ako ng sarili kong damdamin."Ceelin!" Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I miss you so much," sambit nito. Bakit naman niya ako mamimis? He went a business trip for a week and he didn't contact me even once. Tapos ngayon sasabihin niyang miss na miss niya ako? "Let go of me!" Tinangka ko siyang itulak palayo sa akin ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "Divorce na tayo kaya wala na tayong relasyon sa isa't isa. Wal

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 67

    CeelinNapakuyom ang aking kamao dahil sa selos na nararamdaman ko. Gusto kong lapitan si Phil at hilahin palayo sa babaeng katabi nito ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Ako lamang ang magmumukhang katawa-tawa kapag ginawa ko iyon lalo na hindi ako ang kampihan ni Phil.In my previous life, hindi ko nakita ang mukha ng babaeng kasama nito ngayon. Ang mga babaeng naugnay lamang kay Phil ay sina Jessa at ang secretary nitong Shirley ang pangalan. Pero siguro hindi na dapat ako magtaka kung bakit may ibang babae na nauugnay sa kanya ngayon dahil biglang nag-iba ang takbo ng buhay ko nang muli akong nabuhay. Natural lamang na mag-iba rin ang buhay ng mga taong nakapaligid sa akin at maging ang mga nakikilala nilang tao ay posibleng mag-iba rin."Nasasaktan ka ba, Ceelin? Nakita mo kasi na bagay sa kapatid ko ang babaeng kasama niya samantalang kahit anong gawin mo ay hindi kayo magiging bagay." Napatingin ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko na walang iba kundi si Paula. Imbitado rin pala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status