Ceelin
Magaan ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng Diamond Hotel, ang seven-star hotel na pag-aari ng mga Salvatore. Masaya ako sa kinalabasan ng evil plan ng ama ko. Kahit batid ko na pag-uwi ko sa bahay ay sasalubungin ako ng matinding galit ng pamilya ko ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. My father's plan didn't succeed. "Ceelin! Sandali lang!" Nasa labas na ako nang hotel na g marinig ko ang boses na iyon na tumawag sa akin. Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na lumingon ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Phil na palabas ng hotel. "Bakit?" seryoso ang mukha na tanong ko kay Phil nang makalapit siya sa akin. "I'm sorry about what I did earlier. I thought you were like other women—" "Hindi lahat ng babae ay gusto kang maging asawa, Mr. Salvatore," sagot ko sa kanya. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya pinutol ko ang kanyang mga salita. "At huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa'yo." Isinuklay ni Phil ang mga daliri nito sa buhok na tila ba nahihiya. "Look. I'm really sorry." Nagulat ako nang biglang lumapit siya sa akin at hinawakan ang leeg ko. "Don't touch me!" Galit na napaatras ako palayo sa kanya. "I hurt you. Namumula ang keeg mo. Come with me. Lalagyan ko ng ointment ang leeg mo," seryoso ang mukha na sabi niya sa akin. Nainsulto yata siya sa pag-iwas ko na hawakan niya. "Thanks, but no thanks. I can do it by myself," mabilis kong tanggi. Namula ang leeg ko dahil sa mahigpit na pagkakasakal niya sa leeg ko kanina. "I will take no for an answer." Walang paalam na bigla na lamang akong binuhat ni Phil na parang sako ng bigas. "Put me down!" galit na utos ko sa kanya habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Pinagbabayo ko siya sa likuran ngunit parang hindi naman siya apektado sa ginagawa ko. "Stop struggling," sabi nito matapos tampalin ng palad nito ang puwit ko. Lalo akong nakaramdam ng inis sa ginawa niya. "Think this as my compensation for unintentionally hurting you." Dinala ako ni Phil sa loob ng kotse nito. May kinuha itong ointment sa loob ng maliit na medicine kit at binuksan. Akmang ipapahid na nito sa leeg ko ang ointment ngunit mabilis akong umiwas sa kamay niya. "I said I can do it by myself," giit ko. Akmang aagawin ko sa kanya ang ointment ngunit agarang inilayo niya ito sa akin. "Just stay still. Mabilis lang ito. Kung hindi ka gagalaw ay natapos na sana tayo," mariin ang boses na sabi nito. "Or baka naman sinasadya mong patagalin para mas makasama pa ako?" dugtong nito sa tonong nanunukso. Hindi ko naiwasan ang mapatitig sa mukha ni Phil. Kahit minsan ay hindi kami nag-usap ng matagal sa aking past life. Hindi ko naranasan ang tratuhin niya ng ganito. Kung tumutol lang sana ako noon na ma-engaged sa kanya ay baka hindi naging masama ng tingin niya sa akin. Lihim akong huminga ng malalim. What's the use of regretting it now? Nakalipas na iyon. "Hindi ka ba nag-aalala na baka may nakakita sa atin kanina nang buhatin mo ako? Paano kung makarating iyon sa mga magulang ko at mag-isip na naman sila ng paraan para maging asawa mo ako?" tanong ko sa kanya sa halip na patulan ang panunukso nito. Bahagyang natawa si Phil sa tanong ko na para bang nakakatawa iyon. "Let me tell you, Ceelin. No one can force me to marry a woman I don't love." Kung sana ay ganyan ka ka-determinado noon ay hindi ko sana naranasan ang ma-tortured ng ina at kapatid mo. Hindi sana ma-tortured ang puso ko, gusto ko sanang sabihin ang mga salitang ito kay Phil ngunit sinarili ko na lamang. Hindi na ako pumalag nang pahiran niya ng ointment ang namumula kong balat sa leeg. Pagkatapos niyang pahiran ng ointment ang leeg ko ay inihatid niya ako sa bahay. Oras naman para harapin ko ang galit ng mga magulang ko. Pagpasok ko sa pintuan ay agad akong sinalubong ng malakas na sampal ng aking ama. "You still have the guts to come home after what you did!" galit na singhal sa akin ni Daddy. "You ruined my plan, Ceelin!" Sinapo ko ng palad ang nasaktan kong pisngi. Nakita kong nakangiti si Lucy na halatadong masaya sa pananakit at panenermon sa akin ni Daddy. She's really an evil sister. "Huwag mo akong sisihin kung bakit nasira ang plano mo, Dad. Ayokong maging asawa ni Phil. Kung gusto mong maging in-laws ang mga Salvatore ay si Lucy ang ipakasal mo sa kanya," mariin ang boses na sagot ko. Dati kapag pinapagalitan ako ni Daddy at sinasampal ay umiiyak na lamang ako sa takot. Hindi ko kayang sumagot-sagot sa kanya. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko. "Where did you get the courage to talk back at me, Ceelin?!" nanlilisik ang mga mata sa galit na wika ni Daddy. "Dahil pagod na akong hayaan kang saktan ako, Dad. Pagod na akong pumayag na manipulahin mo ang buhay ko," matapang na sagot ko sa kanya. Kahit katiting na pagmamahal para sa kanila na pamilya ko ay wala na akong nararamdaman. Galit na lamang ang natitira sa aking dibdib para sa kanila. "Why did you seem different today, Ceelin? Hindi ka naman dating ganyan?" nagtatakang tanong sa akin ni Mommy. "Dahil pagod na akong sumunod sa inyo, Mom. Hayaan niyo na lang ako kung ano ang gusto ko." Galit na nilapitan ako ni Mommy at sinampal. "Wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sa amin ay patay ka na ngayon! Pinakain at binihisan ka namin tapos ito ang isusukli mo sa amin?" "What an ungrateful daughter!" wika naman ni Daddy na puno ng pagsisisi ang boses. "Tama ka, Mom. Pinakain at binihisan niyo ako. Ngunit baka nakakalimutan niyo na mula pagkabata ay madalas tira-tirang pagkain ni Lucy ang kinakain ko. Mga pinaglumaang damit niya ang isinuot ko at mga sira-sirang laruan niya ang pinaglaruan ko. Kung hindi lamang namatay si Lolo at nag-iwan ng pera na nakapangalan sa akin ay hindi ako makakabili ng bagong damit at sapot at hindi ako makakakain ng pagkain na hindi tira-tira ni Lucy! Minsan iniisip ko na hindi niyo ako tunay na anak dahil hindi ko naramdaman sa inyo ang pagmamahal ng isang magulang," mapait ang boses na sumbat ko sa kanila. Biglang natahimik ang mga magulang ko. Hindi ko alam kung tinamaan ba sila sa sinabi ko kaya nanahimik sila. Lumapit naman sa akin si Lucy at hinila ng mahigpit ang buhok ko. "Wala kang karapatan na sumbatan ang mga magulang ko, Ceelin. Magpasalamat ka na lang na binuhay ka nila." Hinawakan ko sa may pulsuhan ang kamay ni Lucy na humihila sa buhok ko. Idiniin ko ang kuko ko sa balat niya para mabitiwan niya ang buhok ko kapag nakaramdam siya ng sakit. Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak niya sa buhok ko kaya sinamantala ko iyon at malakas siyang itinulak. Napasigaw si Lucy nang matumba ito sa sahig. "Hindi na ako papayag na palagi mong saktan, Lucy. Kayong lahat. Magmula ngayon ay ipagtatanggol ko ang aking sarili laban sa inyo. Kapag sinaktan niyo pa ulit ako ay sinisigurado ko sa inyo na hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko," banta ko sa kanila bago ako naglakad paakyat sa hagdan. "Ungrateful daughter!" galit na sigaw sa akin ni Daddy. Ngunit hindi ko siya pinansin. "Bakit ba ako nagkaroon ako ng anak na katulad mo! Sana ay pinatay na lang kita noong bata ka pa!" sigaw naman ng Mom ko. Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan at mariing pumikit. Huminga ako ng malalim bago muli g humarap sa kanila. "Kung nagsisisi kayo na naging anak niyo ako ay mas pinagsisisihan ko na kayo pa ang naging magulang ko. Sana nga ay pinatay niyo na lang ako noong bata pa ako nang hindi ko na naranasan ang pagmalupitan ng sarili kong pamilya," malamig ang boses na sabi ko sa kanila bago ko ipinagpatuloy ang pag-akyat ng hagdan. Hindi ko na lamang pinansin ang masasakit na salita na ibinabato nila sa akin. Pagkapasok ko sa silid ko ay napatalon ako sa tuwa. Sa halip na malungkot ako dahil sa hindi magandang pagtrato sa akin ng mga magulang ko ay saya ang naramdaman ko. Dahil sa unang pagkakataon ay nailabas ko ang hinanakit ko sa kanila na naipon sa loob ng dibdib ko ng matagal na panahon. Nahiling ko na sana ay tuluyan kong mabago ang aking tadhana. At sana sa pangalawang buhay kong ito ay mahanap ko ang tamang lalaki na magbibigay ng pagmamahal na hindi ibinigay sa akin ni Phil sa una kong buhay.CeelinPagpasok ko sa loob ng bahay ay nakita kong nasa sala sila Mommy at Lucy. Agad na lumapad ang ngiti ng huli nang makita ako."You didn't come home last night, Ceelin. Mukhang nag-enjoy ka masyado kagabi," nakangising kausap niya sa akin. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking mga kamao. Nilapitan ko siya at walang salitang binigyan ng malakas na sampal."Are you crazy, Ceelin?!" Galit na napatayo si Lucy at tinapunan ako ng matalim na tingin."How dare you slap my daughter!" galit na sita naman sa akin ni Mommy. She speaks like Lucy was just her daughter while I'm not. "Ano ang ginawa niya para sampalin mo siya?" "What's going on here?" tanong naman ni Daddy na lumabas galing sa study room. Narinig siguro nito ang malakas na boses ng dalawa kaya ito lumabas.Nagpapaawang lumapit si Lucy kay Daddy. "Dad, Ceelin slapped me. Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa kanya," sumbong nito.Galit na hinarap ako ni Daddy at sinampal. "Ungrateful, woman! Pinakain at pinatira ka sa bahay
CeelinAng kaibigan ko lamang ang inaasahan kong magliligtas sa akin. Lihim akong nananalangin na sana ay bumalik na siya mula sa comfort room. Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig kong bumukas ang pintuan. Ngunit sa halip na si Yvee ang pumasok ay ang madilim na mukha ni Phil ang aking nakita. Agad na sinipa nito ang lalaking nakadagan sa akin at galit na galit na inundyan ito ng walang humpay na suntok. Kung hindi lamang nawalan ng malay ang lalaki ay hindi pa hihinto sa Phil sa pagsuntok sa kanya.Tahimik akong umiyak at sumandal sa upuan habang naka-ekis sa dibdib ko ang aking mga braso. Nilapitan ako ni Phil at niyakap ng mahigpit. Mas lalo akong napaiyak dahil sa seguridad na naramdaman ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga bisig."It's okay. I'm here. You're safe now," narinig kong bulong niya sa likuran ng tainga ko bago ako nawalan ng malay.Nang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng isang silid. Akmang babangon na ako nang bumukas ang pintuan ng silid at
Ceelin"Take a little sip, Ceelin. For the first time ay sumama ka sa akin na mag-bar kaya sulitin mo na. Baka sa susunod ay hindi ka na makapunta pa rito," pamimilit sa akin ng nag-iisa kong kaibigan na si Yves. Tinawagan niya ako kanina at niyayang mag-bar. Pinaunlakan ko ang imbitasyon niya dahil noon palagi akong tumatanggi sa kanya. Natatakot kasi ako na mapagalitan ng mga magulang ko kapag nalaman nilang nag-hangout ako with my friend."Okay, fine. Pero konti lang. Hindi pa ako nakakatikim ng alak kaya hindi ko alam kung gaano kalakas ang tolerance ko sa alak." Gusto ko rin naman makatikim ng alak. Uminom ng alak at kung ano ang pakiramdam ng malasing. Gusto kong maranasan ang maging isang normal na tao kagaya ng iba. Dinampot ko ang baso ng wine at nilagok lahat. "Wait, Ceelin," pigil sa akin ni Yves. Ngunit huli na dahil inisang lagoo ko lang ang wine. Inihit ako ng ubo nang maramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy mula sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko."What the heck
CeelinMagaan ang dibdib ko habang naglalakad ako palabas ng Diamond Hotel, ang seven-star hotel na pag-aari ng mga Salvatore. Masaya ako sa kinalabasan ng evil plan ng ama ko. Kahit batid ko na pag-uwi ko sa bahay ay sasalubungin ako ng matinding galit ng pamilya ko ay hindi pa rin iyon nakabawas sa kaligayahang nararamdaman ko. My father's plan didn't succeed. "Ceelin! Sandali lang!"Nasa labas na ako nang hotel na g marinig ko ang boses na iyon na tumawag sa akin. Huminto ako sa paglalakad at nakakunot ang noo na lumingon ako. Tumaas ang kilay ko nang makita ko si Phil na palabas ng hotel."Bakit?" seryoso ang mukha na tanong ko kay Phil nang makalapit siya sa akin. "I'm sorry about what I did earlier. I thought you were like other women—""Hindi lahat ng babae ay gusto kang maging asawa, Mr. Salvatore," sagot ko sa kanya. Ayokong marinig ang iba pa niyang sasabihin kaya pinutol ko ang kanyang mga salita. "At huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa'yo."Isinuklay n
CeelinHindi ko matanggap na mauulit pa rin sa pangalawa kong buhay ang nangyari sa akin in my past life. Agad akong bumangon sa kama para isuot ang mga damit kong nasa ibaba ng kama. Kailangan kong makalabas sa silid na ito bago pa man dumating ang mga magulang namin ni Phil at pilitin kaming ipakasal sa isa't isa.Tapos na akong magbihis at inaayos ko na lamang ang nagusot kong buhok nang bigla namang nagising si Phil. Agad na lumarawan ang galit sa mukha nito nang makita ako at ang sarili nito. Nilapitan niya ako at sinakal."You shameless, woman! You drugged me and brought me into this room! You did this so I could marry you, right?" Nag-iigting ang mga ugat sa leeg ni Phil sa matinding galit. "Huwag mong isipin na pakakasalan kita porke't may nangyari sa ating dalawa. I will never marry a woman like you!"Pinilit kong alisin ang mga kamay nitong nakasakal sa leeg ko. Ngunit parang bakal ang mga kamay nito at kahit anong gawin ko ay hindi ko ito magawang alisin. Nahihirapan na ak
CeelinPara maiwasan na magtagumpay ang maitim na binabalak ng aking ama na eskandalo sa pagitan namin ni Phil ay nagmamadali akong tumakas sa venue. Nasa fifth floor sa malawak na event hall ng seven star hotel na iyon ang venue kaya sumakay ako ng elevator pababa. Ngunit pagbukas ng elevator ay tumambad sa paningin ko ang nakangiting mukha ng aking ama kasama ang ama ni Phil."Where are you going, Ceelin?" tanong sa akin ni Daddy na biglang sumeryoso ang mukha nang makita ako. Nahuhulaan yata nito ang binabalak kong paglabas ng hotel.Kung dati ay kinakabahan agad ako sa takot kapag nakikita kong seryoso ang mukha ng Dad ko ngayon ay hindi na. Ang mabigyan ng pangalawang buhay ang siyang nagbigay sa akin ng tapang."Uuwi na ako, Dad. Biglang sumakit ang ulo ko," pagdadahilan ko sa kanya. Tumalim ang tingin niya sa akin na may halong pagbabanta."Is she your eldest daughter, Delfin?" nakangiting tanong ng ama ni Phil sa aking ama."Yes, Mr. Salvatore. Her name is Ceelin. Twenty years