Share

Chapter 3

Author: Daylan
last update Last Updated: 2025-07-24 17:51:12

Ceelin

Para maiwasan na magtagumpay ang maitim na binabalak ng aking ama na eskandalo sa pagitan namin ni Phil ay nagmamadali akong tumakas sa venue. Nasa fifth floor sa malawak na event hall ng seven star hotel na iyon ang venue kaya sumakay ako ng elevator pababa. Ngunit pagbukas ng elevator ay tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng aking ama kasama ang ama ni Phil.

"Where are you going, Ceelin?" tanong sa akin ni Daddy na biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nahuhulaan yata nito ang binabalak kong paglabas ng hotel.

Kung dati ay kinakabahan agad ako sa takot kapag nakikita kong seryoso ang mukha ng Dad ko ngayon ay hindi na. Ang mabigyan ng pangalawang buhay ang siyang nagbigay sa akin ng tapang.

"Uuwi na ako, Dad. Biglang sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin na may halong pagbabanta.

"Is she your eldest daughter, Delfin?" nakangiting tanong ng ama ni Phil sa aking ama.

"Yes, Mr. Salvatore. Her name is Ceelin. Twenty years old," nakangiting pakilala sa akin ni Daddy sa lalaki. Nakatingin sa kanya si Mr. Salvatore kaya ang seryoso at matalim niyang tingin sa akin ay saglit na nawala.

"Huwag ka munang umalis, Ceelin. Kakaumpisa pa lamang ng party ni Phil. Tiyak marami kang makikilala na mga bagong kaibigan," pangungumbinsi sa akin ni Mr. Salvatore.

Tinapunan ko ng mabilis na tingin ang Dad ko. Naroon ulit ang pagbabanta sa matalim nitong tingin. Nababasa ko sa mga mata nito ang mensahe na kapag umalis ako sa party ay hindi ko magugustuhan ang gagawin niya sa akin.

"Okay, Mr. Salvatore. I will stay for your sake," nakangiti kong sagot sa mabait na ama ni Phil. Nais kong lihim na maiparating sa aking ama na kaya lamang ako mananatili sa party ay dahil sa kagustuhan ni Mr. Salvatore at hindi dahil natatakot ako sa kanya sa maaari niyang gawin sa akin mamaya. Tanging si Mr. Salvatore lamang ang naging mabait sa akin noong nabubuhay pa siya sa aking past life kaya hindi ko siya kayang tanggihan. Nakakapanghinayang nga lang na agad itong namatay dahil sa aksidente. Inatake raw ito sa puso habang nagmamaneho na naging dahilan kung bakit bumangga ang kotse nito sa kasalubong na malaking truck.

"That's great!" natutuwang sagot ni Mr. Salvatore. "Let's go. Sabay-sabay na tayong bumalik sa party."

Mr. Salvatore offered his arms to me. Wala akong naramdaman na may malisya ang pag-aalok niya ng bisig sa akin kaya nakangiting kumapit ako sa bisig nito pabalik sa party. Pakiramdam ko ay nakakapit ako sa bisig ng aking ama.

Pagpasok namin sa event hall ay agad na napatingin sa amin ang mga mata ng halos lahat ng mga guest sa party. Iba-iba ang reaksiyon sa kanilang mga mukha. May nagtataas ng kilay at may naku-curious kung ano ang relasyon ko kay Mr. Salvatore. Ngunit karamihan sa kanila ay may malisya ang tingin. Binigyan nila ng kulay ang pagkakakapit ko sa bisig ni Mr. Salvatore. Lihim na lamang akong nagkibit ng balikat. Wala akong pakialam anuman ang iniisip nila sa akin basta malinis ang konsensiya ko.

"Enjoy the party, Ceelin," nakangiting sabi sa akin ni Mr. Salvatore bago niya ako iniwan para lapitan ang asawa nitong masama rin ang tingin sa akin.

"Kapag nakita kong umalis ka ulit sa party ay makikita mo ang gagawin ko sa'yo, Ceelin," mariing banta sa akin ni Daddy.

Sa halip na sagutin siya ay tinalikuran ko lamang siya at nagtungo ako sa buffet table para kumuha ng pagkain. Alam kong nagalit siya sa pagtalikod ko sa kanya ngunit wala akong pakialam.

Since hindi ako makakaalis ngayon ay kakain na lamang ako dahil nagugutom na ako. Iiwasan ko na lamang ang uminom ng wine mula sa aking ama. Kung hindi ako nagkakamali ay nahilo ako at nakatulog matapos kong inumin ang wine na ibinigay sa akin ni Daddy noon.

"Seducing a married man in front of many people and his wife and children. You're really something, lady," narinig kong sabi ng boses ng isang lalaki habang kumukuha ako ng vegetable salad.

Lumingon ako para tingnan kung ako ba ang kinakausap ng lalaki sa likuran ko. Si Phil pala ang lalaking nagsalita. At nag-iisa lang pala ako na kumukuha ng pagkain kaya siguradong ako ang kinakausap niya.

"Excuse me? Do I know you?" Nagkunwari ako na hindi ko siya kilala. Kagaya ng ipinangako ko ay ayoko nang ma-entangle ulit ang buhay ko sa kanya.

"Really? You don't know me?" hindi naniniwalang tanong ni Phil sa akin. "I bet you're just pretending not to know me. I'm the son of the married man you tried to seduce earlier."

"Well, I'm sorry to say but I really don't know you. And what did I do to make you think that I seduced your father? Did you see me flirting with him?" mariing sagot ko sa kanya. Gusto ko siyang sampalin at sipain. Hindi ko nakakalimutan na siya ang pumatay sa akin. Ngunit magmumukha naman akong baliw kapag ginawa ko iyon kaya pinigilan ko na lamang ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.

Guwapo talaga ni Phil sa salitang guwapo. Ngunit wala ng appeal sa akin ang guwapuhan niya. Dahil alam ko na sa likod ng kaguwapuhan nito ay nagtatago ang isang mabangis at nakakatakot na demonyo.

"I don't believe you," salubong ang kilay na wika ni Phil. Kahit malapit na nga siya sa akin ay naglakad pa siya palapit hanggang sa halos magkadikit na ang aming mga katawan.

Hindi na ako nakatiis kaya malakas na itinulak ko siya sa dibdib palayo sa akin.

"Please, mind your manners, Mr. Salvatore. Maraming mga mata ang nakatingin sa akin. Ayokong isipin nila na pagkatapos kong akitin ang ama ay ang anak naman ngayon ang inaakit ko," nakakuyom ang kamao na turan ko.

Biglang umismid si Phil at dumilim ang mukha. "Lumabas din ang totoo. Nagkukunwari ka lamang na hindi mo ako kilala. Why? Just to catch my attention and curiosity? You're not worth it."

Hinabol ko ng matalim na tingin si Phil nang tumalikod siya sa akin at basta na lamang akong iniwan. Gusto kong makuha ang atensiyon at curiosity niya? Ako ba ang lumapit sa kanya at unang nakipag-usap? The nerve!

Nagpupuyos ang kalooban na kumuha ako ng wine sa waiter na dumaan at parang tubig na nilagok iyon. Hindi ako sanay uminom ng wine kaya bigla akong nasamid. Narinig ko ang tawanan ng ibang mga bisita ni Phil na nakatingin sa akin ngunit hindi ko na lamang sila pinansin.

Noon ay walang ganitong eksena na nangyari. Dumating ako sa venue nang nag-iisa at hindi kasama ang aking ama at si Mr. Salvatore. Wala rin conversation na namagitan sa amin ni Phil dahil ang unang beses na nagkita kami at nagkakilala ay sa loob ng silid kung saan kami nahuling magkatabing natutulog sa kama. Lihim akong natuwa dahil ibig sabihin ay unti-unti kong nababago ang mga nangyari noon.

"Hi, Older Sister. Are you enjoying the party?" nakangiting tanong sa akin ni Lucy nang lapitan niya ako. May dala siyang dalawang wine sa kanyang mga kamay.

"What do you want?" malamig ang boses na tanong ko sa kanya. Alam ko may masama siyang binabalak ngayon. Mula pagkabata ay palagi niya akong ipinapahiya sa maraming tao kaya dapat lamang na mag-ingat ako sa kanya.

"Oh, c'mon, Sister. I just want to have a drink with you. Masama ba iyon?" Iniabot niya sa akin ang isang wine na dala niya. "Let's cheer."

Hindi ako nilapitan ng aking ama para bigyan ng wine sa halip ay si Lucy ang lumapit sa akin. Baka ang wine na ibinibigay niya sa akin ang may pampatulog.

"Fine. Let's drink together," plastic ang ngiti na sagot ko sa kanya. Nakangising iniabot naman niya sa akin ang wine glass kaya nahuhulaan kong tama ang iniisip ko. Kinuha ko ang wine glass mula sa kamay niya at nagkunwari na iinumin ko na ito. Ngunit sa halip na totoong inumin ay biglang itinapon ko ang wine sa suot nitong damit. "Oops! I'm sorry, Lucy. I didn't mean it. Medyo nahihilo na kasi ako dahil nakainom na ako ng wine kanina kaya natapunan kita."

"You bitch! Alam ko na sinadya mo akong tapunan para mapahiya ako. Humanda ka sa akin mamaya pag-uwi natin sa bahay," galit na banta niya sa akin sa mahinang boses bago nakasimangot na umalis at iniwan ako.

Lihim akong napangiti dahil pinagtatawanan ito ng mga guests na nakakapansin na may ibang kulay ang suot nitong white sleeves less gown. Ayaw na ayaw pa naman ni Lucy na napapahiya kaya tiyak na umuusok ngayon ang ilong nito sa galit. For the first time ay nagawa ko siyang maipahiya sa harapan ng maraming tao. And it feels satisfying.

"Drinks, Ma'am?" nakangiting alok sa akin ng waiter na napadaan sa kinatatayuan ko.

"Yes, please," nakangiting sagot ko naman sa kanya. Iniabot niya sa akin ang wine at agad na umalis. Pagkaalis ng waiter ay agad akong sumimsim ng wine. This wine is an award for beating my sister for the first time in my life.

Ilang segundo lamang matapos kong uminom ng wine na bigay ng waiter ay biglang umikot ang aking paningin at namigat ang talukap ng aking mga mata. Pagkatapos ay nagdilim na ang aking paningin at hindi ko na namalayan pa kung ano ang nangyari.

Bigla akong namutla nang magising ako at natuklasang nasa ibabaw ako ng kama at katabi si Phil. Maliban sa underwear ay wala na akong ibang suot na damit habang si Phil naman ay n*******d ng pang-itaas na damit nito. Hindi ko alam kung may suot ba siyang pang-ibabang damit o underwear. Natatakpan kasi ng kumot ang kalahati ng aming mga katawan.

Why did I still end up in the same situation as before? Hindi ko ba talaga matatakasan ang mapait kong kapalaran? Mauulit pa rin ba ang nangyari sa akin noon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 8

    CeelinPagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong nasa sala sila Mommy at Lucy. Agad na lumapad ang ngiti ng huli nang makita ako."You didn't come home last night, Ceelin. Mukhang nag-enjoy ka masyado kagabi," nakangising kausap niya sa akin. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Nilapitan ko siya at walang salitang binigyan ng malakas na sampal."Are you crazy, Ceelin?!" Galit na napatayo si Lucy at tinapunan ako ng matalim na tingin."How dare you slap my daughter!" galit na sita naman sa akin ni Mommy. She speaks like Lucy was just her daughter while I'm not. "Ano ang ginawa niya para sampalin mo siya?" "What's going on here?" tanong naman ni Daddy na lumabas galing sa study room. Narinig siguro nito ang malakas na boses ng dalawa kaya ito lumabas.Nagpapaawang lumapit si Lucy kay Daddy. "Dad, Ceelin slapped me. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya," sumbong nito.Galit na hinarap ako ni Daddy at sinampal. "Ungrateful, woman! Pinakain at pinatira ka sa bahay

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 7

    CeelinAng kaibigan ko lamang ang inaasahan kong magliligtas sa akin. Lihim akong nananalangin na sana ay bumalik na siya mula sa comfort room. Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig kong bumukas ang pintuan. Ngunit sa halip na si Yvee ang pumasok ay ang madilim na mukha ni Phil ang aking nakita. Agad na sinipa nito ang lalaking nakadagan sa akin at galit na galit na inundyan ito ng walang humpay na suntok. Kung hindi lamang nawalan ng malay ang lalaki ay hindi pa hihinto sa Phil sa pagsuntok sa kanya.Tahimik akong umiyak at sumandal sa upuan habang naka-ekis sa dibdib ko ang aking mga braso. Nilapitan ako ni Phil at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napaiyak dahil sa seguridad na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga bisig."It's okay. I'm here. You're safe now," narinig kong bulong niya sa likuran ng tainga ko bago ako nawalan ng malay.Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng isang silid. Akmang babangon na ako nang bumukas ang pintuan ng silid at

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 6

    Ceelin"Take a little sip, Ceelin. For the first time ay sumama ka sa akin na mag-bar kaya sulitin mo na. Baka sa susunod ay hindi ka na makapunta pa rito," pamimilit sa akin ng nag-iisa kong kaibigan na si Yves. Tinawagan niya ako kanina at niyayang mag-bar. Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya dahil noon palagi akong tumatanggi sa kanya. Natatakot kasi ako na mapagalitan ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nag-hangout ako with my friend."Okay, fine. Pero konti lang. Hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya hindi ko alam kung gaano kalakas ang tolerance ko sa alak." Gusto ko rin naman makatikim ng alak. Uminom ng alak at kung ano ang pakiramdam ng malasing. Gusto kong maranasan ang maging isang normal na tao kagaya ng iba. Dinampot ko ang baso ng wine at nilagok lahat. "Wait, Ceelin," pigil sa akin ni Yves. Ngunit huli na dahil inisang lagoo ko lang ang wine. Inihit ako ng ubo nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko."What the heck

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 5

    CeelinMagaan ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng Diamond Hotel, ang seven-star hotel na pag-aari ng mga Salvatore. Masaya ako sa kinalabasan ng evil plan ng ama ko. Kahit batid ko na pag-uwi ko sa bahay ay sasalubungin ako ng matinding galit ng pamilya ko ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. My father's plan didn't succeed. "Ceelin! Sandali lang!"Nasa labas na ako nang hotel na g marinig ko ang boses na iyon na tumawag sa akin. Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na lumingon ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Phil na palabas ng hotel."Bakit?" seryoso ang mukha na tanong ko kay Phil nang makalapit siya sa akin. "I'm sorry about what I did earlier. I thought you were like other women—""Hindi lahat ng babae ay gusto kang maging asawa, Mr. Salvatore," sagot ko sa kanya. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya pinutol ko ang kanyang mga salita. "At huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa'yo."Isinuklay n

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 4

    CeelinHindi ko matanggap na mauulit pa rin sa pangalawa kong buhay ang nangyari sa akin in my past life. Agad akong bumangon sa kama para isuot ang mga damit kong nasa ibaba ng kama. Kailangan kong makalabas sa silid na ito bago pa man dumating ang mga magulang namin ni Phil at pilitin kaming ipakasal sa isa't isa.Tapos na akong magbihis at inaayos ko na lamang ang nagusot kong buhok nang bigla namang nagising si Phil. Agad na lumarawan ang galit sa mukha nito nang makita ako at ang sarili nito. Nilapitan niya ako at sinakal."You shameless, woman! You drugged me and brought me into this room! You did this so I could marry you, right?" Nag-iigting ang mga ugat sa leeg ni Phil sa matinding galit. "Huwag mong isipin na pakakasalan kita porke't may nangyari sa ating dalawa. I will never marry a woman like you!"Pinilit kong alisin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko. Ngunit parang bakal ang mga kamay nito at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang alisin. Nahihirapan na ak

  • REBORN TO BE LOVE   Chapter 3

    CeelinPara maiwasan na magtagumpay ang maitim na binabalak ng aking ama na eskandalo sa pagitan namin ni Phil ay nagmamadali akong tumakas sa venue. Nasa fifth floor sa malawak na event hall ng seven star hotel na iyon ang venue kaya sumakay ako ng elevator pababa. Ngunit pagbukas ng elevator ay tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng aking ama kasama ang ama ni Phil."Where are you going, Ceelin?" tanong sa akin ni Daddy na biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nahuhulaan yata nito ang binabalak kong paglabas ng hotel.Kung dati ay kinakabahan agad ako sa takot kapag nakikita kong seryoso ang mukha ng Dad ko ngayon ay hindi na. Ang mabigyan ng pangalawang buhay ang siyang nagbigay sa akin ng tapang."Uuwi na ako, Dad. Biglang sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin na may halong pagbabanta."Is she your eldest daughter, Delfin?" nakangiting tanong ng ama ni Phil sa aking ama."Yes, Mr. Salvatore. Her name is Ceelin. Twenty years

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status